< Deuteronomio 26 >

1 At mangyayari, pagka nakapasok ka sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios na pinakamana, at iyong inaari, at iyong tinatahanan;
“After you occupy the land that Yahweh our God is giving to you, and you (have settled/are living) there,
2 Na iyong kukunin ang mga una sa lahat ng bunga ng lupain, na iyong mga pipitasin sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios: at iyong isisilid sa isang buslo, at ikaw ay paroroon sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, na patatahanan sa kaniyang pangalan:
[each of] you must take some of the first crops that you harvest, put them in a basket, and take them to the place that Yahweh will have chosen for you to worship [MTY] there.
3 At paroroon ka sa saserdote sa mga araw na yaon, at sasabihin mo sa kaniya, Aking ipinahahayag sa araw na ito sa Panginoon mong Dios, na ako'y nasok sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa aming mga magulang, upang ibigay sa amin.
Go to the Supreme Priest who is serving at that time and say to him, ‘[By giving you this first part of my harvest] today, I am declaring to Yahweh our God that I have [picked it in] the land that he vowed to our ancestors to give to us.’
4 At kukunin ng saserdote ang buslo sa iyong kamay at ilalagay sa harap ng dambana ng Panginoon mong Dios.
Then the priest must take the basket of food from your hand and put it on the altar where sacrifices are offered to Yahweh our God.
5 At ikaw ay sasagot, at magsasabi sa harap ng Panginoon mong Dios, Isang taga Siria na kamunti nang mamatay ang aking ama; siyang bumaba sa Egipto, at nakipamayan doon, na kaunti sa bilang; at doo'y naging isang bansang malaki, makapangyarihan, at makapal:
Then in Yahweh’s presence you must say this: ‘My ancestor [Jacob] was a man from Aram/Syria who was continually wandering [from one place to another]. He took his family to Egypt. They were a small group [when they went there], but they lived there and their descendants became a very large/populous [DOU] and powerful nation.
6 At kami ay tinampalasan ng mga taga Egipto, at pinighati kami at inatangan kami ng isang mabigat na pagkaalipin:
Then the people of Egypt treated them very harshly [DOU], and they forced them to become their slaves and to work very hard.
7 At kami ay dumaing sa Panginoon, sa Dios ng aming mga magulang at dininig ng Panginoon ang aming tinig, at nakita ang aming kadalamhatian, at ang aming gawa, at ang aming kapighatian;
Then our ancestors cried out to you, Yahweh our God, and you heard them. You saw that they were suffering, and that they were forced to work very hard, and were being oppressed.
8 At inilabas kami ng Panginoon sa Egipto ng kamay na makapangyarihan, at ng unat na bisig, at ng malaking kakilabutan, at ng mga tanda, at ng mga kababalaghan:
Then by your great power [MTY] and by performing many kinds of miracles [DOU], and other terrifying things, you brought them out of Egypt.
9 At kaniyang dinala kami sa lupaing ito, at ibinigay sa amin ang lupaing binubukalan ng gatas at pulot.
You brought us to this land and gave it to us, a land that is very fertile [IDM].
10 At ngayon, narito, aking dala ang mga una sa bunga ng lupa, na ibinigay mo sa akin, Oh Panginoon. At iyong ilalapag sa harap ng Panginoon mong Dios, at sasamba ka sa harap ng Panginoon mong Dios:
So now, Yahweh, I have brought to you the first part of the harvest from the land that I received.’ Then you must set the basket down in Yahweh’s presence and worship him there.
11 At magagalak ka sa lahat ng magaling na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, at sa iyong sangbahayan, ikaw, at ang Levita, at ang taga ibang lupa na nasa gitna mo.
And you must celebrate [by eating a meal together to thank] Yahweh our God for all the good things that he has given to you and to your family. And you must invite the descendants of Levi and the foreigners who are living among you to also rejoice [and eat] with you.
12 Pagkatapos mo ng pagbibigay ng buong ikasangpung bahagi ng iyong pakinabang sa ikatlong taon, na siyang taon ng pagbibigay ng ikasangpung bahagi, ay magbibigay ka nga rin sa Levita, sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao, upang sila'y makakain sa loob ng iyong mga pintuang-daan, at mabusog;
Every third year, you must bring to the descendants of Levi and to the foreigners [who are living among you] and the orphans and the widows (a tithe/10 percent) of your crops, in order that in every town they will have plenty to eat.
13 At iyong sasabihin sa harap ng Panginoon mong Dios, Aking inalis ang mga pinapaging banal na bagay sa aking bahay, at akin ding ibinigay sa Levita, at sa taga ibang lupa, sa ulila at sa babaing bao, ayon sa iyong madlang utos na iyong iniutos sa akin: hindi ko sinalangsang ang anoman sa iyong mga utos, ni kinalimutan ko:
Then you must say to Yahweh, ‘I have brought to you, from my house, all of the sacred tithe [from my harvest this year]. I am giving it to the descendants of Levi, to the foreigners, the orphans, and the widows, as you commanded us to do. I have not disobeyed any of your commands [about the tithes], and I have not forgotten any of your commands [about tithes].
14 Hindi ko kinain sa aking pagluluksa, ni inilabas ko nang ako'y marumi, ni ibinigay ko upang gamitin sa patay: aking dininig ang tinig ng Panginoon kong Dios; aking ginawa ayon sa buong iniutos mo sa akin.
[I declare that] I have not eaten any food from the tithe while I was mourning [for someone who died]. And I have not touched any of it while I was unacceptable to you; I have not offered any of it to [spirits of] dead people. Yahweh, I have obeyed you and done everything that you have commanded us [concerning the tithe].
15 Tumungo ka mula sa iyong banal na tahanan, mula sa langit, at pagpalain mo ang iyong bayang Israel, at ang lupa na iyong ibinigay sa amin, gaya ng iyong isinumpa sa aming mga magulang, na isang lupang binubukalan ng gatas at pulot.
So [please] look down from your holy place in heaven, and bless us, your Israeli people. Also bless this very fertile [IDM] land which you have given to us, which is what you promised our ancestors that you would do.’
16 Sa araw na ito ay iniuutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na tuparin mo ang mga palatuntunan at mga hatol na ito: iyo ngang gaganapin at tutuparin ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa.
Today Yahweh our God is commanding you to obey all these rules and regulations. So obey them faithfully, with your entire inner being [DOU].
17 Iyong ipinahayag sa araw na ito na ang Panginoo'y iyong Dios, at ikaw ay lalakad sa kaniyang mga daan, at iyong gaganapin ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga hatol, at iyong didinggin ang kaniyang tinig:
Today you have declared that Yahweh is your God, and that you will conduct your lives as he wants you to do, and that you will obey all his commands and rules and regulations, and that you will do all that he tells you to do.
18 At inihayag ka ng Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pag-aari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos;
And today Yahweh has declared that you are his people, which is what he promised that you would be, and he commands you to obey all his commands.
19 At upang itaas ka sa lahat ng bansa na kaniyang nilikha, sa ikapupuri, at sa ikababantog, at sa ikararangal; at upang ikaw ay maging isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, gaya ng kaniyang sinabi.
If you do that, he will cause you to become greater than any other nation that he has established, and he will enable you to praise him and honor him [DOU]. You will truly belong to Yahweh our God, which is what he has promised.”

< Deuteronomio 26 >