< 2 Samuel 7 >
1 At nangyari nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay, at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot,
Bayan sarki ya kama zama a fadansa Ubangiji kuma ya hutashe shi daga dukan abokan gābansa da suke kewaye da shi,
2 Na sinabi ng hari kay Nathan na propeta: Tingnan mo ngayon ako'y tumatahan sa isang bahay na sedro, nguni't ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga tabing.
sai ya ce wa annabi Natan, “Ga ni, ina zama a fadar katakon al’ul, amma akwatin alkawarin Allah yana zaune a tenti.”
3 At sinabi ni Nathan sa hari, Yumaon ka, gawin mo ang lahat na nasa iyong puso; sapagka't ang Panginoon ay sumasa iyo.
Natan ya amsa wa sarki ya ce, “Duk abin da yake a zuciyarka, sai ka yi, gama Ubangiji yana tare da kai.”
4 At nangyari, nang gabi ring yaon, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan, na sinasabi,
A daren nan maganar Ubangiji ta zo wa Natan cewa,
5 Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan?
“Je ka faɗa wa bawana Dawuda, ‘Ga abin da Ubangiji ya ce, kai ne za ka gina mini gida in zauna?
6 Sapagka't hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako'y lumakad sa tolda at sa tabernakulo.
Ban taɓa zama a gida ba tun daga ranar da na fito da Isra’ilawa daga Masar har yă zuwa yau. Ina dai kai da kawowa a tenti, a matsayin mazaunina.
7 Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel, nagsalita ba ako ng isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na maging pastor ng aking bayang Israel, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro?
A cikin kaiwa da kawowar da nake yi cikin dukan Isra’ilawa, na taɓa ce wa wani shugabanninsu wanda na umarta su lura da mutanena Isra’ila, “Don me ba ku gina mini mazauni da katakon al’ul ba?”’
8 Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa, sa pagsunod sa tupa, upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan, sa Israel:
“Yanzu, ka gaya wa bawana Dawuda ‘Ga abin da Ubangiji Maɗaukaki ya ce, na ɗauko ka daga makiyaya, daga kuma garken tumaki ka zama sarki bisan mutane Isra’ila.
9 At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.
Na kasance tare da kai duk inda ka tafi, na kuma kawar da dukan abokan gābanka a gabanka. Yanzu zan sa sunanka yă shahara kamar sunayen shahararrun mutanen duniya.
10 At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel, at aking itatatag sila, upang sila'y magsitahan sa kanilang sariling dako, at huwag nang mabago pa; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una.
Zan kuma tanada wa mutanena Isra’ila wuri, in kuma dasa su yadda za su kasance da gida kansu ba tare da an ƙara damunsu ba. Mugayen mutane ba za su ƙara wahalshe su kamar dā ba,
11 At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.
yadda suka yi tun lokacin da na naɗa shugabanni bisan mutanena Isra’ila, zan kuma hutashe ka daga hannun abokan gābanka. “‘Ubangiji ya furta maka cewa Ubangiji kansa zai kafa maka gida.
12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
Sa’ad da kwanakinka suka ƙare, za ka huta tare da kakanninka, zan tā da zuriyarka, na cikinka, zan kuma sa mulkinsa ya kahu.
13 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
Shi zai gina gida domin Sunana, zan kuwa kafa gadon sarautarsa har abada.
14 Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;
Zan zama Ubansa, shi kuma yă zama ɗana. Idan ya yi laifi, zan yi amfani da mutane in hukunta shi. Mutane ne za su zama bulalata.
15 Nguni't ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.
Amma ba za a taɓa ɗauke ƙaunata daga gare shi yadda na ɗauke ta daga wurin Shawulu ba, shi wannan wanda na kawar daga gabanka.
16 At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.
Gidanka da kuma masarautarka za su dawwama har abada a gabana; gadon sarautarka kuma zai kahu har abada.’”
17 Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David.
Natan ya gaya wa Dawuda dukan abin da Allah ya bayyana masa.
18 Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon: at kaniyang sinabi, Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo?
Sa’an nan Sarki Dawuda ya je ya zauna a gaban Ubangiji ya ce, “Wane ne ni, ya Ubangiji Mai Iko Duka, ko gidana, har da ka ɗaga mu zuwa wannan matsayi?
19 At ito'y munting bagay pa sa iyong paningin, Oh Panginoong Dios; nguni't ikaw ay nagsalita naman ng tungkol sa sangbahayan ng iyong lingkod nang hanggang sa malaong panahong darating; at ito ay ayon sa paraan ng tao, Oh Panginoong Dios!
Har ya zama kamar wannan bai isa ba a gabanka, ya Ubangiji Mai Iko Duka, ka kuma yi magana game da nan gaba na gidan bawanka. Haka ka saba yi da mutane, ya Ubangiji Mai Iko Duka?
20 At ano pa ang masasabi ni David sa iyo? sapagka't iyong kilala ang iyong lingkod, Oh Panginoong Dios.
“Me kuma Dawuda zai ce maka? Gama ka san bawanka, ya Ubangiji Mai Iko Duka.
21 Dahil sa iyong salita, at ayon sa iyong sariling puso, iyong ginawa ang buong kadakilaang ito, upang iyong ipakilala sa iyong lingkod.
Gama saboda maganarka da kuma bisa ga nufinka, ka aikata wannan babban abu, ka kuma sanar da bawanka.
22 Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.
“Kai mai girma ne, ya Ubangiji Mai Iko Duka! Babu wani kamar ka, babu kuma wani Allah sai kai; kamar yadda muka ji da kunnuwanmu.
23 At anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan, gaya ng Israel, na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan, at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan, at upang igawa kayo ng mga dakilang bagay, at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain, sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto, mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios?
Wane ne kuma yake kamar da mutanenka Isra’ila, al’umma guda a duniya wadda Allah ya fita don yă kuɓutar wa kansa, ya kuma yi suna wa kansa, ya kuma aikata manyan abubuwa da kuma al’amuran banmamaki ta wurin korin al’ummai da allolinsu daga gaban mutanenka, waɗanda ka kuɓutar daga Masar?
24 At iyong itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.
Ka kafa mutanenka Isra’ila kamar naka na kanka har abada, kai kuma, ya Ubangiji, ka zama Allahnsu.
25 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan, iyong pagtibayin nawa magpakailan man, at iyong gawin gaya ng iyong sinalita.
“Yanzu kuwa, ya Ubangiji Allah, ka cika alkawarin da ka yi game da bawanka da gidansa. Ka yi kamar yadda ka alkawarta,
26 At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man, sa pagsasabi: Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel: at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo.
domin sunanka yă kasance da girma har abada. Sa’an nan mutane za su ce, ‘Ubangiji Maɗaukaki, Allah ne a bisa Isra’ila!’ Kuma gidan bawanka Dawuda zai kahu a gabanka.
27 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kaya't nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo.
“Ya Ubangiji Maɗaukaki, Allah na Isra’ila, ka bayyana wa bawanka cewa, ‘Zan gina maka gida.’ Saboda haka bawanka ya sami ƙarfin hali yă miƙa maka wannan addu’a.
28 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan, at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod:
Ya Ubangiji Mai Iko Duka, kai Allah ne! Maganarka da aminci take, ka kuma yi wa bawanka waɗannan abubuwa masu kyau.
29 Ngayon nga'y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't ikaw, Oh Panginoong Dios ay nagsalita: at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod magpakailan man.
In ya gamshe ka, bari ka albarkaci gidan bawanka don yă dawwama a gabanka har abada; gama kai, ya Ubangiji Mai Iko Duka, ka riga ka yi magana, kuma saboda kai ka sa albarka ga gidan bawanka, lalle zai kasance da albarka har abada.”