< 2 Samuel 4 >
1 At nang mabalitaan ni Is-boseth, na anak ni Saul, na si Abner ay patay na sa Hebron, ang kaniyang mga kamay ay nanghina, at ang lahat na taga Israel ay nabagabag.
A kad èu sin Saulov da je poginuo Avenir u Hevronu, klonuše mu ruke, i sav se Izrailj smete.
2 At si Is-boseth, na anak ni Saul, ay may dalawang lalake na mga punong kawal sa mga pulutong: ang pangalan ng isa ay Baana, at ang pangalan ng isa ay Rechab, na mga anak ni Rimmon na Beerothita sa mga anak ni Benjamin: (sapagka't ang Beeroth din naman ay ibinilang sa Benjamin:
A imaše sin Saulov dvije vojvode nad èetama; jednom bješe ime Vana, a drugom bješe ime Rihav, sinovi Rimona Viroæanina, od sinova Venijaminovijeh; jer se i Virot brojaše Venijaminu;
3 At ang mga Beerothita ay nagsitakas sa Githaim, at nangakipamayan doon hanggang sa araw na ito.)
A Viroæani bijahu pobjegli u Gitajim, gdje ostaše kao došljaci do današnjega dana.
4 Si Jonathan nga na anak ni Saul, ay may isang anak na pilay sa kaniyang mga paa. Siya'y may limang taon nang dumating ang balita tungkol kay Saul at kay Jonathan na mula sa Jezreel, at kinalong siya ng kaniyang yaya at tumakas: at nangyari, habang siya'y nagmamadali ng pagtakas, na siya'y nabagsak, at naging pilay. At ang kaniyang pangalan ay Mephiboseth.
I imaše Jonatan sin Saulov sina hroma na nogu, kojemu bijaše pet godina kad doðe glas o smrti Saulovoj i Jonatanovoj iz Jezraela, te ga uze dadilja njegova i pobježe, i kad brzo bježaše, on pade i ohronu; a ime mu bijaše Mefivostej.
5 At ang mga anak ni Rimmon na Beerothita, na si Rechab at si Baana, ay nagsiyaon at nagsiparoon ng may kainitan ang araw sa bahay ni Is-boseth, na doon siya nagpahinga sa katanghalian tapat.
I poðoše sinovi Rimona Viroæanina, Rihav i Vana, i doðoše u podne u kuæu Isvostejevu; a on poèivaše u podne.
6 At sila'y nagsipasok doon sa gitna ng bahay, na parang sila'y kukuha ng trigo; at kanilang sinaktan siya sa tiyan; at si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid ay nangagtanan.
I uðoše u kuæu kao da uzmu pšenice, i probodoše ga pod peto rebro Rihav i Vana, i pobjegoše.
7 Sapagka't nang sila nga'y magsipasok sa bahay habang siya'y nahihiga sa kaniyang higaan sa kaniyang silid, kanilang sinaktan siya, at pinatay siya, at pinugutan siya ng ulo, at dinala ang kaniyang ulo at nagpatuloy ng lakad sa Araba buong gabi.
Kad uðoše u kuæu, on ležaše na postelji svojoj u klijeti gdje spavaše, te ga probodoše i ubiše, i otsjekoše mu glavu i uzeše je, pa otidoše putem preko polja cijelu onu noæ.
8 At kanilang dinala ang ulo ni Is-boseth kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, Tingnan mo ang ulo ni Is-boseth na anak ni Saul na iyong kaaway na umuusig ng iyong buhay; at ipinanghiganti ng Panginoon ang aking panginoon na hari sa araw na ito kay Saul, at sa kaniyang binhi.
I donesoše glavu Isvostejevu Davidu u Hevron, i rekoše caru: evo glave Isvosteja sina Saulova, neprijatelja tvojega, koji je tražio dušu tvoju; i Gospod osveti danas cara gospodara mojega od Saula i sjemena njegova.
9 At sinagot ni David si Rechab at si Baana na kaniyang kapatid, na mga anak ni Rimmon na Beerothita, at sinabi sa kanila, Buhay ang Panginoon na siyang tumubos ng aking kaluluwa sa buong kahirapan.
Ali David odgovarajuæi Rihavu i Vani bratu njegovu, sinovima Rimona Viroæanina, reèe im: tako da je živ Gospod, koji je izbavio dušu moju iz svake nevolje.
10 Nang saysayin sa akin ng isa, na sinasabi, Narito, si Saul ay namatay, na inakala niyang nagdala siya ng mabuting balita, ay aking hinawakan siya, at pinatay ko siya sa Siclag na siyang kagantihang ibinigay ko sa kaniya dahil sa kaniyang balita.
Kad onoga koji mi javi govoreæi: gle, pogibe Saul, i mišljaše da æe mi javiti dobre glase, uhvatih i ubih u Siklagu, i to mu bi od mene dar za glase njegove,
11 Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalake ang isang matuwid na tao sa kaniyang sariling bahay, sa kaniyang higaan, hindi ko ba sisiyasatin ngayon ang kaniyang dugo sa inyong kamay, at aalisin kayo sa lupa?
Akamoli ljude bezbožne, koji ubiše èovjeka prava, u kuæi njegovoj, na postelji njegovoj! neæu li iskati krvi njegove iz vaših ruku, i vas istrijebiti sa zemlje?
12 At iniutos ni David sa kaniyang mga bataan, at pinatay nila sila, at pinutol ang kanilang mga kamay at ang kanilang mga paa, at mga ibinitin sa tabi ng tangke sa Hebron. Nguni't kanilang kinuha ang ulo ni Is-boseth, at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.
I zapovjedi David momcima svojim, te ih pogubiše, i otsjekoše im ruke i noge, i objesiše kod jezera Hevronskoga; a glavu Isvostejevu uzeše i pogreboše u grobu Avenirovu u Hevronu.