< Deuteronomio 21 >

1 Kung may masumpungang pinatay sa lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios upang ariin, na nabubulagta sa parang, at hindi maalaman kung sinong sumugat sa kaniya:
Sɛ wɔhunu sɛ wɔakum obi da afuom wɔ asase a Awurade, mo Onyankopɔn, de rema mo no so, na sɛ monnim owudifoɔ no a,
2 Ay lalabas nga ang iyong mga matanda at ang iyong mga hukom, at kanilang susukatin ang layo ng mga bayang nasa palibot ng pinatay:
mo ntuanofoɔ ne atemmufoɔ bɛkɔ akɔsusu ɛkwan a ɛda deɛ owufoɔ no da hɔ ne kuro a ɛbɛn no ntam.
3 At mangyayari, na ang mga matanda sa bayang yaon, na bayang malapit sa pinatay, ay kukuha ng isang dumalagang baka sa bakahan, na hindi pa nagagamit at hindi pa nakakapagpasan ng pamatok;
Afei, mpanimfoɔ a wɔwɔ kuro a ɛbɛn owufoɔ no pɛɛ no mfa nantwie ba a ɔnyɛɛ adwuma da na ɔntwee funtumfidie da,
4 At ibababa ng mga matanda ang dumalagang baka sa isang libis na may agos ng tubig, na di pa nabubukid, ni nahahasikan, at babaliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa libis:
na wɔnni nʼanim mfa no nkɔ subɔnhwa a wɔmfuntum anaa wɔnnuaa hwee wɔ hɔ da na nsuo resene wɔ mu mu. Subɔnhwa no mu na ɛsɛ sɛ wɔbu nantwie ba no kɔn mu.
5 At ang mga saserdote na mga anak ni Levi ay lalapit, sapagka't sila ang pinili ng Panginoon mong Dios na mangasiwa sa kaniya, at bumasbas sa pangalan ng Panginoon; at ayon sa kanilang salita ay pasisiyahan ang bawa't pagkakaalit at bawa't awayan:
Lewifoɔ asɔfoɔ bɛba hɔ, ɛfiri sɛ, Awurade, mo Onyankopɔn, ayi wɔn sɛ wɔnka asɛm na wɔnhyira wɔ Awurade din mu. Na wɔn na wɔsi asɛnnie ne asotwe so dua.
6 At lahat ng mga matanda sa bayang yaon, na malapit sa pinatay, ay maghuhugas ng kanilang kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa libis:
Kuro a ɛbɛn efunu no mu mpanimfoɔ no, ɛsɛ sɛ wɔhohoro wɔn nsa gu nantwie ba a wɔbuu ne kɔn mu no so.
7 At sila'y sasagot at sasabihin, Ang aming kamay ay hindi nagbubo ng dugong ito, ni nakita ng aming mga mata.
Na afei wɔbɛka sɛ, “Ɛnyɛ yɛn nsa na yɛhwiee mogya yi guiɛ na yɛanhunu nso.
8 Patawarin mo, Oh Panginoon, ang iyong bayang Israel, na iyong tinubos, at huwag mong tikising matira sa gitna ng iyong bayang Israel, ang dugong walang sala. At ang dugo'y ipatatawad sa kanila.
Ao, Awurade, fa kyɛ wo ɔman Israel a wogyee wɔn no. Mfa mogya a ɛdi bem yi ho so nto wo nnipa Israel so.” Wɔwie yei a, na ɛkyerɛ sɛ, wɔayi ɛso a ɛda wɔn so no afiri wɔn so.
9 Gayon mo aalisin ang dugong walang sala sa gitna mo, pagka iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
Sɛ wɔdi saa nkyerɛkyerɛ yi so na wɔyɛ deɛ ɛtene wɔ Awurade ani so a, na moayi awudie no ho afɔbuo afiri mo atenaeɛ hɔ.
10 Pagka ikaw ay lalabas upang makipagbaka laban sa iyong mga kaaway, at ibibigay sila ng Panginoon mong Dios sa iyong mga kamay, at dadalhin mo silang bihag,
Sɛ mokɔ ɔko tia mo atamfoɔ na Awurade mo Onyankopɔn dane wɔn hyɛ mo nsa na mofa wɔn nnomum,
11 At makakakita ka sa mga bihag ng isang magandang babae, at magkaroon ka ng nasa sa kaniya, at iibigin mo siyang kuning asawa,
na sɛ wɔn mu no, mohunu ɔbaa ɔhoɔfɛfoɔ bi a mopɛ sɛ mofa no sɛ ɔyere a, motumi ware no.
12 Ay iyo nga siyang dadalhin sa iyong bahay; at kaniyang aahitan ang kaniyang ulo, at gugupitin ang kaniyang mga kuko;
Momfa no mmra mo fie na monyi ne ti, ntwitwa ne mmɔwerɛ,
13 At kaniyang huhubarin ang suot na pagkabihag sa kaniya, at matitira sa iyong bahay, at iiyakan ang kaniyang ama at ang kaniyang ina na isang buong buwan: at pagkatapos noo'y sisiping ka sa kaniya, at ikaw ay magiging asawa niya, at siya'y magiging iyong asawa.
na monyi ntadeɛ a na ɛhyɛ no wɔ ɛberɛ a mokyeree no no ngu hɔ. Na watena mo fie asu nʼagya ne ne maame bosome akyi no, motumi kɔ ne ho ma ɔyɛ ɔyere.
14 At mangyayari, na kung di mo kalugdan siya, ay iyo ngang pababayaan siyang yumaon kung saan niya ibig; nguni't huwag mo siyang ipagbibili ng salapi, huwag mo siyang aalipinin, sapagka't iyong pinangayupapa siya.
Sɛ mo ani nnye ne ho a, momma no nkɔ baabiara a ɔpɛ sɛ ɔkɔ. Monntɔn no na monnyɛ no sɛ afenaa, ɛfiri sɛ, moagu nʼanim ase.
15 Kung ang isang lalake ay may dalawang asawa, na ang isa'y sinisinta, at ang isa'y kinapopootan, at kapuwa magkaanak sa kaniya, ang sinisinta at ang kinapopootan; at kung ang maging panganay ay sa kinapopootan:
Sɛ ɔbarima wɔ yerenom baanu na ɔdɔ ɔbaako kyɛn deɛ ɔka ho no, na wɔn baanu no nyinaa, wɔn mu biara ne no wɔ ɔbabarima nanso nʼabakan no yɛ ɔyere a ɔmpɛ nʼasɛm no babarima,
16 Ay mangyayari nga sa araw na kaniyang pagmanahin ang kaniyang mga anak ng kaniyang tinatangkilik, ay hindi niya magagawang panganay ang anak ng sinisinta na higit kay sa anak ng kinapopootan, na siyang panganay;
na sɛ ɔhyɛ nsamanseɛ de ma ne mmammarima a, ɛnsɛ sɛ ɔde kyɛfa kɛseɛ no ma ɔbabarima kumaa a ɔyɛ ne yere a ɔdɔ no no babarima.
17 Kundi kaniyang kikilalaning panganay, ang anak ng kinapopootan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dalawang bahagi sa buong kaniyang tinatangkilik; sapagka't siya ang pasimula ng kaniyang lakas; ang karapatan nga ng pagkapanganay ay kaniya.
Ɔbɛfa ne babarima a ɔyɛ ɔyere a ɔmpɛ nʼasɛm no sɛ nʼabakan no, na wanam so ama no nʼagyapadeɛ no mmɔho mmienu. Saa ɔbabarima no yɛ nʼagya no ahoɔden nsɛnkyerɛnneɛ a ɛdi ɛkan. Ɛno enti, abakan kyɛfa yɛ ne dea.
18 Kung ang isang lalake ay may matigas na loob at mapanghimagsik na anak, na ayaw makinig ng tinig ng kaniyang ama, o ng tinig ng kaniyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila:
Sɛ ɔbarima bi wɔ ɔbabarima a ɔyɛ asoɔden ne otuatefoɔ a ɔntie nʼagya ne ne maame asɛm a nso wɔtene ne so a,
19 Ay hahawakan nga ng kaniyang ama at ng kaniyang ina at dadalhin sa mga matanda sa kaniyang bayan, at sa pintuang-bayan ng kaniyang pook;
deɛ ɛsɛ sɛ ɛba ara ne sɛ, agya no ne maame no de wɔn babarima no bɛkɔ mpanimfoɔ a wɔhwɛ kuro no so no anim.
20 At kanilang sasabihin sa mga matanda sa kaniyang bayan. Itong aming anak ay matigas na loob at mapanghimagsik, na ayaw niyang dinggin ang aming tinig; siya'y may masamang pamumuhay, at manglalasing.
Ɛsɛ sɛ wɔpae mu ka sɛ, “Yɛn babarima yi yɛ asoɔden ne otuatefoɔ a ɔntie yɛn asɛm. Ɔyɛ onipa teta kɔwensani.”
21 At babatuhin siya ng mga bato, ng lahat ng mga lalake sa kaniyang bayan upang siya'y mamatay: gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo; at maririnig ng buong Israel, at matatakot.
Ɛba saa a, ɛsɛ sɛ mmarima a wɔwɔ kuro no mu nyinaa si no aboɔ kum no. Ne saa no, monam so bɛpamo saa bɔne a aba mo mu no, na Israel nyinaa bɛte, na abɔ wɔn hu.
22 Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy;
Sɛ obi yɛ amumuyɛsɛm bi a ɛfata owuo na enti wɔkum no na wɔde no sɛn dua so a,
23 Ay huwag maiiwan buong gabi ang kaniyang bangkay sa punong kahoy, kundi walang pagsalang siya'y iyong ililibing sa araw ding yaon; sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios; upang huwag mong ihawa ang iyong lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipinamana.
ɛnsɛ sɛ ɔsɛne dua no so ma adeɛ kye so. Ɛsɛ sɛ ɛda no ara, wɔsie amu no, ɛfiri sɛ, obiara a wɔsɛn no dua so saa no yɛ Onyankopɔn nnome. Monngu asase a Awurade, mo Onyankopɔn, de rema mo sɛ agyapadeɛ sononko no ho fi.

< Deuteronomio 21 >