< Mga Gawa 12 >

1 Nang panahon ngang yaon ay iniunat ni Herodes ang kaniyang mga kamay upang pahirapan ang ilan sa iglesia.
Paa den Tid lagde Kong Herodes Haand paa nogle af Menigheden for at mishandle dem,
2 At pinatay niya sa tabak si Santiago na kapatid ni Juan.
og Jakob, Johannes's Broder, lod han henrette med Sværd.
3 At nang makita niya na ito'y ikinatutuwa ng mga Judio, ay kaniya namang ipinagpatuloy na hulihin si Pedro. At noo'y mga araw ng mga tinapay na walang lebadura.
Og da han saa, at det behagede Jøderne, gik han videre og lod ogsaa Peter gribe. Det var de usyrede Brøds Dage.
4 At nang siya'y mahuli na niya, ay kaniyang inilagay siya sa bilangguan at siya'y ibinigay sa apat na tigaapat na kawal upang siya'y bantayan; na inaakalang siya'y iharap sa bayan pagkatapos ng Paskua.
Og da han havde grebet ham, satte han ham i Fængsel og overgav ham til at bevogtes af fire Vagtskifter, hvert paa fire Stridsmænd, da han efter Paasken vilde føre ham frem for Folket.
5 Kaya nga't si Pedro ay iningatan sa bilangguan: datapuwa't ang iglesia ay maningas na dumalangin sa Dios patungkol sa kaniya.
Saa blev da Peter bevogtet i Fængselet; men der blev af Menigheden holdt inderlig Bøn til Gud for ham.
6 At nang siya'y malapit nang ilabas ni Herodes, nang gabi ring yaon ay natutulog si Pedro sa gitna ng dalawang kawal, na nagagapos ng dalawang tanikala: at ang mga bantay sa harap ng pintuan ay nangagbabantay ng bilangguan.
Men da Herodes vilde til at føre ham frem, sov Peter den Nat imellem to Stridsmænd, bunden med to Lænker, og Vagter foran Døren bevogtede Fængselet.
7 At narito, tumayo sa tabi niya ang isang anghel ng Panginoon, at lumiwanag ang isang ilaw sa silid na kulungan: at tinapik si Pedro sa tagiliran, at siya'y ginising, na sinasabi, Magbangon kang madali. At nangalaglag ang kaniyang mga tanikala sa kaniyang mga kamay.
Og se, en Herrens Engel stod der, og et Lys straalede i Fangerummet, og han slog Peter i Siden og vækkede ham og sagde: „Staa op i Hast!‟ og Lænkerne faldt ham af Hænderne.
8 At sinabi sa kaniya ng anghel, Magbigkis ka, at itali mo ang iyong mga pangyapak. At gayon ang ginawa niya. At sinabi niya sa kaniya. Isuot mo sa iyo ang damit mo, at sumunod ka sa akin.
Og Engelen sagde til ham: „Bind op om dig, og bind dine Sandaler paa!‟ Og han gjorde saa. Og han siger til ham: „Kast din Kappe om dig, og følg mig!‟
9 At siya'y lumabas, at sumunod; at hindi niya nalalaman kung tunay ang ginawa ng anghel kundi ang isip niya'y nakakita siya ng isang pangitain.
Og han gik ud og fulgte ham, og han vidste ikke, at det, som skete ved Engelen, var virkeligt, men mente, at han saa et Syn.
10 At nang kanilang maraanan na ang una at ang pangalawang bantay, ay nagsirating sila sa pintuang-bakal na patungo sa bayan; na kusang nabuksan sa kanila: at sila'y nagsilabas, at nangagpatuloy sa isang lansangan; at pagdaka'y humiwalay sa kaniya ang anghel.
Men de gik igennem den første og den anden Vagt og kom til den Jernport, som førte ud til Staden; denne aabnede sig for dem af sig selv, og de kom ud og gik en Gade frem, og straks skiltes Engelen fra ham.
11 At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga Judio.
Og da Peter kom til sig selv, sagde han: „Nu ved jeg i Sandhed, at Herren udsendte sin Engel og udfriede mig af Herodes's Haand og al det jødiske Folks Forventning.‟
12 At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin.
Og da han havde besindet sig, gik han til Marias Hus, hun, som var Moder til Johannes, med Tilnavn Markus, hvor mange vare forsamlede og bade.
13 At nang siya'y tumuktok sa pintuang-daan, ay lumabas upang sumagot, ang isang dalagang nagngangalang Rode.
Men da han bankede paa Døren til Portrummet, kom der en Pige ved Navn Rode for at høre efter.
14 At nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa tuwa'y hindi niya binuksan ang pintuan, kundi nagtakbo sa loob, ipinagbigay-alam na nakatayo si Pedro sa harap ng pintuan.
Og da hun kendte Peters Røst, lod hun af Glæde være at aabne Porten, men løb ind og forkyndte dem, at Peter stod uden for Porten.
15 At kanilang sinabi sa kaniya, Nauulol ka. Datapuwa't buong tiwala niyang pinatunayan na gayon nga. At kanilang sinabi, na yao'y kaniyang anghel.
Da sagde de til hende: „Du raser.‟ Men hun stod fast paa, at det var saaledes. Men de sagde: „Det er hans Engel.‟
16 Datapuwa't nanatili si Pedro nang pagtuktok: at nang kanilang buksan, ay nakita nila siya, at sila'y nangamangha.
Men Peter blev ved at banke paa, og da de lukkede op, saa de ham og bleve forbavsede.
17 Datapuwa't siya, nang mahudyatan sila ng kaniyang kamay na sila'y tumahimik, ay isinaysay sa kanila kung paanong inilabas siya ng Panginoon sa bilangguan. At sinabi niya, Ipagbigay-alam ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago, at sa mga kapatid. At siya'y umalis, at napasa ibang dako.
Da vinkede han til dem med Haanden, at de skulde tie, og fortalte dem, hvorledes Herren havde ført ham ud af Fængselet, og han sagde: „Forkynder Jakob og Brødrene dette!‟ Og han gik ud og drog til et andet Sted.
18 Nang maguumaga na ay hindi kakaunti ang kaguluhang nangyari sa mga kawal, tungkol sa kung anong nangyari kay Pedro.
Men da det blev Dag, var der ikke liden Uro iblandt Stridsmændene over, hvad der var blevet af Peter.
19 At nang siya'y maipahanap na ni Herodes, at hindi siya nasumpungan, ay siniyasat niya ang mga bantay, at ipinagutos na sila'y patayin. At siya buhat sa Judea ay lumusong sa Cesarea, at doon tumira.
Men da Herodes søgte ham og ikke fandt ham, forhørte han Vagten og befalede, at de skulde henrettes. Og han drog ned fra Judæa til Kæsarea og opholdt sig der.
20 At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.
Men han laa i Strid med Tyrierne og Sidonierne. Men de kom endrægtigt til ham og fik Blastus, Kongens Kammerherre, paa deres Side og bade om Fred, fordi deres Land fik Næringsmidler tilførte fra Kongens Land.
21 At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa luklukan, at sa kanila'y tumalumpati.
Men paa en fastsat Dag iførte Herodes sig en Kongedragt og satte sig paa Tronen og holdt en Tale til dem.
22 At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.
Og Folket raabte til ham: „Det er Guds Røst og ikke et Menneskes.‟
23 At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga.
Men straks slog en Herrens Engel ham, fordi han ikke gav Gud Æren; og han blev fortæret af Orme og udaandede.
24 Datapuwa't lumago ang salita ng Dios at dumami.
Men Guds Ord havde Fremgang og udbredtes.
25 At nagbalik na galing sa Jerusalem si Bernabe at si Saulo, nang maganap na nila ang kanilang ministerio, na kanilang isinama si Juan na may pamagat na Marcos.
Og Barnabas og Saulus vendte tilbage fra Jerusalem efter at have fuldført deres Ærinde, og de havde Johannes, med Tilnavn Markus, med sig.

< Mga Gawa 12 >