< 2 Mga Cronica 5 >
1 Ganito natapos ang gawaing ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama; sa makatuwid baga'y ang pilak, at ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios.
[聖殿落成]撒羅滿為上主的殿所作的一切工作完成了以後,遂將他父親達味所奉獻的禮品,金銀和所有的器具運上來,存放在天主殿宇的府庫裏。 [迎約櫃入聖殿]
2 Nang magkagayo'y pinulong ni Salomon ang mga matanda ng Israel, at ang lahat na pangulo ng mga lipi, ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David na siyang Sion.
那時,撒羅滿召集以色列的長老,各支派的首領和以色列子民各家族長,到耶路撒冷,機上主的約櫃從達味城,即熙雍運上來。
3 At ang lahat na lalake ng Israel ay nangakipagpulong sa hari sa kapistahan, na sa ikapitong buwan.
以色列人於是在七月的節日,都聚集到君王那裏。
4 At ang lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon; at pinasan ng mga Levita ang kaban;
以色列所有的長老一來到,肋未人便抬起約櫃,
5 At kanilang iniahon ang kaban, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng mga banal na kasangkapan na nangasa Tolda; ang mga ito'y iniahon ng mga saserdote na mga Levita.
將約櫃和會幕內所有的聖器都抬上來;抬運的都是司祭和肋未人。
6 At ang haring Salomon at ang buong kapisanan ng Israel, na nangakipagpulong sa kaniya, ay nangasa harap ng kaban na nagsisipaghain ng mga tupa at mga baka, na hindi masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
撒羅滿王和聚集在他那裏的以色列全會眾,在約櫃前宰殺了牛羊,多得無法計算,不可勝數。
7 At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon sa dako niyaon, sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa makatuwid baga'y sa ilalim ng mga pakpak ng mga querubin.
司祭們將上主的約櫃抬到殿的內部,即至聖所內,放在革魯賓的翅膀下,那早已預備的地方。
8 Sapagka't ibinubuka ng mga querubin ang kanilang mga pakpak sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagsisitakip sa kaban, at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.
革魯賓伸開翅膀遮在約櫃的所在之上,所以革魯賓在上面正遮著約櫃和抬櫃的扛桿。
9 At ang mga pingga ay nangapakahaba na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa kaban sa harap ng sanggunian: nguni't hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.
這扛桿很長,扛頭從內殿前的聖所裏可以看見,在殿外卻看不見;直到今天還在那裏。
10 Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises sa Horeb, nang ang Panginoon ay nakipagtipan sa mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa Egipto.
約櫃內除了兩塊石版,沒有別的東西:這是以色列子民出埃及後,上主與他們立約時,梅瑟在曷勒布山放在裏面的。[上主顯示榮耀]
11 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa banal na dako (sapagka't ang lahat na saserdote na nangahaharap ay nangagpakabanal, at hindi sinunod ang kanilang pagkakahalihalili;
當司祭從聖所出來時,─因為所有在場的司祭都自潔過,未分班次,
12 Ang mga Levita rin naman na mga mangaawit, silang lahat, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Heman, si Jeduthun, at ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga kapatid na may suot na mainam na kayong lino, na may mga simbalo at mga salterio at mga alpa, ay nangakatayo sa dakong sulok na silanganan ng dambana, at kasama nila'y isang daan at dalawang pung saserdote na nagpapatunog ng mga pakakak: )
全體歌唱的肋未人,阿撒夫、赫曼、耶杜通,和他們的兒子以及他們同族的弟兄,一律穿著細麻的衣服,站在祭壇的東面,擊鈸、鼓瑟、彈琴;同他們在一起的,尚有一百二十位司祭吹號筒,─
13 Nangyari nga, nang ang mga nangagpapakakak at mga mangaawit ay nangagkakatugma, upang mangagpatunog ng isang tunog na maririnig sa pagdalangin at pasasalamat sa Panginoon; at nang kanilang itaas ang kanilang tinig na katugma ng mga pakakak, at mga simbalo, at mga panugtog ng tugtugin at magsipuri sa Panginoon, na magsipagsabi, Sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man: na nang magkagayo'y ang bahay ay napuno ng ulap; sa makatuwid bagay ang bahay ng Panginoon,
吹號筒的和歌唱的人都同聲同調讚美上主。當他們配合號筒鐃鈸和各種樂器,高聲讚美上主說:「因為他是聖善的,因為他的仁慈永遠常存」時,雲彩充滿了聖殿,即上主的殿,
14 Na anopa't ang mga saserdote ay hindi mangakatayo na mangakapangasiwa dahil sa ulap: sapagka't napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Dios.
致使司祭由於雲彩不能繼續奉職,因為上主的光榮充滿了天主的殿。