< 2 Mga Tesalonica 3 >
1 Katapustapusan, mga kapatid, ay inyong idalangin kami, upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin nawa na gaya rin naman sa inyo;
హే భ్రాతరః, శేషే వదామి, యూయమ్ అస్మభ్యమిదం ప్రార్థయధ్వం యత్ ప్రభో ర్వాక్యం యుష్మాకం మధ్యే యథా తథైవాన్యత్రాపి ప్రచరేత్ మాన్యఞ్చ భవేత్;
2 At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya.
యచ్చ వయమ్ అవివేచకేభ్యో దుష్టేభ్యశ్చ లోకేభ్యో రక్షాం ప్రాప్నుయామ యతః సర్వ్వేషాం విశ్వాసో న భవతి|
3 Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama.
కిన్తు ప్రభు ర్విశ్వాస్యః స ఏవ యుష్మాన్ స్థిరీకరిష్యతి దుష్టస్య కరాద్ ఉద్ధరిష్యతి చ|
4 At may pagkakatiwala kami sa Panginoon tungkol sa inyo, na inyong ginagawa at gagawin naman ang mga bagay na aming iniuutos.
యూయమ్ అస్మాభి ర్యద్ ఆదిశ్యధ్వే తత్ కురుథ కరిష్యథ చేతి విశ్వాసో యుష్మానధి ప్రభునాస్మాకం జాయతే|
5 At patnubayan nawa ng Panginoon ang inyong mga puso sa pagibig ng Dios, at sa pagtitiis ni Cristo.
ఈశ్వరస్య ప్రేమ్ని ఖ్రీష్టస్య సహిష్ణుతాయాఞ్చ ప్రభుః స్వయం యుష్మాకమ్ అన్తఃకరణాని వినయతు|
6 Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y magsihiwalay sa bawa't kapatid na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin.
హే భ్రాతరః, అస్మత్ప్రభో ర్యీశుఖ్రీష్టస్య నామ్నా వయం యుష్మాన్ ఇదమ్ ఆదిశామః, అస్మత్తో యుష్మాభి ర్యా శిక్షలమ్భి తాం విహాయ కశ్చిద్ భ్రాతా యద్యవిహితాచారం కరోతి తర్హి యూయం తస్మాత్ పృథగ్ భవత|
7 Sapagka't kayo rin ang nangakakaalam kung paano kami ay inyong dapat tularan: sapagka't kami ay hindi nangagugali ng walang kaayusan sa inyo;
యతో వయం యుష్మాభిః కథమ్ అనుకర్త్తవ్యాస్తద్ యూయం స్వయం జానీథ| యుష్మాకం మధ్యే వయమ్ అవిహితాచారిణో నాభవామ,
8 Ni nagsikain man kami ng walang bayad ng tinapay ng sinoman; kundi sa pagpapagal at sa pagdaramdam na gumagawa gabi't araw, upang kami ay huwag maging pasanin sa kanino man sa inyo:
వినామూల్యం కస్యాప్యన్నం నాభుంజ్మహి కిన్తు కోఽపి యద్ అస్మాభి ర్భారగ్రస్తో న భవేత్ తదర్థం శ్రమేణ క్లేశేన చ దివానిశం కార్య్యమ్ అకుర్మ్మ|
9 Hindi dahil sa kami ay walang karapatan, kundi upang kami ay mangakapagbigay sa inyo ng isang uliran, upang kami ay inyong tularan.
అత్రాస్మాకమ్ అధికారో నాస్తీత్థం నహి కిన్త్వస్మాకమ్ అనుకరణాయ యుష్మాన్ దృష్టాన్తం దర్శయితుమ్ ఇచ్ఛన్తస్తద్ అకుర్మ్మ|
10 Sapagka't noon pa mang kami ay kasama ninyo, ay aming iniutos ito sa inyo, Kung ang sinoman ay ayaw gumawa, ay huwag din namang kumain.
యతో యేన కార్య్యం న క్రియతే తేనాహారోఽపి న క్రియతామితి వయం యుష్మత్సమీప ఉపస్థితికాలేఽపి యుష్మాన్ ఆదిశామ|
11 Sapagka't aming nababalitaan ang ilan sa inyo na nagsisilakad ng walang kaayusan, na hindi man lamang nagsisigawa, kundi mga mapakialam sa mga bagay ng iba.
యుష్మన్మధ్యే ఽవిహితాచారిణః కేఽపి జనా విద్యన్తే తే చ కార్య్యమ్ అకుర్వ్వన్త ఆలస్యమ్ ఆచరన్తీత్యస్మాభిః శ్రూయతే|
12 Sa mga gayon nga ay aming iniuutos at ipinamamanhik sa Panginoong Jesucristo, na sila'y magsigawang may katahimikan, at magsikain ng kanilang sariling tinapay.
తాదృశాన్ లోకాన్ అస్మతప్రభో ర్యీశుఖ్రీష్టస్య నామ్నా వయమ్ ఇదమ్ ఆదిశామ ఆజ్ఞాపయామశ్చ, తే శాన్తభావేన కార్య్యం కుర్వ్వన్తః స్వకీయమన్నం భుఞ్జతాం|
13 Nguni't kayo, mga kapatid, huwag kayong mangapagod sa paggawa ng mabuti.
అపరం హే భ్రాతరః, యూయం సదాచరణే న క్లామ్యత|
14 At kung ang sinoma'y hindi tumalima sa aming salita sa pamamagitan ng sulat na ito, inyong tandaan ang taong yaon, upang huwag kayong makisama sa kaniya, nang siya'y mahiya.
యది చ కశ్చిదేతత్పత్రే లిఖితామ్ అస్మాకమ్ ఆజ్ఞాం న గృహ్లాతి తర్హి యూయం తం మానుషం లక్షయత తస్య సంసర్గం త్యజత చ తేన స త్రపిష్యతే|
15 At gayon ma'y huwag ninyong ariin siyang kaaway, kundi inyo siyang paalalahanan tulad sa kapatid.
కిన్తు తం న శత్రుం మన్యమానా భ్రాతరమివ చేతయత|
16 Ngayon ang Panginoon din ng kapayapaan ay magbigay nawa sa inyo ng kapayapaan sa buong panahon at sa lahat ng paraan. Ang Panginoon ay sumainyo nawang lahat.
శాన్తిదాతా ప్రభుః సర్వ్వత్ర సర్వ్వథా యుష్మభ్యం శాన్తిం దేయాత్| ప్రభు ర్యుష్మాకం సర్వ్వేషాం సఙ్గీ భూయాత్|
17 Ang bati na sinulat ng aking sariling kamay, akong si Pablo, na siyang tanda sa bawa't sulat: gayon sumusulat ako.
నమస్కార ఏష పౌలస్య మమ కరేణ లిఖితోఽభూత్ సర్వ్వస్మిన్ పత్ర ఏతన్మమ చిహ్నమ్ ఏతాదృశైరక్షరై ర్మయా లిఖ్యతే|
18 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang lahat.
అస్మాకం ప్రభో ర్యీశుఖ్రీష్టస్యానుగ్రహః సర్వ్వేషు యుష్మాసు భూయాత్| ఆమేన్|