< 1 Samuel 22 >

1 Umalis nga si David doon, at tumakas sa yungib ng Adullam: at nang mabalitaan ng kaniyang mga kapatid at ng sangbahayan ng kaniyang ama, kanilang nilusong siya roon.
И отиде Давид оттуду, и спасеся, и прииде в пещеру Одолламску: и слышавше братия его и дом отца его, приидоша к нему тамо.
2 At bawa't isa na napipighati, at bawa't isa na may utang, at bawa't isa na may kalumbayan ay nakipisan sa kaniya; at siya'y naging punong kawal nila: at nagkaroon siya ng may apat na raang tao.
И собрашася к нему всяк иже в нужде, и всяк должник, и всяк печальный душею, и бе ими обладаяй, и бяше с ним яко четыреста мужей.
3 At naparoon si David mula roon sa Mizpa ng Moab, at kaniyang sinabi sa hari sa Moab: Isinasamo ko sa iyo na ang aking ama at aking ina ay makalabas, at mapasama sa inyo, hanggang sa aking maalaman kung ano ang gagawin ng Dios sa akin.
И отиде Давид оттуду в Массифаф Моавитский и рече к царю Моавитску: да будут ныне отец мой и мати моя у тебе, дондеже познаю, что сотворит мне Бог.
4 At kaniyang dinala sila sa harap ng hari sa Moab: at sila'y tumahan na kasama niya buong panahon na si David ay nasa moog.
И умоли лице царя Моавитска, и пребываху у него по вся дни, сущу Давиду во области той.
5 At sinabi ng propetang si Gad kay David, Huwag kang tumahan sa moog; ikaw ay yumaon at pumasok sa lupain ng Juda. Nang magkagayo'y yumaon si David, at pumasok sa gubat ng Hareth.
И рече Гад пророк к Давиду: не седи во области сей: иди, и да внидеши в землю Иудину. И иде Давид и пришед седе в граде Сарих.
6 At nabalitaan ni Saul na si David ay nasumpungan, at ang mga lalake na kasama niya: si Saul nga'y nauupo sa Gabaa sa ilalim ng punong tamarisko sa Rama, na tangan ang kaniyang sibat sa kaniyang kamay, at ang lahat ng kaniyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot niya.
И слыша Саул, яко познан бысть Давид, и мужие иже с ним: и Саул седяше на холме под дубравою яже в Раме, и копие в руку его, и вси отроцы его предстояху ему.
7 At sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod na nakatayo sa palibot niya, Dinggin ninyo ngayon, mga Benjamita; bibigyan ba ng anak ni Isai ang bawa't isa sa inyo ng mga bukiran at mga ubasan, gagawin ba niya kayong lahat na mga punong kawal ng lilibuhin at mga punong kawal ng dadaanin;
И рече Саул ко отроком своим предстоящым ему: слышите ныне, сынове Вениаминовы, аще воистинну всем вам даст сын Иессеев села и винограды и поставит вас всех в сотники и тысящники:
8 Upang kayong lahat ay magsipagsuwail laban sa akin, at walang nagpakilala sa akin nang gawin ng aking anak ang isang pakikipagtipan sa anak ni Isai, at wala sinoman sa inyo na nagdamdam dahil sa akin, o nagpakilala sa akin na ang aking anak ay humihikayat sa aking lingkod laban sa akin upang bumakay, gaya sa araw na ito?
яко вси согласистеся на мя, и несть открываяй во ухо мое, егда положи завет сын мой с сыном Иессеовым, и несть от вас ни един боляй о мне и возвещаяй во ушы мои, яко воздвиже сын мой раба моего на мя врага, якоже день сей?
9 Nang magkagayo'y sumagot si Doeg na Idumeo na nakatayo sa siping ng mga lingkod ni Saul, at nagsabi, Aking nakita ang anak ni Isai na naparoroon sa Nob, kay Ahimelech na anak ni Ahitob.
И отвеща Доик Сирин приставленый над мсками Сауловыми и рече: видех сына Иессеева пришедша в Номву ко Авимелеху сыну Ахитову иерею:
10 At isinangguni niya siya sa Panginoon, at binigyan siya ng mga pagkain, at ibinigay sa kaniya ang tabak ni Goliath na Filisteo.
и вопрошаше о нем Бога, и брашно вдаде ему, и мечь Голиафа иноплеменника вдаде ему.
11 Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari si Ahimelech na saserdote na anak ni Ahitob, at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama, na mga saserdote na nasa Nob, at sila'y naparoong lahat sa hari.
И посла царь призвати Авимелеха сына Ахитова, и вся сыны отца его иереи от Номвы. И приидоша вси к царю.
12 At sinabi ni Saul, Iyong dinggin ngayon, ikaw na anak ni Ahitob. At siya'y sumagot. Narito ako, panginoon ko.
И рече Саул: слыши ныне, сыне Ахитов. И рече: се, аз, глаголи, господине.
13 At sinabi ni Saul sa kaniya, Bakit kayo ay nagsipagsuwail laban sa akin, ikaw, at ang anak ni Isai, na iyong binigyan siya ng tinapay, at ng tabak, at isinangguni siya sa Dios upang siya'y bumangon laban sa akin na bumakay, gaya sa araw na ito?
И рече ему Саул: почто совещался еси на мя ты и сын Иессеев, яко вдал еси ему хлеб и мечь, и вопрошал еси о нем Бога положити его на мя во врага, якоже день сей?
14 Nang magkagayo'y sumagot si Ahimelech sa hari, at nagsabi, At sino sa gitna ng lahat ng iyong mga lingkod ang tapat na gaya ni David, na manugang ng hari, at tinatanggap sa iyong pulong, at karangaldangal sa iyong bahay?
И отвеща Авимелех царю и рече: и кто во всех рабех твоих верен якоже Давид, и зять царев, и князь всем заповедем твоим, и славен в дому твоем?
15 Pinasimulan ko bang isangguni siya ngayon sa Dios? malayo sa akin: huwag ibintang ng hari ang anomang bagay sa kaniyang lingkod, o sa buong sangbahayan man ng aking ama: sapagka't walang nalalamang bagay ang iyong lingkod tungkol sa lahat na ito, munti o malaki.
Еда днесь начах вопрошати о нем Бога? Никако: да не возложиши, царю, на раба твоего словесе сего, и на весь дом отца моего, яко не ведяше раб твой во всех сих словесе мала, или велика.
16 At sinabi ng hari, Ikaw ay walang pagsalang mamamatay, Ahimelech, ikaw at ang buong sangbahayan ng iyong ama.
И рече царь Саул: смертию умреши, Авимелех, ты и весь дом отца твоего.
17 At sinabi ng hari sa bantay na nangakatayo sa palibot niya, Pumihit kayo at patayin ninyo ang mga saserdote ng Panginoon; sapagka't ang kanilang kamay man ay sumasa kay David, at sapagka't kanilang nalaman na siya'y tumakas, at hindi nila ipinakilala sa akin. Nguni't hindi inibig ng mga lingkod ng hari na iunat ang kanilang kamay upang daluhungin ang mga saserdote ng Panginoon.
И рече царь скороходцем предстоящым пред ним: приведите и избийте иереи Господни, яко рука их с Давидом, и понеже познаша, яко бежит той, и не возвестиша во ушию моею. И не хотяху отроцы царевы возложити рук своих на иереи Господни.
18 At sinabi ng hari kay Doeg: Pumihit ka, at iyong daluhungin ang mga saserdote. At pumihit si Doeg na Idumeo, at kaniyang dinaluhong ang mga saserdote, at kaniyang pinatay nang araw na yaon ay walong pu't limang lalake na nagsusuot ng epod na lino.
И рече царь Доику: обратися ты, и устремися на иереи. И обратися Доик Сирин, и уби иереев Господних в той день, триста пять мужей, всех носящих ефуд:
19 At sinugatan ng talim ng tabak ang Nob, ang bayan ng mga saserdote, ang mga lalake at gayon din ang mga babae, ang mga bata at ang mga pasusuhin, at ang mga baka at mga asno at mga tupa, ng talim ng tabak.
и Номву град иерейский погуби острием оружия от мужеска полу и до женска, от отрока и до ссущаго, и телца и осла и овчате.
20 At isa sa mga anak ni Ahimelech na anak ni Ahitob na nagngangalang Abiathar ay tumanan, at tumakas na sumunod kay David.
И угонзе един сын Авимелеха сына Ахитова, имя ему Авиафар, и бежа вслед Давида.
21 At isinaysay ni Abiathar kay David na pinatay na ni Saul ang mga saserdote ng Panginoon.
И возвести Авиафар Давиду, яко изби Саул вся иереи Господни.
22 At sinabi ni David kay Abiathar, Talastas ko nang araw na yaon na si Doeg na Idumeo ay naroon, na kaniyang tunay na sasaysayin kay Saul: ako'y naging kadahilanan ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa sangbahayan ng iyong ama.
И рече Давид ко Авиафару: ведях в день той, яко тамо бе Доик Сирин, яко возвещая возвестит Саулу: аз есмь виновен о душах дому отца твоего:
23 Matira kang kasama ko, huwag kang matakot; sapagka't siya na umuusig ng aking buhay ay umuusig ng iyong buhay: sapagka't kasama kita ay maliligtas ka.
седи со мною, не бойся, яко идеже аще взыщу души моей место, взыщу и души твоей, яко сохранен будеши ты у мене.

< 1 Samuel 22 >