< 1 Pedro 2 >

1 Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat ng panglalait,
Przetoż złożywszy wszelką złość i wszelką zdradę, i obłudę, i zazdrość, i wszelakie obmowiska,
2 Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;
Jako dopiero narodzone niemowlątka, szczerego mleka słowa Bożego pożądajcie, abyście przez nie urośli,
3 Kung inyong napagkilala na ang Panginoon ay mapagbiyaya:
Jeźliście tylko skosztowali, że dobrotliwy jest Pan.
4 Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,
Do którego przystępując, do kamienia żywego, acz od ludzi odrzuconego, ale od Boga wybranego i kosztownego,
5 Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
I wy jako żywe kamienie budujcie się w dom duchowny, w kapłaństwo święte, ku ofiarowaniu duchowych ofiar, przyjemnych Bogu przez Jezusa Chrystusa.
6 Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan, Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga: At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
A przetoż mówi Pismo: Oto kładę na Syonie kamień narożny węgielny, wybrany, kosztowny; a kto w niego uwierzy, nie będzie zawstydzony.
7 Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya, Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok;
Wam tedy wierzącym jest uczciwością, ale nieposłusznym, kamień, który odrzucili budujący, ten się stał głową węgielną,
8 At, Batong katitisuran, at bato na pangbuwal; Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: na dito rin naman sila itinalaga,
I kamieniem obrażenia, i opoką zgorszenia tym, którzy się obrażają o słowo, nie wierząc, na co też wystawieni są.
9 Datapuwa't kayo'y isang lahing hirang, isang makaharing pagkasaserdote, bansang banal, bayang pag-aaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
Ale wy jesteście rodzajem wybranym, królewskim kapłaństwem, narodem świętym, ludem nabytym, abyście opowiadali cnoty tego, który was powołał z ciemności ku dziwnej swojej światłości.
10 Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.
Którzyście niekiedy byli nie ludem, aleście teraz ludem Bożym; którzyście niekiedy nie dostąpili byli miłosierdzia, aleście teraz miłosierdzia dostąpili.
11 Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, na nakikipaglaban sa kaluluwa;
Najmilsi! proszę was, abyście się jako przychodniowie i goście wstrzymywali od cielesnych pożądliwości, które walczą przeciwko duszy,
12 Na kayo'y mangagkaroon ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil; upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita, ay purihin nila ang Dios sa araw ng pagdalaw.
Obcowanie wasze mając poczciwe między poganami, aby zamiast tego, w czem was pomawiają jako złoczyńców, dobrym się uczynkom waszym przypatrując, chwalili Boga w dzień nawiedzenia.
13 Kayo'y pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;
Bądźcież tedy poddani wszelkiemu ludzkiemu urzędowi dla Pana, bądź królowi, jako najwyższemu,
14 O sa mga gobernador, na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.
Bądź przełożonym, jako od niego posłanym ku pomście źle czyniących, a ku chwale dobrze czyniących.
15 Sapagka't siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo:
Albowiem taka jest wola Boża, abyście dobrze czyniąc, usta zatkali nieumiejętności głupich ludzi.
16 Na gaya nang kayo'y mga laya, at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi gaya ng mga alipin ng Dios.
(Bądźcież) jako wolni, a nie jako ci, którzy wolność zasłoną złości mają, ale jako słudzy Boży.
17 Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.
Wszystkich czcijcie, braterstwo miłujcie, Boga się bójcie, króla w uczciwości miejcie.
18 Mga alila, kayo'y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik.
Słudzy! bądźcie poddani panom we wszelakiej bojaźni, nie tylko dobrym i bacznym, ale i dziwnym.
19 Sapagka't ito'y kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid.
Boć to jest łaska, jeźli kto dla sumienia Bożego ponosi frasunki, cierpiąc bezwinnie.
20 Sapagka't anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.
Bo cóż jest za chwała, jeźlibyście grzesząc, cierpliwie znosili, by was i pięściami bito? Ale jeźli dobrze czyniąc i cierpiąc znosicie, to jest łaska u Boga.
21 Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:
Albowiem na to też powołani jesteście, ponieważ i Chrystus cierpiał za was, zostawiwszy wam przykład, abyście naśladowali stóp jego.
22 Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:
Który grzechu nie uczynił, ani znaleziona jest zdrada w ustach jego.
23 Na, nang siya'y alipustain, ay hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid:
Któremu gdy złorzeczono, nie odzłorzeczył; gdy cierpiał, nie groził, ale poruczył krzywdę temu, który sprawiedliwie sądzi.
24 Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.
Który grzechy nasze na ciele swoim zaniósł na drzewo, abyśmy obumarłszy grzechom sprawiedliwości żyli, którego sinością uzdrowieni jesteście.
25 Sapagka't kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.
Albowiemeście byli jako owce błądzące; ale teraz jesteście nawróceni do pasterza i biskupa dusz waszych.

< 1 Pedro 2 >