< 2 Samuel 8 >

1 At pagkatapos nito ay nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo at mga pinasuko: at kinuha ni David ang Metheg-amma sa kamay ng mga Filisteo.
ויהי אחרי כן ויך דוד את פלשתים ויכניעם ויקח דוד את מתג האמה מיד פלשתים
2 At kaniyang sinaktan ang Moab, at sinukat niya sila ng tali, na pinahiga sila sa lupa; at kaniyang sinukat ng dalawang tali upang patayin, at ng isang buong tali upang buhayin. At ang mga Moabita ay naging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob.
ויך את מואב וימדדם בחבל השכב אותם ארצה וימדד שני חבלים להמית ומלא החבל להחיות ותהי מואב לדוד לעבדים נשאי מנחה
3 Sinaktan din ni David si Hadadezer na anak ni Rehob, na hari sa Soba, habang siya'y yumayaon upang bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog.
ויך דוד את הדדעזר בן רחב מלך צובה בלכתו להשיב ידו בנהר (פרת)
4 At kinuha ni David sa kaniya ang isang libo at pitong daan na mangangabayo, at dalawang pung libo na naglalakad: at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't sa mga yaon ay nagtaan ng sa isang daang karo.
וילכד דוד ממנו אלף ושבע מאות פרשים ועשרים אלף איש רגלי ויעקר דוד את כל הרכב ויותר ממנו מאה רכב
5 At nang sumaklolo ang mga taga Siria sa Damasco kay Hadadezer na hari sa Soba, ay sinaktan ni David sa mga taga Siria ang dalawang pu't dalawang libong tao.
ותבא ארם דמשק לעזר להדדעזר מלך צובה ויך דוד בארם עשרים ושנים אלף איש
6 Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria sa Damasco: at ang mga taga Siria ay nangaging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon.
וישם דוד נצבים בארם דמשק ותהי ארם לדוד לעבדים נושאי מנחה וישע יהוה את דוד בכל אשר הלך
7 At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto na nangasa lingkod ni Hadadezer, at dinala sa Jerusalem.
ויקח דוד את שלטי הזהב אשר היו אל עבדי הדדעזר ויביאם ירושלם
8 At sa Beta at sa Berothai na mga bayan ni Hadadezer, ay kumuha ang haring si David ng lubhang maraming tanso.
ומבטח ומברתי ערי הדדעזר לקח המלך דוד נחשת--הרבה מאד
9 Nang mabalitaan ni Toi na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,
וישמע תעי מלך חמת כי הכה דוד את כל חיל הדדעזר
10 Sinugo nga ni Toi si Joram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at upang purihin siya, sapagka't siya'y nakipagdigma laban kay Hadadezer at sinaktan niya siya: sapagka't si Hadadezer ay nagkaroon ng mga pakikipagbaka kay Toi. At nagdala si Joram ng mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at mga sisidlang tanso;
וישלח תעי את יורם בנו אל המלך דוד לשאל לו לשלום ולברכו על אשר נלחם בהדדעזר ויכהו--כי איש מלחמות תעי היה הדדעזר ובידו היו כלי כסף וכלי זהב--וכלי נחשת
11 Na itinalaga naman ni David sa Panginoon ang mga ito, na kasama ng pilak at ng ginto na kaniyang itinalaga na mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang pinasuko;
גם אתם הקדיש המלך דוד ליהוה עם הכסף והזהב אשר הקדיש מכל הגוים אשר כבש
12 Sa Siria, at sa Moab, at sa mga anak ni Ammon, at sa mga Filisteo, at sa Amalec, at sa samsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari sa Soba.
מארם וממואב ומבני עמון ומפלשתים ומעמלק ומשלל הדדעזר בן רחב מלך צובה
13 At nabantog si David nang siya'y bumalik na mula sa pagsakit sa mga taga Siria sa Libis na Alat, sa makatuwid baga'y sa labing walong libong lalake.
ויעש דוד שם בשבו מהכותו את ארם בגיא מלח--שמונה עשר אלף
14 At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom; sa buong Edom ay naglagay siya ng mga pulutong, at ang lahat na Idumeo ay nangaging alipin ni David. At pinapagtagumpay ng Panginoon si David saan man siya pumaroon.
וישם באדום נצבים בכל אדום שם נצבים ויהי כל אדום עבדים לדוד ויושע יהוה את דוד בכל אשר הלך
15 At naghari si David sa buong Israel; at iginawad ni David ang kahatulan at ang katuwiran sa kaniyang buong bayan.
וימלך דוד על כל ישראל ויהי דוד עשה משפט וצדקה--לכל עמו
16 At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa hukbo; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni:
ויואב בן צרויה על הצבא ויהושפט בן אחילוד מזכיר
17 At si Sadoc na anak ni Ahitub at si Ahimelech na anak ni Abiathar ay mga saserdote; at si Seraia ay kalihim;
וצדוק בן אחיטוב ואחימלך בן אביתר כהנים ושריה סופר
18 At si Benahia na anak ni Joiada ay nasa mga Ceretheo at sa mga Peletheo; at ang mga anak ni David ay mga pangulong tagapangasiwa.
ובניהו בן יהוידע והכרתי והפלתי ובני דוד כהנים היו

< 2 Samuel 8 >