< Mga Gawa 10 >

1 At may isang lalake nga sa Cesarea, na nagngangalang Cornelio, senturion ng pulutong na tinatawag na pulutong Italiano.
在该撒利亚有一人名叫哥尼流,是意大利营的罗马百夫长。
2 Isang taong masipag sa kabanalan at matatakutin sa Dios siya at ang buong sangbahayan at naglimos ng marami sa mga tao, at laging nananalangin sa Dios.
他为人虔诚,与全家人一起敬拜上帝,对穷人非常慷慨,经常向上帝祷告。
3 Nakita niyang maliwanag, sa isang pangitain, nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio.
一天大约下午三点钟时候,他在异象中清楚看到上帝的一位天使来到他身边,呼唤他:“哥尼流!”
4 At siya, sa pagtitig niya sa kaniya, at sa pagkatakot niya, ay nagsabi, Ano ito, Panginoon? At sinabi niya sa kaniya, Ang mga panalangin mo at ang iyong mga paglilimos ay nangapailanglang na isang alaala sa harapan ng Dios.
他很害怕地盯着天使看,然后问到:“主啊,你想要干嘛?”天使说:“上帝注意到你的祷告和善行,看到了你对穷人的慷慨。
5 At ngayo'y magsugo ka ng mga tao sa Joppe, at ipagsama mo yaong Simon, na may pamagat na Pedro;
现在派人到约帕去,把一个叫做彼得的人带过来,他还有个名字叫西门。
6 Siya'y nanunuluyan sa isa na Simong mangluluto ng balat, na ang kaniyang bahay ay nasa tabi ng dagat.
他在海边制皮匠西门的家里做客。”
7 At nang umalis ang anghel na sa kaniya'y nagsalita, ay tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga alila, at ng isang kawal na masipag sa kabanalan sa mga nagsisipaglingkod sa kaniyang parati;
待与他说话的天使走后,他就叫来两个家仆和他的一名私人护卫,也是一名虔诚的信徒。
8 At nang maisaysay na sa kanila ang lahat ng mga bagay, sila'y sinugo niya sa Joppe.
他把一切解释给他们听,然后派他们到约帕去。
9 Nang kinabukasan nga samantalang sila'y patuloy sa kanilang paglalakad, at nang malapit na sa bayan, si Pedro ay umakyat sa ibabaw ng bahay upang manalangin, nang may oras na ikaanim;
第二天,他们即将接近那座城的时候,彼得爬上屋顶去祷告。中午时分,
10 At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa;
彼得觉得饿了,想要吃点东西。就在准备午餐的时候,他忽然感到一阵恍惚,
11 At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa:
然后便看见天空开启,有什么东西降落在下面,仿佛是一大块四角绑住的布,
12 Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit.
里面可以看到各种各样的动物、昆虫和飞鸟。
13 At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain.
一个声音对他说:“彼得,起来吧,把它们宰杀后食用!”
14 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal.
彼得说:“主啊,万万不可!我从不吃不纯不洁的食物。”
15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
那声音又对他说:“上帝已让它洁净,不可称其不洁!”
16 At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
这样的异象重复了三次,然后那块布立刻被收回天空。
17 Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.
彼得感到很困惑,不知这异象到底意味着什么。此时哥尼流派来的人找到西门所在的房子,站在门口,
18 At nangagsitawag at nangagtanong kung si Simon, na pinamagatang Pedro, ay nanunuluyan doon.
他们高喊,询问这里是否有一个名叫彼得或西门的人。
19 At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kaniya ng Espiritu, Narito, hinahanap ka ng tatlong tao.
彼得还在想着那异象,圣灵对他说:“看,有三个人来找你。
20 Datapuwa't magtindig ka, at manaog ka, at sumama ka sa kanila, na huwag kang magalinlangan ng anoman: sapagka't sila'y aking sinugo.
起来,到楼下和他们走吧。完全不要担心,因为他们是我派来的。”
21 At pinanaog ni Pedro ang mga tao, at sinabi, Narito, ako ang hinahanap ninyo: ano baga ang dahil ng inyong ipinarito?
于是彼得下楼与他们相见,说:“我就是你们所要找的人。为什么你们会来这里?”
22 At sinabi nila, Ang senturiong si Cornelio, na taong matuwid at matatakutin sa Dios, at may mabuting patotoo ng buong bansa ng mga Judio, ay pinagpaunawaan ng Dios sa pamamagitan ng isang banal na anghel na ikaw ay paparoonin sa kaniyang bahay, at upang makarinig sa iyo ng mga salita.
他们说:“百夫长哥尼流派我们前来。他是一位敬畏上帝的善良之人,犹太人民都很敬重他。一位圣天使给他指示,请你到他家中,让他聆听你的宣讲。”
23 Kaya't sila'y pinapasok at pinatuloy sila. At nang kinabukasa'y nagbangon siya at umalis na kasama nila, at siya'y sinamahan ng ilang kapatid na mula sa Joppe.
彼得邀请他们进屋住下。 第二天,彼得和来自约帕的几名兄弟与他们一起离开。
24 At nang kinabukasa'y nagsipasok sila sa Cesarea. At sila'y hinihintay ni Cornelio, na tinipon nito ang kaniyang kamaganakan at ang kaniyang mga kaibigang minamahal.
一行人在第二天来到该撒利亚,此时哥尼流已经找来亲朋好友迎接他们。
25 At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba.
彼得走进房屋后,哥尼流迎上来,俯伏在他脚前叩拜。
26 Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.
彼得把他扶起,说:“起来,我不过是凡人而已!”
27 At sa pakikipagsalitaan niya sa kaniya, ay pumasok siya, at kaniyang naratnan ang maraming nangagkakatipon:
彼得和他说了几句话就走了进去,看见许多人聚集在那里。
28 At sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo na hindi matuwid sa isang taong Judio na makisama lumapit sa isang taga ibang bansa; at gayon ma'y ipinakilala sa akin ng Dios, na sinomang tao'y huwag kong tawaging marumi o karumaldumal:
他对众人说:“你们当然知道,犹太人本来不准与异教徒有联系或彼此探访,但上帝已经指示我,不可把任何人视为不纯或不洁。
29 Dahil din dito'y naparito akong hindi tumutol ng anoman, nang ako'y ipasundo. Itinatanong ko nga kung sa anong kadahilanan ipinasundo ninyo ako.
所以我受邀后就立刻毫不推辞地来了。那么现在我想知道,你要我来所为何事?”
30 At sinabi ni Cornelio, May apat nang araw, hanggang sa oras na ito, na aking ginaganap ang pananalangin sa oras na ikasiyam sa bahay ko; at narito, tumindig sa harapan ko ang isang lalake na may pananamit na nagniningning,
哥尼流说:“四天前下午三点钟,我在家里祷告时,忽然有一人站在我面前,身上的衣服发着明亮的光。
31 At sinabi, Cornelio, dininig ang dalangin mo, at ang iyong mga paglilimos ay inaalaala sa paningin ng Dios.
那人对我说:‘哥尼流,上帝已听到你的祷告,他已看到你对穷人的慷慨。
32 Magsugo ka nga sa Joppe, at ipatawag mo si Simon, na pinamagatang Pedro; siya'y nanunuluyan sa bahay ni Simong mangluluto ng balat, na nasa tabi ng dagat.
派人到约帕去找一位叫做彼得的人过来,他现在住在制皮匠西门位于海边的家中。’
33 Pagdaka nga'y nagsugo ako sa iyo; at mabuti ang ginawa mo't naparito ka. Ngayon nga'y kaming lahat ay nangaririto sa paningin ng Dios, upang dinggin ang lahat ng mga bagay na sa iyo'y ipinagutos ng Panginoon.
所以我就立刻派人去请你过来,所以此刻我们都能在这里,在上帝面前相聚,准备聆听主吩咐你的一切。”
34 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:
彼得回答:“我非常确信上帝从不偏袒。
35 Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.
无论哪个民族,只要尊重上帝,行事善良正义,就会被上帝所接纳。
36 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (siya'y Panginoon ng lahat: )
你们知道,上帝借耶稣基督,也就是万物之主,传播和平的福音,将这道传递给以色列人。
37 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;
你们知道,约翰呼吁大家受洗之后,这道就从加利利传遍了犹太。
38 Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios.
这是关于拿撒勒人耶稣的道,讲述了上帝如何用圣灵和力量选定他,进行膏立。讲述了他如何四处行善,治愈所有被魔鬼控制之人,因为上帝与他同在。
39 At mga saksi kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.
对于他在犹太人之地和耶路撒冷所行一切,我们就是见证人。他们把他钉上十字架,谋害了他。
40 Siya'y muling binuhay ng Dios nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.
但上帝让他在第三天复活并显现,
41 Hindi sa buong bayan, kundi sa mga saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.
不过并非显现给所有的人,而是显现给上帝所选的见证人,包括我们这些在他死而复生后,与他一起吃喝之人。
42 At sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.
他让我们承担向民众传道的使命,证明他就是上帝选来审判活人和死人的主。
43 Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
他就是所有先知所言之人:信他之人的罪就会以他之名得到赦免。”
44 Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.
彼得说话的时候,圣灵降临到所有听道民众的身上,
45 At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.
与彼得一同前来的犹太人信徒非常震惊,因为异教徒也能获得圣灵之礼。
46 Sapagka't nangarinig nilang nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,
他们能听懂用方言说的话,一起赞美上帝。
47 Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?
彼得问:“既然这些人已经和我们一样接受圣灵,谁又能阻止他们接受水的洗礼呢?”
48 At inutusan niya sila na magsipagbautismo sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.
然后,他就吩咐以耶稣基督之名为他们施洗。随后,众人请彼得在此再多住几天。

< Mga Gawa 10 >