< 2 Samuel 22 >
1 At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.
És elmondta Dávid az Örökkévalónak ez ének szavait, amely napon megmentette őt az Örökkévaló mind az ellenségei kezéből meg Sául kezéből.
2 At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
Mondta: Oh Örökkévaló, szirtem és váram és megszabadítóm nekem.
3 Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
Isten, sziklám, kihez menekülök; pajzsom, üdvöm szaruja, mentsváram és menedékem, segítőm, erőszaktól megsegítesz.
4 Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
A dicséretest szólítom, az Örökkévalót, és elleneimtől megsegíttetem.
5 Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
Mert körülfogtak halálnak hullámai, vésznek árjai ijesztettek;
6 Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin. (Sheol )
alvilágnak kötelei környékeztek, elémkerültek halálnak tőrei. (Sheol )
7 Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, ako'y tumawag sa aking Dios: At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
Szorultságomban szólítom az Örökkévalót és Istenemhez kiáltok: hallotta templomából szavamat, fohászom eljutott füleibe.
8 Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.
Megingott, megrezgett a föld, az ég alapjai megreszkettek, meginogtak, mert haragra lobbant.
9 Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok: Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
Füst szállott föl orrából és tűz emésztett a szájából, parázs izzott belőle.
10 Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba: At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
Meghajtotta az eget és leszállt, ködhomály lábai alatt.
11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin.
Kérubra ült és repült, megjelent szélnek szárnyain.
12 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya. Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
Sötétséget tett maga köré sátorrá, vizek tömegét, fellegek sűrűjét.
13 Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
A fényből őelőtte tűzparazsak izzottak.
14 Ang Panginoo'y kumulog sa langit, At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
Égből dörög az Örökkévaló, s a legfelsőbb adja a hangját.
15 At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila; Kumidlat, at nangatulig sila.
Küldött nyilakat és szétszórta őket, villámot és megzavarta.
16 Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw, Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita. Dahil sa saway ng Panginoon, Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
Meglátszottak tengernek medrei, feltárultak a világ alapjai, dorgálásától az Örökkévalónak, orra fuvallatának leheletétől.
17 Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
Lenyúl magasból, megfog engem, kihúz engem nagy vizekből.
18 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway, Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.
Megment hatalmas ellenemtől, gyűlölőimtől, mert erősebbek nálam.
19 Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
Elémtörtek balsorsom napján, de az Örökkévaló támaszom volt.
20 Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako: Kaniyang iniligtas ako, sapagka't kaniyang kinalugdan ako.
Kivezetett engem tágas térre, kiragadt; mert kedvelt engem.
21 Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.
Cselekszik velem az Örökkévaló igazságom szerint, kezeim tisztasága szerint viszonoz nekem.
22 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.
Mert megőriztem az Örökkévaló útjait és nem tértem el gonoszul Istenemtől;
23 Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.
mert ítéletei mind előttem vannak és törvényei – nem térek el tőlük.
24 Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.
Gáncstalan voltam előtte: őrizkedtem bűnömtől.
25 Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.
S viszonzott nekem az Örökkévaló igazságom szerint, tisztaságom szerint, mely szemei előtt volt.
26 Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;
Kegyessel kegyesen bánsz, gáncstalan vitézzel gáncstalanul;
27 Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.
megtisztulttal tisztán bánsz, fonákkal ferdén.
28 At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
S a szegény népet megsegíted, szemeid a büszkék ellen, hogy lealázzad.
29 Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
Mert te vagy mécsesem, Örökkévaló, s az Örökkévaló fénnyé teszi sötétségemet.
30 Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.
Mert veled rohanok meg csapatot, Istenemmel ugrok föl falra.
31 Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong.
Az Isten – gáncstalan az útja, az Örökkévaló szava salaktalan, pajzsa ő mind a hozzá menekülőknek.
32 Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?
Mert ki Isten az Örökkévalón kívül, és ki a szikla Istenünkön kívül?
33 Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
Az Isten az én váram, erőm, fölszabadította akadálytól utamat.
34 Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.
Olyanná teszi lábaimat mint az őzök, állnom enged magaslataimon.
35 Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma. Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.
Harcra tanítja kezeimet, hogy ércíjat fogjanak karjaim.
36 Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas: At pinadakila ako ng iyong kaamuan.
Adtad nekem üdvödnek pajzsát, naggyá tesz a nyájasságod.
37 Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko, At ang aking mga paa ay hindi nadulas.
Kitágítod léptemet én alattam, hogy meg ne tántorodjanak a bokáim.
38 Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol.
Üldözöm ellenségeimet és megsemmisítem, vissza se térek, míg el nem pusztítottam őket.
39 At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon: Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.
Elpusztítottam, szétzúztam, hogy föl nem kelnek, elhulltak lábaim alatt.
40 Sapagka't ako'y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
Felöveztél erővel a harcra, legörnyeszted támadóimat alattam.
41 Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway, Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.
Ellenségeimet háttal fordítottad felém, gyűlölőimet, hogy kiirtsam.
42 Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas: Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
Felnéznek, de nincs segítő, az Örökkévalóhoz, de nem hallgatta meg őket.
43 Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
Szétmorzsolom őket, mint földnek porát, mint utcák sarát, letaposom, ellapítom.
44 Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
Megszabadítottál népek küzdelmeitől, megtartasz nemzetek fejének, nem ismertem nép szolgál engem.
45 Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin. Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.
Külföldnek fiai hízelegnek énnekem, fülhallásra engednek nekem.
46 Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay, At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan.
Külföldnek fiai ellankadnak, remegve jönnek zárt helyeikből.
47 Ang Panginoon ay buhay; at purihin nawa ang aking malaking bato; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan,
Él az Örökkévaló, áldva legyen a sziklám, magasztaltassék Isten, üdvöm sziklája;
48 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako. At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan,
az Isten, ki nekem megtorlást enged és népeket ledönt alattam,
49 At inilalabas ako sa aking mga kaaway: Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin: Inililigtas mo ako sa marahas na lalake.
kiszabadít ellenségeim közül, és támadóim közül fölemelsz, erőszaknak emberétől megmentesz.
50 Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.
Azért dicsőítlek, Örökkévaló, a nemzetek között és dallok a nevednek.
51 Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari: At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis, Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.
Segítség tornya a királyának és kegyet mivel fölkentjével Dáviddal, meg magzatjával örökké.