< Mga Gawa 26 >
1 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo. Nang magkagayo'y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay, at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang:
А Агрипа рече Павлу: Допушта ти се да говориш сам за се. Онда Павле пруживши руку одговараше:
2 Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin.
За срећу своју држим, царе Агрипа, што се данас пред тобом одговарам за све што ме потворају Јевреји,
3 Lalong-lalo na sapagka't bihasa ka sa lahat ng mga kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio: kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako.
А највише што знам да ти познајеш све јеврејске обичаје и препирања. Зато те молим да ме послушаш милостиво.
4 Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata, na nang una'y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ay nalalaman ng lahat ng mga Judio;
Моје дакле живљење од младости, које је испрва било међу народом мојим у Јерусалиму, знаду сви Јевреји.
5 Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo.
Како ме знаду испрва, ако хоће посведочити, да по познатој јереси наше вере живех фарисејски.
6 At ngayo'y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang;
И сад стојим пред судом за надање обећања које Бог обрече очевима нашим,
7 Dahil sa pangakong ito'y ang aming labingdalawang angkan ay buong pusong nagsisipaglingkod sa Dios gabi't araw, na inaasahang kakamtin. At tungkol sa pagasang ito ako'y isinasakdal ng mga Judio, Oh hari!
Коме се сви дванаест колена наших једнако дан и ноћ служећи надају да ће доћи. За ово надање оптужен сам, царе Агрипа, од Јевреја.
8 Bakit inaakala ninyong ito'y hindi mapaniniwalaan, kung binubuhay ng Dios ang mga patay?
Шта? Зар ви мислите да се не може веровати да Бог мртве подиже?
9 Tunay na ako ma'y nagisip na dapat akong gumawa ng maraming mga bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret.
Тако и ја мишљах да ми ваља многа зла чинити против имена Исуса Назарећанина,
10 At ginawa ko rin ito sa Jerusalem: at kinulong ko sa mga bilangguan ang marami sa mga banal, pagkatanggap ko ng kapamahalaan sa mga pangulong saserdote, at nang sila'y ipinapapatay, ay ibinibigay ko ang aking pagsangayon laban sa kanila.
Као што и учиних у Јерусалиму; и многе од светих ја затварах у тамнице, примивши власт од главара свештеничких; и кад их убијаху, пристајах на суд.
11 At madalas sa pagpaparusa ko sa kanila sa lahat ng mga sinagoga, ay pinipilit ko silang magsipamusong; at sa totoong pagkagalit ko sa kanila, ay sila'y pinaguusig ko hanggang sa mga bayan ng ibang lupain.
И по свим зборницама мучећи их често, нагоњах да хуле на Исуса; и одвише мрзећи на њих гоњах их тја и до туђих градова.
12 Hinggil dito sa paglalakbay kong patungo sa Damasco na taglay ang kapamahalaan at bilin ng mga pangulong saserdote,
За које идући у Дамаск с влашћу и заповешћу од главара свештеничких,
13 Nang katanghalian, Oh hari, ay nakita ko sa daan ang isang ilaw na mula sa langit, na lalong maningning kay sa araw, at lumiwanag sa palibot ko at sa mga nagsisipaglakbay na kasama ko.
У подне, царе, видех на путу с неба светлост већу од сијања сунчаног, која обасја мене и оне што иђаху са мном.
14 At nang mangapasubasob sa lupa kaming lahat, ay narinig ko ang isang tinig na nagsasalita sa akin sa wikang Hebreo, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? mahirap sa iyo ang sumikad sa mga matulis.
А кад ми сви падосмо на земљу, чух глас где говори мени и казује јеврејским језиком: Савле! Савле! Зашто ме гониш? Тешко ти је противу бодила праћати се.
15 At sinabi ko, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi ng Panginoon, Ako'y si Jesus na iyong pinaguusig.
А ја рекох: Ко си Ти, Господе? А Он рече: Ја сам Исус, ког ти гониш;
16 Datapuwa't magbangon ka, at ikaw ay tumindig sa iyong mga paa: sapagka't dahil dito'y napakita ako sa iyo, upang ihalal kitang ministro at saksi din naman ng mga bagay na nakita mo sa akin, at ng mga bagay na pagpapakitaan ko sa iyo;
Него устани и стани на ноге своје; јер ти се зато јавих да те учиним слугом и сведоком овоме што си видео и што ћу ти показати,
17 Na ililigtas kita sa bayan, at sa mga Gentil, na sa kanila'y sinusugo kita,
Избављајући те од народа јеврејског и од незнабожаца, којима ћу те послати,
18 Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mga mana sa kasamahan ng mga pinapaging banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.
Да им отвориш очи да се обрате од таме к виделу и од области сотонине к Богу, да приме опроштење греха и достојање међу освећенима вером мојом.
19 Dahil nga dito, Oh haring Agripa, hindi ako nagsuwail sa pangitain ng kalangitan:
Зато, царе Агрипа! Не бих непокоран небеској утвари;
20 Kundi nangaral akong unauna sa mga taga Damasco, at sa Jerusalem din naman, at sa buong lupain ng Judea, at gayon din sa mga Gentil, na sila'y mangagsisi at mangagbalik-loob sa Dios, na mangagsigawa ng mga gawang karapatdapat sa pagsisisi.
Него најпре онима који су у Дамаску и у Јерусалиму, потом и по свој земљи јеврејској, и незнабошцима проповедах да се покају, и да се обрате к Богу чинећи дела достојна покајања.
21 Dahil dito'y hinuli ako ng mga Judio sa templo, at pinagsisikapang ako'y patayin.
Зато ме Јевреји ухватише у цркви и хтеше да ме раскину.
22 Nang aking tamuhin nga ang tulong na mula sa Dios, ay nananatili ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo sa maliliit at gayon din sa malalaki, na wala akong sinasabing anoman kundi ang sinabi ng mga propeta at ni Moises na mangyayari;
Али добивши помоћ Божју стојим до самог овог дана, и сведочим и малом и великом, не казујући ништа осим што пророци казаше да ће бити, и Мојсије:
23 Kung paano na ang Cristo ay kailangang maghirap, at kung paano na siya muna sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay ay magtatanyag ng ilaw sa bayan, at gayon din sa mga Gentil.
Да ће Христос пострадати, и да ће бити први из васкрсења мртвих и проповедати видело народу јеврејском и незнабошцима.
24 At nang magawa na niyang gayon ang kaniyang pagsasanggalang ay sinabi ni Festo ng malakas na tinig, Pablo, ikaw ay ulol; ang kalakhan ng dunong mo ay siyang sa iyo'y nagpapaulol.
А кад он ово одговараше, рече Фист великим гласом: Зар лудујеш, Павле? Многе те књиге изводе из памети.
25 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.
А он рече: Не лудујем, честити Фисте, него речи истине и разума казујем.
26 Sapagka't nalalaman ng hari ang mga bagay na ito, na sa kaniya'y nagsasalita naman ako ng buong laya: sapagka't naniniwala ako na sa kaniya'y walang nalilingid sa mga bagay na ito; sapagka't ito'y hindi ginawa sa isang sulok.
Јер за ово зна цар, коме и говорим слободно; јер не верујем да му је шта од овог непознато; јер ово није било у углу.
27 Haring Agripa, naniniwala ka baga sa mga propeta? Nalalaman kong naniniwala ka.
Верујеш ли, царе Агрипа, пророцима? Знам да верујеш.
28 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano.
А Агрипа рече Павлу: Још мало па ћеш ме наговорити да будем хришћанин.
29 At sinabi ni Pablo, Loobin nawa ng Dios, na sa kakaunti o sa marami man, ay hindi lamang ikaw, kundi pati ng lahat ng mga nagsisipakinig sa akin ngayon, ay pawang maging katulad ko naman, tangi lamang sa mga tanikalang ito.
А Павле рече: Молио бих Бога и за мало и за много да би не само ти него и сви који ме слушају данас били такви као и ја што сам, осим окова ових.
30 At nagtindig ang hari, at ang gobernador, at si Bernice, at ang mga nagsiupong kasama nila:
И кад он ово рече, уста цар и судија и Верникија, и који сеђаху с њима,
31 At nang sila'y makahiwalay, ay nangagsalitaan sila sa isa't isa, na nagsisipagsabi, Ang taong ito ay walang anomang ginagawa na marapat sa kamatayan o sa mga tanikala.
И отишавши разговараху се међу собом говорећи: Овај човек није учинио ништа што заслужује смрт или окове.
32 At sinabi ni Agripa kay Festo, mapalalaya sana ang taong ito, kung hindi naghabol kay Cesar.
А Агрипа рече Фисту: Овај човек могаше бити пуштен да не рече да хоће к ћесару. И тако судија намисли да га пошаље к ћесару.