< 2 Samuel 19 >
1 At nasaysay kay Joab; narito, ang hari ay tumatangis at namamanglaw dahil kay Absalom.
有人告訴約押說:「王為押沙龍哭泣悲哀。」
2 At ang pagtatagumpay sa araw na yaon ay naging kapanglawan sa buong bayan: sapagka't narinig ng bayan na sinasabi sa araw na yaon. Ang hari ay nahahapis dahil sa kaniyang anak.
眾民聽說王為他兒子憂愁,他們得勝的歡樂卻變成悲哀。
3 At ang bayan ay pumasok sa bayan na patago sa araw na yaon, na gaya ng pagpasok ng bayang napapahiya pagka tumatakas sa pagbabaka.
那日眾民暗暗地進城,就如敗陣逃跑、慚愧的民一般。
4 At tinakpan ng hari ang kaniyang mukha, at ang hari ay sumigaw ng malakas. Oh anak kong Absalom, Oh Absalom, anak ko, anak ko!
王蒙着臉,大聲哭號說:「我兒押沙龍啊!押沙龍,我兒,我兒啊!」
5 At pumasok si Joab sa bahay, sa hari, at nagsabi, Iyong hiniya sa araw na ito ang mga mukha ng lahat na iyong lingkod na nagligtas sa araw na ito ng iyong buhay, at ng mga buhay ng iyong mga anak na lalake at babae, at ng mga buhay ng iyong mga asawa, at ng mga buhay ng iyong mga babae;
約押進去見王,說:「你今日使你一切僕人臉面慚愧了!他們今日救了你的性命和你兒女妻妾的性命,
6 Sa iyong pagibig sa nangapopoot sa iyo, at pagkapoot sa nagsisiibig sa iyo. Sapagka't iyong inihayag sa araw na ito, na ang mga prinsipe at mga lingkod ay walang anoman sa iyo: sapagka't aking nagugunita sa araw na ito, na kung si Absalom ay nabuhay, at kaming lahat ay namatay sa araw na ito, ay disin nakapagpalugod na mabuti sa iyo.
你卻愛那恨你的人,恨那愛你的人。你今日明明地不以將帥、僕人為念。我今日看明,若押沙龍活着,我們都死亡,你就喜悅了。
7 Ngayon nga'y bumangon ka, ikaw ay lumabas, at magsalita na may kagandahang loob sa iyong mga lingkod: sapagka't aking isinusumpa sa pangalan ng Panginoon, na kung ikaw ay hindi lalabas, ay walang matitira sa iyong isang tao sa gabing ito: at yao'y magiging masama sa iyo kay sa lahat ng kasamaan na sumapit sa iyo mula sa iyong kabataan hanggang ngayon.
現在你當出去,安慰你僕人的心。我指着耶和華起誓:你若不出去,今夜必無一人與你同在一處;這禍患就比你從幼年到如今所遭的更甚!」
8 Nang magkagayo'y tumindig ang hari, at naupo sa pintuang-bayan. At kanilang isinaysay sa buong bayan, na sinasabi, Narito ang hari ay nakaupo sa pintuang-bayan: at ang buong bayan ay naparoon sa harap ng hari. Nakatakas nga ang Israel bawa't isa sa kaniyang tolda.
於是王起來,坐在城門口。眾民聽說王坐在城門口,就都到王面前。 以色列人已經逃跑,各回各家去了。
9 At ang buong bayan ay nagtatalo sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Iniligtas tayo ng hari sa kamay ng ating mga kaaway; at iniligtas niya tayo sa kamay ng mga Filisteo; at ngayo'y kaniyang tinakasan si Absalom sa lupain.
以色列眾支派的人紛紛議論說:「王曾救我們脫離仇敵的手,又救我們脫離非利士人的手,現在他躲避押沙龍逃走了。
10 At si Absalom na ating pinahiran ng langis, upang maging hari sa atin ay namatay sa pagbabaka. Ngayon nga'y bakit hindi kayo nagsasalita ng isang salita sa pagbabalik sa hari?
我們膏押沙龍治理我們,他已經陣亡。現在為甚麼不出一言請王回來呢?」
11 At nagsugo ang haring si David kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote, na sinasabi, Magsipagsalita kayo sa mga matanda sa Juda, na magsipagsabi, Bakit kayo ang huli sa pagbabalik sa hari sa kaniyang bahay? dangang ang pananalita ng buong Israel ay dumating sa hari, upang ibalik siya sa kaniyang bahay.
大衛王差人去見祭司撒督和亞比亞他,說:「你們當向猶大長老說:『以色列眾人已經有話請王回宮,你們為甚麼落在他們後頭呢?
12 Kayo'y aking mga kapatid, kayo'y aking buto at aking laman: bakit nga kayo ang huli sa pagbabalik sa hari?
你們是我的弟兄,是我的骨肉,為甚麼在人後頭請王回來呢?』
13 At sabihin ninyo kay Amasa, Hindi ka ba aking buto at aking laman? Hatulan ng Dios ako, at lalo na, kung ikaw ay hindi maging palaging punong kawal ng mga hukbo sa harap ko na kahalili ni Joab.
也要對亞瑪撒說:『你不是我的骨肉嗎?我若不立你替約押常作元帥,願上帝重重地降罰與我!』」
14 At kaniyang ikiniling ang puso ng lahat ng mga lalake ng Juda na parang puso ng isang tao; na anopa't sila'y nagsipagsugo sa hari, na nagsisipagsabi, Ikaw ay bumalik, at ang lahat ng iyong lingkod.
如此就挽回猶大眾人的心,如同一人的心。他們便打發人去見王,說:「請王和王的一切臣僕回來。」
15 Sa gayo'y bumalik ang hari, at naparoon sa Jordan. At ang Juda ay naparoon sa Gilgal, upang salubungin ang hari, na itawid ang hari sa Jordan.
王就回來,到了約旦河。猶大人來到吉甲,要去迎接王,請他過約旦河。
16 At si Semei na anak ni Gera, na Benjamita, na taga Bahurim, ay nagmadali at lumusong na kasama ang mga lalake ng Juda upang salubungin ang haring si David.
巴戶琳的便雅憫人、基拉的兒子示每急忙與猶大人一同下去迎接大衛王。
17 At may isang libong lalake ng Benjamin na kasama siya, at si Siba, na alila sa sangbahayan ni Saul, at ang kaniyang labing limang anak at ang kaniyang dalawang pung alila na kasama niya; at sila'y nagsitawid sa Jordan sa harap ng hari.
跟從示每的有一千便雅憫人,還有掃羅家的僕人洗巴和他十五個兒子,二十個僕人;他們都詵過約旦河迎接王。
18 At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari, at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti. At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari, nang siya'y makatawid sa Jordan.
有擺渡船過去,渡王的家眷,任王使用。 王要過約旦河的時候,基拉的兒子示每就俯伏在王面前,
19 At sinabi niya sa hari, Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon, o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem, upang isapuso ng hari.
對王說:「我主我王出耶路撒冷的時候,僕人行悖逆的事,現在求我主不要因此加罪與僕人,不要記念,也不要放在心上。
20 Sapagka't nalalaman ng iyong lingkod na ako'y nagkasala: kaya't, narito, ako'y naparirito sa araw na ito, na una sa lahat ng sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari.
僕人明知自己有罪,所以約瑟全家之中,今日我首先下來迎接我主我王。」
21 Nguni't si Abisai na anak ni Sarvia ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba papatayin si Semei dahil dito, sapagka't kaniyang isinumpa ang pinahiran ng langis ng Panginoon?
洗魯雅的兒子亞比篩說:「示每既咒罵耶和華的受膏者,不應當治死他嗎?」
22 At sinabi ni David, Ano ang ipakikialam ko sa inyo, mga anak ni Sarvia, na kayo'y magiging mga kaaway ko sa araw na ito? may sinoman bang papatayin sa araw na ito sa Israel? sapagka't di ko ba talastas na ako'y hari sa araw na ito sa Israel?
大衛說:「洗魯雅的兒子,我與你們有何關涉,使你們今日與我反對呢?今日在以色列中豈可治死人呢?我豈不知今日我作以色列的王嗎?」
23 At sinabi ng hari kay Semei, Ikaw ay hindi mamamatay. At ang hari ay sumumpa sa kaniya.
於是王對示每說:「你必不死。」王就向他起誓。
24 At si Mephiboseth na anak ni Saul ay lumusong na sinalubong ang hari; at hindi man siya naghugas ng kaniyang mga paa, o naggupit man ng kaniyang balbas, o nilabhan man ang kaniyang mga suot, mula sa araw na ang hari ay umalis hanggang sa araw na siya'y umuwi na payapa sa bahay.
掃羅的孫子米非波設也下去迎接王。他自從王去的日子,直到王平平安安地回來,沒有修腳,沒有剃鬍鬚,也沒有洗衣服。
25 At nangyari, nang siya'y dumating sa Jerusalem upang salubungin ang hari, na sinabi ng hari sa kaniya, Bakit hindi ka yumaong kasama ko, Mephiboseth?
他來到耶路撒冷迎接王的時候,王問他說:「米非波設,你為甚麼沒有與我同去呢?」
26 At siya'y sumagot, Panginoon ko, Oh hari, dinaya ako ng aking lingkod: sapagka't sinabi ng iyong lingkod, Ako'y maghahanda ng isang asno, upang aking masakyan, at yumaong kasama ng hari; sapagka't ang iyong lingkod ay pilay.
他回答說:「我主我王,僕人是瘸腿的。那日我想要備驢騎上,與王同去,無奈我的僕人欺哄了我,
27 At kaniyang binintangan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari; nguni't ang panginoon kong hari ay gaya ng isang anghel ng Dios: gawin mo nga kung ano ang mabuti sa iyong mga mata.
又在我主我王面前讒毀我。然而我主我王如同上帝的使者一般,你看怎樣好,就怎樣行吧!
28 Sapagka't ang buong sangbahayan ng aking ama ay mga patay na lalake lamang sa harap ng panginoon kong hari: gayon ma'y inilagay mo ang iyong lingkod sa kasamahan ng nagsisikain sa iyong sariling dulang. Ano pa ngang matuwid mayroon ako, na aking maisisigaw pa sa hari?
因為我祖全家的人,在我主我王面前都算為死人,王卻使僕人在王的席上同人吃飯,我現在向王還能辨理訴冤嗎?」
29 At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit nagsasalita ka pa ng iyong mga bagay? Aking sinabi, Ikaw at si Siba ay maghati sa lupa.
王對他說:「你何必再提你的事呢?我說,你與洗巴均分地土。」
30 At sinabi ni Mephiboseth sa hari, Oo, ipakuha mo sa kaniya ang lahat, yamang ang aking panginoon na hari ay dumating na payapa sa kaniyang sariling bahay.
米非波設對王說:「我主我王既平平安安地回宮,就任憑洗巴都取了也可以。」
31 At si Barzillai na Galaadita ay lumusong mula sa Rogelim; at siya'y tumawid sa Jordan na kasama ng hari, upang ihatid niya siya sa dako roon ng Jordan.
基列人巴西萊從羅基琳下來,要送王過約旦河,就與王一同過了約旦河。
32 Si Barzillai nga ay lalaking matanda nang totoo, na may walong pung taon: at kaniyang ipinaghanda ang hari ng pagkain samantalang siya'y nasa Mahanaim; sapagka't siya'y totoong dakilang tao.
巴西萊年紀老邁,已經八十歲了。王住在瑪哈念的時候,他就拿食物來供給王;他原是大富戶。
33 At sinabi ng hari kay Barzillai, Tumawid kang kasama ko, at aking pakakanin ka sa Jerusalem.
王對巴西萊說:「你與我同去,我要在耶路撒冷那裏養你的老。」
34 At sinabi ni Barzillai sa hari, Gaano na lamang ang mga araw ng mga taon ng aking buhay, na aahon pa ako sa Jerusalem na kasama ng hari?
巴西萊對王說:「我在世的年日還能有多少,使我與王同上耶路撒冷呢?
35 Ako sa araw na ito'y may walong pung taon na; makapapansin pa ba ako ng mabuti at masama? malalasahan pa ba ng iyong lingkod ang kaniyang kinakain at iniinom? maririnig ko pa ba ang tinig ng mangaawit na lalake at babae? bakit pa nga magiging isang pasan ang iyong lingkod sa aking panginoon na hari?
僕人現在八十歲了,還能嘗出飲食的滋味、辨別美惡嗎?還能聽男女歌唱的聲音嗎?僕人何必累贅我主我王呢?
36 Ang iyong lingkod ay yayaon na lamang ng kaunti sa dako roon ng Jordan na kasama ng hari: at bakit gagantihin ng hari ako ng ganyang ganting pala?
僕人只要送王過約旦河,王何必賜我這樣的恩典呢?
37 Isinasamo ko sa iyo na pabalikin mo ang iyong lingkod, upang ako'y mamatay sa aking sariling bayan, sa siping ng libingan ng aking ama at ng aking ina. Nguni't, narito, ang iyong lingkod na Chimham: bayaan siyang tumawid na kasama ng aking panginoon na hari; at gawin mo sa kaniya, kung ano ang mamabutihin mo.
求你准我回去,好死在我本城,葬在我父母的墓旁。這裏有王的僕人金罕,讓他同我主我王過去,可以隨意待他。」
38 At sumagot ang hari, Si Chimham ay tatawid na kasama ko, at gagawin ko sa kaniya ang aakalain mong mabuti: at anomang iyong kailanganin sa akin ay aking gagawin alangalang sa iyo.
王說:「金罕可以與我同去,我必照你的心願待他。你向我求甚麼,我都必為你成就。」
39 At ang buong bayan ay tumawid sa Jordan, at ang hari ay tumawid: at hinagkan ng hari si Barzillai, at binasbasan siya; at siya'y bumalik sa kaniyang sariling dako.
於是眾民過約旦河,王也過去。王與巴西萊親嘴,為他祝福,巴西萊就回本地去了。
40 Sa gayo'y tumawid sa Gilgal ang hari, at si Chimham ay tumawid na kasama niya: at itinawid ng buong bayan ng Juda ang hari, at ng kalahati rin naman ng bayan ng Israel.
王過去,到了吉甲,金罕也跟他過去。猶大眾民和以色列民的一半也都送王過去。
41 At, narito, ang lahat na lalake ng Israel ay nagsiparoon sa hari, at nagsipagsabi sa hari, Bakit ninakaw ka ng aming mga kapatid na mga lalake ng Juda, at itinawid ang hari at ang kaniyang sangbahayan sa Jordan, at ang lahat na lalake ni David na kasama niya?
以色列眾人來見王,對他說:「我們弟兄猶大人為甚麼暗暗送王和王的家眷,並跟隨王的人過約旦河?」
42 At ang lahat na lalake ng Juda ay nagsisagot sa mga lalake ng Israel, Sapagka't ang hari ay kamaganak na malapit namin: bakit nga kayo mangagagalit dahil sa bagay na ito? nagsikain ba kami ng anoman sa gugol ng hari? o binigyan ba niya kami ng anomang kaloob?
猶大眾人回答以色列人說:「因為王與我們是親屬,你們為何因這事發怒呢?我們吃了王的甚麼呢?王賞賜了我們甚麼呢?」
43 At ang mga lalake ng Israel ay nagsisagot sa mga lalake ng Juda, at nagsipagsabi, Kami ay may sangpung bahagi sa hari, at kami ay may higit na matuwid kay David kay sa inyo; bakit nga ninyo niwalan ng kabuluhan kami, na ang aming payo'y hindi siyang una sa pagbabalik sa aming hari? At ang mga salita ng mga lalake ng Juda ay lalong mababagsik kay sa mga salita ng mga lalake ng Israel.
以色列人回答猶大人說:「按支派,我們與王有十分的情分;在大衛身上,我們也比你們更有情分。你們為何藐視我們,請王回來不先與我們商量呢?」 但猶大人的話比以色列人的話更硬。