< Mga Gawa 20 >
1 At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan, nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila'y mapangaralan, ay nagpaalam sa kanila, at umalis upang pumaroon sa Macedonia.
After the uproar was over, Paul sent for the disciples and after he encouraged them, he said farewell and left to go into Macedonia.
2 At nang matahak na niya ang mga dakong yaon, at maaralan na sila ng marami, siya'y napasa Grecia.
When he had gone through those regions and had spoken many words of encouragement to them, he came to Greece.
3 At nang siya'y makapaggugol na ng tatlong buwan doon, at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya'y lalayag na sa Siria, ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia.
After he had spent three months there, a plot was formed against him by the Jews as he was about to sail for Syria, so he decided to return through Macedonia.
4 At siya'y sinamahan hanggang sa Asia, ni Sopatro na taga Berea, na anak ni Pirro; at ng mga taga Tesalonicang si Aristarco at si Segundo; at ni Gayo na taga Derbe, at ni Timoteo; at ng mga taga Asiang si Tiquico at si Trofimo.
Accompanying him as far as Asia were Sopater son of Pyrrhus from Berea; Aristarchus and Secundus, both from the Thessalonian believers; Gaius of Derbe; Timothy; and Tychicus and Trophimus from Asia.
5 Datapuwa't nangauna ang mga ito, at hinintay kami sa Troas.
But these men had gone before us and were waiting for us at Troas.
6 At kami'y nagsilayag mula sa Filipos pagkaraan ng mga kaarawan ng mga tinapay na walang lebadura, at nagsidating kami sa kanila sa Troas sa loob ng limang araw; na doo'y nagsitira kaming pitong araw.
We sailed away from Philippi after the days of unleavened bread, and in five days we came to them in Troas. There we stayed for seven days.
7 At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.
On the first day of the week, when we were gathered together to break bread, Paul spoke to the believers. He was planning to leave the next day, so he kept speaking until midnight.
8 At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin.
There were many lamps in the upper room where we had come together.
9 At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico, na mahimbing sa pagtulog; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba, palibhasa'y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado, at siya'y binuhat na patay.
In the window was sitting a young man named Eutychus, who fell into a deep sleep. As Paul spoke even longer, this young man, still sleeping, fell down from the third story and was picked up dead.
10 At nanaog si Pablo, at dumapa sa ibabaw niya, at siya'y niyakap na sinabi, Huwag kayong magkagulo; sapagka't nasa kaniya ang kaniyang buhay.
But Paul went down, stretched himself out on him, and embraced him. Then he said, “Do not be upset any more, for he is alive.”
11 At nang siya'y makapanhik na, at mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hanggang sa sumikat ang araw, kaya't siya'y umalis.
Then he went upstairs again and broke bread and ate. After talking with them much longer until dawn, he left.
12 At kanilang dinalang buhay ang binata, at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw.
They brought back the boy alive and were greatly comforted.
13 Datapuwa't kami, na nangauna sa daong, ay nagsilayag na patungong Ason, na doon namin inaakalang ilulan si Pablo: sapagka't gayon ang kaniyang ipinasiya, na ninanasa niyang maglakad.
We ourselves went ahead of Paul by ship and sailed away to Assos, where we planned to take Paul on board. This is what he himself desired to do, because he planned to go by land.
14 At nang salubungin niya kami sa Ason, siya'y inilulan namin, at nagsiparoon kami sa Mitilene.
When he met us at Assos, we took him onto the ship and went to Mitylene.
15 At pagtulak namin doon, ay sumapit kami nang sumunod na araw sa tapat ng Chio; at nang kinabukasan ay nagsidaong kami sa Samo; at nang kinabukasan ay nagsirating kami sa Mileto.
Then we sailed from there and arrived the next day opposite the island of Chios. The following day we touched at the island of Samos, and the day after we came to the city of Miletus.
16 Sapagka't ipinasiya ni Pablo na lampasan ang Efeso, upang huwag na siyang maggugol ng panahon sa Asia; sapagka't siya'y nagmamadali upang kung maaari ay dumating sa Jerusalem sa araw ng Pentecostes.
For Paul had decided to sail past Ephesus, so that he would not spend any time in Asia; for he was hurrying to be in Jerusalem for the day of Pentecost, if it were at all possible for him to do so.
17 At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso, at ipinatawag ang mga matanda sa iglesia.
From Miletus he sent men to Ephesus and called to himself the elders of the church.
18 At nang sila'y magsidating sa kaniya, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo, na mula nang unang araw na ako'y tumungtong sa Asia, kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon,
When they had come to him, he said to them, “You yourselves know, from the first day that I set foot in Asia, how I always spent my time with you.
19 Na ako'y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip, at ng mga luha, at ng mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagbakay ng mga Judio;
I kept serving the Lord with all lowliness of mind and with tears, and in sufferings that happened to me because of the plots of the Jews.
20 Kung paanong hindi ko ikinait na ipahayag sa inyo ang anomang bagay na pakikinabangan, at hayag na itinuro sa inyo, at sa mga bahay-bahay,
You know how I did not keep back from declaring to you anything that was useful, and how I taught you in public and from house to house,
21 Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang pagsisisi sa Dios, at ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo.
testifying both Jews and Greeks about repentance toward God and of faith in our Lord Jesus.
22 At ngayon, narito, ako na natatali sa espiritu ay pasasa Jerusalem, na hindi nalalaman ang mga bagay na mangyayari sa akin doon:
Now look, I am going to Jerusalem, compelled by the Spirit, not knowing what will happen to me there,
23 Maliban na pinatotohanan sa akin ng Espiritu Santo sa bawa't bayan, na sinasabing ang mga tanikala at ang mga kapighatian ay nagsisipagantay sa akin.
except that the Holy Spirit warns to me in every city that chains and sufferings await me.
24 Datapuwa't hindi ko minamahal ang aking buhay na waring sa akin ay mahalaga, maganap ko lamang ang aking katungkulan, at ang ministeriong tinanggap ko sa Panginoong Jesus, na magpatotoo ng evangelio ng biyaya ng Dios.
But I do not consider my life is valuable to myself, if only I may finish the race and complete the ministry that I received from the Lord Jesus, to testify to the gospel of the grace of God.
25 At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha.
Now look, I know that you all, among whom I went about proclaiming the kingdom, will see my face no more.
26 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y malinis sa dugo ng lahat ng mga tao.
Therefore I testify to you this day, that I am innocent of the blood of any man.
27 Sapagka't hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios.
For I did not hold back from declaring to you the whole will of God.
28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
Therefore be careful about yourselves, and about all the flock of which the Holy Spirit has made you overseers. Be careful to shepherd the church of God, which he purchased with his own blood.
29 Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
I know that after my departure, vicious wolves will come in among you and will not spare the flock.
30 At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.
I know that from even among you some men shall come and distort the truth in order to draw away the disciples after them.
31 Kaya nga kayo'y mangagpuyat, na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha.
So be on guard. Remember that for three years I did not stop instructing every one of you with tears night and day.
32 At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay, at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal.
Now I entrust you to God and to the word of his grace, which is able to build you up and to give you the inheritance among all those who are being sanctified.
33 Hindi ko inimbot ang pilak ninoman, o ang ginto, o ang pananamit.
I coveted no man's silver, gold, or clothing.
34 Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at sa aking mga kasamahan.
You yourselves know that these hands served my own needs and the needs of those who were with me.
35 Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap.
In all things I gave you an example of how you should help the weak by working, and of how you should remember the words of the Lord Jesus, words that he himself said: “It is more blessed to give than to receive.”
36 At nang makapagsalita na siya ng gayon, ay nanikluhod siya at nanalanging kasama silang lahat.
After he had spoken in this way, he knelt down and prayed with them all.
37 At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangagsiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila.
There was a lot of crying and they embraced Paul and kissed him.
38 Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong.
They were sad most of all because of what he had said, that they would never see his face again. Then they escorted him to the ship.