< 2 Mga Cronica 24 >

1 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba.
[約阿士為王]約阿士即位時纔七歲;在耶路撒冷作王凡四十年;他的母親名叫漆彼雅,是貝爾舍巴人。
2 At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote.
大司祭約雅達在生之日,約阿士行了上主視為正義的事。
3 At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari, at siya'y nagkaanak ng mga lalake at mga babae.
約雅達為他娶了兩個妻子,且生了子女。[重修聖殿]
4 At nangyari, pagkatapos nito, na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon.
此後,約阿士有意重修上主的殿,
5 At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita, at sinabi sa kanila, Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda, at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon, at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay. Gayon ma'y hindi minadali ng mga Levita.
便召集司祭和肋未人來,吩咐他們說:「你們往猶大各城去,向全以色列人捐錢,按每年需要,修補你們天主的殿;你們應急速辦理此事。」但是肋未人沒有趕緊辦理。
6 At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno, at sinabi sa kaniya, Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis na iniutos ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng kapisanan ng Israel, mula sa Juda, at mula sa Jerusalem, na ukol sa tabernakulo ng patotoo?
君王遂將大司祭約雅達召來,對他說:「你為什麼不勒令肋未人在猶大和耶路撒冷捐款,像上主的僕人梅瑟為作證的會幕,巷以色列會眾徵收﹖」
7 Sapagka't giniba ng mga anak ni Athalia, niyaong masamang babae, ang bahay ng Dios, at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon.
原來,惡婦阿塔里雅和附合他的人使上主的殿失修,且將上主殿內的捐獻都用於巴耳。
8 Sa gayo'y nagutos ang hari, at sila'y nagsigawa ng isang kaban, at inilagay sa labas sa pintuang daan ng bahay ng Panginoon.
君王於是下令,製一個箱子,放在上主的殿門外,
9 At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.
並在猶大和耶路撒冷發出通告,要人為上主捐款,像天主的僕人梅瑟在曠野曾向以色列徵收捐款一樣。
10 At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak, at dinala, at inilagay sa kaban, hanggang sa natapos.
眾首領和全民眾都很高興來捐獻,將錢投入箱內,直到投滿。
11 At nagkagayon, nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari, sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita, at nang kanilang makita na maraming salapi, na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban, at kinuha, at dinala uli sa dakong kinaroroonan. Ganito ang kanilang ginawa araw-araw, at nagtipon ng salapi na sagana.
當肋未人將錢箱抬到君王的有司那裏時,見稅錢很多,遂請君王的書記和大司祭的屬員前來,將錢箱倒空,然後拿去放在原處;天天如此,所以收集了很多的錢。
12 At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon; at sila'y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon, at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon.
君王和約雅達便將錢交給主管上主殿的人,雇用石工和木工,招請鐵匠和銅匠,修理上主的殿宇。
13 Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan, at pinatibay.
工匠都勤於工作,修葺的工作在他們手下日有進展,竟將天主的殿修理得與先前一樣,而且異常堅固。
14 At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa lahat ng mga kaarawan ni Joiada.
他們完工以後,將剩下的錢,送到君王和約雅達那裏;他們遂叫人用來製造上主殿內的傢俱,為禮儀和全燔祭用得器皿、香盤以及各種金銀器皿。約雅達有生之日,在上主的殿內,時時有人奉獻全燔祭。[約阿士變節]
15 Nguni't si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw, at siya'y namatay; siya'y may isang daan at tatlongpung taon nang siya'y mamatay.
約雅達逝世時,年紀已很老;死時享年一百三十歲,
16 At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari, sapagka't siya'y gumawa ng mabuti sa Israel, at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan.
與列王同葬在達味城,因為他在以色列對天主和天主的殿立了大功。
17 Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda, at nangagbigay galang sa hari. Nang magkagayo'y dininig sila ng hari.
但在約雅達死後,猶大的首領前來朝覲君王,君王竟附和了他們的主意,
18 At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, at nangaglingkod sa mga Asera at sa mga dios-diosan: at ang pag-iinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito.
離棄了上主他們祖先天主的殿,去奉事阿舍辣和偶像。由於這個重罪,怒降到了猶大和耶路撒冷
19 Gayon ma'y nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan.
上主仍派先知來引導他們歸向上主,先知雖警告他們,無奈他們不肯聽從。
20 At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.
天主的神充滿在大司祭約雅達的兒子則加黎雅身上,他便站在民眾面前,對他們說:「天主這樣說:你們為什麼違犯上主的誡命,招致不利呢﹖因為你們拋棄了上主,他也要拋棄你們。」
21 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at binato siya ng mga bato, sa utos ng hari sa looban ng bahay ng Panginoon.
民眾都想殺害他,遂按君王的命令,在上主殿的庭院裏,用石頭將他砸死了。
22 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.
這樣,約阿士絲毫未念及他父親約雅達對待自己的恩德,反而殺了他的兒子。則加黎雅臨死時喊說:「願上主鑒察,加以追究! 」[約阿士被殺]
23 At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco.
次年歲首,阿蘭軍隊上來攻打約阿士,侵入了猶大和耶路撒冷,殺了民間所有的首領,將掠奪的戰利品送到大馬士革。
24 Sapagka't ang hukbo ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. Sa gayo'y nilapatan nila ng kahatulan si Joas.
阿蘭軍隊雖只來了一小隊人,但上主卻將一支龐大的軍隊交在他們手中,這是因為民眾離棄了上主,他們祖先的天主;如此阿蘭人懲罰了約阿士。
25 At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit, ) ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.
當他們離開約阿士時,約阿士正患重病,他的臣僕造反背叛了他,為報大司祭約雅達的兒子的血仇,將他打死在床上;他死後,葬在達味城,但沒有埋在王陵內。
26 At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.
造反背叛他的是阿孟女人史默阿特的兒子匝巴得,和摩阿布女人史默黎特的兒子約匝巴得。
27 Tungkol nga sa kaniyang mga anak, at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya, at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios, narito, nakasulat sa kasaysayan ng aklat ng mga hari. At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
至於約阿士的兒子,以及他所受的種種警戒,和重修天主殿宇的事,都記載在列王傳記上。他的兒子阿瑪責雅繼位為王。

< 2 Mga Cronica 24 >