< 2 Mga Hari 2 >
1 At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal.
And it came to pass, when Yahweh was about to take up Elijah in a storm into the heavens, that Elijah departed, with Elisha, from Gilgal.
2 At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka't sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el. At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y bumaba sila sa Beth-el.
Then said Elijah unto Elisha—Tarry here, I pray thee, for, Yahweh, hath sent me as far as Bethel. And Elisha said, By the life of Yahweh and by the life of thine own soul, I will not leave thee. So they went down to Bethel.
3 At nilabas ng mga anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At kaniyang sinabi, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
And the sons of the prophets who were in Bethel came forth unto Elisha, and said unto him, Knowest thou that, to-day, Yahweh is taking away thy lord, from thy head? And he said—I also, know, be silent.
4 At sinabi ni Elias sa kaniya, Eliseo, isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jerico. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y nagsiparoon sila sa Jerico.
Then Elijah said to him—Elisha, I pray thee, tarry here, for, Yahweh, hath sent me to Jericho. And he said—By the life of Yahweh and by the life of thine own soul, I will not leave thee. So they came to Jericho.
5 At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At siya'y sumagot, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.
Then drew near the sons of the prophets who were in Jericho, unto Elisha, and said unto him, Knowest thou that, to-day, Yahweh is taking away thy lord from thy head? And he said—I also, know; be silent.
6 At sinabi ni Elias sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jordan. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At silang dalawa ay nagsiyaon.
And Elijah said to him—Tarry here, I pray thee, for, Yahweh, hath sent me to the Jordan. And he said—By the life of Yahweh and by the life of thine own soul, I will not leave thee. So they two, went on.
7 At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon, at nagsitayo sa tapat nila sa malayo; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan.
But, fifty men of the sons of the prophets, came, and stood over against them, afar off, —and, they two, stood by the Jordan.
8 At kinuha ni Elias ang kaniyang balabal, at tiniklop, at hinampas ang tubig, at nahawi dito at doon, na ano pa't silang dalawa'y nagsidaan sa tuyong lupa.
Then Elijah took his mantle, and wrapped it together, and smote the waters, and they were divided, hither and thither, —so that they two, passed over, on dry ground.
9 At nangyari, nang sila'y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.
And it came to pass, as they went over, that, Elijah, said unto Elisha—Ask, what I shall do for thee, ere yet I be taken from thee. And Elisha said, Let there be, I pray thee, a double portion of thy spirit upon me.
10 At sinabi niya, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay: gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon.
And he said—Thou hast asked a hard thing, —if thou see me when taken from thee, thou shall have it, so, but, if not, thou shalt not have it.
11 At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.
And it came to pass, as they were going on and on and talking, that lo! there was a chariot of fire, with horses of fire, which parted, those two, asunder, —and Elijah went up in a storm, into the heavens.
12 At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.
And, as soon as Elisha saw it, he, began crying out—My father! my father! The chariots of Israel, and the horsemen thereof! But, when he could see him no longer, he took hold of his clothes, and rent them in two pieces.
13 Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan.
Then took he up the mantle of Elijah, which had fallen from him, —and returned and stood, on the brink of the Jordan;
14 At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Dios ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid.
and took the mantle of Elijah which had fallen from him, and smote the waters, and said, Where is Yahweh, the God of Elijah? And, when, he also, smote the waters, they were divided, hither and thither, and Elisha, passed over.
15 At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico sa tapat niya, ay kanilang sinabi, Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo. At sila'y nagsiyaon na sinalubong siya, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.
And, when the sons of the prophets who were in Jericho, over against him, saw him, they said, The spirit of Elijah, resteth, on Elisha. So they came to meet him, and bowed themselves down to him, to the ground.
16 At kanilang sinabi sa kaniya, Narito ngayon, sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila, at hanapin ang inyong panginoon, baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon, at inihagis sa isang bundok, o sa isang libis. At kaniyang sinabi, Huwag kayong magsipagsugo.
Then said they unto him—Lo! we pray thee, there are with thy servants fifty men, sons of valour—let them go, we pray thee, and seek thy lord, lest the Spirit of Yahweh have borne him away, and cast him on one of the mountains, or into one of the valleys. And he said—Ye shall not send.
17 At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya'y mapahiya, at kaniyang sinabi, Magsipagsugo kayo. Sila'y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake, at hinanap nilang tatlong araw, nguni't hindi nasumpungan siya.
But, when they urged him until he was ashamed, he said—Send. So they sent fifty men, and made search three days, but found him not.
18 At sila'y nagsibalik sa kaniya, samantalang siya'y naghihintay sa Jerico; at kaniyang sinabi sa kanila, Di ba sinabi ko sa inyo: Huwag kayong magsiyaon?
And, when they came back unto him, he, having tarried at Jericho, he said unto them, Did I not say unto you, Do not go?
19 At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo: Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga.
And the men of the city said unto Elisha, Lo! we pray thee, the situation of the city, is good, as, my lord, seeth, —but, the waters, are bad, and, the land, apt to miscarry.
20 At kaniyang sinabi, Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin. At kanilang dinala sa kaniya.
And he said—Bring me a new bowl, and put therein, salt. So they brought it unto him;
21 At siya'y naparoon sa bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga.
and he went forth unto the spring of the waters, and cast therein, saith, —and said—Thus, saith Yahweh, I have healed these waters; there shall come from thence, no longer, death or aptness to miscarry.
22 Sa gayo'y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita.
So the waters were healed, [as they remain] unto this day, —according to the word of Elisha which he spake.
23 At siya'y umahon sa Beth-el mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo.
And he went up from thence, to Bethel, —and, as he was going up on the way, some lads, came forth, out of the city, and made mockery of him, and said to him, Go up, bald head! Go up, bald head!
24 At siya'y lumingon sa likuran niya, at nangakita niya, at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat na pu't dalawang bata sa kanila.
And, when he turned round and saw them, he cursed them, in the name of Yahweh, —and there came forth two she-bears out of the wood, and tare, of them, forty-two youths.
25 At siya'y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon, at mula roo'y bumalik siya sa Samaria.
And he went from thence, unto Mount Carmel, —and, from thence, he returned, to Samaria.