< 1 Samuel 20 >
1 At si David ay tumakas mula sa Najoth, na nasa Rama, at siya'y dumating at nagsabi sa harap ni Jonathan, Anong aking ginawa? anong aking kasamaan? at anong aking kasalanan sa harap ng iyong ama, upang kaniyang usigin ang aking buhay?
Men David flygtede fra Najot i Rama og kom til Jonatan og sagde: "Hvad har jeg gjort? Hvad er min Brøde? Og hvad er min Synd mod din Fader, siden han står mig efter Livet?"
2 At sinabi niya sa kaniya, Malayo nawa; hindi ka mamamatay: narito, ang aking ama ay hindi gumagawa ng anomang bagay na malaki o maliit kundi niya ipaalam sa akin: at bakit ililihim sa akin ng aking ama ang bagay na ito? hindi gayon.
Han svarede: "Det være langt fra! Du skal ikke dø! Min Fader foretager sig jo intet, hverken stort eller småt, uden at lade mig det vide; hvorfor skulde min Fader så dølge dette for mig? Der er intet om det!"
3 At gayon ma'y si David ay sumumpa, at nagsabi, Talastas na maigi ng iyong ama, na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at kaniyang sinasabi, Huwag maalaman ni Jonathan ito, baka siya'y magdalamhati; nguni't buhay nga ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, na iisang hakbang ang pagitan ko sa kamatayan.
Men David svarede: "Din Fader ved sikkert, at du har fattet Godhed for mig, og tænker så: Det må Jonatan ikke få at vide, at det ikke skal gøre ham ondt; nej, så sandt HERREN lever, og så sandt du lever, der er kun et Skridt imellem mig og Døden!"
4 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan kay David, Anomang adhikain ng iyong kaluluwa ay aking gagawin dahil sa iyo.
Da sagde Jonatan til David: "Alt, hvad du ønsker, vil jeg gøre for dig!"
5 At sinabi ni David kay Jonathan, Narito, bukas ay bagong buwan, at ako'y di marapat na di sumalo sa hari; nguni't bayaan mo akong yumaon upang ako'y magkubli sa parang hanggang sa ikatlong araw sa paglubog ng araw.
David sagde til Jonatan: "I Morgen er det jo Nymånedag, og jeg skulde sidde til Bords med Kongen; men lad mig gå bort og skjule mig på Marken indtil Aften.
6 Kung ako'y punahin ng iyong ama, iyo ngang sabihing, Hiniling na mainam sa akin ni David na siya'y patakbuhin sa Bethlehem na kaniyang bayan: sapagka't siyang paghahain na taonan sa lahat ng angkan.
Hvis din Fader savner mig, så sig: David har bedt mig om Lov til at skynde sig til Betlehem, sin Fødeby, da hele hans Slægt har sit årlige Slagtoffer der.
7 Kung kaniyang sabihing ganito, Mabuti; ang iyong lingkod ay matitiwasay; nguni't kung siya'y magalit, talastasin mo nga na ang kasamaan ay ipinasiya niya.
Hvis han så siger: Godt! er der ingen Fare for din Træl; men bliver han vred, så vid, at han vil min Ulykke.
8 Kaya pagmagandahang loob mo ang iyong lingkod; sapagka't iyong dinala ang iyong lingkod sa isang tipan ng Panginoon sa iyo; nguni't kung magtaglay ako ng kasamaan, patayin mo ako; sapagka't bakit mo pa dadalhin ako sa iyong ama?
Vis din Træl den Godhed, siden du er gået i Pagt med din Træl for HERRENs Åsyn. Men har jeg forbrudt mig, så slå du mig ihjel; thi hvorfor skulde du bringe mig til din Fader?"
9 At sinabi ni Jonathan, Malayo nawa sa iyo: sapagka't kung matalastas ko sa anomang paraan na ang kasamaan ay ipinasiya ng ama kong sumapit sa iyo, hindi ko ba sasaysayin sa iyo?
Jonatan svarede: "Det være langt fra! Hvis jeg virkelig kommer under Vejr med, at min Fader vil din Ulykke, skulde jeg så ikke lade dig det vide?"
10 Nang magkagayo'y sinabi ni David kay Jonathan, Sino ang magsasaysay sa akin, kung sakaling ang iyong ama ay sumagot sa iyo na may kagalitan?
Da sagde David til Jonatan: "Men hvem skal lade mig det vide, om din Fader giver dig et hårdt Svar?"
11 At sinabi ni Jonathan kay David, Halika at tayo'y lumabas sa parang. At sila'y kapuwa lumabas sa parang.
Jonatan svarede David: "Kom, lad os gå ud på Marken!" Og de gik begge ud på Marken.
12 At sinabi ni Jonathan kay David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel, maging saksi; pagka aking natarok ang aking ama sa oras na ito sa kinabukasan o sa ikatlong araw, narito, kung maging mabuti kay David, hindi ko nga ba pasasapitin sa iyo, at ipababatid sa iyo?
Da sagde Jonatan til David: "HERREN, Israels Gud, er Vidne: Jeg vil i Morgen ved denne Tid udforske min Faders Sindelag, og hvis der ingen Fare er for David, skulde jeg da ikke sende dig Bud og lade dig det vide?
13 Kung mabutihin ng aking ama na gawan ka ng kasamaan, ay hatulan ng Panginoon si Jonathan, malibang ipabatid ko sa iyo at payaunin ka, upang ikaw ay yumaong payapa: at ang Panginoon ay sumaiyo nawa na gaya ng siya'y nasa aking ama.
HERREN ramme Jonatan både med det ene og det andet: Hvis det er min Faders bestemte Vilje at bringe Ulykke over dig, vil jeg lade dig det vide og hjælpe dig bort, så du kan fare i Fred. HERREN være med dig, som han har været med min Fader.
14 At huwag mangyari kailanman hanggang ako'y nabubuhay, na di mo ako pagpakitaan ng kagandahang loob ng Panginoon upang ako'y huwag mamatay:
Og måtte du så, hvis jeg endnu er i Live, måtte du så vise HERRENs Godhed imod mig. Men skulde jeg være død,
15 Subali't huwag mo ring ihihiwalay ang iyong kagandahang loob sa aking sangbahayan magpakailan man: huwag kahit man lipulin ng Panginoon ang lahat ng mga kaaway ni David sa balat ng lupa.
så unddrag ingen Sinde min Slægt din Godhed. Og når HERREN udrydder hver eneste af Davids Fjender af Jorden,
16 Sa gayo'y nakipagtipan si Jonathan sa sangbahayan ni David, na sinabi, At hihingin ng Panginoon sa kamay ng mga kaaway ni David.
måtte da Jonatans Navn ikke blive udryddet, men bestå sammen med Davids Hus, og måtte HERREN kræve det af Davids Fjenders Hånd!"
17 At pinasumpa uli ni Jonathan si David dahil sa pagibig niya sa kaniya: sapagka't kaniyang minamahal siya na gaya ng pagmamahal niya sa kaniyang sariling kaluluwa.
Da svor Jonatan på ny David en Ed, fordi han elskede ham; thi han elskede ham af hele sin Sjæl.
18 Nang magkagayo'y sinabi ni Jonathan sa kaniya, Bukas ay bagong buwan, at ikaw ay pupunahin, sapagka't sa iyong upuan ay walang nakaupo.
Da sagde Jonatan til ham: "I Morgen er det Nymånedag; da vil du blive savnet, når din Plads står tom;
19 At pagtatagal mo ng tatlong araw ay bababa kang madali at paroroon ka sa dakong iyong pinagtaguan ng araw na pag-usapan ito, at ikaw ay maghihintay sa tabi ng bato ng Ezel.
men i Overmorgen vil du blive savnet endnu mere; gå så hen til det Sted, hvor du holdt dig skjult, den Dag Skændselsdåden skulde have fundet Sted, og sæt dig ved Jorddyngen der;
20 At ako'y papana ng tatlong palaso sa dako niyaon na parang ako'y may pinatatamaan.
i Overmorgen vil jeg så skyde med Pile der, som om jeg skød til Måls.
21 At, narito, aking susuguin ang bata: Ikaw ay yumaon na hanapin mo ang mga palaso. Kung aking sabihin sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangarito sa dako mo rito: pagkunin mo, at parito ka; sapagka't may kapayapaan sa iyo at walang anoman, buhay ang Panginoon.
Jeg sender så Drengen hen for at lede efter Pilen, og hvis jeg da siger til ham: Pilen ligger her på denne Side af dig, hent den! så kan du komme; thi da står alt vel til for dig, og der er ingen Fare, så sandt HERREN lever.
22 Nguni't kung aking sabihing ganito sa bata: Narito, ang mga palaso ay nangasa dako mo pa roon: ituloy mo ang iyong lakad, sapagka't pinayaon ka ng Panginoon.
Men siger jeg til den unge Mand: Pilen ligger på den anden Side af dig, bedre frem! så fly, thi da vil HERREN have dig bort.
23 At tungkol sa usap na ating pinagsalitaan, narito, ang Panginoon ay nasa gitna natin magpakailan man.
Men om det, vi to har aftalt sammen, gælder, at HERREN står mellem mig og dig for evigt!"
24 Sa gayo'y nagkubli si David sa parang: at nang dumating ang bagong buwan, ang hari ay umupong kumain.
David skjulte sig så ude på Marken. Da Nymånedagen kom, satte Kongen sig til Bords for at spise;
25 At umupo ang hari sa kaniyang upuan na gaya ng kinaugalian niya sa makatuwid baga'y sa upuang nasa siping ng dinding; at tumayo si Jonathan, at umupo si Abner sa siping ni Saul; nguni't sa upuan ni David ay walang nakaupo.
Kongen sad på sin vante Plads, på Pladsen ved Væggen, medens Jonatan sad lige overfor og Abner ved Siden af Saul, men Davids Plads stod tom.
26 Gayon ma'y hindi nagsalita si Saul ng anoman sa araw na yaon: sapagka't kaniyang inisip: May bagay na nangyari sa kaniya, siya'y hindi malinis; tunay na siya'y hindi malinis.
Saul sagde intet den Dag, thi han tænkte: "Der er vel hændet ham noget, så han ikke er ren, fordi han endnu ikke har renset sig."
27 At nangyari nang kinabukasan, pagkaraan ng bagong buwan na ikalawang araw, na sa upuan ni David ay walang nakaupo, sinabi ni Saul kay Jonathan na kaniyang anak, Bakit hindi naparirito ang anak ni Isai upang kumain, ni kahapon, ni ngayon man.
Men da Davids Plads også stod tom næste Dag, Dagen efter Nymånedagen, sagde Saul til sin Søn Jonatan: "Hvorfor kom Isajs Søn hverken til Måltidet i Går eller i Dag?"
28 At sumagot si Jonathan kay Saul, Namanhik si David na bayaan ko siya na pumaroon sa Bethlehem:
Jonatan svarede Saul: "David bad mig om Lov til at gå til Betlehem;
29 At kaniyang sinabi, Isinasamo ko sa iyo na payaunin mo ako; sapagka't ang aming angkan ay may paghahain sa bayan; at iniutos sa akin ng aking kapatid na dumoon; at ngayon, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay bayaan mo akong yumaon, isinasamo ko sa iyo, at aking tingnan ang aking mga kapatid. Kaya hindi siya naparito sa dulang ng hari.
han sagde: Lad mig gå, thi vor Slægt har Offerfest der i Byen, og mine Brødre har pålagt mig at komme; hvis du har Godhed for mig, lad mig så få fri, for at jeg kan besøge mine Slægtninge! Det er Grunden til, at han ikke er kommet til Kongens Bord!"
30 Nang magkagayo'y nagalab ang galit ni Saul laban kay Jonathan, at sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay anak ng masama at mapanghimagsik na babae, hindi ko ba nalalaman na iyong pinili ang anak ni Isai sa ikahihiya mo, at sa ikahihiya ng kahubaran ng iyong ina?
Da blussede Sauls Vrede op imod Jonatan, og han sagde til ham; "Du Søn af en vanartet Kvinde! Ved jeg ikke, at du er Ven med Isajs Søn til Skam for dig selv og for din Moders Blusel?
31 Sapagka't habang nabubuhay ang anak ni Isai sa ibabaw ng lupa, ikaw ay hindi mapapanatag ni ang iyong kaharian man. Kaya ngayo'y iyong ipasundo at dalhin siya sa akin, sapagka't siya'y walang pagsalang mamamatay.
Thi så længe Isajs Søn er i Live på Jorden, er hverken du eller dit Kongedømme i Sikkerhed. Send derfor Bud og hent ham til mig, thi han er dødsens!"
32 At sumagot si Jonathan kay Saul na kaniyang ama; at nagsabi sa kaniya, Bakit siya papatayin? anong kaniyang ginawa?
Jonatan svarede sin Fader Saul: "Hvorfor skal han dræbes? Hvad har han gjort?"
33 At inihandulong ni Saul ang kaniyang sibat sa kaniya upang saktan siya; na doon nakilala ni Jonathan na pasiya ng kaniyang ama na patayin si David.
Da kastede Saul Spydet efter ham for at ramme ham. Så skønnede Jonatan, at det var hans Faders bestemte Vilje at dræbe David.
34 Sa gayo'y tumindig si Jonathan sa dulang na may mabangis na galit, at hindi kumain sa ikalawang araw ng buwan: sapagka't siya'y nagdalamhati dahil kay David, sapagka't hiniya siya ng kaniyang ama.
Og Jonatan rejste sig fra Bordet i heftig Vrede og spiste intet den anden Nymånedag, thi det gjorde ham ondt for David, at hans Fader havde smædet ham.
35 At nangyari sa kinaumagahan, na si David ay nilabas ni Jonathan sa parang sa takdang panahon, at isang munting bata ang kasama niya.
Næste Morgen gik Jonatan fulgt af en dreng ud i Marken, til den Tid han havde aftalt med David.
36 At sinabi niya sa kaniyang bataan, Takbo, hanapin mo ngayon ang mga palaso na aking ipinana. At pagtakbo ng bataan, kaniyang ipinana ang palaso sa dako roon niya.
Derpå sagde han til Drengen, han havde med: "Løb hen og led efter den Pil, jeg skyder af!" Medens Drengen løb, skød han Pilen af over hans Hoved,
37 At nang dumating ang bataan sa dako ng palaso na ipinana ni Jonathan, sinigawan ni Jonathan ang bataan, at sinabi, Hindi ba ang palaso ay nasa dako mo pa roon?
og da Drengen nåede Stedet, hvor Pilen, som Jonatan havde afskudt, lå, råbte Jonatan til ham: "Pilen ligger jo på den anden Side af dig, bedre frem!"
38 At sinigawan ni Jonathan ang bataan, Tulin, magmadali ka, huwag kang tumigil. At pinulot ng bataan ni Jonathan ang mga palaso, at naparoon sa kaniyang panginoon.
Derpå råbte Jonatan til Drengen: "Skynd dig alt, hvad du kan, og bliv ikke stående!" Så tog Jonatans dreng Pilen og bragte sin Herre den.
39 Nguni't hindi naalaman ng bataan ang anoman: si Jonathan at si David lamang ang nakaalam ng bagay.
Og Drengen vidste ikke noget, thi kun Jonatan og David kendte Sammenhængen.
40 At ibinigay ni Jonathan ang kaniyang sandata sa kaniyang bataan, at sinabi sa kaniya, Yumaon ka, dalhin mo sa bayan.
Jonatan gav derpå sin Dreng Våbnene og sagde til ham: "Tag dem med til Byen!"
41 At pagkayaon ng bataan, si David ay tumindig sa dakong tungo sa Timugan, at sumubsob sa lupa, at yumukod na makaitlo: at sila'y naghalikan, at umiyak kapuwa, hanggang si David ay humigit.
Da Drengen var gået, rejste David sig fra sit Skjul ved Jorddyngen og faldt til Jorden på sit Ansigt og bøjede sig ned tre Gange. Og de kyssede hinanden og græd bitterlig sammen.
42 At sinabi ni Jonathan kay David, Yumaon kang payapa, yamang tayo'y kapuwa sumumpa sa pangalan ng Panginoon na nagsasabi, Ang Panginoon ay lalagay sa gitna natin, at sa gitna ng aking binhi at ng iyong binhi, magpakailan man. At siya'y bumangon at yumaon: at pumasok si Jonathan sa bayan.
Derpå sagde Jonatan til David: "Far i Fred! Om det, vi to har tilsvoret hinanden i HERRENs Navn, gælder, at HERREN står mellem mig og dig, mellem mine og dine Efterkommere for evigt!" Så brød David op og drog bort, medens Jonatan gik ind i Byen.