< Mga Gawa 8 >
1 At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol.
掃祿也贊同殺死他。就在那一日,發生了嚴厲迫害耶路撒冷教會的事;除宗徒外,眾人都逃散到猶太和撒瑪黎雅鄉間。
2 At inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng di kawasa.
虔誠的人共同埋葬了斯德望,也為他大哭了一場。
3 Datapuwa't pinuksa ni Saulo ang iglesia, na pinapasok ang bahay-bahay, at kinakaladkad ang mga lalake't mga babae, at sila'y ipinapasok sa bilangguan.
掃祿想摧毀教會,進入各家,連男帶女都拉去,押到監裏。
4 Ang mga nagsipangalat nga ay nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang salita.
那些逃散的人經過各處,宣講真道的喜訊。
5 At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo.
斐理伯下到撒瑪黎雅城,給他們宣講基督。
6 At ang mga karamiha'y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe, pagkarinig nila, at pagkakita ng mga tanda na ginawa niya.
群眾都留意斐理伯所講的話,都同心合意地聽教,並看到了他所行的奇蹟。
7 Sapagka't sa maraming may mga karumaldumal na espiritu, ay nangagsilabas sila, na nangagsisisigaw ng malakas na tinig: at maraming lumpo, at pilay, ang pinagaling.
因為有許多附了邪魔的人,邪魔從他們身上大聲喊叫著出去了。有許多癱瘓和瘸子也被治好了。
8 At nagkaroon ng malaking kagalakan sa bayang yaon.
為此,那城裏的人皆大歡喜。
9 Datapuwa't may isang tao, na nagngangalang Simon, na nang unang panaho'y nanggagaway sa bayan, at pinahahanga ang mga tao sa Samaria, at nagsasabing siya'y isang dakila:
有一個人,名叫西滿,曾在這城中行過邪術,使撒瑪黎雅的百姓驚服,並稱自己是一位大人物。
10 Na siyang pinakikinggan nilang lahat, buhat sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, na sinasabi, Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Dios na tinatawag na Dakila.
所有的人,從上到下,都聽從他,說:「這人就是那稱為神的大能者。」
11 At siya'y pinakinggan nila, sapagka't mahabang panahong pinahahanga niya sila ng kaniyang mga panggagaway.
他們聽從他,是因為他很久以來,就用邪術使他們驚服;
12 Datapuwa't nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae.
但當他們信服了那傳報天主的國,和耶穌基督名字的斐理伯時,男女就都受了洗,
13 At si Simon man ay naniwala rin: at nang mabautismuhan na, ay nanatili siyang kasama ni Felipe; at nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa, ay napahanga siya.
連西滿自己也信服了。他受洗以後,常隨從斐理伯;他看到所顯的奇蹟和大能,稱奇不止。
14 Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan:
當時,在耶路撒冷的宗徒,聽說撒瑪黎雅接受了天主的聖道,便打發伯多祿和若望往他們那裏去。
15 Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo.
他們二人一到,就為他們祈禱,使他們領受聖神,
16 Sapagka't ito'y hindi pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
因為聖神還沒有降臨在任何人身上,他們只因主耶穌的名受過洗。
17 Nang magkagayo'y ipinatong sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.
那時,宗徒便給他們覆手,他們就領受了聖神。
18 Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi,
西滿看見藉宗徒們的覆手,賦給人聖神,遂獻給他們銀錢,
19 Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo.
說:「你們也把這個權柄交給我,為叫我無論給誰覆手,誰就領受聖神。」
20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.
伯多祿卻向他說:「願你的銀錢與你一起喪亡!因為你想天主的恩賜可用銀錢買得。
21 Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagka't ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios.
在這事上,你沒有股,也沒有分,因為你在天主前心懷不正。
22 Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso.
所以,你該回心轉意,擺脫你這個惡念,祈求主,或者可給你赦免你心中的妄想,
23 Sapagka't nakikita kong ikaw ay nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.
因為我明知你心懷苦毒,並在邪惡的束縛中。」
24 At sumagot si Simon at sinabi, Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo.
西滿回答說:「請你們為我祈求主,好叫你們所說的,一點也不要降在我身上。」
25 Sila nga, nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon, ay nangagbalik sa Jerusalem, at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano.
二宗徒既作了證,並宣講了主的聖道,就返回耶路撒冷,一路在撒瑪黎雅人的許多鄉村中,宣講了福音。
26 Datapuwa't nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang.
上主的天使向斐理伯說:「起來,往南行,沿著由耶路撒冷下到迦薩的路走,即曠野中的那條路。」
27 At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba;
他就起來去了。看,有個厄提約丕雅人,是厄提約丕雅女王甘達刻的有權勢的太監,也是她寶庫的總管;他曾來到耶路撒冷朝聖。
28 At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias.
他回去的時候,坐在車上誦讀依撒意亞先知。
29 At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.
聖神就向斐理伯說:「你上前去,走近這輛車子!」
30 At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo?
斐理伯就跑過去,聽見他誦讀依撒意亞先知,便說道: 「你明白所誦讀的嗎﹖」
31 At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya.
他答說:「若沒有人指教我,怎麼能夠﹖」於是,請斐理伯上車與他同坐。
32 Ang dako nga ng kasulatan na binabasa niya ay ito, Siya'y gaya ng tupa na dinala sa patayan; At kung paanong hindi umimik ang kordero sa harap ng manggugupit sa kaniya, Gayon din hindi niya binubuka ang kaniyang bibig:
他所誦讀的那段經正是:『他如同被牽去宰殺的羊,又像羔羊在剪毛者前緘默,他也同樣不開口。
33 Sa kaniyang pagpapakababa'y inalis ang kaniyang paghuhukom. Sino ang maghahayag ng kaniyang lahi? Sapagka't inalis sa lupa ang kaniyang buhay.
在他屈辱之時,無人為他申辯。誰能描述他的後代呢﹖因為他的生命從地上被奪去了。』
34 At sumagot ang bating kay Felipe, at sinabi, Ipinamamanhik ko sa iyo, kanino sinasabi ng propeta ito? sa kaniya bagang sarili, o sa alin mang iba?
太監向斐理伯發言說:「請你說: 先知說這話是指誰呢﹖是指自己或是指別人﹖」
35 At binuka ni Felipe ang kaniyang bibig, at pagpapasimula sa kasulatang ito, ay ipinangaral sa kaniya si Jesus.
斐理伯便開口,從這段經文開始,給他宣講了耶穌的福音。
36 At sa pagpapatuloy sa daan, ay nagsidating sila sa dakong may tubig; at sinabi ng bating, Narito, ang tubig; ano ang nakahahadlang upang ako'y mabautismuhan?
他們沿路前行的時候,來到了一個有水的地方,那太監就說:「看,這裏有水;還有什麼阻擋我受洗呢﹖」
37 At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios.
[斐理伯答說:「你若全心相信,便可以。」他答說:「我信耶穌基督就是天主子。」]
38 At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.
他就命車停住,斐理伯和太監兩人下到水中,斐理伯給他付了洗。
39 At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.
當他們從水中上來的時候,主的神把斐理伯提去,太監就再看不見他了。他就喜喜歡歡地往前行自己的路。
40 Nguni't nasumpungan si Felipe sa Azoto: at sa pagdadaan ay ipinangaral niya ang evangelio sa lahat ng mga bayan, hanggang sa dumating siya sa Cesarea.
斐理伯卻出現在阿左托,以後經過各城,宣講福音,直到凱撒勒雅。