< 2 Mga Cronica 4 >
1 Bukod dito'y gumawa siya ng dambanang tanso na dalawangpung siko ang haba niyaon, at dalawangpung siko ang luwang niyaon, at sangpung siko ang taas niyaon.
И начини олтар од бронзе, двадесет лаката дуг и двадесет лаката широк, а десет лаката висок.
2 Gumawa rin siya ng dagatdagatan na binubo na may sangpung siko sa labi't labi, na mabilog, at ang taas niyaon ay limang siko; at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko na nakalibid sa paligid.
И сали море, десет лаката беше му од једног краја до другог, округло унаоколо, пет лаката високо; а унаоколо му беше тридесет лаката.
3 At sa ilalim niyao'y may kawangis ng mga baka na lumilibot sa palibot, na sangpung siko, na nakaligid sa palibot ng dagatdagatan. Ang mga baka ay dalawang hanay, na binubo nang bubuin yaon.
А под њим беху ликови воловски, који стајаху свуда унаоколо, по десет на једном лакту, те окружаваху море: два реда беше тих волова, саливених с морем.
4 Nakapatong ang dagatdagatan sa labing dalawang baka, tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, at tatlo'y nakaharap sa dakong kalunuran, at tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan: at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon sa ibabaw, at lahat nilang puwitan ay nasa dakong loob.
И стајаше море на дванаест волова, три гледаху на север, а три гледаху на запад, а три гледаху на југ, а три гледаху на исток, а море стајаше озго на њима, и задња страна свих њих беше унутра.
5 At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal; at ang labi niyao'y yaring gaya ng labi ng isang saro, gaya ng bulaklak ng lila: naglalaman ng tatlong libong bath.
Дебљина му беше с подланице, а крај му беше као крај у чаше, као цвет љиљанов, а примаше три хиљаде вата.
6 Siya nama'y gumawa ng sangpung hugasan, at inilagay ang lima sa kanan, at lima sa kaliwa, upang paghugasan: na ang mga bagay na nauukol sa handog na susunugin ay hinugasan doon: nguni't ang dagatdagatan ay upang paghugasan ng mga saserdote.
И начини десет умиваоница, и метну их пет с десне стране, а пет с леве, да се у њима пере, шта год требаше за жртву паљеницу, у њима праху; а море беше за свештенике да се у њима умивају.
7 At siya'y gumawa ng sangpung kandelero na ginto ayon sa ayos tungkol sa mga yaon; at inilagay niya sa templo, na lima sa kanan, at lima sa kaliwa.
И начини десет свећњака од злата, облика какав им требаше, и намести их у цркви, пет с десне стране а пет с леве.
8 Gumawa rin naman siya ng sangpung dulang, at inilagay sa templo, na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa. At siya'y gumawa ng isang daang mangkok na ginto.
И начини десет столова, и намести их у цркви, пет с десне стране а пет с леве; и начини стотину чаша од злата.
9 Bukod dito'y ginawa niya ang looban ng mga saserdote, at ang malaking looban, at ang mga pinto na ukol sa looban at binalot ng tanso ang mga pinto ng mga yaon.
И начини трем свештенички и велики трем, и врата на трему, и окова врата у бронзу.
10 At kaniyang inilagay ang dagatdagatan sa dakong kanan ng bahay sa may dakong silanganan na gawing timugan.
А море метну на десну страну к истоку с југа.
11 At ginawa ni Hiram ang mga palayok, at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos ni Hiram ang paggawa ng gawain na ginawa niya na ukol sa haring Salomon sa bahay ng Dios:
Још начини Хирам лонце и лопате и котлиће, и сврши Хирам посао, који ради цару Соломуну за дом Божији:
12 Ang dalawang haligi, at ang mga kabilugan, at ang dalawang kapitel na nasa dulo ng mga haligi, at ang dalawang yaring lambat na nagsisitakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi;
Два ступа, и два оглавља округла наврх ступова, и плетенице две да покрију два оглавља наврх ступова;
13 At ang apat na raang granada na ukol sa dalawang yaring lambat; dalawang hanay na granada na ukol sa bawa't yaring lambat, upang tumakip sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nangasa dulo ng mga haligi.
И четири стотине шипака на две плетенице, два реда шипака на свакој плетеници, да покривају два оглавља наврх ступова;
14 Ginawa rin niya ang mga tungtungan, at ang mga hugasan ay ginawa niya sa ibabaw ng mga tungtungan;
И начини подножја, и умиваонице начини на подножја;
15 Isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka ay sa ilalim niyaon.
Једно море, и дванаест волова под њим;
16 Ang mga palayok naman, at ang mga pala, at ang mga pangduro, at lahat ng kasangkapan niyaon, ay ginawa ni Hiram na kaniyang ama para sa haring Salomon na ukol sa bahay ng Panginoon na tansong binuli.
И лонце и лопате и виљушке, и све справе за њих начини Хирам Авив цару Соломуну за дом Господњи од углађене бронзе.
17 Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa sa pagitan ng Suchot at ng Sereda.
То је цар саливао у равни јорданској у земљи иловачи између Сохота и Саридате.
18 Ganito ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapang ito na totoong sagana; sapagka't ang timbang ng tanso ay hindi makukuro.
И начини Соломун свега овог посуђа врло много, да се није тражила мера бронзи.
19 At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nangasa bahay ng Dios, ang gintong dambana rin naman, at ang mga dulang na kinaroroonan ng tinapay na handog;
Начини Соломун и све друге справе за дом Божји, и олтар од злата и столове на којима стајаху хлебови постављени;
20 At ang mga kandelero na kalakip ng mga ilawan niyaon, na mga paniningasan ayon sa ayos sa harap ng sanggunian, na taganas na ginto;
И свећњаке са жишцима њиховим од чистог злата да горе пред светињом над светињама по обичају;
21 At ang mga bulaklak, at ang mga ilawan at ang mga gunting, na ginto, at yao'y dalisay na ginto;
И цветове и жишке и усекаче од злата; а то злато беше веома добро:
22 At ang mga gunting, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga pangsuob, na taganas na ginto: at tungkol sa pasukan ng bahay, ang mga pinakaloob na pinto niyaon na ukol sa kabanalbanalang dako, at ang mga pinto ng bahay, ng templo, ay ginto.
И ножеве и котлиће и кадионице и клешта од чистог злата; и врата од дома, врата унутрашња од светиње над светињама, и врата од дома на која се улажаше у цркву, беху од злата.