< 2 Timoteo 4 >

1 Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:
Protož já osvědčuji před oblíčejem Božím a Pána Jezukrista, kterýž má souditi živé i mrtvé v příchodu svém slavném a království svém,
2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
Kaž slovo Boží, ponoukej v čas neb ne v čas, tresci, žehři, napomínej, ve vší tichosti a učení.
3 Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
Nebo přijde čas, že zdravého učení nebudou trpěti, ale majíce svrablavé uši, podlé svých vlastních žádostí shromažďovati sami sobě budou učitele.
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha.
A odvrátíť uši od pravdy, a k básněm obrátí.
5 Nguni't ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
Ale ty ve všem buď bedliv, protivenství snášej, dílo kazatele konej, dokazuj toho dostatečně, že jsi věrný služebník.
6 Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na.
Nebo já se již k tomu blížím, abych obětován byl, a čas rozdělení mého nastává.
7 Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
Boj výborný bojoval jsem, běh jsem dokonal, víru jsem zachoval.
8 Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
Již za tím odložena jest mi koruna spravedlnosti, kterouž dá mi v onen den Pán, ten spravedlivý soudce, a netoliko mně, ale i všechněm těm, kteříž milují to slavné příští jeho.
9 Magsikap kang pumarini na madali sa akin:
Přičiň se k tomu, abys ke mně brzo přišel.
10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia. (aiōn g165)
Nebo Démas mne opustil, zamilovav tento svět, a šel do Tessaloniky, Krescens do Galacie, Titus do Dalmacie. (aiōn g165)
11 Si Lucas lamang ang kasama ko. Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.
Sám toliko Lukáš se mnou jest. Marka vezmi s sebou; nebo jest mi velmi potřebný k službě.
12 Datapuwa't si Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.
Tychikať jsem poslal do Efezu.
13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.
Truhličku, kteréž jsem nechal v Troadě u Karpa, když půjdeš, přines, i knihy, zvláště pargamén.
14 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa:
Alexander kotlář mnoho mi zlého způsobil; odplatiž jemu Pán podlé skutků jeho.
15 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita.
Kteréhož i ty se vystříhej; nebo velmi se protivil řečem našim.
16 Sa aking unang pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.
Při prvním mém odpovídání žádný se mnou nebyl, ale všickni mne opustili. Nebudiž jim to počítáno.
17 Datapuwa't ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at ako'y iniligtas sa bibig ng leon.
Pán pak byl se mnou, a posilnil mne, aby skrze mne utvrzeno bylo kázaní, a slyšeli je všickni národové. I vytržen jsem byl z úst lva.
18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn g165)
A vysvobodíť mne Pán od každého skutku zlého, a zachovává k království svému nebeskému, jemuž sláva na věky věků. Amen. (aiōn g165)
19 Batiin mo si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan ni Onesiforo.
Pozdrav Prišky a Akvile, i Oneziforova domu.
20 Si Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa Mileto.
Erastus zůstal v Korintu, Trofima pak nechal jsem v Milétu nemocného.
21 Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.
Pospěš před zimou přijíti. Pozdravuje tebe Eubulus a Pudens a Línus a Klaudia, i všickni bratří.
22 Ang Panginoon nawa'y sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo.
Pán Ježíš Kristus s duchem tvým. Milost Boží s vámi. Amen.

< 2 Timoteo 4 >