< 2 Mga Cronica 19 >

1 At si Josaphat na hari sa Juda ay umuwing payapa sa kaniyang bahay sa Jerusalem.
[約沙法特受責斥]猶大王約沙法特平安回了耶路撒冷王宮。
2 At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon.
仙見者哈納泥的兒子耶胡來見約沙法特王,對他說:「你怎能協助惡人,愛那憎恨上主的人呢﹖因此上主的憤怒必臨於你,
3 Gayon ma'y may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.
不過你還行了好事,因為你由國內剷除了木偶,專心致志尋求了上主。」[設立判官]
4 At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem: at siya'y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at ibinalik niya sila sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
約沙法特在耶路撒冷住了一段時期以後,又出駕巡視民間,由貝爾舍巴直到厄弗辣因山地,引導他們歸向上主,他們祖先的天主。
5 At siya'y naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda sa bayan at bayan.
他在猶大境內所有的堅城,每座城內都設立了判官,
6 At sinabi sa mga hukom, Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa: sapagka't hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao, kundi dahil sa Panginoon, at siya'y sumasainyo sa kahatulan.
對這些判官說:「你們所作所為,必須慎重,因為你們處理訴訟的事,不是為人,而是為上主;你們在處理訴訟時,他必與你們同在。
7 Ngayon nga'y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipagingat kayo at inyong gawin: sapagka't walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol.
現在你們應有敬畏上主的心,辦事必須勤謹,因為上主,我們的天主,毫無不義,不偏待人,不受賄賂。」
8 Bukod dito'y naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan. At sila'y nagsibalik sa Jerusalem.
約沙法特在耶路撒冷又另委派了一些肋未人、司祭和以色列族長,為上主施行判斷,為耶路撒冷的居民處理訴訟的事,
9 At kaniyang binilinan sila, na sinasabi, Ganito ang inyong gagawin, sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso.
吩咐他們說:「你們行事應敬畏上主,誠心實意。
10 At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin.
你們住在各城中的弟兄,無論有什麼爭訟的案件,向你們投訴,或為血案,或為有關法律與誡命,典章與律例之間的爭執,你們應開導他們,以免得罪上主,招致憤怒來到你們和你們弟兄身上;你們如此行事,方可無罪。
11 At, narito, si Amarias na punong saserdote ay nasa inyo sa lahat ng bagay ng Panginoon; at si Zebadias na anak ni Ismael, na tagapamahala sa sangbahayan ni Juda, sa lahat ng mga bagay ng hari: ang mga Levita rin naman ay magiging mga pinuno sa harap ninyo. Gawin ninyong may katapangan at ang Panginoon ay sumasamabuti nawa.
諸凡屬於上主的事,全由大司祭阿瑪黎雅指揮你們;所有屬於君王的事,概由猶大族長依市瑪耳的兒子則巴狄雅處理;有肋未人作你們的書記。你們應勇敢行事,上主必與好人同在。

< 2 Mga Cronica 19 >