< Deuteronomio 2 >
1 Nang magkagayo'y pumihit tayo, at lumakad tayo sa ilang na daang patungo sa Dagat na Mapula, gaya ng sinalita sa akin ng Panginoon; at tayo'y malaong lumigid sa bundok ng Seir.
И возвратившеся воздвигохомся в пустыню, путем моря Чермнаго, якоже глагола Господь ко мне: и обходихом гору Сиир дни многи.
2 At ang Panginoon ay nagsalita sa akin, na sinasabi,
И рече Господь ко мне:
3 Malaon na ninyong naligid ang bundok na ito: lumiko kayo sa dakong hilagaan.
довлеет вам обхождати гору сию: возвратитеся убо к северу:
4 At iutos mo sa bayan, na iyong sabihin, Kayo'y dadaan sa hangganan ng inyong mga kapatid na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir; at sila'y matatakot sa inyo. Magsipagingat nga kayong mabuti:
и людем заповеждь, глаголя: вы пройдите сквозе пределы братии вашея, сынов Исавовых, живущих в Сиире, и убоятся вас и ужаснутся зело:
5 Huwag kayong makipagkaalit sa kanila; sapagka't hindi ko ibibigay sa inyo ang kanilang lupain, kahit ang natutungtungan ng talampakan ng isang paa: sapagka't ibinigay ko kay Esau, na pinakaari ang bundok ng Seir.
не сотворите с ними рати: не дах бо вам от земли их ниже стопы ноги, яко во жребий дах сыном Исавовым гору Сиир:
6 Kayo'y bibili sa kanila ng pagkain sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makakain; at kayo'y bibili rin sa kanila ng tubig sa pamamagitan ng salapi, upang kayo'y makainom.
сребром пищу купите себе у них и ядите, и воду в меру возмите от них на цене и пийте:
7 Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.
ибо Господь Бог твой благослови тебе во всяком деле руку твоею: разумей, како прошел еси пустыню великую и страшную сию: се, четыредесять лет Господь Бог твой с тобою, и не востребовал еси словесе.
8 Gayon tayo nagdaan sa ating mga kapatid, na mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, mula sa daan ng Araba, mula sa Elath at mula sa Esion-geber. At tayo'y bumalik at nagdaan sa ilang ng Moab.
И минухом братию свою сыны Исавли, живущыя в Сиире, у пути Аравскаго от Елона и от Гесион-Гавера, и возвратившеся преидохом путь в пустыню Моавлю.
9 At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong kaalitin ang Moab, ni kakalabanin sila sa digma; sapagka't hindi kita bibigyan sa kaniyang lupain ng pinakaari; sapagka't aking ibinigay na pinakaari ang Ar sa mga anak ni Lot.
И рече Господь ко мне: не совраждуйтеся Моавитом и не сотворите с ними рати: не дах бо вам от земли их во жребий, сыном бо Лотовым дах Ароир наследити.
10 (Ang mga Emimeo ay nanahan doon noong una, bayang malaki, at marami, at matataas na gaya ng mga Anaceo:
Оммины прежде седяху на ней, народ велик и мног и крепок якоже Енакими:
11 Ang mga ito man ay ibinilang na mga Rephaim, na gaya ng mga Anaceo; nguni't tinatawag silang Emimeo ng mga Moabita.
Рафаины глаголются и сии, якоже и Енакими: и Моавити прозывают я Оммины.
12 Ang mga Hereo man ay tumahan sa Seir noong una, nguni't ang mga anak ni Esau ay humalili sa kanila; at nalipol sila ng mga ito sa harap din nila, at tumahan na kahalili nila; gaya ng ginawa ng Israel sa lupaing kaniyang pag-aari, na ibinigay ng Panginoon sa kanila.)
И в Сиире седяше Хорреи прежде, но сынове Исавовы потребиша я и искорениша я от лица своего: и вселишася вместо их, имже образом сотвори Израиль земли наследия своего, юже даде Господь им.
13 Ngayon, tumindig kayo, at tumawid kayo sa batis ng Zered. At tayo'y tumawid sa batis ng Zered.
Ныне убо вы востаните и воздвигнитеся, и пройдите дебрь Заретову.
14 At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.
И дни, в няже отидохом от Кадис-Варни дондеже преидохом дебрь Заретову, тридесять и осмь лет, дондеже паде весь род мужей воинских от полка, якоже клятся им Господь Бог.
15 Bukod dito'y ang kamay ng Panginoon ay naging laban sa kanila, upang lipulin sila sa gitna ng kampamento, hanggang sa sila'y nalipol.
И рука Божия бяше на них, погубити я от полка, дондеже падоша.
16 Kaya't nangyari, nang malipol at mamatay sa gitna ng bayan ang lahat ng lalaking mangdidigma.
И бысть внегда падоша вси мужи воинстии умирающе от среды людий,
17 Ay sinalita sa akin ng Panginoon, na sinasabi,
и рече Господь ко мне, глаголя:
18 Ikaw ay dadaan sa araw na ito sa Ar, na hangganan ng Moab:
ты прейдеши днесь пределы Моавлими Ароир:
19 At pagka ikaw ay matatapat sa mga anak ni Ammon, ay huwag kang manampalasan sa kanila ni makipagtalo sa kanila: sapagka't hindi ko ibibigay sa iyo na pinakaari ang lupain ng mga anak ni Ammon: sapagka't aking ibinigay na pinakaari sa mga anak ni Lot.
и пришедше близ сынов Амманих, не совраждуйтеся им и не сотворите с ними рати: не дам бо тебе от земли сынов Амманих во жребий, яко сыном Лотовым дах ю во жребий.
20 (Yaon man ay ibinilang na lupain ng mga Rephaim: ang mga Rephaim ang tumatahan doon noong una; nguni't tinawag na mga Zomzommeo ng mga Ammonita;
Земля Рафаинска возименуются: Рафаини бо на ней прежде живяху: Амманитяне же прозывают их Зоммин:
21 Bayang malaki at marami at matataas na gaya ng mga Anaceo; nguni't nilipol sila ng Panginoon sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila:
язык велик и мног и крепок, якоже и Енакими: и погуби я Господь от лица их, и прияша наследие и вселишася вместо их даже до сего дне:
22 Gaya ng ginawa ng Panginoon sa mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, nang kaniyang lipulin ang mga Horeo sa harap nila; at sila'y humalili sa kanila, at tumahang kahalili nila hanggang sa araw na ito:
якоже сотвориша сыном Исавовым живущым в Сиире, имже образом потребиша Хорреа от лица своего и наследиша их, и вселишася вместо их даже до сего дне:
23 At ang mga Heveo na nangagsitahan sa mga nayon hanggang sa Gaza, ay nilipol ng mga Caftoreo na nangagmula sa Caftor, at tumahang kahalili nila.)
и Евее живущии во Асирофе даже до Газы, и Каппадоки изшедшии из Каппадокии потребиша я, и вселишася вместо их.
24 Magsitindig kayo, kayo'y maglakbay, at magdaan kayo sa libis ng Arnon: narito, aking ibinigay sa iyong kamay si Sehon na Amorrheo, na hari sa Hesbon, at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin, at kalabanin mo siya sa digma.
Ныне убо востаните и воздвигнитеся, и прейдите вы дебрь Арноню: се, предах в руце твои Сиона царя Есевоня Аморрейска и землю его: начни наследовати, сотвори с ним рать днешний день:
25 Sa araw na ito ay pasisimulan kong ilagay sa mga bayang nangasa silong ng buong langit, ang sindak sa iyo at ang takot sa iyo, na maririnig nila ang iyong kabantugan, at magsisipanginig, at mangahahapis, dahil sa iyo.
начинай даяти трепет твой и страх твой пред лицем всех языков сущих под небесем, иже слышавше имя твое возмятутся, и болезнь приимут от лица твоего.
26 At ako'y nagsugo ng mga sugo mula sa ilang ng Cademoth kay Sehon na hari sa Hesbon na may mapayapang pananalita, na sinasabi,
И послах послы от пустыни Кедамоф к Сиону царю Есевоню словесы мирными, глаголя:
27 Paraanin mo ako sa iyong lupain: sa daan lamang ako lalakad, hindi ako liliko maging sa kanan ni sa kaliwa.
да пройду сквозе землю твою: по пути пройду, не совращуся ни на десно, ни на лево:
28 Pagbibilhan mo ako ng pagkain sa salapi, upang makakain ako, at bibigyan mo ako ng tubig sa salapi, upang makainom ako; paraanin mo lamang ako ng aking mga paa;
пищу на цене даси ми, и ям: и воду на цене даси ми, и пию: точию ногама моима да прейду:
29 Gaya ng ginawa sa akin ng mga anak ni Esau, na tumatahan sa Seir, at ng mga Moabita na tumatahan sa Ar; hanggang sa makatawid ako sa Jordan, sa lupaing sa amin ay ibinibigay ng Panginoon naming Dios.
якоже сотвориша ми сынове Исавли живущии в Сиире и Моавити живущии во Ароире, дондеже прейду Иордан на землю, юже Господь Бог наш дает нам.
30 Nguni't ayaw tayong paraanin ni Sehon na hari sa Hesbon sa lupa niya; sapagka't pinapagmatigas ng Panginoon mong Dios ang kaniyang diwa, at pinapagmatigas ang kaniyang puso, upang maibigay siya sa iyong kamay gaya sa araw na ito.
И не восхоте Сион цар Есевонь, да пройдем сквозе его, яко ожесточи Господь Бог наш дух его и укрепи сердце его, да предастся в руце твои якоже во днешний день.
31 At sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, aking pinasimulang ibigay sa harap mo si Sehon at ang kaniyang lupain: pasimulan mong ariin upang iyong mamana ang kaniyang lupain.
И рече Господь ко мне: се, начах предаяти пред лицем твоим Сиона царе Есевоня Аморрейска и землю его, и начинай наследити землю его.
32 Nang magkagayo'y lumabas si Sehon laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka sa Jahaz.
И изыде Сион царь Есевонь противу нам сам и вси людие его на брань во Иассу:
33 At ibinigay siya ng Panginoon nating Dios sa harap natin; at ating sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak at ang kaniyang buong bayan.
и предаде его Господь Бог наш пред лицем нашим в руце наши: и убихом его, и сыны его и вся люди его:
34 At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon, at ating lubos na nilipol ang bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata; wala tayong itinira:
и одержихом вся грады его во оно время, и разорихом всяк град, ктому и жены их и дети их не оставихом живы:
35 Ang mga hayop lamang ang dinalang pinakasamsam, sangpu ng mga nasamsam sa mga bayan na ating sinakop.
токмо скот пленихом себе, и корысти градов взяхом.
36 Mula sa Aroer na nasa tabi ng libis ng Arnon at mula sa bayan na nasa libis, hanggang sa Galaad, ay wala tayong minataas na bayan: ibinigay na lahat sa harap natin ng Panginoon nating Dios:
Из Ароира, иже есть при устии водотечи Ариони, и град иже есть в дебри, и даже до горы Галаадовы, не бысть град уцелевый от нас: вся предаде Господь Бог наш в руце наши:
37 Sa lupain lamang ng mga anak ni Ammon hindi ka lumapit; sa buong pangpang ng ilog Jaboc at sa mga bayan ng lupaing maburol, at saan man na ipinagbawal sa atin ng Panginoon nating Dios.
токмо в земли сынов Амманих не приступахом ко всем прилежащым к водотечи Иавокове и ко градом иже в горах, якоже повеле нам Господь Бог наш.