< 2 Mga Cronica 12 >

1 At nangyari, nang matatag ang kaharian ni Roboam at siya'y malakas, na kaniyang iniwan ang kautusan ng Panginoon, at ang buong Israel ay kasama niya.
Once Rehoboam was secure on the throne and was sure of his power, he together with all the Israelites abandoned the law of the Lord.
2 At nangyari nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem, sapagka't sila'y nagsisalangsang laban sa Panginoon,
In the fifth year of Rehoboam's reign, Shishak, king of Egypt, came and attacked Jerusalem because they had been unfaithful to God.
3 Na may isang libo at dalawang daang karo, at anim na pung libong mangangabayo. At ang bayan ay walang bilang na naparoong kasama niya mula sa Egipto; ang mga Lubim, ang mga Sukim, at ang mga taga Etiopia.
He came from Egypt with 1,200 chariots, 60,000 horsemen, and an army that couldn't be counted Egypt—Libyans, Sukkites, and Cushites.
4 At sinupok niya ang mga bayang nakukutaan na nauukol sa Juda, at naparoon sa Jerusalem.
He conquered the fortified towns of Judah and then approached Jerusalem.
5 Si Semeias nga na propeta ay naparoon kay Roboam, at sa mga prinsipe ng Juda, na pagpipisan sa Jerusalem dahil kay Sisac, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inyo akong pinabayaan, kaya't iniwan ko naman kayo sa kamay ni Sisac.
Shemaiah the prophet came to Rehoboam and the leaders of Judah who had run for safety Jerusalem because of Shishak. He told them, “This is what the Lord says: ‘You have abandoned me, so I have abandoned you to Shishak.’”
6 Nang magkagayo'y ang mga prinsipe ng Israel at ang hari ay nagpakababa; at kanilang sinabi, Ang Panginoon ay matuwid.
The leaders of Israel and the king admitted they were wrong and said, “The Lord is right.”
7 At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac.
When the Lord saw that they had repented, he sent a message to Shemaiah, saying, “They have repented. I won't destroy them, and I will soon save them. My anger won't be poured out on Jerusalem through Shishak.
8 Gayon ma'y sila'y magiging kaniyang alipin; upang kanilang makilala ang paglilingkod sa akin, at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain.
Even so they will become his subjects, so that they can learn the difference between serving me and serving the kings of earth.”
9 Sa gayo'y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem, at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniyang kinuhang lahat: kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na ginawa ni Salomon.
King Shishak of Egypt attacked Jerusalem and took the treasures of the Lord's Temple and the treasures of the royal palace. He took away everything, including the gold shields that Solomon had made.
10 At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay, na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari.
Later Rehoboam replaced them with bronze shields and gave them to be looked after by the commanders of the guard stationed at the entrance to the royal palace.
11 At nangyari, na kung gaanong kadalas pumapasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ang bantay ay naparoroon at dinadala ang mga yaon, at ibinabalik sa silid ng bantay.
Whenever the king would enter the Temple of the Lord the guards would go with him, carrying the shields, and then take them back to the guardroom.
12 At nang siya'y magpakumbaba, ang galit ng Panginoon ay nahiwalay sa kaniya, na anopa't siya'y hindi lubos na pinatay: at bukod dito'y may nasumpungan sa Juda na mga mabuting bagay.
Because Rehoboam repented, the anger of the Lord did not fall on him, and the Lord did not destroy him completely. Things went well in Judah.
13 Sa gayo'y ang haring Roboam ay nagpakalakas sa Jerusalem at naghari: sapagka't si Roboam ay may apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing labing pitong taon sa Jerusalem, na bayang pinili ng Panginoon sa lahat na lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.
King Rehoboam became powerful in Jerusalem. He was forty-one when he became king, and he reigned seventeen years in Jerusalem, the city the Lord had chosen from all the tribes of Israel where he would be honored. The name of his mother was Naamah the Ammonite.
14 At siya'y gumawa ng masama, sapagka't hindi niya inilagak ang kaniyang puso na hanapin ang Panginoon.
But Rehoboam did what was evil because he did not commit himself to following the Lord.
15 Ang mga gawa nga ni Roboam, na una at huli, di ba nangasusulat sa kasaysayan ni Semeias na propeta at ni Iddo na tagakita, ayon sa ayos ng mga talaan ng lahi? At nagkaroong palagi ng mga digmaan si Roboam at si Jeroboam.
What Rehoboam did, from beginning to end, is written down in the records of Shemaiah the Prophet and of Iddo the Seer dealing with genealogies. However, Rehoboam and Jeroboam were always at war with each other.
16 At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang at nalibing sa bayan ni David: at si Abias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
Rehoboam died and was buried in the City of David. His son Abijah took over as king.

< 2 Mga Cronica 12 >