< 2 Mga Cronica 9 >

1 At nang mabalitaan ng reina sa Seba ang kabantugan ni Salomon, siya'y naparoon upang subukin si Salomon, sa mga mahirap na tanong sa Jerusalem, na may maraming kaakbay, at mga kamelyo na may pasang mga espesia, at ginto na sagana, at mga mahalagang bato: at nang siya'y dumating kay Salomon, kaniyang inihinga sa kaniya ang lahat na laman ng kaniyang dibdib.
And when the Queene of Sheba heard of the fame of Salomon, she came to proue Salomon with hard questions at Ierusalem, with a very great traine, and camels that bare sweete odours and much golde, and precious stones: and when she came to Salomon, she communed with him of all that was in her heart.
2 At isinaysay ni Salomon sa kaniya ang lahat niyang tanong: at walang bagay na nalingid kay Salomon na hindi niya isinaysay sa kaniya.
And Salomon declared her all her questions, and there was nothing hid from Salomon, which he declared not vnto her.
3 At nang makita ng reina sa Seba ang karunungan ni Salomon, at ang bahay na kaniyang itinayo.
Then the Queene of Sheba sawe the wisedome of Salomon, and the house that he had buylt,
4 At ang pagkain sa kaniyang dulang, at ang pagkaayos ng kaniyang mga alila, at ang tayo ng kaniyang mga tagapaglingkod, at ang kanilang mga pananamit, gayon din ang kaniyang mga tagahawak ng saro, at ang kanilang mga pananamit; at ang kaniyang sampahan na kaniyang sinasampahan sa bahay ng Panginoon: nawalan siya ng loob.
And the meate of his table, and the sitting of his seruants, and the order of his wayters, and their apparel, and his butlers, and their apparel, and his burnt offrings which he offred in the house of the Lord, and she was greatly astonied.
5 At sinabi niya sa hari, Tunay na balita ang aking narinig sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga gawa, at sa iyong karunungan.
And she saide to the King, It was a true worde which I heard in mine owne lande of thy sayings, and of thy wisedome:
6 Gayon ma'y hindi ko pinaniwalaan ang kanilang mga salita hanggang sa ako'y dumating, at nakita ng aking mga mata: at, narito, ang kalahati ng kalakhan ng iyong karunungan ay hindi nasaysay sa akin: ikaw ay humigit sa kabantugan na aking narinig.
Howbeit I beleeued not their report, vntil I came, and mine eyes had seene it: and beholde, the one halfe of thy great wisedom was not told me: for thou exceedest the fame that I heard.
7 Mapapalad ang iyong mga tao, at mapapalad itong iyong mga lingkod, na nagsisitayong palagi sa harap mo, at nangakakarinig ng iyong karunungan.
Happie are thy men, and happie are these thy seruants, which stande before thee alway, and heare thy wisedome.
8 Purihin ang Panginoon mong Dios, na nalulugod sa iyo, na inilagay ka sa kaniyang luklukan, upang maging hari na ukol sa Panginoon mong Dios: sapagka't minamahal ng iyong Dios ang Israel, upang itatag magpakailan man, kaya't ginawa ka niyang hari sa kanila, upang magsagawa ng kahatulan at ng katuwiran.
Blessed be the Lord thy God, which loued thee, to set thee on his throne as King, in the steade of the Lord thy God: because thy God loueth Israel, to establish it for euer, therefore hath he made thee King ouer them, to execute iudgement and iustice.
9 At siya'y nagbigay sa hari ng isang daan at dalawangpung talentong ginto, at mga espesia na totoong sagana, at mga mahalagang bato: ni nagkaroon pa man ng gayong espesia na gaya ng ibinigay ng reina sa Seba sa haring Salomon.
Then she gaue the King sixe score talents of golde, and of sweete odours exceeding much and precious stones: neither was there such sweete odours since, as the Queene of Sheba gaue vnto King Salomon.
10 At ang mga bataan naman ni Hiram, at ang mga bataan ni Salomon, na nagsipagdala ng ginto mula sa Ophir, nagsipagdala ng mga kahoy na algum at mga mahalagang bato.
And the seruants also of Huram, and the seruants of Salomon which brought golde from Ophir, brought Algummim wood and precious stones.
11 At ginawang mga hagdanan ng hari ang mga kahoy na algum sa bahay ng Panginoon, at sa bahay ng hari, at mga alpa, at mga salterio na ukol sa mga mangaawit: at wala nang nakita pang gaya niyaon sa lupain ng Juda.
And the King made of the Algummim wood staires in the house of the Lord, and in the Kings house, and harpes and violes for singers: and there was no such seene before in the lande of Iudah.
12 At ang haring Salomon ay nagbigay sa reina sa Seba ng lahat niyang nasa, anomang hiningi niya, bukod sa timbang ng kaniyang dinala sa hari. Sa gayo'y siya'y bumalik, at umuwi sa kaniyang sariling lupain, siya at ang kaniyang mga lingkod.
And King Salomon gaue to the Queene of Sheba euery pleasant thing that she asked, besides for that which she had brought vnto the King: so she returned and went to her owne countrey, both she, and her seruants.
13 Ang timbang nga ng ginto na dumating kay Salomon sa isang taon ay anim na raan at anim na pu't anim na talentong ginto,
Also the weight of golde that came to Salomon in one yeere, was sixe hundreth three score and sixe talents of golde,
14 Bukod doon sa dinala ng mga manglalako at mga mangangalakal; at ang lahat na hari sa Arabia at ang mga tagapamahala sa lupain ay nagsipagdala ng ginto at pilak kay Salomon.
Besides that which chapmen and marchants brought: and all the Kings of Arabia, and the princes of the countrey brought golde and siluer to Salomon.
15 At ang haring Salomon ay gumawa ng dalawang daang kalasag na pinukpok na ginto: anim na raang siklo na pinukpok na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag.
And King Salomon made two hundreth targets of beaten golde, and sixe hundreth shekels of beaten golde went to one target,
16 At siya'y gumawa ng tatlong daang kalasag na pinukpok na ginto; tatlong daang siklo na ginto ang ginamit sa bawa't kalasag: at inilagay ng hari sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano.
And three hundreth shieldes of beaten golde: three hundreth shekels of golde went to one shielde, and the King put them in the house of the wood of Lebanon.
17 Bukod dito'y gumawa ang hari ng isang malaking luklukang garing, at binalot ng taganas na ginto.
And the King made a great throne of yuorie and ouerlaid it with pure golde.
18 At may anim na baytang sa luklukan, at isang gintong tungtungan, na mga nakakapit sa luklukan, at may mga pinakakamay sa bawa't tagiliran sa siping ng dako ng upuan, at dalawang leon ang nakatayo sa siping ng mga pinakakamay.
And the throne had sixe steppes, with a footestoole of gold fastened to the throne, and stayes on either side on the place of the seate, and two lyons standing by the stayes.
19 At labing dalawang leon ang nakatayo roon sa isang dako at sa kabilang dako sa ibabaw ng anim na baytang: walang nagawang gayon sa alinmang kaharian.
And twelue lyons stoode there on the sixe steps on either side: there was not the like made in any kingdome.
20 At ang lahat na sisidlang inuman ni Salomon ay ginto, at ang lahat ng sisidlan sa bahay na kahoy sa gubat ng Libano ay taganas na ginto; ang pilak ay hindi mahalaga sa mga kaarawan ni Salomon.
And all King Salomons drinking vessels were of golde, and all the vessels of the house of the wood of Lebanon were of pure gold: for siluer was nothing esteemed in ye dayes of Salomon.
21 Sapagka't ang hari ay may mga sasakyan na nagsisiparoon sa Tharsis na kasama ng mga bataan ni Hiram: minsan sa bawa't tatlong taon ay dumarating ang mga sasakyang dagat ng Tharsis, na nagsisipagdala ng ginto, at pilak, garing, at mga ungoy, at mga pabo real.
For the Kings ships went to Tarshish with the seruants of Huram, euery three yeere once came the ships of Tarshish, and brought golde, and siluer, yuorie, and apes, and peacockes.
22 Sa gayo'y ang haring Salomon ay humihigit sa lahat ng hari sa lupa, sa kayamanan at sa karunungan.
So King Salomon excelled all the Kings of the earth in riches and wisedome.
23 At hinanap ng lahat na hari sa lupa ang harapan ni Salomon, upang magsipakinig ng kaniyang karunungan, na inilagay ng Dios sa kaniyang puso.
And all the Kings of the earth sought the presence of Salomon, to heare his wisedome that God had put in his heart.
24 At sila'y nagsipagdala bawa't isa ng kanikaniyang kaloob, na mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at damit, sandata, at mga espesia, mga kabayo, at mga mula, isang takdang kayamanan sa taon-taon.
And they brought euery man his present, vessels of siluer, and vessels of golde, and raiment, armour, and sweet odours, horses, and mules, from yeere to yeere.
25 At si Salomon ay may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo, at labing dalawang libong mangangabayo, na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.
And Salomon had foure thousand stalles of horses, and charets, and twelue thousand horsmen, whom he bestowed in the charet cities, and with the King at Ierusalem.
26 At siya'y nagpuno sa lahat ng mga hari mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at sa hangganan ng Egipto.
And he reigned ouer all the Kings from the Riuer euen vnto the land of the Philistims, and to the border of Egypt.
27 At ginawa ng hari na maging parang mga bato ang pilak sa Jerusalem, at ang mga sedro ay ginawa niyang maging parang mga puno ng sikomoro na nasa mababang lupa, dahil sa kasaganaan.
And the King gaue siluer in Ierusalem, as stones, and gaue cedar trees as the wilde fig trees, that are aboundant in the plaine.
28 At sila'y nagsipagdala ng mga kabayo kay Salomon mula sa Egipto, at mula sa lahat ng mga lupain.
And they brought vnto Salomon horses out of Egypt, and out of all landes.
29 Ang iba nga sa mga gawa ni Salomon, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa panghuhula ni Ahias na Silonita, at sa mga pangitain ni Iddo na tagakita tungkol kay Jeroboam na anak ni Nabat?
Concerning the rest of the actes of Salomon first and last, are they not written in the booke of Nathan the Prophet, and in the prophecie of Ahiiah the Shilonite, and in the visions of Ieedo the Seer against Ieroboam the sonne of Nebat?
30 At si Salomon ay naghari sa Jerusalem sa buong Israel na apat na pung taon.
And Salomon reigned in Ierusalem ouer all Israel fourtie yeeres.
31 At natulog si Salomon na kasama ng kaniyang mga magulang, at siya'y nalibing sa bayan ni David na kaniyang ama: at si Roboam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
And Salomon slept with his fathers, and they buryed him in the citie of Dauid his father: and Rehoboam his sonne reigned in his steade.

< 2 Mga Cronica 9 >