< 1 Mga Hari 1 >
1 Si David na hari nga ay matanda at totoong magulang na; at kanilang tinakpan siya ng mga kumot, nguni't siya'y hindi naiinitan.
[達味年老]達味王年紀已老,雖然蓋著許多被褥,仍然不覺溫暖。
2 Kaya't sinabi ng mga lingkod niya sa kaniya, Ihanap ang aking panginoon na hari ng isang dalaga: at patayuin siya sa harap ng hari, at libangin niya siya; at mahiga siya sa iyong sinapupunan, upang ang aking panginoon na hari ay mainitan.
於是他的臣僕對他說:「讓人為我主大王找一個年輕少女來,服侍大王,照料大王,睡在大王懷裏,溫暖我主大王。」
3 Sa gayo'y inihanap nila siya ng isang magandang dalaga sa lahat ng mga hangganan ng Israel, at nasumpungan si Abisag na Sunamita, at dinala sa hari.
他們就在以色列全境,尋找美麗的少女;找著了一個叔能女子阿彼沙格,便領她到君王那裏。
4 At ang dalaga ay totoong maganda: at kaniyang nilibang ang hari at nagaalaga sa kaniya; nguni't hindi siya ginalaw ng hari.
這少女非常美麗,她就照料服侍君王,君王卻沒有認識她。阿多尼雅的野心
5 Nang magkagayo'y nagmataas si Adonia na anak ni Haggith, na nagsabi, Ako'y magiging hari: at siya'y naghanda ng mga karo at mga mangangabayo, at limang pung lalaking mananakbo sa unahan niya.
那時,哈基特的兒子阿多尼雅自尊自大說:「我必要作主! 」他遂為自己預備了車輛與騎兵,有五十人在他面前開道。
6 At hindi siya kinasamaan ng loob ng kaniyang ama kailan man, na nagsabi, Bakit ka gumawa ng ganyan? at siya'y totoong makisig na lalake rin naman; at siya'y ipinanganak na kasunod ni Absalom.
他的父親一生從未責罵過他說:「你為什麼這樣做﹖」他出生於阿貝沙隆之後,也是個十分英俊的人。
7 At siya'y nakipagsalitaan kay Joab na anak ni Sarvia, at sa saserdoteng kay Abiathar: at pagsunod nila kay Adonia ay nagsitulong sa kaniya.
他曾與責魯雅的兒子約阿布和司祭厄貝雅塔爾商議過,他們二人都支持阿多尼雅。
8 Nguni't si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at si Nathan na propeta, at si Semei, at si Reihi, at ang mga makapangyarihang lalake na nauukol kay David, ay hindi kasama ni Adonia.
但是司祭匝多克、約雅達的兒子貝納雅、先知納堂、史米勒依,以及達味的勇士們,都不擁護阿多尼雅。
9 At nagpatay si Adonia ng mga tupa, at mga baka at ng mga pinataba sa siping ng bato ng Zoheleth, na nasa tabi ng Enrogel: at kaniyang tinawag ang lahat niyang kapatid na mga anak ng hari, at ang lahat na lalake sa Juda na mga lingkod ng hari.
一天,阿多尼雅在洛格耳泉旁的左赫肋特磐石上,宰殺了牛羊和肥犢,邀請了君王的兒子們─他所有的兄弟,和所有作君王臣僕的猶大人,
10 Nguni't si Nathan na propeta, at si Benaia, at ang mga makapangyarihang lalake, at si Salomon na kaniyang kapatid ay hindi niya tinawag.
惟獨沒有邀請先知納堂、貝納雅、勇士們和他的兄弟撒羅滿。先知勸立撒羅滿為王。
11 Nang magkagayo'y nagsalita si Nathan kay Bath-sheba na ina ni Salomon, na nagsasabi, Hindi mo ba nabalitaan na naghahari si Adonia na anak ni Haggith, at hindi nalalaman ni David na ating panginoon?
納堂對撒羅滿的母親巴特舍巴說:「你沒有聽說:哈基特的兒子阿多尼雅已作了王,而我們的主上達味還不知道嗎﹖
12 Ngayon nga'y parito ka, isinasamo ko sa iyo, na bigyang payo kita, upang iyong mailigtas ang iyong sariling buhay, at ang buhay ng iyong anak na si Salomon.
現在,我給你出個主意,好保全你和你兒子撒羅滿的性命。
13 Ikaw ay yumaon, at pasukin mo ang haring si David, at sabihin mo sa kaniya, Di ba, panginoon ko, isinumpa mo sa iyong lingkod, na iyong sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan? bakit nga maghahari si Adonia?
你去見達味,對他說:我主大王,你不是曾向你的婢女起誓說:你的兒子撒羅滿必要繼我為王,坐上我的寶座嗎﹖為什麼阿多尼雅卻作了王呢﹖
14 Narito, samantalang nagsasalita ka pa roon sa hari, ay papasok naman ako na kasunod mo, at aking patototohanan ang iyong mga salita.
當米還在那裏與君王說話時,我便隨後進來,證實你的話。」
15 At pinasok ni Bath-sheba ang hari sa silid; at ang hari ay totoong matanda na; at si Abisag na Sunamita ay siyang nagaalaga sa hari.
巴特舍特於是進了君王的內室。君王年紀已老,叔能女子阿彼沙格正在旁服侍君王。
16 At si Bath-sheba ay yumukod at nagbigay galang sa hari. At sinabi ng hari, Anong ibig mo?
巴特舍特便俯伏叩拜君王。君王問說:「你有什麼事﹖」
17 At sinabi niya sa kaniya, Panginoon ko, isinumpa mo ang Panginoon mong Dios sa iyong lingkod, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan.
巴特舍特答說:「我主,你曾指著上主你的天主向你的婢女起誓說:你的兒子撒羅滿必要繼我為王,坐上我的寶座。
18 At ngayo'y narito, si Adonia ay naghahari; at ikaw, panginoon ko na hari, ay hindi mo nalalaman;
但是,現在阿多尼雅已作了主,而我主大王,你還不知道。
19 At siya'y pumatay ng mga baka, at mga pinataba, at tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at si Abiathar na saserdote, at si Joab na puno ng hukbo: nguni't si Salomon na iyong lingkod ay hindi niya tinawag.
他宰殺了許多牛、肥犢和羊,邀請了君王所有的兒子和厄貝雅塔爾司祭並約阿布元帥,惟獨你的僕人撒羅滿,他沒有邀請。
20 At ikaw, panginoon ko na hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, upang iyong saysayin sa kanila kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya.
我主大王,現在全以色列人的眼望著你,等待你通告他們,誰要坐上我主大王的寶座,繼承大王。
21 Sa ibang paraa'y mangyayari, na pagka ang aking panginoon na hari ay natutulog na kasama ng kaniyang mga magulang, na ako at ang aking anak na si Salomon ay mabibilang sa mga may sala.
不然,將來我主大王同自己的祖先長眠之後,我和我的兒子撒羅滿必被列為罪犯。」
22 At, narito, samantalang siya'y nakikipagsalitaan pa sa hari, ay pumasok si Nathan na propeta.
正當她同君王談話時,納堂先知進來了。
23 At kaniyang isinaysay sa hari, na sinasabi, Narito, si Nathan na propeta. At nang siya'y dumating sa harap ng hari, siya'y yumukod ng kaniyang mukha sa lupa sa harap ng hari.
有人稟告君王說:「納堂先知來了。」他來到君王面前,便俯首至地,向君王下拜。
24 At sinabi ni Nathan, Panginoon ko, Oh hari, iyo bang sinabi, Si Adonia ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan?
納堂說:「我主大王,想必你說過,阿多尼雅必要繼我為王,坐上我的寶座
25 Sapagka't siya'y lumusong nang araw na ito, at nagpatay ng mga baka, at mga pinataba, at mga tupa na sagana, at tinawag ang lahat na anak ng hari, at ang mga puno ng hukbo, at si Abiathar na saserdote; at, narito, sila'y nagkakainan at nagiinuman sa harap niya at nagsisipagsabi, Mabuhay ang haring si Adonia.
因為他今天下去,宰殺了許多牛、肥犢和羊,邀請了君王所有的兒子和軍官,以及厄貝雅塔爾司祭;他們在他面前吃喝,呼喊說:阿多尼雅王萬歲!
26 Nguni't ako, akong iyong lingkod, at si Sadoc na saserdote, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Salomon, hindi niya tinawag.
至於你的僕人我、匝多克司祭、約雅達的兒子貝納雅,以及你的兒子撒羅滿,他都沒有邀請。
27 Ang bagay na ito baga ay ginawa ng aking panginoon na hari, at hindi mo ipinakilala sa iyong mga lingkod kung sino ang uupo sa luklukan ng aking panginoon na hari pagkamatay niya?
如果這事是出於我主大王,難道你會不通告你的僕人,誰要坐上我主大王的寶座,繼承大王嗎﹖」
28 Nang magkagayo'y sumagot ang haring si David, at nagsabi, Tawagin ninyo sa akin si Bath-sheba. At siya'y pumasok sa harap ng hari, at tumayo sa harap ng hari.
韃味回答說:「快給我召巴特,舍巴來! 」她便進來立在君王面前。
29 At sumumpa ang hari, at nagsabi, Buhay ang Panginoon, na tumubos ng aking kaluluwa sa lahat ng karalitaan,
君王起誓說:「救我脫離各種患難的上主永在!
30 Katotohanang kung paanong sumumpa ako sa iyo sa pangalan ng Panginoon, na Dios ng Israel, na sinasabi, Tunay na si Salomon na iyong anak ay maghahari pagkamatay ko, at siya'y uupo sa aking luklukan na kahalili ko; katotohanang gayon ang aking gagawin sa araw na ito.
我既然曾指著上主以色列的天主向你起誓說:你的兒子撒羅滿必要繼我為王,代我坐上我的寶座:今天我就要這樣作。」
31 Nang magkagayo'y iniyukod ni Bath-sheba ang kaniyang mukha sa lupa, at nagbigay galang sa hari, at nagsabi, Mabuhay ang aking panginoon na haring si David magpakailan man.
巴特舍巴遂俯伏在地,叩拜君王說:「願我主大王韃味萬歲! 」撒羅滿登極為王
32 At sinabi ng haring si David, Tawagin ninyo sa akin si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada. At sila'y pumasok sa harap ng hari.
韃味王接著說:「將司祭匝多克、先知納堂、約雅韃的兒子貝納雅,給我召來。」他們都來到君王面前。
33 At sinabi ng hari sa kanila, Ipagsama ninyo ang mga lingkod ng inyong panginoon, at pasakayin ninyo ang aking anak na si Salomon sa aking sariling mula, at ilusong ninyo siya sa Gihon.
君王對他們說:「率領你們主子的僕人,立刻叫我兒撒羅滿騎上我自己的騾子,護送他下到基紅去。
34 At pahiran siya ng langis doon ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta na maging hari sa Israel: at kayo'y magsihihip ng pakakak, at magsipagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
司祭匝多克和先知納堂要在那裏給他傅油,立他為以色列王。你們要吹號歡呼說:撒羅滿王萬歲!
35 Kung magkagayo'y magsisiahon kayong kasunod niya, at siya'y paririto, at uupo sa aking luklukan: sapagka't siya'y magiging hari, na kahalili ko: at inihalal ko siyang maging prinsipe sa Israel at sa Juda.
以後,你們跟他上來,他要來坐在我的寶座,繼位為王,因為我已欽定他作以色列和猶大的領袖。」
36 At si Benaia na anak ni Joiada ay sumagot sa hari, at nagsabi, Siya nawa: ang Panginoon, ang Dios ng aking panginoon na hari ay magsabi nawa ng ganyan din.
約雅達的兒子貝納雅回答君王說:「但願如此! 願我主大王的上主天主,如此照准!
37 Kung paanong ang Panginoon ay sumaaking panginoon na hari ay gayon suma kay Salomon at gawin nawa ang kaniyang luklukang lalong dakila kay sa luklukan ng aking panginoong haring si David.
上主如何與我主大王同在,也願他與撒羅滿同在! 使他的王位高於我主君王達味的王位。」
38 Sa gayo'y si Sadoc na saserdote at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo, at ang mga Peletheo ay nagsibaba, at pinasakay si Salomon sa mula ng haring si David, at dinala sa Gihon.
於是司祭匝多克、先知納堂、約雅達的兒子貝納雅、革勒提人和培肋提人下去,叫撒羅滿騎上達味王的騾子,護送他到了基紅。
39 At kinuha ni Sadoc na saserdote ang sisidlang sungay ng langis mula sa Tolda, at pinahiran ng langis si Salomon. At sila'y humihip ng pakakak; at ang buong bayan ay nagsabi, Mabuhay ang haring si Salomon.
司祭匝多克從會幕裏取過油角來,給撒羅滿傅了油,人們立即吹號,眾百姓一起歡呼說:「撒羅滿王萬歲!」
40 At ang buong bayan ay nagsiahong kasunod niya, at ang bayan ay humihip ng mga plauta, at nangagalak ng malaking pagkagalak, anopa't ang lupa ay umalingawngaw sa hugong nila.
以後,所有的人民擁護他上去,吹著笛子,盡情歡喜,以致大地也因他們的歡呼聲而震動了。阿多尼雅的黨羽瓦解
41 At narinig ni Adonia at ng buong inanyayahan na nasa kaniya pagkatapos nilang makakain. At nang marinig ni Joab ang tunog ng pakakak, ay kaniyang sinabi, Anong dahil nitong hugong sa bayan na kaingay?
阿多尼雅和他所請的一切客人歡宴剛完,都聽見了這聲音;約阿布一聽見號聲,便問說﹕「為什麼城中這樣鼓譟﹖」
42 Samantalang siya'y nagsasalita pa, narito, si Jonathan na anak ni Abiathar na saserdote ay dumating at si Adonia ay nagsabi, Pumasok ka; sapagka't ikaw ay karapatdapat na tao, at nagdadala ka ng mabubuting balita.
他正說話的時候,司祭厄貝雅塔爾的兒子約納堂來了,阿多尼雅說﹕「進來,你是個英雄好漢,想必帶來了好消息! 」
43 At si Jonathan ay sumagot, at nagsabi kay Adonia, Katotohanang ginawang hari si Salomon ng ating panginoong haring si David:
約納堂回答阿多尼雅說﹕「不! 我們的主上達味王已立撒羅滿為王了。
44 At sinugo ng hari na kasama niya si Sadoc na saserdote, at si Nathan na propeta, at si Benaia na anak ni Joiada, at ang mga Ceretheo at ang mga Peletheo at pinasakay nila siya sa mula ng hari:
君王派司祭匝多克、先知納堂、約雅達的兒子貝納雅、革勒提人和培肋提人,護送他下去,叫他騎上了君王的騾子。
45 At siya'y pinapaging hari na pinahiran ng langis ni Sadoc na saserdote at ni Nathan na propeta sa Gihon: at sila'y nagsiahong galak mula roon, na anopa't ang bayan ay umalingawngaw uli. Ito ang hugong na iyong narinig.
司祭匝多克和先知納堂已在基紅給他傅了油,立他為王。現在他們正從那裏歡呼上來,震動了全城﹕這就是你們聽到的喧嚷聲。
46 At si Salomon naman ay nauupo sa luklukan ng kaharian.
撒羅滿現已坐上了君王的寶座,
47 At bukod dito'y ang mga lingkod ng hari ay nagsiparoon upang purihin ang ating panginoong haring si David, na nagsisipagsabi, Gawin nawa ng iyong Dios ang pangalan ni Salomon na lalong maigi kay sa iyong pangalan, at gawin ang kaniyang luklukan na lalong dakila kay sa iyong luklukan; at ang hari ay yumukod sa kaniyang higaan.
君王的臣僕都來祝賀我們的主上達味王說﹕願你的天主使撒羅滿的名聲比你的名聲更榮耀,使他的王位比你的王位更興隆! 君王就伏在床上下拜,
48 At ganito pa ang sinabi ng hari, Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang nagbigay sa akin ng isa na makakaupo sa aking luklukan sa araw na ito, na nakita ng aking mga mata.
且說﹕上主以色列的天主應受讚美! 因為今天他指派了一個人坐上了我的寶座,我也親自眼看見了。」
49 At ang lahat na inanyayahan ni Adonia ay nangatakot at nagsitindig, at yumaon bawa't isa sa kaniyang lakad.
阿多尼雅請來的客人都害了怕,起來各自走了。
50 At natakot si Adonia dahil kay Salomon: at siya'y tumindig at yumaon, at pumigil sa mga anyong sungay ng dambana.
阿多尼雅也害怕撒羅滿,遂起來跑到上主的會幕內,抱住祭壇的角。
51 At nasaysay kay Salomon na sinasabi, Narito, si Adonia ay natatakot sa haring Salomon: sapagka't, narito, siya'y pumigil sa mga anyong sungay ng dambana, na nagsasabi, Isumpa ng haring Salomon sa akin sa araw na ito, na hindi niya papatayin ng tabak ang kaniyang lingkod.
有人告訴撒羅滿說﹕「看,阿多尼雅害怕撒羅滿王,抱住祭壇的角說﹕撒羅滿王先得向我起誓﹕決不用刀殺死他的僕人。」
52 At sinabi ni Salomon, Kung siya'y pakikilalang karapatdapat na tao, ay walang malalaglag na isang buhok sa kaniya sa lupa; nguni't kung kasamaan ang masumpungan sa kaniya siya'y mamamatay.
撒羅滿說:「如果他肯做一個忠義的人,他的一根頭髮也不會落在地上;但如果發現他有什麼不對,必死無疑。」
53 Sa gayo'y nagsugo ang haring Salomon, at kanilang ibinaba siya mula sa dambana. At siya'y naparoon at nagbigay galang sa haring Salomon; at sinabi ni Salomon sa kaniya, Umuwi ka sa iyong bahay.
撒羅滿王遂派人去,叫他從祭壇上下來;他便前來,俯伏在撒羅滿王前。撒羅滿對他說﹕「你回家去罷! 」