< 2 Mga Hari 13 >

1 Nang ikadalawangpu't tatlong taon ni Joas na anak ni Ochozias na hari sa Juda, nagpasimulang maghari si Joachaz na anak ni Jehu sa Israel sa Samaria, at nagharing labing pitong taon.
After Joash had been ruling Judah for almost 23 years, Jehu’s son Jehoahaz became the king of Israel. He ruled in Samaria [city] for 17 years.
2 At gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, at sumunod sa mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; hindi niya hiniwalayan ang mga yaon.
He did many things that Yahweh considered to be evil and committed the same kind of sins that Jeroboam had committed, sins which led the people of Israel to sin. He did not stop committing those sins.
3 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at palagi niyang ibinigay sila sa kamay ni Hazael na hari sa Siria, at sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael.
So Yahweh became very angry with the Israeli people, and he allowed the army of King Hazael of Syria and his son Ben-Hadad to defeat the Israelis many times.
4 At si Joachaz ay dumalangin sa Panginoon, at dininig siya ng Panginoon: sapagka't nakita niya ang kapighatian ng Israel, kung paanong inapi sila ng hari sa Siria.
Then Jehoahaz prayed to Yahweh [for help], and Yahweh heeded him, because he saw that the army of the king of Syria was oppressing the Israelis.
5 (At binigyan ng Panginoon ang Israel ng isang tagapagligtas, na anopa't sila'y nagsilabas na mula sa kamay ng mga taga Siria: at ang mga anak ni Israel ay nagsitahan sa kanilang mga tolda, gaya ng dati.
Yahweh sent a leader to Israel, who enabled them to be freed from being controlled by Syria. After that, the Israeli people lived peacefully as they had done previously.
6 Gayon ma'y hindi sila nagsihiwalay sa mga kasalanan ng sangbahayan ni Jeroboam, na ipinapagkasala sa Israel, kundi nilakaran nila: at nalabi ang Asera naman na Samaria).
But they still continued to commit the same kind of sins that Jeroboam and his family had committed and which led the Israelis to [also] sin. And the statue of the goddess Asherah remained in Samaria.
7 Sapagka't hindi siya nagiwan kay Joachaz sa mga tao liban sa limangpung nangangabayo, at sangpung karo, at sangpung libong taong lakad; sapagka't nilipol sila ng hari sa Siria, at ginawa silang parang alabok sa giikan.
Jehoahaz had only 50 men who rode on horses and ten chariots and 10,000 other soldiers, because the army of Syria had killed all the rest, trampling them like people walk on dirt.
8 Ang iba nga sa mga gawa ni Joachaz, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
[If you want to read about] [RHQ] everything else that Jehoahaz did, you can read about it in the scroll called ‘The History of the Kings of Israel’.
9 At si Joachaz ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang: at inilibing nila siya sa Samaria: at si Joas na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Jehoahaz died [EUP] and was buried in Samaria. Then his son Jehoash became the king.
10 Nang ikatatlongpu't pitong taon ni Joas na hari sa Juda ay nagpasimula si Joas na anak ni Joachaz na maghari sa Israel sa Samaria, at nagharing labing anim na taon.
Jehoash, the son of Jehoahaz, started to rule in Israel after King Joash had been ruling in Judah for 23 years. Jehoash ruled in Samaria for 17 years.
11 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon; siya'y hindi humiwalay sa lahat na kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nabat, na kaniyang ipinapagkasala sa Israel; kundi kaniyang nilakaran.
He did many things that Yahweh considered to be evil. He refused to turn away from worshiping idols, which was the sin that [many years earlier King] Jeroboam had told the Israeli people to commit.
12 Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakipaglaban kay Amasias na hari sa Juda, hindi ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
The other things that happened while Jehoash was king and all the things that he did are written in the book called ‘The Account of What the Kings of Israel Did’. In that account they wrote about Jehoash’s [army’s] victories, and their war with [the army of] King Amaziah of Judah.
13 At si Joas ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Jeroboam ay naupo sa kaniyang luklukan; at si Joas ay nalibing sa Samaria na kasama ng mga hari sa Israel.
When Jehoash died, he was buried in Samaria where the [other] kings of Israel were buried. Then his son Jeroboam became king.
14 Si Eliseo nga ay nagkasakit ng sakit na kaniyang ikinamatay: at binaba siya at iniyakan siya ni Joas na hari sa Israel, at nagsabi, Ama ko, ama ko, ang mga karo ng Israel at ang mga nangangabayo niyaon!
Elisha became very ill. Just before he died, King Jehoash went to Elisha and cried in front of him. [Saying the same words that Elisha had said when Elijah was taken to heaven], he said, “My father/master! My father/master! The chariots of us Israeli people and their drivers [are taking my master away]!”
15 At sinabi ni Eliseo sa kaniya, Kumuha ka ng busog at mga pana: at siya'y kumuha ng busog at mga pana.
Elisha said to him, “Bring to me a bow and some arrows!” So the king did that.
16 At sinabi niya sa hari sa Israel, Ilagay mo ang iyong kamay sa busog: at inilagay niya ang kaniyang kamay roon. At inilagay ni Eliseo ang kaniyang mga kamay sa mga kamay ng hari.
Then Elisha told the king to put his hands on the bow [and prepare to shoot some arrows]. And then Elisha put his own hands on the king’s hands.
17 At kaniyang sinabi, Buksan mo ang dungawan sa dakong silanganan: at binuksan niya. Nang magkagayo'y sinabi ni Eliseo, Magpahilagpos ka: at siya'y nagpahilagpos. At kaniyang sinabi, Ang pana nga ng pagtatagumpay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang pana ng pagtatagumpay sa Siria: sapagka't iyong sasaktan ang mga taga Siria sa Aphec, hanggang sa iyong mangalipol.
Then Elisha told him, “[Have someone] open that window toward the east.” So they opened it. Then Elisha said, “Shoot!” So the king did. Then Elisha said, “That is the arrow that [indicates that your army] will defeat the Syrian army. Your army will completely defeat their [army] at Aphek [town].”
18 At kaniyang sinabi, Tangnan mo ang mga pana: at tinangnan niya ang mga yaon. At sinabi niya sa hari sa Israel, Humampas ka sa lupa: at siya'y humampas na makaitlo, at tumigil.
Then Elisha said, “Pick up the other arrows and strike the ground with them!” So the king picked up the arrows and struck the ground three times.
19 At ang lalake ng Dios ay naginit sa kaniya, at nagsabi, Marapat nga sana na iyong hampasing makalima o makaanim; sinaktan mo nga sana ang Siria hanggang sa iyong nalipol: kaya't ngayo'y sasaktan mo ang Siria na makaitlo lamang.
But Elisha was angry with him. He exclaimed, “You should have struck the ground five or six times! If you had done that, your army would have defeated the Syrian [army] until they were completely wiped out! But now, [because you struck the ground only three times, ] your army will defeat them only three times!”
20 At namatay si Eliseo, at kanilang inilibing siya. Ang mga pulutong nga ng mga Moabita ay nagsilusob sa lupain sa pagdating ng taon.
Then Elisha died and was buried. Groups of raiders from Moab came to Israel each year during (spring/the time when the cold season was ending).
21 At nangyari, samantalang kanilang inililibing ang isang lalake, na, narito, kanilang natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo, siya'y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang mga paa.
One year, when some Israeli people were burying a man’s body, they saw a group of those raiders. [They were afraid, ] so quickly they threw that man’s body into the tomb where Elisha [had been buried, and they ran away]. But as soon as the man’s body touched Elisha’s bones, the dead man became alive again and jumped up!
22 At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz.
King Hazael of Syria [sent soldiers to] oppress the Israeli people all during the years that Jehoahaz [ruled Judah].
23 Nguni't ang Panginoo'y naawa sa kanila at nahabag sa kanila, at kaniyang pinakundanganan sila, dahil sa kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, at hindi nilipol sila o pinalayas man sila sa kaniyang harapan hanggang noon.
But Yahweh was very kind [DOU] to the Israeli people. He helped them because of the agreement that he had made with [their ancestors] Abraham, Isaac, and Jacob. He did not get rid of the Israelis, and he still has not rejected them.
24 At si Hazael na hari sa Siria ay namatay; at si Ben-adad na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
When Hazael the king of Syria died, his son Ben-Hadad became the king.
25 At inalis uli ni Joas na anak ni Joachaz sa kamay ni Ben-adad na anak ni Hazael ang mga bayan na kaniyang inalis sa kamay ni Joachaz na kaniyang ama sa pakikipagdigma. Makaitlong sinaktan siya ni Joas, at binawi ang mga bayan ng Israel.
[The army of] King Jehoash of Israel defeated [the army of] King Ben-Hadad three times, and recaptured the cities that Ben-Hadad’s army had captured during the time that Jehoash’s father Jehoahaz was ruling Israel.

< 2 Mga Hari 13 >