< 2 Samuel 15 >

1 At nangyari, pagkatapos nito, na naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo, at limang pung lalaking tatakbo sa unahan niya.
Men nogen Tid efter skaffede Absalom sige Vogn og Heste og halvtredsindstyve Forløbere;
2 At bumangong maaga si Absalom, at tumayo sa tabi ng daan sa pintuang-bayan; at nangyari, na pagka ang sinomang tao ay mayroong usap na ilalapit sa hari upang hatulan, na tinatawag nga ni Absalom, at sinabi, Taga saang bayan ka? At kaniyang sinabi, Ang iyong lingkod ay isa sa mga lipi ng Israel.
og om Morgenen stillede han sig ved Portvejen, og naar nogen gik til Kongen for at faa en Retssag afgjort, kaldte Absalom ham til sig og spurgte ham: »Hvilken By er du fra?« Naar han da svarede: »Din Træl er fra den eller den af Israels Stammer!«
3 At sinabi ni Absalom sa kaniya, Tingnan mo, ang iyong usap ay mabuti at matuwid: nguni't walang kinatawan ang hari na duminig sa iyong usap.
saa sagde Absalom til ham: »Ja, din Sag er god og retfærdig; men hos Kongen finder du ikke Øre!«
4 Sinabi ni Absalom bukod dito: Oh maging hukom sana ako sa lupain, upang ang bawa't tao na may anomang usap, o anomang bagay, ay pumarito sa akin at siya'y aking magawan ng katuwiran!
Og Absalom tilføjede: »Vilde man blot sætte mig til Dommer i Landet! Da maatte enhver, der har en Retssag eller Retstrætte, komme til mig, og jeg vilde hjælpe ham til hans Ret.«
5 At nangyayari na pagka ang sinoman ay lumalapit upang magbigay galang sa kaniya, na kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay at hinahawakan siya at hinahalikan siya.
Og naar nogen nærmede sig for at kaste sig ned for ham, rakte han Haanden ud og holdt ham fast og kyssede ham.
6 At ganitong paraan ang ginagawa ni Absalom sa buong Israel na naparoroon sa hari sa pagpapahatol: sa gayo'y ginanyak ni Absalom ang mga kalooban ng mga tao ng Israel.
Saaledes gjorde Absalom over for alle Israeliterne, som kom til Kongen for at faa deres Sager afgjort, og Absalom stjal Israels Mænds Hjerte.
7 At nangyari, sa katapusan ng apat na pung taon, na sinasabi ni Absalom sa hari, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako at ako'y tumupad ng aking panata na aking ipinanata sa Panginoon, sa Hebron.
Da der var gaaet fire Aar, sagde Absalom til Kongen: »Lad mig faa Lov at gaa til Hebron og indfri et Løfte, jeg har aflagt HERREN;
8 Sapagka't ang iyong lingkod ay nanata ng isang panata samantalang ako'y tumatahan sa Gesur sa Siria, na nagsabi, Kung tunay na dadalhin uli ako ng Panginoon sa Jerusalem, maglilingkod nga ako sa Panginoon.
thi medens din Træl boede i Gesjur i Aram, aflagde jeg det Løfte: Hvis HERREN lader mig komme tilbage til Jerusalem, vil jeg ære HERREN i Hebron!«
9 At sinabi ng hari sa kaniya, Yumaon kang payapa. Sa gayo'y bumangon siya, at naparoon sa Hebron.
Kongen svarede ham: »Gaa med Fred!« Og han begav sig til Hebron.
10 Nguni't si Absalom ay nagsugo ng mga tiktik sa lahat ng mga lipi ng Israel, na sinasabi, Pagkarinig ninyo ng tunog ng pakakak, inyo ngang sasabihin, Si Absalom ay hari sa Hebron.
Men Absalom havde i al Hemmelighed sendt Bud ud i alle Israels Stammer og ladet sige: »Naar I hører, der stødes i Horn, saa skal I raabe: Absalom er blevet Konge i Hebron!«
11 At lumabas sa Jerusalem na kasama ni Absalom ay dalawang daang lalake na mga inanyayahan, at nangaparoon silang walang malay; at wala silang nalalamang anoman.
Og med Absalom fulgte fra Jerusalem 200 Mænd, som han havde indbudt, og som drog med i god Tro uden at vide af noget.
12 At pinagsuguan ni Absalom si Achitophel na Gilonita, na kasangguni ni David, mula sa kaniyang bayan, mula sa Gilo samantalang siya'y naghahandog ng mga hain. At mahigpit ang pagbabanta: sapagka't ang bayan na kasama ni Absalom ay dumadami ng dumadami.
Og da Absalom ofrede, Slagtofre, lod han Giloniten Akitofel, Davids Raadgiver, hente i hans By Gilo. Og Sammensværgelsen vandt i Styrke, idet flere og flere af Folket gik over til Absalom.
13 At naparoon ang isang sugo kay David, na nagsasabi, Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom.
Da kom en og meldte David det og sagde: »Israels Hu har vendt sig til Absalom!«
14 At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem, magsibangon kayo, at tayo'y magsitakas; sapagka't liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom: mangagmadali kayo ng pagtakas, baka sa pagmamadali ay abutan tayo, at dalhan tayo ng kasamaan, at sugatan ang bayan ng talim ng tabak.
Og David sagde til alle sine Folk, som var hos ham i Jerusalem: »Kom, lad os flygte; ellers kan vi ikke undslippe Absalom; skynd jer af Sted, at han ikke skal skynde sig og naa os, bringe ulykke over os og nedhugge Byens Indbyggere med Sværdet!«
15 At sinabi ng mga lingkod ng hari sa hari, Narito, ang iyong mga lingkod ay handa na gumawa ng anoman na pipiliin ng aming panginoon na hari.
Kongens Folk svarede: »Dine Trælle er rede til at gøre alt, hvad du finder rigtigt, Herre Konge!«
16 At lumabas ang hari at ang buong sangbahayan niya na sumunod sa kaniya. At nagiwan ang hari ng sangpung babae, na mga kinakasama niya, upang magingat ng bahay.
Saa drog Kongen ud, fulgt af hele sit Hus; dog lod Kongen ti Medhustruer blive tilbage for at se efter Huset.
17 At lumabas ang hari at ang buong bayan na kasunod niya: at sila'y nagpahinga sa Beth-merac.
Saa drog Kongen ud, fulgt af alle sine Folk. Ved det sidste Hus gjorde de Holdt,
18 At ang lahat niyang mga lingkod ay nagsidaan sa siping niya; at ang lahat na Ceretheo, at ang lahat na Peletheo, at ang lahat ng mga Getheo, na anim na raang lalake na nagsisunod sa kaniya mula sa Gath, na nangagpapauna sa hari.
og alle Krigerne gik forbi ham, ligeledes alle Kreterne og Pleterne; ogsaa alle Gatiten Ittajs Mænd, 600 Mand, som havde fulgt ham fra Gat, gik forbi Kongen.
19 Nang magkagayo'y sinabi ng hari kay Ittai na Getheo, Bakit pati ikaw ay sumasama sa amin? bumalik ka at tumahan kang kasama ng hari: sapagka't ikaw ay taga ibang lupa at tapon pa: bumalik ka sa iyong sariling dako.
Da sagde Kongen til Gatiten Ittaj: »Hvorfor gaar ogsaa du med? Vend om og bliv hos Kongen; thi du er Udlænding og er vandret ud fra din Hjemstavn;
20 Yamang kahapon ka lamang dumating ay papagpapanhik manaugin na ba kita sa araw na ito na kasama namin, dangang ako'y yumayaon kung saan maaari? bumalik ka, at ibalik mo ang iyong mga kapatid; kaawaan at katotohanan nawa ang sumaiyo.
i Gaar kom du, og i Dag skulde jeg tage dig med paa vor Omflakken, jeg, som gaar uden at vide hvorhen! Vend tilbage og tag dine Landsmænd med; HERREN vise dig Miskundhed og Trofasthed!«
21 At sumagot si Ittai sa hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang aking panginoon na hari, tunay na kung saan dumoon ang aking panginoon na hari, maging sa kamatayan o sa kabuhayan ay doroon naman ang iyong lingkod.
Men Ittaj svarede Kongen: »Saa sandt HERREN lever, og saa sandt du, Herre Konge, lever: Hvor du, Herre Konge, er, der vil din Træl være, hvad enten det bliver Liv eller Død!«
22 At sinabi ni David kay Ittai, Ikaw ay yumaon at magpauna. At si Ittai na Getheo ay nagpauna, at ang lahat niyang lalake, at ang lahat na bata na kasama niya.
Da sagde David til Ittaj: »Vel, saa drag forbi!« Saa drog Gatiten Ittaj forbi med alle sine Mænd og hele sit Følge af Kvinder og Børn.
23 At ang buong lupain ay umiyak ng malakas, at ang buong bayan ay tumawid: ang hari man ay tumawid din sa batis ng Cedron, at ang buong bayan ay tumawid, sa daan ng ilang.
Hele Landet græd højt, medens alle Krigerne gik forbi; og Kongen stod i Kedrons Dal, medens alle Krigerne gik forbi ham ad Vejen til Oliventræet i Ørkenen.
24 At, narito, pati si Sadoc at ang lahat na Levita na kasama niya, na may dala ng kaban ng tipan ng Dios; at kanilang inilapag ang kaban ng Dios, at sumampa si Abiathar, hanggang sa ang buong bayan ay nakalabas sa bayan.
Ogsaa Zadok og Ebjatar, som bar Guds Pagts Ark, kom til Stede; de satte Guds Ark ned og lod den staa, indtil alle Krigerne fra Byen var gaaet forbi.
25 At sinabi ng hari kay Sadoc, Ibalik mo ang kaban ng Dios sa bayan: kung ako'y makakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon, kaniyang ibabalik ako at ipakikita sa akin ang kaban at gayon din ang kaniyang tahanan.
Da sagde Kongen til Zadok: »Bring Guds Ark tilbage til Byen! Hvis jeg finder Naade for HERRENS Øjne, fører han mig tilbage og lader mig stedes for ham og hans Bolig;
26 Nguni't kung sabihin niyang ganito, Hindi kita kinalulugdan; narito, ako'y nandito, gawin niya; sa akin ang inaakala niyang mabuti.
siger han derimod: Jeg har ikke Behag i dig! se, da er jeg rede; han gøre med mig, hvad ham tykkes godt!«
27 Sinabi rin ng hari kay Sadoc na saserdote, Hindi ka ba tagakita? bumalik kang payapa sa bayan, at ang iyong dalawang anak na kasama ninyo, si Ahimaas na iyong anak, at si Jonathan na anak ni Abiathar.
Og Kongen sagde til Præsten Zadok: »Se, du og Ebjatar skal med Fred vende tilbage til Byen tillige med eders to Sønner, din Søn Ahima'az og Ebjatars Søn Jonatan!
28 Tingnan mo, ako'y maghihintay sa mga tawiran sa ilang, hanggang sa may dumating na salita na mula sa inyo na magpatotoo sa akin.
Se, jeg bier ved Vadestederne paa Jordansletten, indtil jeg faar Bud fra eder med Efterretning.«
29 Dinala nga uli sa Jerusalem ni Sadoc at ni Abiathar ang kaban ng Dios: at sila'y nagsitahan doon.
Zadok og Ebjatar bragte da Guds Ark tilbage til Jerusalem, og de blev der.
30 At umahon si David sa ahunan sa bundok ng mga Olibo, at umiiyak habang siya'y umaahon; at ang kaniyang ulo ay may takip, at lumalakad siya na walang suot ang paa; at ang buong bayan na kasama niya ay may takip ang ulo ng bawa't isa, at sila'y nagsisiahon, na nagsisiiyak habang sila'y nagsisiahon.
Men David gik grædende op ad Oliebjerget med tilhyllet Hoved og bare Fødder, og alle Krigerne, som fulgte ham, havde tilhyllet deres Hoveder og gik grædende opefter.
31 At isinaysay ng isa kay David na sinasabi, Si Achitophel ay nasa nanganghihimagsik na kasama ni Absalom. At sinabi ni David, Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na iyong gawing kamangmangan ang payo ni Achitophel.
Da David fik at vide, at Akitofel var iblandt de sammensvorne, som holdt med Absalom, sagde han: »Gør Akitofels Raad til Skamme, HERRE!«
32 At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok, na doon sinasamba ang Dios, narito, si Husai na Arachita ay sumalubong sa kaniya, na ang kaniyang suot ay hapak, at may lupa sa kaniyang ulo:
Da David var kommet til Bjergets Top, hvor man plejede at tilbede Gud, kom Arkiten Husjaj, Davids Ven, ham i Møde med sønderrevet Kjortel og Jord paa Hovedet.
33 At sinabi ni David sa kaniya, Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay magiging isang pasan ka nga sa akin.
Da sagde David til ham: »Hvis du drager med, bliver du mig til Byrde;
34 Nguni't kung ikaw ay bumalik sa bayan, at sabihin mo kay Absalom, Ako'y magiging iyong lingkod, Oh hari; kung paanong ako'y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan, ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon: kung magkagayo'y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko.
men vender du tilbage til Byen og siger til Absalom: Jeg vil være din Træl, Konge; din Faders Træl var jeg fordum, men nu vil jeg være din Træl! saa kan du gøre mig Akitofels Raad til Skamme.
35 At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote? kaya't mangyayari, na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari, iyong sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote.
Der har du jo Præsterne Zadok og Ebjatar; alt, hvad du hører fra Kongens Palads, maa du give Præsterne Zadok og Ebjatar Nys om.
36 Narito nasa kanila roon ang kanilang dalawang anak, si Ahimaas na anak ni Sadoc, at si Jonathan na anak ni Abiathar; at sa pamamagitan nila ay inyong maipadadala sa akin ang bawa't bagay na inyong maririnig.
Se, de har der deres to Sønner hos sig, Zadoks Søn Ahima'az og Ebjatars Søn Jonatan; send mig gennem dem Bud om alt, hvad I hører.«
37 Sa gayo'y si Husai na kaibigan ni David ay pumasok sa bayan; at si Absalom ay pumasok sa Jerusalem.
Saa kom Husjaj, Davids Ven, til Byen, og samtidig kom Absalom til Jerusalem.

< 2 Samuel 15 >