< 2 Samuel 5 >
1 Nang magkagayo'y naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron, at nagsipagsalita, na nagsisipagsabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman.
以色列眾支派來到希伯崙見大衛,說:「我們原是你的骨肉。
2 Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin, ikaw ang naglalabas at nagpapasok sa Israel: at sinabi ng Panginoon sa iyo: Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel: at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel.
從前掃羅作我們王的時候,率領以色列人出入的是你;耶和華也曾應許你說:『你必牧養我的民以色列,作以色列的君。』」
3 Sa gayo'y nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa Hebron: at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon: at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel.
於是以色列的長老都來到希伯崙見大衛王,大衛在希伯崙耶和華面前與他們立約,他們就膏大衛作以色列的王。
4 Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon.
大衛登基的時候年三十歲,在位四十年;
5 Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda.
在希伯崙作猶大王七年零六個月,在耶路撒冷作以色列和猶大王三十三年。
6 At ang hari at ang kaniyang mga lalake ay nagsiparoon sa Jerusalem laban sa mga Jebuseo na nagsisitahan sa lupain, na nangagsalita kay David, na nangagsasabi, Maliban na iyong alisin ang bulag at ang pilay, hindi ka papasok dito: na iniisip, na si David ay hindi makapapasok doon.
大衛和跟隨他的人到了耶路撒冷,要攻打住那地方的耶布斯人。耶布斯人對大衛說:「你若不趕出瞎子、瘸子,必不能進這地方」;心裏想大衛決不能進去。
7 Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan sa Sion; na siyang bayan ni David.
然而大衛攻取錫安的保障,就是大衛的城。
8 At sinabi ni David nang araw na yaon, Sino mang sumakit sa mga Jebuseo, ay pumaroon siya sa inaagusan ng tubig, at saktan ang pilay at ang bulag, na kinapopootan ng kaluluwa ni David. Kaya't kanilang sinasabi, Mayroong bulag at pilay; hindi siya makapapasok sa bahay.
當日,大衛說:「誰攻打耶布斯人,當上水溝攻打我心裏所恨惡的瘸子、瞎子。」從此有俗語說:「在那裏有瞎子、瘸子,他不能進屋去。」
9 At tumahan si David sa katibayan at tinawag na bayan ni David. At itinayo ni David ang kuta sa palibot mula sa Millo, at sa loob.
大衛住在保障裏,給保障起名叫大衛城。大衛又從米羅以裏,周圍築牆。
10 At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon na Dios ng mga hukbo, ay sumasa kaniya.
大衛日見強盛,因為耶和華-萬軍之上帝與他同在。
11 At si Hiram na hari sa Tiro ay nagpadala kay David ng mga sugo, at ng mga puno ng sedro, at mga anluwagi, at mangdadaras sa bato; at kanilang ipinagtayo si David ng isang bahay.
泰爾王希蘭將香柏木運到大衛那裏,又差遣使者和木匠、石匠給大衛建造宮殿。
12 At nahalata ni David, na itinalaga siya ng Panginoon na maging hari sa Israel, at kaniyang itinaas ang kaniyang kaharian dahil sa kaniyang bayang Israel.
大衛就知道耶和華堅立他作以色列王,又為自己的民以色列使他的國興旺。
13 At kumuha pa si David ng mga babae at mga asawa sa Jerusalem, panggagaling niya sa Hebron: at may mga ipinanganak pa na lalake at babae kay David.
大衛離開希伯崙之後,在耶路撒冷又立后妃,又生兒女。
14 At ito ang mga pangalan niyaong mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem; si Sammua, at si Sobab, at si Nathan, at si Salomon,
在耶路撒冷所生的兒子是沙母亞、朔罷、拿單、所羅門、
15 At si Ibhar, at si Elisua; at si Nephegh at si Japhia;
益轄、以利書亞、尼斐、雅非亞、
16 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet.
以利沙瑪、以利雅大、以利法列。
17 At nang mabalitaan ng mga Filisteo na kanilang inihalal si David na hari sa Israel, ang lahat ng Filisteo ay nagsiahon upang usigin si David; at nabalitaan ni David, at lumusong sa katibayan.
非利士人聽見人膏大衛作以色列王,非利士眾人就上來尋索大衛;大衛聽見,就下到保障。
18 Ang mga Filisteo nga ay nagsidating at nagsikalat sa libis ng Rephaim.
非利士人來了,布散在利乏音谷。
19 At nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako laban sa mga Filisteo? ibibigay mo ba sila sa aking kamay? At sinabi ng Panginoon kay David, Umahon ka: sapagka't tunay na aking ibibigay ang mga Filisteo sa iyong kamay.
大衛求問耶和華說:「我可以上去攻打非利士人嗎?你將他們交在我手裏嗎?」耶和華說:「你可以上去,我必將非利士人交在你手裏。」
20 At naparoon si David sa Baal-perasim at sila'y sinaktan doon ni David; at kaniyang sinabi, Pinanambulat ng Panginoon ang aking mga kaaway sa harap ko, na gaya ng pilansik ng tubig. Kaya't kaniyang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Baal-perasim.
大衛來到巴力‧毗拉心,在那裏擊殺非利士人,說:「耶和華在我面前沖破敵人,如同水沖去一般。」因此稱那地方為巴力‧毗拉心。
21 At kanilang iniwan doon ang kanilang mga larawan, at mga inalis ni David at ng kaniyang mga lalake.
非利士人將偶像撇在那裏,大衛和跟隨他的人拿去了。
22 At nagsiahon pa uli ang mga Filisteo, at nagsikalat sa libis ng Rephaim.
非利士人又上來,布散在利乏音谷。
23 At nang isangguni ni David sa Panginoon, kaniyang sinabi, Huwag kang aahon: liligid ka sa likuran nila, at ikaw ay sasagupa sa kanila sa mga puno ng morales.
大衛求問耶和華;耶和華說:「不要一直地上去,要轉到他們後頭,從桑林對面攻打他們。
24 At mangyayari, pagka iyong narinig ang hugong ng lakad sa mga dulo ng mga puno ng morales, na ikaw nga ay magmamadali: sapagka't lumabas na ang Panginoon sa harap mo upang saktan ang hukbo ng mga Filisteo.
你聽見桑樹梢上有腳步的聲音,就要急速前去,因為那時耶和華已經在你前頭去攻打非利士人的軍隊。」
25 At ginawang gayon ni David; gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya; at sinaktan niya ang mga Filisteo mula sa Geba hanggang sa dumating sa Gezer.
大衛就遵着耶和華所吩咐的去行,攻打非利士人,從迦巴直到基色。