< 1 Samuel 25 >

1 At namatay si Samuel; at nagpipisan ang buong Israel, at pinanaghuyan siya, at inilibing siya sa kaniyang bahay sa Rama. At bumangon si David, at lumusong sa ilang ng Paran.
و سموئیل وفات نمود، و تمامی اسرائیل جمع شده، از برایش نوحه گری نمودند، و او را در خانه‌اش در رامه دفن نمودند و داود برخاسته، به بیابان فاران فرود شد.۱
2 At may isang lalake sa Maon, na ang mga pag-aari ay nasa Carmelo; at ang lalake ay lubhang dakila, at siya'y mayroong tatlong libong tupa, at isang libong kambing; at kaniyang ginugupitan ng balahibo ang kaniyang tupa sa Carmelo.
و در معون کسی بود که املاکش در کرمل بود و آن مرد بسیار بزرگ بود و سه هزار گوسفند وهزار بز داشت، و گوسفندان خود را در کرمل پشم می‌برید.۲
3 Ang pangalan nga ng lalake ay Nabal; at ang pangalan ng kaniyang asawa ay Abigail: at ang babae ay matalino, at may magandang pagmumukha; nguni't ang lalake ay masungit at masama sa kaniyang mga gawa; at siya'y supling sa sangbahayan ni Caleb.
و اسم آن شخص نابال بود و اسم زنش ابیجایل. و آن زن نیک فهم و خوش منظر بود. اماآن مرد سخت دل و بدرفتار و از خاندان کالیب بود.۳
4 At narinig ni David sa ilang na ginugupitan ni Nabal ng balahibo ang kaniyang tupa.
و داود در بیابان شنید که نابال گله خود راپشم می‌برد.۴
5 At nagsugo si David ng sangpung bataan, at sinabi ni David sa mga bataan, Umahon kayo sa Carmelo, at kayo'y pumaroon kay Nabal, at batiin ninyo siya sa aking pangalan:
پس داود ده خادم فرستاد و داود به خادمان خود گفت که «به کرمل برآیید و نزد نابال رفته، اززبان من سلامتی او را بپرسید.۵
6 At ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya na nabubuhay na maginhawa, Kapayapaan nawa ang sumaiyo, at kapayapaan nawa ang sumaiyong sangbahayan, at kapayapaan nawa ang suma lahat ng iyong tinatangkilik.
و چنین گویید: زنده باش و سلامتی بر تو باد و بر خاندان تو و برهرچه داری سلامتی باشد.۶
7 At ngayo'y aking narinig na ikaw ay nagpapagupit ng balahibo ng tupa; ang iyong mga pastor nga ay nasa sa amin, at hindi namin inano sila, o nagkulang man ng anomang bagay sa kanilang buong panahon na kanilang ikinaroon sa Carmelo.
و الان شنیده‌ام که پشم برندگان داری و به شبانان تو که در این اوقات نزد ما بودند، اذیت نرسانیدیم. همه روزهایی که در کرمل بودند چیزی از ایشان گم نشد.۷
8 Tanungin mo ang iyong mga bataan at kanilang sasaysayin sa iyo: kaya't makasumpong nawa ng biyaya sa iyong mga mata ang mga bataan; sapagka't kami ay naparito sa mabuting araw: isinasamo ko sa iyo, na ibigay mo ang anomang masumpungan mo ng iyong kamay, sa iyong mga lingkod, at sa iyong anak na kay David.
از خادمان خود بپرس و تو را خواهند گفت. پس خادمان در نظر تو التفات یابند زیرا که در روزسعادتمندی آمده‌ایم، تمنا اینکه آنچه دستت بیابد به بندگانت و پسرت داود بدهی.»۸
9 At nang dumating ang mga bataan ni David, kanilang sinalita kay Nabal ang ayon sa lahat ng mga salitang yaon sa pangalan ni David, at nagsitahimik.
پس خادمان داود آمدند و جمیع این سخنان را از زبان داود به نابال گفته، ساکت شدند.۹
10 At sinagot ni Nabal ang mga lingkod ni David, at nagsabi, Sino si David? at sino ang anak ni Isai? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito na nagsisilayas bawa't isa sa kaniyang panginoon.
ونابال به خادمان داود جواب داده، گفت: «داودکیست و پسر یسا کیست؟ امروز بسا بندگان هریکی از آقای خویش می‌گریزند.۱۰
11 Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig, at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit, at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan?
آیا نان و آب خود را و گوشت را که برای پشم برندگان خودذبح نموده‌ام، بگیرم و به کسانی که نمی دانم از کجاهستند بدهم.»۱۱
12 Sa gayo'y ang mga bataan ni David ay pumihit sa kanilang lakad, at nagsibalik, at naparoon, at isinaysay sa kaniya ang ayon sa lahat ng mga salitang ito.
پس خادمان داود برگشته، مراجعت نمودند و آمده، داود را از جمیع این سخنان مخبر ساختند.۱۲
13 At sinabi ni David sa kaniyang mga lalake, Ibigkis ng bawa't isa sa inyo ang kaniyang tabak. At nagbigkis ang bawa't isa ng kaniyang tabak; at si David ay nagbigkis din ng kaniyang tabak: at ang umahon na sumunod kay David ay may apat na raang lalake; at naiwan ang dalawang daan sa daladalahan.
و داود به مردان خودگفت: «هر یک از شما شمشیر خود را ببندد.» وهریک شمشیر خود را بستند، و داود نیز شمشیرخود را بست و تخمین چهارصد نفر از عقب داودرفتند، و دویست نفر نزد اسباب ماندند.۱۳
14 Nguni't isinaysay ng isa sa mga bataan kay Abigail, na asawa ni Nabal, na sinasabi, Narito, si David ay nagsugo ng mga sugo mula sa ilang upang bumati sa ating panginoon; at kaniyang tinanggihan.
و خادمی از خادمانش به ابیجایل، زن نابال، خبر داده، گفت: «اینک داود، قاصدان از بیابان فرستاد تا آقای مرا تحیت گویند و او ایشان رااهانت نمود.۱۴
15 Nguni't ang mga lalake ay napakabuti sa amin, at hindi kami sinaktan, o nagkulang man ng anomang bagay habang kami ay nakikisama sa kanila, nang kami ay nasa mga parang:
و آن مردمان احسان بسیار به مانمودند و همه روزهایی که در صحرا بودیم و باایشان معاشرت داشتیم اذیتی به ما نرسید وچیزی از ما گم نشد.۱۵
16 Sila'y naging kuta sa amin sa gabi at gayon din sa araw buong panahong aming ikinaroon sa kanila sa pagaalaga ng mga tupa.
و تمام روزهایی که باایشان گوسفندان را می‌چرانیدیم هم در شب وهم در روز برای ما مثل حصار بودند.۱۶
17 Ngayon nga'y iyong alamin at dilidilihin kung ano ang iyong gagawin; sapagka't ang kasamaan ay ipinasiya na laban sa ating panginoon, at laban sa kaniyang buong sangbahayan: sapagka't siya'y isang hamak na tao, na sinoma'y hindi makapakiusap sa kaniya.
پس الان بدان و ببین که چه باید بکنی زیرا که بدی برای آقای ما و تمامی خاندانش مهیاست، چونکه او به حدی پسر بلیعال است که احدی با وی سخن نتواند گفت.»۱۷
18 Nang magkagayo'y nagmadali si Abigail, at kumuha ng dalawang daang tinapay, at dalawang balat ng alak, at limang handang tupa, at limang takal ng trigo na sinangag, at isang daang kumpol na pasas, at dalawang daang binilong igos, at ipinagpapasan sa mga asno.
آنگاه ابیجایل تعجیل نموده، دویست گرده نان و دو مشگ شراب و پنج گوسفند مهیا شده، وپنج کیل خوشه برشته و صد قرص کشمش ودویست قرص انجیر گرفته، آنها را بر الاغهاگذاشت.۱۸
19 At sinabi niya sa kaniyang mga bataan, Magpauna kayo sa akin; narito ako'y susunod sa inyo. Nguni't hindi niya isinaysay sa kaniyang asawang kay Nabal.
و به خادمان خود گفت: «پیش من بروید و اینک من از عقب شما می‌آیم.» اما به شوهر خود نابال هیچ خبر نداد.۱۹
20 At nagkagayon na samantalang siya'y nakasakay sa kaniyang asno at lumulusong sa isang kubling dako ng bundok na narito, si David at ang kaniyang mga lalake ay lumulusong na patungo sa kaniya, at sinalubong niya sila.
و چون بر الاغ خود سوار شده، از سایه کوه به زیر می‌آمد، اینک داود و کسانش به مقابل او رسیدند و به ایشان برخورد.۲۰
21 Sinabi nga ni David, Tunay na walang kabuluhang aking iningatan ang lahat na tinatangkilik ng taong yaon sa ilang, na anopa't hindi nawala ang anoman sa lahat na nauukol sa kaniya: at kaniyang iginanti sa akin ay masama sa mabuti.
و داود گفته بود: «به تحقیق که تمامی مایملک این شخص را در بیابان عبث نگاه داشتم که از جمیع اموالش چیزی گم نشد و او بدی را به عوض نیکویی به من پاداش داده است.۲۱
22 Hatulan nawa ng Dios ang mga kaaway ni David, at lalo na, kung ako'y magiwan ng labis sa lahat na nauukol sa kaniya sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake.
خدا به دشمنان داود چنین بلکه زیاده از این عمل نمایداگر از همه متعلقان او تا طلوع صبح ذکوری واگذارم.»۲۲
23 At nang makita ni Abigail si David, ay nagmadali siya, at lumunsad sa kaniyang asno, at nagpatirapa sa harap ni David at yumukod sa lupa.
و چون ابیجایل، داود را دید، تعجیل نموده، از الاغ پیاده شد و پیش داود به روی خودبه زمین افتاده، تعظیم نمود.۲۳
24 At siya'y nagpatirapa sa kaniyang mga paa at nagsabi, Mapasa akin, panginoon ko, mapasa akin ang kasamaan: at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong mga pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng iyong lingkod.
و نزد پایهایش افتاده، گفت: «ای آقایم این تقصیر بر من باشد وکنیزت در گوش تو سخن بگوید، و سخنان کنیزخود را بشنو.۲۴
25 Isinasamo ko sa iyo, na ang aking panginoon ay huwag makitungo sa lalaking ito na hamak, sa makatuwid baga'y kay Nabal; sapagka't kung ano ang kaniyang pangalan ay gayon siya: Nabal ang kaniyang pangalan, at ang kamangmangan ay sumasakaniya: nguni't akong iyong lingkod, hindi nakakita sa mga bataan ng aking panginoon, na iyong sinugo.
و آقایم دل خود را بر این مردبلیعال، یعنی نابال مشغول نسازد، زیرا که اسمش مثل خودش است اسمش نابال است و حماقت بااوست، لیکن من کنیز تو خادمانی را که آقایم فرستاده بود، ندیدم.۲۵
26 Ngayon nga, panginoon ko, buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti mo ng iyong sariling kamay kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal.
و الان‌ای آقایم به حیات خداوند و به حیات جان تو چونکه خداوند تو رااز ریختن خون و از انتقام کشیدن به‌دست خودمنع نموده است، پس الان دشمنانت و جویندگان ضرر آقایم مثل نابال بشوند.۲۶
27 At ngayo'y itong kaloob na dinala ng iyong lingkod sa aking panginoon ay mabigay sa mga bataan na sumusunod sa aking panginoon.
و الان این هدیه‌ای که کنیزت برای آقای خود آورده است به غلامانی که همراه آقایم می‌روند، داده شود.۲۷
28 Isinasamo ko sa iyo na iyong ipatawad ang pagkasalangsang ng iyong lingkod: sapagka't tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay, sapagka't ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw.
و تقصیر کنیز خود را عفو نما زیرا به درستی که خداوند برای آقایم خانه استوار بنا خواهد نمود، چونکه آقایم در جنگهای خداوند می‌کوشد وبدی در تمام روزهایت به تو نخواهد رسید.۲۸
29 At bagaman bumangon ang isang lalake upang habulin ka, at usigin ang iyong kaluluwa, gayon ma'y ang kaluluwa ng aking panginoon ay matatali sa talian ng buhay na kasama ng Panginoon mong Dios; at ang mga kaluluwa ng iyong mga kaaway, ay pahihilagpusin niya, na parang mula sa gitna ng isang panghilagpos.
واگر‌چه کسی برای تعاقب تو و به قصد جانت برخیزد، اما جان آقایم در دسته حیات، نزد یهوه، خدایت، بسته خواهد شد. و اما جان دشمنانت راگویا از میان کفه فلاخن خواهد انداخت.۲۹
30 At mangyayari, pagka nagawa ng Panginoon sa aking panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo, at kaniyang naihalal ka na prinsipe sa Israel;
وهنگامی که خداوند بر‌حسب همه احسانی که برای آقایم وعده داده است، عمل آورد، و تو راپیشوا بر اسرائیل نصب نماید.۳۰
31 Na ito'y hindi magiging kalumbayan sa iyo o kutog man ng loob sa aking panginoon, maging ikaw ay nagbubo ng dugo sa walang kabuluhan, o gumanti ng sa kaniyang sarili ang aking panginoon: at pagka gumawa ang Panginoon ng mabuti sa aking panginoon, alalahanin mo nga ang iyong lingkod.
آنگاه این برای تو سنگ مصادم و به جهت آقایم لغزش دل نخواهد بود که خون بی‌جهت ریخته‌ای و آقایم انتقام خود را کشیده باشد، و چون خداوند به آقایم احسان نماید آنگاه کنیز خود را بیاد آور.»۳۱
32 At sinabi ni David kay Abigail, Purihin nawa ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagsugo sa iyo sa araw na ito upang salubungin ako:
داود به ابیجایل گفت: «یهوه، خدای اسرائیل، متبارک باد که تو را امروز به استقبال من فرستاد.۳۲
33 At purihin nawa ang iyong kabaitan, at pagpalain ka, na pumigil sa akin sa araw na ito sa pagbububo ng dugo, at sa panghihiganti ng aking sariling kamay.
و حکمت تو مبارک و تو نیز مبارک باشی که امروز مرا از ریختن خون و از کشیدن انتقام خویش به‌دست خود منع نمودی.۳۳
34 Sapagka't tunay, buhay ang Panginoon, ang Dios ng Israel na siyang pumigil sa akin sa pagsakit sa iyo, kundi ka nagmadali, at pumaritong sumalubong sa akin, tunay na walang malalabi kay Nabal sa pagbubukang liwayway kahit isang batang lalake.
ولیکن به حیات یهوه، خدای اسرائیل، که مرا ازرسانیدن اذیت به تو منع نمود. اگر تعجیل ننموده، به استقبال من نمی آمدی البته تا طلوع صبح برای نابال ذکوری باقی نمی ماند.»۳۴
35 Sa gayo'y tinanggap ni David sa kaniyang kamay ang dinala niya sa kaniya: at sinabi niya sa kaniya, Umahon kang payapa na umuwi sa iyong bahay; tingnan mo, aking dininig ang iyong tinig, at aking tinanggap ang iyong pagkatao.
پس داود آنچه را که به جهت او آورده بود، از دستش پذیرفته، به او گفت: «به سلامتی به خانه ات برو وببین که سخنت را شنیده، تو را مقبول داشتم.»۳۵
36 At naparoon si Abigail kay Nabal; at, narito, siya'y gumawa ng isang kasayahan sa kaniyang bahay, na gaya ng pagsasaya ng isang hari; at ang puso ni Nabal ay nagalak sa kaniyang loob, sapagka't siya'y lubhang nalango; kaya't siya'y hindi nagsaysay sa kaniya ng anoman, munti o malaki, hanggang sa pagbubukang liwayway.
پس ابیجایل نزد نابال برگشت و اینک اوضیافتی مثل ضیافت ملوکانه در خانه خودمی داشت و دل نابال در اندرونش شادمان بودچونکه بسیار مست بود و تا طلوع صبح چیزی کم یا زیاد به او خبر نداد.۳۶
37 At nangyari sa kinaumagahan, nang ang alak ay mapawi kay Nabal, na isinaysay ng asawa niya sa kaniya ang mga bagay na ito, at nagkasakit siya sa puso, at siya'y naging parang isang bato.
و بامدادان چون شراب از نابال بیرون رفت، زنش این چیزها را به او بیان کرد و دلش در اندرونش مرده گردید و خود مثل سنگ شد.۳۷
38 At nangyari, pagkaraan ng may sangpung araw, at sinaktan ng Panginoon si Nabal, na anopa't siya'y namatay.
و واقع شد که بعد از ده روز خداوندنابال را مبتلا ساخت که بمرد.۳۸
39 At nang mabalitaan ni David na si Nabal ay namatay, ay kaniyang sinabi, Purihin nawa ang Panginoon na siyang nagsanggalang ng aking kadustaan mula sa kamay ni Nabal, at pinigil ang kaniyang lingkod sa kasamaan: at ang masamang gawa ni Nabal ay ibinalik ng Panginoon sa kaniyang sariling ulo. At nagsugo si David upang salitain kay Abigail na kunin siya na maging asawa niya.
و چون داود شنید که نابال مرده است، گفت: «مبارک باد خداوند که انتقام عار مرا ازدست نابال کشیده، و بنده خود را از بدی نگاه داشته است، زیرا خداوند شرارت نابال را به‌سرش رد نموده است و داود فرستاده، با ابیجایل سخن گفت تا او را به زنی خود بگیرد.»۳۹
40 At nang dumating ang mga lingkod ni David kay Abigail sa Carmelo, ay kanilang sinalita sa kaniya, na sinasabi, Sinugo kami ni David sa iyo, upang kunin ka na maging asawa niya.
وخادمان داود نزد ابیجایل به کرمل آمده، با وی مکالمه کرده، گفتند: «داود ما را نزد تو فرستاده است تا تو را برای خویش به زنی بگیرد.»۴۰
41 At siya'y bumangon at nagpatirapa sa lupa, at nagsabi, Narito, ang iyong lingkod ay isang aba upang maghugas ng mga paa ng mga lingkod ng aking panginoon.
و اوبرخاسته، رو به زمین خم شد و گفت: «اینک کنیزت بنده است تا پایهای خادمان آقای خود رابشوید.»۴۱
42 At nagmadali si Abigail, at bumangon, at sumakay sa isang asno, na kasama ng limang dalaga niya na sumusunod sa kaniya; at siya'y sumunod sa mga sugo ni David, at naging kaniyang asawa.
و ابیجایل تعجیل نموده، برخاست وبر الاغ خود سوار شد و پنج کنیزش همراهش روانه شدند و از عقب قاصدان داود رفته، زن اوشد.۴۲
43 Kinuha naman ni David si Ahinoam, na taga Jezreel; at sila'y kapuwa naging asawa niya.
و داود اخینوعم یزرعیلیه را نیز گرفت وهردوی ایشان زن او شدند.۴۳
44 Ngayo'y ibinigay ni Saul si Michal na kaniyang anak, na asawa ni David, kay Palti na anak ni Lais na taga Gallim.
و شاول دخترخود، میکال، زن داود را به فلطی ابن لایش که ازجلیم بود، داد.۴۴

< 1 Samuel 25 >