< Mga Gawa 7 >

1 At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?
Le souverain sacrificateur lui demanda si ce dont on l'accusait était véritable.
2 At sinabi niya, Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, bago siya tumahan sa Haran,
Etienne répondit: «Mes frères et mes pères, écoutez: Le Dieu de gloire apparut à notre père Abraham, lorsqu'il était en Mésopotamie, avant qu'il s'établit à Charran, et lui dit:
3 At sinabi sa kaniya, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.
«Quitte ton pays et ta famille, et rends-toi dans le pays que je t'indiquerai.»
4 Nang magkagayo'y umalis siya sa lupain ng mga Caldeo, at tumahan sa Haran: at buhat doon, pagkamatay ng kaniyang ama, ay inilipat siya ng Dios sa lupaing ito, na inyong tinatahanan ngayon:
Alors Abraham sortit du pays des Chaldéens, et s'établit à Charran. De là, après la mort de son père, Dieu le fit émigrer dans le pays que vous habitez maintenant;
5 At hindi siya pinamanahan ng anoman doon, kahit mayapakan ng kaniyang paa: at siya'y nangakong yao'y ibibigay na pinakaari sa kaniya, at sa kaniyang binhi pagkatapos niya, nang wala pa siyang anak.
il ne lui donna point de propriété dans ce pays, pas même un pouce de terre, mais il lui promit, à une époque où le patriarche n'avait point d'enfants, de le lui donner en possession, à lui, et à sa postérité après lui.
6 At ganito ang sinalita ng Dios, na ang kaniyang binhi ay makikipamayan sa ibang lupain, at kanilang dadalhin sila sa pagkaalipin, at sila'y pahihirapang apat na raang taon.
Dieu parla ainsi: «Sa postérité habitera en terre étrangère; on la réduira en servitude et on la maltraitera pendant quatre cents ans.
7 At ang bansang sa kanila'y aalipin ay aking hahatulan, sabi ng Dios: at pagkatapos nito'y magsisialis sila, at paglilingkuran nila ako sa dakong ito.
Mais moi, dit Dieu, je jugerai la nation à laquelle ses descendant auront été assujettis; après cela, ils quitteront ce pays, et me rendront leur culte dans ce lieu-ci; »
8 At ibinigay niya sa kaniya ang tipan ng pagtutuli: at sa ganito'y naging anak ni Abraham si Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging mga anak ni Jacob ang labingdalawang patriarka.
puis il donna à Abraham l'alliance de la circoncision. C'est dans ces circonstances qu'Abraham eut Isaac, qu'il circoncit le huitième jour; Isaac eut Jacob; Jacob, les douze patriarches.
9 At ang mga patriarka sa udyok ng kainggitan kay Jose, ay ipinagbili siya, upang dalhin sa Egipto; at ang Dios ay sumasa kaniya,
Les patriarches, jaloux de Joseph, le vendirent pour l'Egypte; mais Dieu était avec lui:
10 At siya'y iniligtas sa lahat ng kaniyang kapighatian, at siya'y binigyan ng ikalulugod at karunungan sa harapan ni Faraon na hari sa Egipto; at siya'y ginawang gobernador sa Egipto at sa buong bahay niya.
il le tira de toutes ses peines, et lui donna de plaire par sa sagesse à Pharaon, roi d'Egypte, de sorte que ce prince le mit à la tête du royaume et de toute sa maison.
11 Dumating nga ang kagutom sa buong Egipto at sa Canaan, at nagkaroon ng malaking kapighatian: at walang nasumpungang pagkain ang ating mga magulang.
Or il survint une famine dans tout le pays d'Egypte et dans celui de Canaan; la détresse était grande, et nos pères ne trouvaient pas de nourriture.
12 Datapuwa't nang marinig ni Jacob na may trigo sa Egipto, ay sinugo niyang una ang ating mga magulang.
Jacob ayant appris qu'il y avait des vivres en Egypte, y envoya nos pères une première fois;
13 At sa ikalawa'y napakilala si Jose sa kaniyang mga kapatid; at nahayag kay Faraon ang lahi ni Jose.
puis, au second voyage, Joseph fut reconnu par ses frères, et Pharaon sut quelle était l'origine de Joseph.
14 At nagsugo si Jose, at pinaparoon sa kaniya si Jacob, na kaniyang ama, at ang lahat niyang kamaganakan, na pitongpu't limang tao.
Joseph envoya chercher Jacob son père et toute sa famille, qui se montait à soixante et quinze personnes.
15 At lumusong si Jacob sa Egipto; at namatay siya, at ang ating mga magulang.
Jacob descendit en Egypte, où il mourut, ainsi que nos pères;
16 At sila'y inilipat sa Siquem, at inilagay sila sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Siquem, sa halaga ng pilak.
et leurs corps furent transportés à Sichem, et déposés dans le sépulcre qu'Abraham avait acheté à prix d'argent des fils d'Hémor, père de Sichem.
17 Datapuwa't nang nalalapit na ang panahon ng pangako, na ginawa ng Dios kay Abraham, ang bayan ay kumapal at dumami sa Egipto,
«A mesure que s'approchait le temps où devait s'accomplir la promesse que Dieu avait faite à Abraham, le peuple s'accroissait et se multipliait en Egypte,
18 Hanggang sa lumitaw ang ibang hari sa Egipto na hindi nakakikilala kay Jose.
jusqu’à l'époque où s'éleva un autre roi, qui ne savait rien de Joseph.
19 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.
Ce prince, usant d'artifice contre notre race, maltraita nos pères et les contraignit d'exposer leurs nouveau-nés, afin qu'ils ne vécussent pas.
20 Nang panahong yaon, ay ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:
C'est en ce temps que naquit Moïse, qui était d'une divine beauté. Il fut nourri trois mois dans la maison de son père,
21 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
mais, ayant été exposé, la fille de Pharaon le recueillit, et l'éleva pour en faire son fils.
22 At tinuruan si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Egipcio: at siya ay makapangyarihan sa kaniyang mga salita at mga gawa.
Moïse fut instruit de toute la science des Égyptiens; il était puissant en paroles et en oeuvres.
23 Datapuwa't nang siya'y magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel.
Quand il eut atteint l'âge de quarante ans, il eut l'idée de visiter ses frères, les fils d'Israël,
24 At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio:
et, en ayant vu un qu'on maltraitait, il prit sa défense, et vengea l'opprimé en frappant l'Égyptien:
25 At ang isip niya'y napagunawa ng kaniyang mga kapatid na ibinigay ng Dios sa kanila ang kaligtasan sa pamamagitan ng kamay niya: datapuwa't hindi nila napagunawa.
il pensait que ses frères comprendraient que Dieu se servait de lui pour les délivrer, mais ils ne le comprirent point.
26 At nang kinabukasan ay napakita siya sa kanila samantalang sila'y nagaaway, at sila'y ibig sana niyang payapain, na sinasabi, mga Ginoo, kayo'y magkapatid; bakit kayo'y nagaalipustaan?
Le lendemain, il s'approcha de deux d'entre eux qui se battaient, et les engagea à faire la paix, en disant: «Hommes, vous êtes frères, pourquoi vous maltraitez-vous?»
27 Datapuwa't itinulak siya ng umalipusta sa kaniyang kapuwa tao, na sinasabi, Sino ang naglagay sa iyo na puno at hukom sa amin?
Mais celui qui maltraitait son compatriote le repoussa, en disant: «Qui t’a établi chef et juge sur nous?
28 Ibig mo bagang ako'y patayin mo, na gaya ng pagkapatay mo kahapon sa Egipcio?
Veux-tu me tuer, comme tu as tué hier l’Egyptien?»
29 At sa salitang ito'y tumakas si Moises, at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.
Cette parole fut cause que Moïse s'enfuit, et alla habiter dans le pays de Madian, où il eut deux fils.
30 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy.
«Quarante ans s'étaient écoulés, lorsqu'un ange lui apparut au désert du mont Sinaï, dans la flamme d'un buisson ardent.
31 At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,
Comme Moïse s'étonnait de ce phénomène, et s'approchait pour le considérer, la voix du Seigneur se fit entendre:
32 Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.
«Je suis le Dieu de tes pères, le Dieu d'Abraham, d’Isaac et de Jacob.» Et Moïse tremblant n'osait regarder.
33 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.
Le Seigneur lui dit: «Ote tes souliers de tes pieds, car le lieu que tu foules est une terre sainte.
34 Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.
J'ai vu de mes yeux l’oppression de mon peuple en Egypte: j’ai entendu ses gémissements, et je suis descendu pour le délivrer. Viens donc, que je t'envoie en Egypte.»
35 Ang Moises na ito na kanilang itinakuwil, na sinasabi, Sino ang sa iyo'y naglagay na puno at hukom? ay siyang sinugo ng Dios na maging puno at tagapagligtas sa pamamagitan ng kamay ng anghel na sa kaniya'y napakita sa mababang punong kahoy.
Ce Moïse qu'ils avaient renié en disant: «Qui t’a établi chef et juge?» c'est lui que Dieu a envoyé pour chef et libérateur, avec l'assistance de l'ange qui lui était apparu dans le buisson;
36 Pinatnugutan sila ng taong ito, pagkagawa ng mga kababalaghan at mga tanda sa Egipto, at sa dagat na Pula, at sa ilang sa loob ng apat na pung taon.
c'est lui qui les a délivrés, en faisant des prodiges et des miracles sur la terre d'Egypte, sur la mer Rouge et au désert, pendant quarante ans.
37 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.
C'est ce Moïse qui a dit aux fils d'Israël: «Dieu vous suscitera d'entre vos frères un prophète comme moi; »
38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
c'est lui, qui, lors de l'assemblée au désert, servit d'intermédiaire entre l'ange, qui lui parlait sur le mont Sinaï, et nos pères, en recevant les vivants oracles, pour nous les transmettre.
39 Sa kaniya'y ayaw magsitalima ang ating mga magulang, kundi siya'y kanilang itinakuwil, at sa kanilang mga puso'y nangagbalik sa Egipto,
Nos pères, loin de vouloir lui obéir, le repoussèrent et tournèrent leur coeur vers l'Egypte,
40 Na sinasabi kay Aaron, Igawa mo kami ng mga dios na mangunguna sa amin: sapagka't tungkol dito kay Moises, na naglabas sa amin sa lupain ng Egipto, ay hindi namin nalalaman kung ano ang nangyari sa kaniya.
en disant à Aaron: «Fais-nous des dieux qui marchent devant nous; car pour ce Moïse qui nous a fait sortir du pays d'Egypte, nous ne savons ce qui lui est arrivé.»
41 At nagsigawa sila nang mga araw na yaon ng isang guyang baka, at nagsipaghandog ng hain sa diosdiosang yaon, at nangatuwa sa mga gawa ng kanilang mga kamay.
Ils fabriquèrent alors un veau, puis ils offrirent un sacrifice à l'idole, et se réjouirent de l'oeuvre de leurs mains.
42 Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?
Dieu, de son côté, se détourna d'eux, et les livra au culte de l'armée du ciel, ainsi qu'il est écrit au livre des Prophètes: «M'avez-vous offert des victimes et des sacrifices pendant quarante ans au désert, ô maison d'Israël?
43 At dinala ninyo ang tabernakulo ni Moloc, At ang bituin ng dios Refan, Ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin: At dadalhin ko kayo sa dako pa roon ng Babilonia.
— Vous avez porté le tabernacle de Moloch et l'astre du Dieu Rephan, ces idoles que vous avez fabriquées pour les adorer: aussi vous transporterai-je au delà de Babylone.»
44 Sumaating mga magulang sa ilang ang tabernakulo ng patotoo, ayon sa itinakda ng nagsalita kay Moises, na kaniyang gawin yaon alinsunod sa anyong kaniyang nakita.
Le tabernacle du témoignage était pour nos ancêtres au désert, comme l'avait enjoint celui qui dit à Moïse de le construire sur le modèle qu'il avait vu.
45 Na yao'y ipinasok din ng ating mga magulang sa kapanahunang ukol, na kasama ni Josue nang sila'y magsipasok sa inaari ng mga bansa, na pinalayas ng Dios sa harapan ng ating magulang, hanggang sa mga araw ni David;
C'est ce tabernacle que nos pères reçurent à leur tour, et qu'ils apportèrent sous la conduite de Josué, lorsqu'ils firent la conquête du pays sur les nations que Dieu chassa de devant eux, et il subsista jusqu'au temps de David.
46 Na nakasumpong ng biyaya sa paningin ng Dios, at huminging makasumpong ng isang tahanang ukol sa Dios ni Jacob.
Ce prince, qui avait trouvé grâce devant Dieu, demanda d'élever un tabernacle au Dieu de Jacob;
47 Datapuwa't iginawa siya ni Salomon ng isang bahay.
néanmoins ce fut Salomon qui lui bâtit un temple.
48 Bagama't ang Kataastaasa'y hindi tumatahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; gaya ng sinasabi ng propeta,
Mais le Très-Haut n'habite point dans des constructions de main d'homme, comme le prophète le dit:
49 Ang langit ay ang aking luklukan, At ang lupa ang tungtungan ng aking mga paa: Anong anyo ng bahay ang itatayo ninyo sa akin? sabi ng Panginoon: O anong dako ang aking pahingahan?
«Le ciel est mon trône, la terre, mon marchepied. Quelle maison me bâtirez-vous, dit le Seigneur, et quel sera le lieu de mon repos?
50 Hindi baga ginawa ng aking kamay ang lahat ng mga bagay na ito?
N’est-ce pas ma main qui a fait toutes ces choses?»
51 Kayong matitigas ang ulo, at di tuli ang puso't mga tainga, kayo'y laging nagsisisalangsang sa Espiritu Santo: kung ano ang ginawa ng inyong mga magulang, ay gayon din naman ang ginagawa ninyo.
«Hommes de col roide et incirconcis de coeur et d'oreilles, vous vous opposez toujours au Saint-Esprit, oui vous, comme vos pères.
52 Alin sa mga propeta ang hindi pinagusig ng inyong mga magulang? at kanilang pinatay ang nangagpahayag ng una ng pagdating ng Matuwid na Ito; na sa kaniya'y kayo ngayon ay nangaging mga tagapagkanulo at mamamatay-tao;
Lequel des prophètes vos pères n'ont-ils pas persécuté? Ils ont même tué ceux qui ont annoncé la venue du Juste, et vous, aujourd'hui, vous l'avez trahi et vous avez été ses meurtriers.
53 Kayo na nagsitanggap ng kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, at hindi ninyo ginanap.
Vous qui avez reçu la Loi sur les ordres des anges, et qui ne l'avez point gardée...»
54 Nang marinig nga nila ang mga bagay na ito, ay nangasugatan sila sa puso, at siya'y pinagngalitan nila ng kanilang mga ngipin.
Ces paroles transportèrent leur coeur de rage; ils grincèrent des dents contre lui.
55 Datapuwa't siya, palibhasa'y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios,
Mais Etienne, animé de l'Esprit saint, tourna les yeux au ciel; il vit la gloire de Dieu, et Jésus debout à sa droite,
56 At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios.
et il dit: «Voici, je vois les cieux ouverts, et le Fils de l'homme debout à la droite de Dieu.»
57 Datapuwa't sila'y nagsigawan ng malakas na tinig, at nangagtakip ng kanilang mga tainga, at nangagkaisang siya'y dinaluhong;
Alors les Juifs, poussant de grands cris, se bouchèrent les oreilles; et ils se jetèrent tous ensemble sur lui,
58 At siya'y kanilang itinapon sa labas ng bayan, at binato: at inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa mga paanan ng isang binata na nagngangalang Saulo.
l'entraînèrent hors de la ville, et le lapidèrent. Les témoins avaient posé leurs manteaux aux pieds d'un jeune homme nommé Saul.
59 At kanilang pinagbatuhanan si Esteban, na tumatawag sa Panginoon at nagsasabi, Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.
Pendant qu'ils lapidaient Etienne, celui-ci priait, et disait: «Seigneur Jésus, reçois mon esprit.»
60 At siya'y nanikluhod, at sumigaw ng malakas na tinig, Panginoon, huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito. At pagkasabi niya nito, ay nakatulog siya.
Et s'étant mis à genoux, il s'écria à haute voix: «Seigneur, ne leur impute point ce péché; » et, en disant ces mots, il s'endormit.

< Mga Gawa 7 >