< 1 Mga Hari 22 >

1 At sila'y nagpatuloy na tatlong taon na walang pagdidigma ang Siria at ang Israel.
וישבו שלש שנים אין מלחמה בין ארם ובין ישראל
2 At nangyari, nang ikatlong taon, na binaba ni Josaphat na hari sa Juda ang hari sa Israel.
ויהי בשנה השלישית וירד יהושפט מלך יהודה אל מלך ישראל
3 At sinabi ng hari sa Israel sa kaniyang mga lingkod, Di ba talastas ninyo na ang Ramoth-galaad ay atin, at tayo'y tatahimik, at hindi natin aagawin sa kamay ng hari sa Siria?
ויאמר מלך ישראל אל עבדיו הידעתם כי לנו רמת גלעד ואנחנו מחשים--מקחת אתה מיד מלך ארם
4 At sinabi niya kay Josaphat, Sasama ka ba sa akin sa pagbabaka sa Ramoth-galaad? At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Ako'y gaya mo, ang aking bayan ay gaya ng iyong bayan, ang aking mga kabayo ay gaya ng iyong mga kabayo.
ויאמר אל יהושפט התלך אתי למלחמה רמת גלעד ויאמר יהושפט אל מלך ישראל כמוני כמוך כעמי כעמך כסוסי כסוסיך
5 At sinabi ni Josaphat sa hari sa Israel, Sumangguni ka, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon ngayon.
ויאמר יהושפט אל מלך ישראל דרש נא כיום את דבר יהוה
6 Nang magkagayo'y pinisan ng hari sa Israel ang mga propeta na may apat na raang lalake, at nagsabi sa kanila, Yayaon ba akong laban sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong ako? At sinabi nila, Umahon ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.
ויקבץ מלך ישראל את הנביאים כארבע מאות איש ויאמר אלהם האלך על רמת גלעד למלחמה אם אחדל ויאמרו עלה ויתן אדני ביד המלך
7 Nguni't sinabi ni Josaphat, Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon upang makapagusisa tayo sa kaniya?
ויאמר יהושפט האין פה נביא ליהוה עוד ונדרשה מאתו
8 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon, si Micheas na anak ni Imla: nguni't kinapopootan ko siya; sapagka't hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan. At sinabi ni Josaphat: Huwag sabihing gayon ng hari.
ויאמר מלך ישראל אל יהושפט עוד איש אחד לדרש את יהוה מאתו ואני שנאתיו כי לא יתנבא עלי טוב כי אם רע--מיכיהו בן ימלה ויאמר יהושפט אל יאמר המלך כן
9 Nang magkagayo'y tumawag ang hari sa Israel ng isang punong kawal, at nagsabi, Dalhin mo ritong madali si Micheas na anak ni Imla.
ויקרא מלך ישראל אל סריס אחד ויאמר מהרה מיכיהו בן ימלה
10 Ang hari nga sa Israel at si Josaphat na hari sa Juda, ay nagsiupo kapuwa sa kanikaniyang luklukan, na nakapanamit hari sa isang hayag na dako sa pasukan ng pintuang-bayan ng Samaria; at ang lahat na propeta ay nagsipanghula sa harap nila.
ומלך ישראל ויהושפט מלך יהודה ישבים איש על כסאו מלבשים בגדים בגרן פתח שער שמרון וכל הנביאים--מתנבאים לפניהם
11 At si Sedechias na anak ni Chanaana ay gumawa ng mga sungay na bakal, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa pamamagitan ng mga ito ay iyong itutulak ang mga taga Siria hanggang sa mangalipol.
ויעש לו צדקיה בן כנענה קרני ברזל ויאמר כה אמר יהוה באלה תנגח את ארם עד כלתם
12 At ang lahat na propeta ay nagsisipanghulang gayon, na nagsisipagsabi, Umahon ka sa Ramoth-galaad, at guminhawa ka: sapagka't ibibigay ng Panginoon sa kamay ng hari.
וכל הנבאים--נבאים כן לאמר עלה רמת גלעד והצלח ונתן יהוה ביד המלך
13 At ang sugo na yumaong tumawag kay Micheas ay nagsalita sa kaniya, na nagsasabi, Narito ngayon, ang mga salita ng mga propeta ay mabuti sa hari na magkakaisa: isinasamo ko sa iyo na ang iyong bibig ay maging gaya ng isa sa kanila, at magsalita ka ng mabuti.
והמלאך אשר הלך לקרא מיכיהו דבר אליו לאמר הנה נא דברי הנביאים פה אחד טוב אל המלך יהי נא דבריך (דברך) כדבר אחד מהם--ודברת טוב
14 At sinabi ni Micheas, Buhay ang Panginoon kung ano ang sabihin ng Panginoon sa akin, yaon ang aking sasalitain.
ויאמר מיכיהו חי יהוה--כי את אשר יאמר יהוה אלי אתו אדבר
15 At nang siya'y dumating sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, Micheas, paroroon ba kami sa Ramoth-galaad upang bumaka, o uurong kami? At kaniyang isinagot sa kaniya, Ikaw ay yumaon, at guminhawa; at ibibigay ng Panginoon yaon sa kamay ng hari.
ויבוא אל המלך ויאמר המלך אליו מיכיהו הנלך אל רמת גלעד למלחמה אם נחדל ויאמר אליו עלה והצלח ונתן יהוה ביד המלך
16 At sinabi ng hari sa kaniya, Makailang manunumpa ako sa iyo, na ikaw ay huwag magsalita ng anoman sa akin, kundi ng katotohanan sa pangalan ng Panginoon?
ויאמר אליו המלך עד כמה פעמים אני משביעך אשר לא תדבר אלי רק אמת--בשם יהוה
17 At kaniyang sinabi, Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok, na gaya ng mga tupa na walang pastor: at sinabi ng Panginoon, Ang mga ito ay walang panginoon; umuwi ang bawa't lalake sa kaniyang bahay na payapa.
ויאמר ראיתי את כל ישראל נפצים אל ההרים כצאן אשר אין להם רעה ויאמר יהוה לא אדנים לאלה ישובו איש לביתו בשלום
18 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Di ba isinaysay ko sa iyo na siya'y hindi manghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi ng kasamaan?
ויאמר מלך ישראל אל יהושפט הלוא אמרתי אליך לוא יתנבא עלי טוב כי אם רע
19 At sinabi ni Micheas, Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon: Aking nakita ang Panginoon na nakaupo sa kaniyang luklukan, at ang buong hukbo ng langit ay nakatayo sa siping niya sa kaniyang kanan at sa kaniyang kaliwa.
ויאמר לכן שמע דבר יהוה ראיתי את יהוה ישב על כסאו וכל צבא השמים עמד עליו מימינו ומשמאלו
20 At sinabi ng Panginoon, Sinong dadaya kay Achab, upang siya'y umahon at mabuwal sa Ramoth-galaad? At ang isa'y nagsalita ng ganitong paraan; at ang iba'y nagsalita ng gayong paraan.
ויאמר יהוה מי יפתה את אחאב ויעל ויפל ברמת גלעד ויאמר זה בכה וזה אמר בכה
21 At lumabas ang isang espiritu at tumayo sa harap ng Panginoon, at nagsabi, Aking dadayain siya.
ויצא הרוח ויעמד לפני יהוה ויאמר אני אפתנו ויאמר יהוה אליו במה
22 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Paano? At kaniyang sinabi, Ako'y lalabas, at magiging magdarayang espiritu sa bibig ng lahat niyang mga propeta. At kaniyang sinabi, Iyong dadayain siya, at mananaig ka rin: lumabas ka, at gawin mong gayon.
ויאמר אצא והייתי רוח שקר בפי כל נביאיו ויאמר תפתה וגם תוכל--צא ועשה כן
23 Ngayon nga, narito, inilagay ng Panginoon ang magdarayang espiritu sa bibig ng lahat ng iyong mga propetang ito: at ang Panginoon ay nagsalita ng kasamaan tungkol sa iyo.
ועתה הנה נתן יהוה רוח שקר בפי כל נביאיך אלה ויהוה דבר עליך רעה
24 Nang magkagayo'y lumapit si Sedechias na anak ni Chanaana, at sinampal si Micheas, at sinabi, Saan nagdaan ang Espiritu ng Panginoon na mula sa akin, upang magsalita sa iyo?
ויגש צדקיהו בן כנענה ויכה את מיכיהו על הלחי ויאמר אי זה עבר רוח יהוה מאתי לדבר אותך
25 At sinabi ni Micheas, Narito, iyong makikita sa araw na yaon pagka ikaw ay papasok sa pinakaloob na silid upang magkubli.
ויאמר מיכיהו הנך ראה ביום ההוא אשר תבא חדר בחדר להחבה
26 At sinabi ng hari sa Israel, Kunin mo si Micheas, at ibalik mo kay Amon na tagapamahala ng bayan, at kay Joas na anak ng hari;
ויאמר מלך ישראל קח את מיכיהו והשיבהו אל אמן שר העיר ואל יואש בן המלך
27 At iyong sabihin, Ganito ang sabi ng hari, Ilagay ninyo ang taong ito sa bilangguan, at pakanin ninyo siya ng tinapay ng kadalamhatian at ng tubig ng kadalamhatian hanggang sa ako'y dumating na payapa.
ואמרת כה אמר המלך שימו את זה בית הכלא והאכלהו לחם לחץ ומים לחץ עד באי בשלום
28 At sinabi ni Micheas, Kung ikaw ay bumalik sa anomang paraan na payapa, ang Panginoon ay hindi nagsalita sa pamamagitan ko. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, ninyong mga bayan, ninyong lahat.
ויאמר מיכיהו--אם שוב תשוב בשלום לא דבר יהוה בי ויאמר שמעו עמים כלם
29 Sa gayo'y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramoth-galaad.
ויעל מלך ישראל ויהושפט מלך יהודה רמת גלעד
30 At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, Ako'y magpapakunwaring iba, at paroroon sa pagbabaka; nguni't ikaw ay magsuot ng iyong mga balabal-hari. At ang hari ng Israel ay nagpakunwaring iba, at naparoon sa pagbabaka.
ויאמר מלך ישראל אל יהושפט התחפש ובא במלחמה ואתה לבש בגדיך ויתחפש מלך ישראל ויבוא במלחמה
31 Ang hari nga ng Siria ay nagutos sa tatlong pu't dalawang punong kawal ng kaniyang mga karo, na nagsasabi, Huwag kayong magsilaban kahit sa maliit o sa malaki man, liban lamang sa hari sa Israel.
ומלך ארם צוה את שרי הרכב אשר לו שלשים ושנים לאמר לא תלחמו את קטן ואת גדול כי אם את מלך ישראל לבדו
32 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo si Josaphat na kanilang sinabi, Walang pagsalang hari sa Israel; at sila'y nagsibalik upang magsilaban sa kaniya: at si Josaphat ay humiyaw.
ויהי כראות שרי הרכב את יהושפט והמה אמרו אך מלך ישראל הוא ויסרו עליו להלחם ויזעק יהושפט
33 At nangyari, nang makita ng mga punong kawal ng mga karo na hindi siyang hari sa Israel, na sila'y humiwalay ng paghabol sa kaniya.
ויהי כראות שרי הרכב כי לא מלך ישראל הוא וישובו מאחריו
34 At inihilagpos ng isang lalake ang kaniyang pana sa pagbabakasakali, at tinamaan ang hari sa Israel sa pagitan ng mga pagkakasugpong ng sakbat; kaya't kaniyang sinabi sa nagpapatakbo ng kaniyang karo, Ipihit mo ang iyong kamay, at ihiwalay mo ako sa hukbo; sapagka't ako'y nasugatan ng malubha.
ואיש משך בקשת לתמו ויכה את מלך ישראל בין הדבקים ובין השרין ויאמר לרכבו הפך ידך והוציאני מן המחנה--כי החליתי
35 At ang pagbabaka ay lumala nang araw na yaon; at ang hari ay natigil sa kaniyang karo sa harap ng mga taga Siria, at namatay sa kinahapunan: at ang dugo ay bumuluwak sa sugat sa pinakaloob ng karo.
ותעלה המלחמה ביום ההוא והמלך היה מעמד במרכבה נכח ארם וימת בערב ויצק דם המכה אל חיק הרכב
36 At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw, na nagsasabi, Bawa't lalake ay sa kaniyang bayan, at bawa't lalake ay sa kaniyang lupain.
ויעבר הרנה במחנה כבא השמש לאמר איש אל עירו ואיש אל ארצו
37 Sa gayo'y namatay ang hari at dinala sa Samaria; at kanilang inilibing ang hari sa Samaria.
וימת המלך ויבוא שמרון ויקברו את המלך בשמרון
38 At kanilang hinugasan ang karo sa tabi ng tangke ng Samaria; at hinimuran ng mga aso ang kaniyang dugo (ang mga masamang babae nga ay nagsipaligo roon; ) ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita.
וישטף את הרכב על ברכת שמרון וילקו הכלבים את דמו והזנות רחצו--כדבר יהוה אשר דבר
39 Ang iba nga sa mga gawa ni Achab, at ang lahat niyang ginawa, at ang bahay na garing na kaniyang itinayo, at ang lahat na bayan na kaniyang itinayo, di ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel?
ויתר דברי אחאב וכל אשר עשה ובית השן אשר בנה וכל הערים אשר בנה הלוא הם כתובים על ספר דברי הימים--למלכי ישראל
40 Sa gayo'y natulog si Achab na kasama ng kaniyang mga magulang; at si Ochozias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
וישכב אחאב עם אבתיו וימלך אחזיהו בנו תחתיו
41 At si Josaphat na anak ni Asa ay nagpasimulang maghari sa Juda, nang ikaapat na taon ni Achab na hari sa Israel.
ויהושפט בן אסא מלך על יהודה--בשנת ארבע לאחאב מלך ישראל
42 Si Josaphat ay tatlong pu't limang taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem. At ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silai.
יהושפט בן שלשים וחמש שנה במלכו ועשרים וחמש שנה מלך בירושלם ושם אמו עזובה בת שלחי
43 At siya'y lumakad ng buong lakad ni Asa na kaniyang ama; hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa mga mata ng Panginoon: gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ang bayan ay nagpatuloy na naghahain, at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.
וילך בכל דרך אסא אביו--לא סר ממנו לעשות הישר בעיני יהוה מד אך הבמות לא סרו עוד העם מזבחים ומקטרים בבמות
44 At si Josaphat ay nakipagpayapaan sa hari ng Israel.
וישלם יהושפט עם מלך ישראל
45 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, at ang kaniyang kapangyarihan na kaniyang ipinakita, at kung paanong siya'y nakidigma, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
ויתר דברי יהושפט וגבורתו אשר עשה ואשר נלחם הלא הם כתובים על ספר דברי הימים--למלכי יהודה
46 At ang nangalabi sa mga sodomita na nangalabi sa mga kaarawan ng kaniyang ama na si Asa, ay pinaalis niya sa lupain.
ויתר הקדש אשר נשאר בימי אסא אביו--בער מן הארץ
47 At walang hari sa Edom: isang kinatawan ay hari.
ומלך אין באדום נצב מלך
48 Si Josaphat ay gumawa ng mga sasakyang dagat sa Tharsis, upang pumaroon sa Ophir dahil sa ginto: nguni't hindi sila nagsiparoon; sapagka't ang mga sasakyan ay nangasira sa Ezion-geber.
יהושפט עשר (עשה) אניות תרשיש ללכת אפירה לזהב--ולא הלך כי נשברה (נשברו) אניות בעציון גבר
49 Nang magkagayo'y sinabi ni Ochozias na anak ni Achab kay Josaphat, Magsiyaon ang aking mga lingkod na kasama ng iyong mga lingkod sa mga sasakyan. Nguni't tumanggi si Josaphat.
אז אמר אחזיהו בן אחאב אל יהושפט ילכו עבדי עם עבדיך באניות ולא אבה יהושפט
50 At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David na kaniyang magulang: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
וישכב יהושפט עם אבתיו ויקבר עם אבתיו בעיר דוד אביו וימלך יהורם בנו תחתיו
51 Si Ochozias na anak ni Achab ay nagpasimulang maghari sa Israel sa Samaria, nang ikalabing pitong taon ni Josaphat na hari sa Juda, at siya'y nagharing dalawang taon sa Israel.
אחזיהו בן אחאב מלך על ישראל בשמרון בשנת שבע עשרה ליהושפט מלך יהודה וימלך על ישראל שנתים
52 At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, at lumakad sa lakad ng kaniyang ama, at sa lakad ng kaniyang ina, at sa lakad ni Jeroboam na anak ni Nabat, na ipinagkasala niya sa Israel.
ויעש הרע בעיני יהוה וילך בדרך אביו ובדרך אמו ובדרך ירבעם בן נבט אשר החטיא את ישראל
53 At siya'y naglingkod kay Baal, at sumamba sa kaniya, at minungkahi sa galit ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang ama.
ויעבד את הבעל וישתחוה לו ויכעס את יהוה אלהי ישראל ככל אשר עשה אביו

< 1 Mga Hari 22 >