< 1 Mga Hari 1 >

1 Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni't siya'y hindi naiinitan.
When King David was old and advanced in years, they covered him with blankets, but he could not keep warm.
2 Kaya't sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan.
So his servants said to him, “Let us look for a young virgin for our master the king. Let her serve the king and take care of him. Let her lie in his arms so that our master the king may keep warm.”
3 Sa gayo'y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari.
So they searched for a beautiful girl within all the borders of Israel. They found Abishag the Shunammite and brought her to the king.
4 At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni't hindi siya ginalaw ng hari.
The girl was very beautiful. She served the king and took care of him, but the king did not have sexual relations with her.
5 Nang magkagayo'y nagmataas si Adonia na anak ni Haggith, na nagsabi, Ako'y magiging hari: at siya'y naghanda ng mga karo at mga mangangabayo, at limang pung lalaking mananakbo sa unahan niya.
At that time, Adonijah son of Haggith exalted himself, saying, “I will be king.” So he prepared for himself chariots and horsemen with fifty men to run ahead of him.
6 At hindi siya kinasamaan ng loob ng kaniyang ama kailan man, na nagsabi, Bakit ka gumawa ng ganyan? at siya'y totoong makisig na lalake rin naman; at siya'y ipinanganak na kasunod ni Absalom.
His father had never troubled him, saying, “Why have you done this or that?” Adonijah was also a very handsome man, born next after Absalom.
7 At siya'y nakipagsalitaan kay Joab na anak ni Sarvia, at sa saserdoteng kay Abiathar: at pagsunod nila kay Adonia ay nagsitulong sa kaniya.
He conferred with Joab son of Zeruiah and with Abiathar the priest. They followed Adonijah and helped him.
8 Nguni't si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at si Nathan na propeta, at si Semei, at si Reihi, at ang mga makapangyarihang lalake na nauukol kay David, ay hindi kasama ni Adonia.
But Zadok the priest, Benaiah son of Jehoiada, Nathan the prophet, Shimei, Rei, and the mighty men who belonged to David did not follow Adonijah.
9 At nagpatay si Adonia ng mga tupa, at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth, na nasa tabi ng Enrogel: at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari, at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari.
Adonijah sacrificed sheep, oxen, and fattened calves by the stone of Zoheleth, which is beside En Rogel. He invited all his brothers, the king's sons, and all the men of Judah, the king's servants.
10 Nguni't si Nathan na propeta, at si Benaia, at ang mga makapangyarihang lalake, at si Salomon na kaniyang kapatid ay hindi niya tinawag.
But he did not invite Nathan the prophet, Benaiah, the mighty men, or his brother Solomon.
11 Nang magkagayo'y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon, na nagsasabi, Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith, at hindi nalalaman ni David na ating panginoon?
Then Nathan spoke to Bathsheba the mother of Solomon, saying, “Have you not heard that Adonijah son of Haggith has become king, and David our master does not know it?
12 Ngayon nga'y parito ka, isinasamo ko sa iyo, na bigyang payo kita, upang iyong mailigtas ang iyong sariling buhay, at ang buhay ng iyong anak na si Salomon.
Now therefore let me give you advice, so that you may save your own life and the life of your son Solomon.
13 Ikaw ay yumaon, at pasukin mo ang haring si David, at sabihin mo sa kaniya, Di ba, panginoon ko, isinumpa mo sa iyong lingkod, na iyong sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan? bakit nga maghahari si Adonia?
Go to King David; say to him, 'My master the king, did you not swear to your servant, saying, “Surely Solomon your son will reign after me, and he will sit on my throne?” Why then is Adonijah reigning?'
14 Narito, samantalang nagsasalita ka pa roon sa hari, ay papasok naman ako na kasunod mo, at aking patototohanan ang iyong mga salita.
While you are there speaking with the king, I will come in after you and confirm your words.”
15 At pinasok ni Bath-sheba ang hari sa silid; at ang hari ay totoong matanda na; at si Abisag na Sunamita ay siyang nagaalaga sa hari.
So Bathsheba went into the king's room. The king was very old, and Abishag the Shunammite was serving the king.
16 At si Bath-sheba ay yumukod at nagbigay galang sa hari. At sinabi ng hari, Anong ibig mo?
Bathsheba bowed and prostrated herself before the king. Then the king said, “What do you desire?”
17 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon ko, isinumpa mo ang Panginoon mong Dios sa iyong lingkod, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan.
She said to him, “My master, you swore to your servant by Yahweh your God, saying, 'Surely Solomon your son shall reign after me, and he shall sit on my throne.'
18 At ngayo'y narito, si Adonia ay naghahari; at ikaw, panginoon ko na hari, ay hindi mo nalalaman;
Now, see, Adonijah is king, and you, my master the king, do not know it.
19 At siya'y pumatay ng mga baka, at mga pinataba, at tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at si Abiathar na saserdote, at si Joab na puno ng hukbo: nguni't si Salomon na iyong lingkod ay hindi niya tinawag.
He has sacrificed oxen, fatted calves, and sheep in abundance, and has invited all the sons of the king, Abiathar the priest, and Joab the captain of the army, but he has not invited Solomon your servant.
20 At ikaw, panginoon ko na hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, upang iyong saysayin sa kanila kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya.
As for you, my master the king, the eyes of all Israel are on you, waiting for you to tell them who will sit on the throne after you, my master.
21 Sa ibang paraa'y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala.
Otherwise it will happen, when my master the king sleeps with his fathers, that I and my son Solomon will be regarded as criminals.”
22 At, narito, samantalang siya'y nakikipagsalitaan pa sa hari, ay pumasok si Nathan na propeta.
While she was still speaking with the king, Nathan the prophet came in.
23 At kaniyang isinaysay sa hari, na sinasabi, Narito, si Nathan na propeta. At nang siya'y dumating sa harap ng hari, siya'y yumukod ng kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari.
The servants told the king, “Nathan the prophet is here.” When he came in before the king, he prostrated himself before the king with his face to the ground.
24 At sinabi ni Nathan, Panginoon ko, Oh hari, iyo bang sinabi, Si Adonia ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan?
Nathan said, “My master the king, have you said, 'Adonijah will reign after me, and he will sit on my throne?'
25 Sapagka't siya'y lumusong nang araw na ito, at nagpatay ng mga baka, at mga pinataba, at mga tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at ang mga puno ng hukbo, at si Abiathar na saserdote; at, narito, sila'y nagkakainan at nagiinuman sa harap niya at nagsisipagsabi, Mabuhay ang haring si Adonia.
For he has gone down today and sacrificed oxen, fatted calves, and sheep in abundance, and has invited all the king's sons, the captains of the army, and Abiathar the priest. They are eating and drinking before him, and saying, 'Long live King Adonijah!'
26 Nguni't ako, akong iyong lingkod, at si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Salomon, hindi niya tinawag.
But as for me, your servant, Zadok the priest, Benaiah son of Jehoiada, and your servant Solomon, he has not invited us.
27 Ang bagay na ito baga ay ginawa ng aking panginoon na hari, at hindi mo ipinakilala sa iyong mga lingkod kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya?
Has my master the king done this without telling us, your servants, who should sit on the throne after him?”
28 Nang magkagayo'y sumagot ang haring si David, at nagsabi, Tawagin ninyo sa akin si Bath-sheba. At siya'y pumasok sa harap ng hari, at tumayo sa harap ng hari.
Then King David answered and said, “Call Bathsheba back to me.” She came into the king's presence and stood before the king.
29 At sumumpa ang hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, na tumubos ng aking kaluluwa sa lahat ng karalitaan,
The king made an oath and said, “As Yahweh lives, who has redeemed me out of all trouble,
30 Katotohanang kung paanong sumumpa ako sa iyo sa pangalan ng Panginoon, na Dios ng Israel, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan na kahalili ko; katotohanang gayon ang aking gagawin sa araw na ito.
as I vowed to you by Yahweh, the God of Israel, saying, 'Solomon your son will reign after me, and he will sit on my throne in my place,' I will do this today.”
31 Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man.
Then Bathsheba bowed with her face to the ground and prostrated herself before the king and said, “May my master King David live forever!”
32 At sinabi ng haring si David, Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada. At sila'y pumasok sa harap ng hari.
King David said, “Call to me Zadok the priest, Nathan the prophet, and Benaiah son of Jehoiada.” So they came before the king.
33 At sinabi ng hari sa kanila, Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at ilusong ninyo siya sa Gihon.
The king said to them, “Take with you the servants of your master, and have Solomon my son ride on my own mule and take him down to Gihon.
34 At pahiran siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
Let Zadok the priest and Nathan the prophet anoint him king over Israel and blow the trumpet and say, 'Long live King Solomon!'
35 Kung magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda.
Then you will come up after him, and he will come and sit on my throne; for he will be king in my place. I have appointed him to be ruler over Israel and Judah.”
36 At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari, at nagsabi, Siya nawa: ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din.
Benaiah son of Jehoiada answered the king, and said, “So let it be! May Yahweh, the God of my master the king, confirm it.
37 Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David.
As Yahweh has been with my master the king, so may he be with Solomon, and make his throne greater than the throne of my master King David.”
38 Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo, at ang mga Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon.
So Zadok the priest, Nathan the prophet, Benaiah son of Jehoiada, and the Kerethites and the Pelethites went down and had Solomon ride upon King David's mule; they brought him to Gihon.
39 At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
Zadok the priest took the horn of oil out of the tent and anointed Solomon. Then they blew the trumpet, and all the people said, “Long live King Solomon!”
40 At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya, at ang bayan ay humihip ng mga plauta, at nangagalak ng malaking pagkagalak, anopa't ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila.
Then all the people went up after him, and the people played the flutes and rejoiced with great joy, so that the earth shook with their sound.
41 At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain. At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak, ay kaniyang sinabi, Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay?
Adonijah and all the guests who were with him heard it as they finished eating. When Joab heard the sound of the trumpet, he said, “Why is there an uproar in the city?”
42 Samantalang siya'y nagsasalita pa, narito, si Jonathan na anak ni Abiathar na saserdote ay dumating at si Adonia ay nagsabi, Pumasok ka; sapagka't ikaw ay karapatdapat na tao, at nagdadala ka ng mabubuting balita.
While he was still speaking, Jonathan son of Abiathar the priest came. Adonijah said, “Come in, for you are a worthy man and bring good news.”
43 At si Jonathan ay sumagot, at nagsabi kay Adonia, Katotohanang ginawang hari si Salomon ng ating panginoong haring si David:
Jonathan answered and said to Adonijah, “Our master King David has made Solomon the king,
44 At sinugo ng hari na kasama niya si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo at pinasakay nila siya sa mula ng hari:
and the king has sent with him Zadok the priest, Nathan the prophet, Benaiah son of Jehoiada, and the Kerethites and the Pelethites. They have had Solomon ride on the king's mule.
45 At siya'y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon: at sila'y nagsiahong galak mula roon, na anopa't ang bayan ay umalingawngaw uli. Ito ang hugong na iyong narinig.
Zadok the priest and Nathan the prophet have anointed him king at Gihon, and have come up from there rejoicing, so that the city is in an uproar. This is the noise that you have heard.
46 At si Salomon naman ay nauupo sa luklukan ng kaharian.
Also, Solomon is sitting on the throne of the kingdom.
47 At bukod dito'y ang mga lingkod ng hari ay nagsiparoon upang purihin ang ating panginoong haring si David, na nagsisipagsabi, Gawin nawa ng iyong Dios ang pangalan ni Salomon na lalong maigi kay sa iyong pangalan, at gawin ang kaniyang luklukan na lalong dakila kay sa iyong luklukan; at ang hari ay yumukod sa kaniyang higaan.
Moreover, the king's servants came to bless our master King David, saying, 'May your God make the name of Solomon better than your name, and make his throne greater than your throne.' Then the king bowed down on the bed.
48 At ganito pa ang sinabi ng hari, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito, na nakita ng aking mga mata.
The king also said, 'Blessed be Yahweh, the God of Israel, who has given a person to sit on my throne this day, and that my own eyes should see it.'”
49 At ang lahat na inanyayahan ni Adonia ay nangatakot at nagsitindig, at yumaon bawa't isa sa kaniyang lakad.
Then all the guests of Adonijah were terrified. They stood up and each man went his way.
50 At natakot si Adonia dahil kay Salomon: at siya'y tumindig at yumaon, at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana.
Adonijah was afraid of Solomon and rose up, went, and took hold of the horns of the altar.
51 At nasaysay kay Salomon na sinasabi, Narito, si Adonia ay natatakot sa haring Salomon: sapagka't, narito, siya'y pumigil sa mga anyong sungay ng dambana, na nagsasabi, Isumpa ng haring Salomon sa akin sa araw na ito, na hindi niya papatayin ng tabak ang kaniyang lingkod.
Then it was told Solomon, saying, “See, Adonijah is afraid of King Solomon, for he has laid hold on the horns of the altar, saying, 'Let King Solomon swear to me first that he will not kill his servant with the sword.'”
52 At sinabi ni Salomon, Kung siya'y pakikilalang karapatdapat na tao, ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa; nguni't kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya'y mamamatay.
Solomon said, “If he will show himself a worthy man, not a hair of his will fall to the earth, but if wickedness is found in him, he will die.”
53 Sa gayo'y nagsugo ang haring Salomon, at kanilang ibinaba siya mula sa dambana. At siya'y naparoon at nagbigay galang sa haring Salomon; at sinabi ni Salomon sa kaniya, Umuwi ka sa iyong bahay.
So King Solomon sent men, who brought Adonijah down from the altar. He came and bowed down to King Solomon, and Solomon said to him, “Go to your house.”

< 1 Mga Hari 1 >