< 2 Mga Cronica 20 >
1 At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni Moab, at ang mga anak ni Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka.
[聯軍進襲猶大]此後,摩阿布人、阿孟人,還有一些瑪紅人前來供打約沙法特。
2 Nang magkagayo'y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila'y nangasa Hasason-tamar (na siyang Engedi).
有人來告訴約沙法特說:「由海那邊,由厄東有一支大軍前來攻擊你;他們現已到達哈匝宗塔瑪爾,即恩革狄。」
3 At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon; at siya'y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda.
約沙法特害了怕,一面懇求上主,一面宣佈全猶大禁食。
4 At ang Juda'y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga'y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon.
猶大人遂集會,求上主援助;猶大各城的人也前來祈求上主。[約沙法特的禱詞]
5 At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng Panginoon, sa harap ng bagong looban;
約沙法特在猶大和耶路撒冷的會眾中,站在上主殿宇的新院前,
6 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, di ba ikaw ay Dios sa langit? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo.
說「上主,我們祖先的天主! 你不是天上的天主嗎﹖你不是治理萬國萬民的麼﹖你手中有能力和權威,沒有誰能抵抗你。
7 Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man?
我們的天主! 不是你將這地方的居民,在你百姓以色列面前趕走,將這地方永遠賜給了你友人亞巴郎的後代嗎﹖
8 At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi,
他們現在住在這地方,並在這地方為你的名建造了聖殿說:
9 Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito, ) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas.
如果我們遭遇了禍患,刀兵災害,或瘟疫饑饉,我們站在這殿前和你面前,在災難中向你呼籲,你必予以垂聽,施行拯救,因為你的名在這殿內。
10 At ngayon, narito, ang mga anak ni Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang nilikuan sila, at hindi sila nilipol;
現在你看,阿孟人、摩阿布人以及色依爾山中的人,這些人是以色列出離埃及時,你曾禁止以色列侵犯,以色列便繞道遠離,未加消滅的人。
11 Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin.
你看他們如何報復我們要來驅逐我們離開你賜予我們為基業的地方。
12 Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga mata ay nasa iyo.
我們的天主,你不懲罰他們麼﹖我們實在沒有力量抵抗來攻擊我們的這支龐大的軍隊,我們也不知道該作什麼,我們的眼睛惟有仰望你。」
13 At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak.
當時全猶大民眾,連他們全家妻子兒女,都立在上主面前。[先知預報勝利]
14 Nang magkagayo'y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias, na anak ni Benaias, na anak ni Jeiel, na anak ni Mathanias na Levita, sa mga anak ni Asaph ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan;
上主的神在會眾中臨於肋未人阿撒夫的後裔,瑪塔尼雅的玄孫,耶依耳的曾孫,貝納雅的孫子,則加黎雅的兒子雅哈齊耳身上,
15 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.
他遂說:「全猶大人耶路撒冷的居民以及約沙法特王,都要靜聽! 上主這樣對你們說:你們不要為這支龐大軍隊害怕,因為戰爭不在乎你們,而在乎天主。
16 Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila'y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel.
明天你們要下去迎敵,他們要由漆茲山坡上來,你們要在耶魯耳曠野前的谷口遇到他們。
17 Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo.
這次你們無須交戰,只須佈陣以待,觀看上主為你們所行的救援。猶大和耶路撒冷,不必畏懼,不必害怕! 明天你們只管出去迎敵,因為上主與你們同在。」
18 At itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa: at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon, na nagsisamba sa Panginoon.
約沙法特遂俯首至地,猶大民眾和耶路撒冷居民也都俯伏在上主面前,朝拜上主。
19 At ang mga Levita, sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ng totoong malakas na tinig.
刻哈特子孫和科辣黑子孫中的肋未人起立,引吭高歌,讚頌上主以色列的天主。[凱旋歸來]
20 At sila'y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila'y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo.
次日,他們一早就起來,開往特科亞曠野;在出發時,約沙法特立起來說:「猶大和耶路撒冷的居民,請聽我的話! 你們信賴上主你們的天主,必保生命;相信他的先知,必定勝利。」
21 At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
他與百姓商定之後,便派歌詠人員讚頌上主,身穿聖潔服裝,走在軍隊面前,歌頌說:「你們應讚頌上主,因為他的慈愛永遠常存! 」
22 At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan.
他們正歌詠讚美時,上主派出伏兵,襲擊了那些來攻擊猶大的阿孟人、摩阿布人和色依爾山地的居民;他們便被擊敗了。
23 Sapagka't ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila'y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawa't isa'y tumulong na lumipol sa iba.
阿孟人和摩阿布人起來攻擊色依爾山地的居民,決心將他們殺盡滅絕;殲滅了色依爾山地居民以後,他們又自相殘殺。
24 At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang, sila'y nagsitingin sa karamihan; at, narito, mga bangkay na nangakabuwal sa lupa, at walang nakatanan.
猶大人到了俯瞰曠野的高崗上,觀望大軍,見伏屍遍野,沒有一個逃脫的。
25 At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila, kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay, at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili, na higit kay sa kanilang madala: at sila'y nagsidoon na tatlong araw, sa pagkuha ng samsam, na totoong marami.
約沙法特遂帶他的軍民去掠奪敵人的財物,見有大批的牲畜、財物、衣服和寶物;足足掠取了三天,奪得的財物多得不能攜帶,因為實在太多。
26 At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito.
第四天,他們聚集在巴辣加谷,在那裏讚頌了上主,為此給那地起名叫巴辣加谷,直到今天。
27 Nang magkagayo'y nagsibalik sila, bawa't lalake sa Juda, at sa Jerusalem, at si Josaphat ay sa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway.
此後,猶大和耶路撒冷所有的軍民,由約沙法特率領,凱旋回了耶路撒冷,因為上主使他們戰勝仇敵,因而異常歡樂,
28 At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon.
都彈著琴,鼓著瑟,吹著號,來到耶路撒冷,進了上主的殿。
29 At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.
列國的民族一聽說上主擊敗了以色列的敵人,都對天主起了恐怖的心。
30 Sa gayo'y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik: sapagka't binigyan siya ng kaniyang Dios ng kapahingahan sa palibot.
約沙法特的王國於是獲享太平,因為上主賜給他四境平安。[對約沙法特的短評]
31 At si Josaphat ay naghari sa Juda: siya'y may tatlong pu't limang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi.
約沙法特為猶大王,即位時年三十五歲,在耶路撒冷為王凡二十五年;他的母親名叫阿組巴,是史肋希的女兒。
32 At siya'y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama, at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon.
約沙法特走了他父親阿撒的道路,未偏左右,行了上主視為正義的事;
33 Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ni inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang.
只是丘壇沒有剷除,人民仍沒有全心全意歸向他們祖先的天主。
34 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, na una at huli, narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani, na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel.
約沙法特前後其餘的事蹟,都記載在哈納尼之子耶胡的言行錄上這言行錄收集在以色列列王實錄內。[船遭破毀]
35 At pagkatapos nito ay nakipisan si Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel; na siyang gumawa ng totoong masama:
此後,猶大王約沙法特與作惡多端的以色列王阿哈齊雅聯盟,
36 At siya'y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis: at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber.
合夥製造船隻,開往塔爾史士去;他們合力在厄茲雍革貝爾製造了一些船。
37 Nang magkagayo'y si Eliezer na anak ni Dodava sa Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat, na kaniyang sinabi, Sapagka't ikaw ay nakipisan kay Ochozias, giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa. At ang mga sasakyan ay nangabasag, na anopa't sila'y hindi na makaparoon sa Tharsis.
瑪勒沙人多達瓦的兒子厄里厄則爾講預言攻擊約沙法特說:「因為你與阿哈齊雅聯盟,上主必要破壞你所造的船隻。」後來那些船隻果然遭受破壞,未能開往塔爾史士。