< 2 Mga Hari 7 >
1 At sinabi ni Eliseo, Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ganito ang sabi ng Panginoon: Bukas sa may ganitong oras, ang isang takal ng mainam na harina ay maipagbibili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay ng dalawang siklo, sa pintuang-bayan ng Samaria.
καὶ εἶπεν Ελισαιε ἄκουσον λόγον κυρίου τάδε λέγει κύριος ὡς ἡ ὥρα αὕτη αὔριον μέτρον σεμιδάλεως σίκλου καὶ δίμετρον κριθῶν σίκλου ἐν ταῖς πύλαις Σαμαρείας
2 Nang magkagayo'y ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalaki ng Dios, at nagsabi, Narito, kung ang Panginoo'y gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ito? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon.
καὶ ἀπεκρίθη ὁ τριστάτης ἐφ’ ὃν ὁ βασιλεὺς ἐπανεπαύετο ἐπὶ τὴν χεῖρα αὐτοῦ τῷ Ελισαιε καὶ εἶπεν ἰδοὺ ποιήσει κύριος καταρράκτας ἐν οὐρανῷ μὴ ἔσται τὸ ῥῆμα τοῦτο καὶ Ελισαιε εἶπεν ἰδοὺ σὺ ὄψῃ τοῖς ὀφθαλμοῖς σου καὶ ἐκεῖθεν οὐ φάγῃ
3 Mayroon ngang apat na may ketong sa pasukan ng pintuang-bayan: at sila'y nagsangusapan. Bakit nauupo tayo rito hanggang sa tayo'y mamatay?
καὶ τέσσαρες ἄνδρες ἦσαν λεπροὶ παρὰ τὴν θύραν τῆς πόλεως καὶ εἶπεν ἀνὴρ πρὸς τὸν πλησίον αὐτοῦ τί ἡμεῖς καθήμεθα ὧδε ἕως ἀποθάνωμεν
4 Kung ating sabihin, Tayo'y magsisipasok sa bayan, ang kagutom nga'y nasa bayan, at tayo'y mamamatay roon: at kung tayo'y magsisitigil ng pagkaupo rito, tayo'y mamamatay rin. Ngayon nga'y halina, at tayo'y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria: kung tayo'y iligtas nilang buhay, tayo'y mabubuhay; at kung tayo'y patayin nila, mamamatay lamang tayo.
ἐὰν εἴπωμεν εἰσέλθωμεν εἰς τὴν πόλιν καὶ ὁ λιμὸς ἐν τῇ πόλει καὶ ἀποθανούμεθα ἐκεῖ καὶ ἐὰν καθίσωμεν ὧδε καὶ ἀποθανούμεθα καὶ νῦν δεῦτε καὶ ἐμπέσωμεν εἰς τὴν παρεμβολὴν Συρίας ἐὰν ζωογονήσωσιν ἡμᾶς καὶ ζησόμεθα καὶ ἐὰν θανατώσωσιν ἡμᾶς καὶ ἀποθανούμεθα
5 At sila'y nagsitindig pagtatakip silim, upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria: at nang sila'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria, narito, walang tao roon.
καὶ ἀνέστησαν ἐν τῷ σκότει εἰσελθεῖν εἰς τὴν παρεμβολὴν Συρίας καὶ ἦλθον εἰς μέρος τῆς παρεμβολῆς Συρίας καὶ ἰδοὺ οὐκ ἔστιν ἀνὴρ ἐκεῖ
6 Sapagka't ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo, at ang huni ng mga kabayo, sa makatuwid baga'y ang hugong ng malaking hukbo: at sila'y nagsangusapan. Narito, inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng mga Hetheo, at ang mga hari ng mga taga Egipto, upang magsidaluhong sa atin.
καὶ κύριος ἀκουστὴν ἐποίησεν τὴν παρεμβολὴν Συρίας φωνὴν ἅρματος καὶ φωνὴν ἵππου καὶ φωνὴν δυνάμεως μεγάλης καὶ εἶπεν ἀνὴρ πρὸς τὸν ἀδελφὸν αὐτοῦ νῦν ἐμισθώσατο ἐφ’ ἡμᾶς βασιλεὺς Ισραηλ τοὺς βασιλέας τῶν Χετταίων καὶ τοὺς βασιλέας Αἰγύπτου τοῦ ἐλθεῖν ἐφ’ ἡμᾶς
7 Kaya't sila'y nagsitindig, at nagsitakas sa pagtatakip silim, at iniwan ang kanilang mga tolda, at ang kanilang mga kabayo, at ang kanilang mga asno, at ang buong kampamento, na gaya ng dati, at nagsitakas dahil sa kanilang buhay.
καὶ ἀνέστησαν καὶ ἀπέδρασαν ἐν τῷ σκότει καὶ ἐγκατέλιπαν τὰς σκηνὰς αὐτῶν καὶ τοὺς ἵππους αὐτῶν καὶ τοὺς ὄνους αὐτῶν ἐν τῇ παρεμβολῇ ὡς ἔστιν καὶ ἔφυγον πρὸς τὴν ψυχὴν ἑαυτῶν
8 At nang ang mga may ketong na ito'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento, sila'y nagsipasok sa isang tolda, at nagsikain at nagsiinom, at nagsipagdala mula roon ng pilak, at ng ginto, at ng bihisan, at nagsiyaon at itinago; at sila'y bumalik, at pumasok sa ibang tolda, at nagdala rin mula roon, at nagsiyaon at itinago.
καὶ εἰσῆλθον οἱ λεπροὶ οὗτοι ἕως μέρους τῆς παρεμβολῆς καὶ εἰσῆλθον εἰς σκηνὴν μίαν καὶ ἔφαγον καὶ ἔπιον καὶ ἦραν ἐκεῖθεν ἀργύριον καὶ χρυσίον καὶ ἱματισμὸν καὶ ἐπορεύθησαν καὶ ἐπέστρεψαν καὶ εἰσῆλθον εἰς σκηνὴν ἄλλην καὶ ἔλαβον ἐκεῖθεν καὶ ἐπορεύθησαν καὶ κατέκρυψαν
9 Nang magkagayo'y nagsangusapan sila. Hindi mabuti ang ginagawa natin: ang araw na ito ay araw ng mabubuting balita, at tayo'y tumatahimik: kung tayo'y magsipaghintay ng hanggang sa pagliliwayway sa kinaumagahan, parusa ang aabot sa atin: ngayon nga'y halina, tayo'y magsiyaon at ating saysayin sa sangbahayan ng hari.
καὶ εἶπεν ἀνὴρ πρὸς τὸν πλησίον αὐτοῦ οὐχ οὕτως ἡμεῖς ποιοῦμεν ἡ ἡμέρα αὕτη ἡμέρα εὐαγγελίας ἐστίν καὶ ἡμεῖς σιωπῶμεν καὶ μένομεν ἕως φωτὸς τοῦ πρωὶ καὶ εὑρήσομεν ἀνομίαν καὶ νῦν δεῦρο καὶ εἰσέλθωμεν καὶ ἀναγγείλωμεν εἰς τὸν οἶκον τοῦ βασιλέως
10 Sa gayo'y nagsiparoon sila, at nagsitawag sa tagatanod-pinto ng bayan: at kanilang isinaysay sa kanila, na sinasabi, Kami ay nagsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria, at, narito, walang lalake roon ni tinig man ng lalake, kundi mga nakataling kabayo, at mga asnong nangakatali, at ang mga tolda na gaya ng dati.
καὶ εἰσῆλθον καὶ ἐβόησαν πρὸς τὴν πύλην τῆς πόλεως καὶ ἀνήγγειλαν αὐτοῖς λέγοντες εἰσήλθομεν εἰς τὴν παρεμβολὴν Συρίας καὶ ἰδοὺ οὐκ ἔστιν ἐκεῖ ἀνὴρ καὶ φωνὴ ἀνθρώπου ὅτι εἰ μὴ ἵππος δεδεμένος καὶ ὄνος καὶ αἱ σκηναὶ αὐτῶν ὡς εἰσίν
11 At tinawag niya ang mga tagatanod-pinto; at kanilang sinaysay sa sangbahayan ng hari sa loob.
καὶ ἐβόησαν οἱ θυρωροὶ καὶ ἀνήγγειλαν εἰς τὸν οἶκον τοῦ βασιλέως ἔσω
12 At ang hari ay bumangon sa gabi, at nagsabi sa kaniyang mga lingkod, Ipakikita ko sa inyo ngayon kung ano ang ginawa ng mga taga Siria sa atin. Kanilang talastas na tayo'y gutom; kaya't sila'y nagsilabas ng kampamento upang magsipangubli sa parang, na nagsasabi, Pagka sila'y nagsilabas sa bayan, ating kukunin silang buhay at papasok tayo sa bayan.
καὶ ἀνέστη ὁ βασιλεὺς νυκτὸς καὶ εἶπεν πρὸς τοὺς παῖδας αὐτοῦ ἀναγγελῶ δὴ ὑμῖν ἃ ἐποίησεν ἡμῖν Συρία ἔγνωσαν ὅτι πεινῶμεν ἡμεῖς καὶ ἐξῆλθαν ἐκ τῆς παρεμβολῆς καὶ ἐκρύβησαν ἐν τῷ ἀγρῷ λέγοντες ὅτι ἐξελεύσονται ἐκ τῆς πόλεως καὶ συλλημψόμεθα αὐτοὺς ζῶντας καὶ εἰς τὴν πόλιν εἰσελευσόμεθα
13 At isa sa kaniyang mga lingkod ay sumagot, at nagsabi, Isinasamo ko sa inyo na kunin ng ilan ang lima sa mga kabayong nalabi, na natira sa bayan (narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na natira roon; narito, sila'y gaya ng buong karamihan ng Israel na nalipol: ) at tayo'y magsugo at ating tingnan.
καὶ ἀπεκρίθη εἷς τῶν παίδων αὐτοῦ καὶ εἶπεν λαβέτωσαν δὴ πέντε τῶν ἵππων τῶν ὑπολελειμμένων οἳ κατελείφθησαν ὧδε ἰδού εἰσιν πρὸς πᾶν τὸ πλῆθος Ισραηλ τὸ ἐκλεῖπον καὶ ἀποστελοῦμεν ἐκεῖ καὶ ὀψόμεθα
14 Sila nga'y nagsikuha ng dalawang karo na may mga kabayo; at ang hari ay nagsugo na pinasundan ang hukbo ng mga taga Siria, na nagsabi, Kayo ay yumaon at tingnan ninyo.
καὶ ἔλαβον δύο ἐπιβάτας ἵππων καὶ ἀπέστειλεν ὁ βασιλεὺς Ισραηλ ὀπίσω τοῦ βασιλέως Συρίας λέγων δεῦτε καὶ ἴδετε
15 At kanilang sinundan sila hanggang sa Jordan; at, narito, ang buong daa'y puno ng mga kasuutan at ng mga kasangkapan na mga inihagis ng mga taga Siria sa kanilang pagmamadali. At ang mga sugo ay nagsibalik at nagsaysay sa hari.
καὶ ἐπορεύθησαν ὀπίσω αὐτῶν ἕως τοῦ Ιορδάνου καὶ ἰδοὺ πᾶσα ἡ ὁδὸς πλήρης ἱματίων καὶ σκευῶν ὧν ἔρριψεν Συρία ἐν τῷ θαμβεῖσθαι αὐτούς καὶ ἐπέστρεψαν οἱ ἄγγελοι καὶ ἀνήγγειλαν τῷ βασιλεῖ
16 At ang bayan ay lumabas, at sinamsaman ang kampamento ng mga taga Siria. Sa gayo'y ang takal ng mainam na harina ay naipagbili ng isang siklo, at ang dalawang takal ng sebada ay isang siklo, ayon sa salita ng Panginoon.
καὶ ἐξῆλθεν ὁ λαὸς καὶ διήρπασεν τὴν παρεμβολὴν Συρίας καὶ ἐγένετο μέτρον σεμιδάλεως σίκλου καὶ δίμετρον κριθῶν σίκλου κατὰ τὸ ῥῆμα κυρίου
17 At inihabilin ng hari sa punong kawal na pinangangapitan niya, ang katungkulan sa pintuang-bayan: at niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay na gaya ng sinabi ng lalake ng Dios, na nagsalita nang lusungin siya ng hari.
καὶ ὁ βασιλεὺς κατέστησεν τὸν τριστάτην ἐφ’ ὃν ὁ βασιλεὺς ἐπανεπαύετο ἐπὶ τῇ χειρὶ αὐτοῦ ἐπὶ τῆς πύλης καὶ συνεπάτησεν αὐτὸν ὁ λαὸς ἐν τῇ πύλῃ καὶ ἀπέθανεν καθὰ ἐλάλησεν ὁ ἄνθρωπος τοῦ θεοῦ ὃς ἐλάλησεν ἐν τῷ καταβῆναι τὸν ἄγγελον πρὸς αὐτόν
18 At nangyari, gaya ng sinabi ng lalake ng Dios sa hari, na sinasabi, Ang dalawang takal ng sebada ay maipagbibili isang siklo, at ang isang takal ng mainam na harina ay isang siklo, mangyayari bukas sa may ganitong oras sa pintuang-bayan ng Samaria;
καὶ ἐγένετο καθὰ ἐλάλησεν Ελισαιε πρὸς τὸν βασιλέα λέγων Δίμετρον κριθῆς σίκλου καὶ μέτρον σεμιδάλεως σίκλου καὶ ἔσται ὡς ἡ ὥρα αὕτη αὔριον ἐν τῇ πύλῃ Σαμαρείας
19 At ang punong kawal na yaon ay sumagot sa lalake ng Dios, at nagsabi, Ngayon, narito, kung ang Panginoon ay gagawa ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ang gayong bagay? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon:
καὶ ἀπεκρίθη ὁ τριστάτης τῷ Ελισαιε καὶ εἶπεν ἰδοὺ κύριος ποιεῖ καταρράκτας ἐν τῷ οὐρανῷ μὴ ἔσται τὸ ῥῆμα τοῦτο καὶ εἶπεν Ελισαιε ἰδοὺ ὄψῃ τοῖς ὀφθαλμοῖς σου καὶ ἐκεῖθεν οὐ φάγῃ
20 Nangyari ngang gayon sa kaniya; sapagka't niyapakan siya ng bayan sa pintuang-bayan, at siya'y namatay.
καὶ ἐγένετο οὕτως καὶ συνεπάτησεν αὐτὸν ὁ λαὸς ἐν τῇ πύλῃ καὶ ἀπέθανεν