< 2 Mga Hari 2 >

1 At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal.
و چون خداوند اراده نمود که ایلیا را درگردباد به آسمان بالا برد، واقع شد که ایلیا والیشع از جلجال روانه شدند.۱
2 At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka't sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el. At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y bumaba sila sa Beth-el.
و ایلیا به الیشع گفت: «در اینجا بمان، زیرا خداوند مرا به بیت ئیل فرستاده است.» الیشع گفت: «به حیات یهوه وحیات خودت قسم که تو را ترک نکنم.» پس به بیت ئیل رفتند.۲
3 At nilabas ng mga anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At kaniyang sinabi, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
و پسران انبیایی که در بیت ئیل بودند، نزد الیشع بیرون آمده، وی را گفتند: «آیامی دانی که امروز خداوند آقای تو را از فوق سرتو خواهد برداشت.» او گفت: «من هم می‌دانم؛ خاموش باشید.»۳
4 At sinabi ni Elias sa kaniya, Eliseo, isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jerico. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y nagsiparoon sila sa Jerico.
و ایلیا به او گفت: «ای الیشع در اینجا بمان زیرا خداوند مرا به اریحا فرستاده است.» او گفت: «به حیات یهوه و به حیات خودت قسم که تو راترک نکنم.» پس به اریحا آمدند.۴
5 At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At siya'y sumagot, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
و پسران انبیایی که در اریحا بودند، نزد الیشع آمده، وی راگفتند: «آیا می‌دانی که امروز خداوند، آقای تو رااز فوق سر تو برمی دارد؟» او گفت: «من هم می‌دانم؛ خاموش باشید.»۵
6 At sinabi ni Elias sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jordan. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At silang dalawa ay nagsiyaon.
و ایلیا وی را گفت: «در اینجا بمان زیراخداوند مرا به اردن فرستاده است.» او گفت: «به حیات یهوه و به حیات خودت قسم که تو را ترک نکنم.» پس هردوی ایشان روانه شدند.۶
7 At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon, at nagsitayo sa tapat nila sa malayo; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan.
و پنجاه نفر از پسران انبیا رفته، در مقابل ایشان از دورایستادند و ایشان نزد اردن ایستاده بودند.۷
8 At kinuha ni Elias ang kaniyang balabal, at tiniklop, at hinampas ang tubig, at nahawi dito at doon, na ano pa't silang dalawa'y nagsidaan sa tuyong lupa.
پس ایلیا ردای خویش را گرفت و آن را پیچیده، آب را زد که به این طرف و آن طرف شکافته شد وهردوی ایشان بر خشکی عبور نمودند.۸
9 At nangyari, nang sila'y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.
و بعد از گذشتن ایشان، ایلیا به الیشع گفت: «آنچه را که می‌خواهی برای تو بکنم، پیش ازآنکه از نزد تو برداشته شوم، بخواه.» الیشع گفت: «نصیب مضاعف روح تو بر من بشود.»۹
10 At sinabi niya, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay: gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon.
او گفت: «چیز دشواری خواستی اما اگر حینی که از نزد توبرداشته شوم مرا ببینی، از برایت چنین خواهدشد والا نخواهد شد.»۱۰
11 At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.
و چون ایشان می‌رفتندو گفتگو می‌کردند، اینک ارابه آتشین و اسبان آتشین ایشان را از یکدیگر جدا کرد و ایلیا درگردباد به آسمان صعود نمود.۱۱
12 At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.
و چون الیشع این را بدید فریاد برآورد که «ای پدرم! ای پدرم! ارابه اسرائیل و سوارانش! پس او را دیگر ندیدو جامه خود را گرفته، آن را به دو حصه چاک زد.۱۲
13 Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan.
و ردای ایلیا را که از او افتاده بود، برداشت و برگشته به کناره اردن ایستاد.۱۳
14 At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Dios ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid.
پس ردای ایلیارا که از او افتاده بود، گرفت و آب را زده، گفت: «یهوه خدای ایلیا کجاست؟» و چون او نیز آب رازد، به این طرف و آن طرف شکافته شد و الیشع عبور نمود.۱۴
15 At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico sa tapat niya, ay kanilang sinabi, Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo. At sila'y nagsiyaon na sinalubong siya, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.
و چون پسران انبیا که روبروی او در اریحابودند او را دیدند، گفتند: «روح ایلیا بر الیشع می‌باشد.» و برای ملاقات وی آمده، او را رو به زمین تعظیم نمودند.۱۵
16 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito ngayon, sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila, at hanapin ang inyong panginoon, baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon, at inihagis sa isang bundok, o sa isang libis. At kaniyang sinabi, Huwag kayong magsipagsugo.
و او را گفتند: «اینک حال با بندگانت پنجاه مرد قوی هستند، تمنا اینکه ایشان بروند و آقای تو را جستجو نمایند، شایدروح خداوند او را برداشته، به یکی از کوهها یا دریکی از دره‌ها انداخته باشد.» او گفت: «مفرستید.»۱۶
17 At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya'y mapahiya, at kaniyang sinabi, Magsipagsugo kayo. Sila'y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake, at hinanap nilang tatlong araw, nguni't hindi nasumpungan siya.
اما به حدی بر وی ابرام نمودند که خجل شده، گفت: «بفرستید.» پس پنجاه نفر فرستادند و ایشان سه روز جستجو نمودند اما او را نیافتند.۱۷
18 At sila'y nagsibalik sa kaniya, samantalang siya'y naghihintay sa Jerico; at kaniyang sinabi sa kanila, Di ba sinabi ko sa inyo: Huwag kayong magsiyaon?
وچون او در اریحا توقف می‌نمود، ایشان نزد وی برگشتند و او به ایشان گفت: «آیا شما را نگفتم، که نروید.»۱۸
19 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo: Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga.
و اهل شهر به الیشع گفتند: «اینک موضع شهر نیکوست چنانکه آقای ما می‌بیند، لیکن آبش ناگوار و زمینش بی‌حاصل است.»۱۹
20 At kaniyang sinabi, Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin. At kanilang dinala sa kaniya.
او گفت: «نزد من طشت نوی آورده، نمک در آن بگذارید.» پس برایش آوردند.۲۰
21 At siya'y naparoon sa bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga.
و او نزد چشمه آب بیرون رفته، نمک را در آن انداخت و گفت: «خداوندچنین می‌گوید: این آب را شفا دادم که بار دیگرمرگ یا بی‌حاصلی از آن پدید نیاید.»۲۱
22 Sa gayo'y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita.
پس آب تا به امروز برحسب سخنی که الیشع گفته بود، شفا یافت.۲۲
23 At siya'y umahon sa Beth-el mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo.
و از آنجا به بیت ئیل برآمد و چون او به راه برمی آمد اطفال کوچک از شهر بیرون آمده، او راسخریه نموده، گفتند: «ای کچل برآی! ای کچل برآی!»۲۳
24 At siya'y lumingon sa likuran niya, at nangakita niya, at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat na pu't dalawang bata sa kanila.
و او به عقب برگشته، ایشان را دید وایشان را به اسم یهوه لعنت کرد و دو خرس ازجنگل بیرون آمده، چهل و دو پسر از ایشان بدرید.۲۴
25 At siya'y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon, at mula roo'y bumalik siya sa Samaria.
و از آنجا به کوه کرمل رفت و از آنجا به سامره مراجعت نمود.۲۵

< 2 Mga Hari 2 >