< 1 Mga Hari 21 >
1 At nangyari, pagkatapos ng mga bagay na ito, na si Naboth na Jezreelita ay mayroong isang ubasan na nasa Jezreel, na malapit sa bahay ni Achab na hari ng Samaria.
Na ɔbarima bi a wɔfrɛ no Nabot a ɔfiri Yesreel wɔ bobeturo bi a ɛbɛn Samariahene Ahab ahemfie.
2 At sinalita ni Achab kay Naboth, na sinabi, Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan, upang aking tangkilikin na pinaka halamanang pananim, sapagka't malapit sa aking bahay; at aking ipapalit sa iyo na kahalili niyaon ang isang mainam na ubasan kay sa roon; o kung inaakala mong mabuti, aking ibibigay sa iyo ang halaga niyaon na salapi.
Ahab ka kyerɛɛ Nabot sɛ, “Fa wo bobeturo no ma me, na memfa asase no nyɛ atosodeɛfuo, ɛfiri sɛ, ɛbɛn mʼahemfie pɛɛ. Sɛ wopene so de ma me a, mɛma wo bobeturo papa, na sɛ nso wopɛ a, ɛboɔ biara a asase no die no, mɛtua.”
3 At sinabi ni Naboth kay Achab, Huwag itulot ng Panginoon sa akin, na aking ibigay ang mana sa aking mga magulang sa iyo.
Nanso, Nabot buaa sɛ, “Awurade mma ɛmpare me sɛ mede mʼagyanom agyapadeɛ bɛma wo.”
4 At pumasok si Achab sa kaniyang bahay na yamot at lunos dahil sa salita na sinalita ni Naboth na Jezreelita sa kaniya: sapagka't kaniyang sinabi, Hindi ko ibibigay sa iyo ang mana sa aking mga magulang. At siya'y nahiga sa kaniyang higaan, at ipinihit ang kaniyang mukha, at ayaw kumain ng tinapay.
Enti, Ahab sane kɔɔ ahemfie hɔ a ne bo afu ne ho pɔtɔɔ. Ɔkɔdaeɛ a wannidie, de nʼanim kyerɛɛ fasuo.
5 Nguni't si Jezabel na kaniyang asawa ay naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, Bakit ang iyong diwa ay totoong malungkot na hindi ka kumakain ng tinapay?
Ne yere Isebel bɛbisaa no sɛ, “Adɛn enti na woayɛ bosaa saa? Adɛn enti na wompɛ sɛ wodidie?”
6 At sinabi niya sa kaniya, Sapagka't nagsalita ako kay Naboth na Jezreelita, at nagsabi sa kaniya, Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan sa kahalagahang salapi; o kung dili, kung iyong minamabuti, papalitan ko sa iyo ng ibang ubasan: at siya'y sumagot, Hindi ko ibibigay sa iyo ang aking ubasan.
Ɔbuaa no sɛ, “Meka kyerɛɛ Nabot, Yesreelni no sɛ, ɔntɔn ne bobeturo no mma me anaasɛ, mɛma no bi ahyɛ anan, nanso wampene.”
7 At sinabi ni Jezabel na kaniyang asawa sa kaniya, Ikaw ba ngayon ang namamahala sa kaharian ng Israel? ikaw ay bumangon, at kumain ng tinapay, at pasayahin mo ang iyong puso: aking ibibigay sa iyo ang ubasan ni Naboth na Jezreelita.
Ne yere Isebel bisaa sɛ, “Wonyɛ Israelhene anaa? Sɔre na didi! Mma yei nha wo. Mɛgye Nabot bobeturo no ama wo!”
8 Sa gayo'y sumulat siya ng mga sulat sa pangalan ni Achab, at pinagtatakan ng kaniyang tatak; at ipinadala ang mga sulat sa mga matanda at sa mga maginoo na nangasa kaniyang bayan, at nagsisitahang kasama ni Naboth.
Na Isebel twerɛɛ nkrataa wɔ Ahab din mu, de ne nsɔano sɔɔ ano, de kɔmaa mpanimfoɔ ne akunini a wɔne Nabot te kuropɔn no mu no.
9 At kaniyang isinulat sa mga sulat, na sinasabi, Mangagtanyag kayo ng isang ayuno at ilagay ninyo si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan:
Krataa no mu nsɛm ne sɛ: “Yi ɛda bi to hɔ a wɔde bɛyɛ akɔnkyene, na ma Nabot ntena animuonyambea wɔ nnipa no mu.
10 At lumagay ang dalawang lalake na mga hamak na tao sa harap niya, at mangagsisaksi laban sa kaniya, na magsipagsabi, Ikaw ay namusong sa Dios at sa hari. At ilabas nga siya, at batuhin siya upang siya'y mamatay.
Monhwehwɛ ahuhufoɔ baanu na wɔmmɔ no kwaadu sɛ, wadome Onyankopɔn ne ɔhene. Na afei, momfa no mfiri adi, nkɔsi no aboɔ nku no.”
11 At ginawa ng mga tao sa kaniyang bayan, sa makatuwid baga'y ng mga matanda at ng mga maginoo na nagsisitahan sa kaniyang bayan, kung ano ang ipinagutos ni Jezabel sa kanila, ayon sa nangasusulat sa mga sulat na kaniyang ipinadala sa kanila.
Enti, mpanimfoɔ ne atitire a wɔte Nabot kuro no mu no yɛɛ deɛ Isebel kaa wɔ nkrataa no mu sɛ wɔnyɛ no.
12 Sila'y nangagtanyag ng isang ayuno, at inilagay si Naboth sa pangulo na kasamahan ng bayan.
Wɔhyɛɛ akɔnkyene no ase, de Nabot tenaa animuonyambea wɔ nnipa no mu.
13 At ang dalawang lalake na mga hamak na tao ay nagsipasok at nagsiupo sa harap niya: at ang mga lalake na hamak ay nagsisaksi laban sa kaniya, sa makatuwid baga'y laban kay Naboth sa harap ng bayan, na nagsisipagsabi, Si Naboth ay namusong sa Dios at sa hari. Nang magkagayo'y inilabas nila sa bayan, at binato nila siya ng mga bato, na anopa't siya'y namatay.
Na ahuhufoɔ baanu no bɛbɔɔ Nabot kwaadu wɔ nnipa no anim sɛ, wadome Onyankopɔn ne ɔhene. Enti, wɔde no kɔɔ kurotia, kɔsii no aboɔ kumm no.
14 Nang magkagayo'y sila'y nagsipagsugo kay Jezabel, na nagsisipagsabi, Si Naboth ay pinagbatuhanan, at patay.
Na wɔsoma kɔɔ Isebel nkyɛn, kɔka kyerɛɛ no sɛ, “Wɔasi Nabot aboɔ, ama wawu.”
15 At nangyari, nang mabalitaan ni Jezabel na si Naboth ay pinagbatuhanan, at patay, na sinabi ni Jezabel kay Achab, Ikaw ay bumangon, ariin mo ang ubasan ni Naboth, na Jezreelita na kaniyang ipinagkait na ibigay sa iyo sa halaga ng salapi: sapagka't si Naboth ay hindi buhay, kundi patay.
Ɛberɛ a Isebel tee sɛ wɔasi Nabot aboɔ, akum no no ara pɛ, ɔka kyerɛɛ Ahab sɛ, “Sɔre na kɔfa Nabot, Yesreelni no bobeturo no a ɔde kamee wo sɛ ɔrentɔn mma wo no. Ɔnte ase bio, na wawu.”
16 At nangyari, nang mabalitaan ni Achab na patay si Naboth, na bumangon si Achab na bumaba sa ubasan ni Naboth na Jezreelita, upang ariin.
Enti ɛhɔ ara, Ahab siane kɔfaa Nabot bobeturo no.
17 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na nagsabi,
Ɛnna Awurade asɛm baa Tisbini Elia hɔ sɛ,
18 Bumangon ka, panaugin mong salubungin si Achab na hari ng Israel, na tumatahan sa Samaria: narito, siya'y nasa ubasan ni Naboth na kaniyang pinapanaog upang ariin.
“Kɔ na kɔhyia Israelhene Ahab a ɔdi Samaria so no. Seesei ara ɔwɔ Nabot bobeturo no mu a ɔrebɛfa.
19 At iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Iyo bang pinatay at iyo rin namang inari? at iyong sasalitain sa kaniya, na sasabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Sa dakong pinaghimuran ng mga aso ng dugo ni Naboth ay hihimuran ng mga aso ang iyong dugo, sa makatuwid baga'y ang iyong dugo.
Ka kyerɛ no sɛ, sei na Awurade ka: ‘Ɛnnɔɔso sɛ wokum Nabot? Ɛsɛ sɛ wobɔ no korɔno nso? Deɛ woayɛ yi enti beaeɛ a nkraman taferee Nabot mogya no, ɛhɔ ara na nkraman bɛtafere wo mogya, aane, wʼankasa wo mogya!’”
20 At sinabi ni Achab kay Elias, Nasumpungan mo ba ako, Oh aking kaaway? At sumagot siya, Nasumpungan kita: sapagka't ikaw ay napabili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.
Ahab ka kyerɛɛ Elia sɛ, “Woahunu me, me ɔtamfoɔ.” Ɔbuaa sɛ, “Aane maba bio ɛfiri sɛ, woatɔn wo ho ama ɔbɔnefoɔ no wɔ Awurade ani so.
21 Narito, aking dadalhan ng kasamaan ka, at aking lubos na papalisin ka, at aking ihihiwalay kay Achab ang bawa't anak na lalake, at ang nakukulong at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel.
‘Mede ɔhaw ne abɛbrɛsɛ bɛbrɛ wo. Mɛhye wʼasefoɔ nyinaa, na matwa ɔbarima a ɔtwa toɔ koraa wɔ Israel, sɛ ɔyɛ akoa anaa ɔdehyeɛ, afiri Ahab ho.
22 At aking gagawin ang iyong sangbahayan na gaya ng sangbahayan ni Jeroboam na anak ni Nabat, at gaya ng sangbahayan ni Baasa na anak ni Ahia, dahil sa pamumungkahi na iyong iminungkahi sa akin sa galit, at iyong pinapagkasala ang Israel.
Mɛma wo fie ayɛ sɛ Nebat babarima Yeroboam ne Ahiya babarima Baasa afie, ɛfiri sɛ, woahyɛ me abufuo ama Israel ayɛ bɔne!’
23 At tungkol kay Jezabel ay nagsalita naman ang Panginoon, na nagsabi, Lalapain ng mga aso si Jezabel sa tabi ng kuta ng Jezreel.
“Na ɛfa Isebel ho nso no, Awurade ka sɛ, Yesreel nkraman bɛwe ne ɛnam wɔ kuropɔn no afasuo ho.
24 Ang mamatay kay Achab sa bayan ay lalapain ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay tutukain ng mga ibon sa himpapawid.
“Wɔn a na wɔwɔ Ahab afa a wɔwuwuu wɔ kuro no mu no nso, nkraman bɛwe wɔn ɛnam, na apete nso asosɔ wɔn a wɔwuwuu wɔ wiram no ɛnam.”
25 (Nguni't walang gaya ni Achab na nagbili ng kaniyang sarili upang gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, na hinikayat ni Jezabel na kaniyang asawa.
(Obiara nni hɔ a ɔtɔn ne ho maa bɔne wɔ Awurade ani so, sɛdeɛ Ahab yɛeɛ no, ɛfiri sɛ, ne yere Isebel tuu no fo bɔne.
26 At siya'y gumawa ng totoong karumaldumal sa pagsunod sa mga diosdiosan, ayon sa lahat na ginawa ng mga Amorrheo, na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel.)
Ɔyɛɛ bɔne ara, kɔsii sɛ ɔkɔɔ ahoni so, te sɛ Amorifoɔ a Awurade pamoo wɔn wɔ Israelfoɔ anim no).
27 At nangyari, nang marinig ni Achab ang mga salitang yaon, na kaniyang hinapak ang kaniyang mga damit, at nagsuot ng kayong magaspang sa kaniyang katawan, at nagayuno, at nahiga sa kayong magaspang, at lumakad ng marahan.
Ahab tee saa asɛm yi no, ɔsunsuanee ne ntadeɛ mu, firaa ayitoma, kyenee kɔm. Ɔfiraa ayitoma no saa de awerɛhoɔ a emu yɛ den kyinkyiniiɛ.
28 At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Elias na Thisbita, na sinabi,
Na Awurade asɛm baa Tisbini Elia hɔ sɛ,
29 Nakita mo ba kung paanong si Achab ay nagpakababa sa harap ko? sapagka't siya'y nagpakababa sa harap ko, hindi ko dadalhin ang kasamaan sa kaniyang mga kaarawan: kundi sa mga kaarawan ng kaniyang anak dadalhin ko ang kasamaan sa kaniyang sangbahayan.
“Woahunu sɛdeɛ Ahab brɛɛ ne ho ase wɔ mʼanim? Esiane sɛ ɔbrɛɛ ne ho ase enti, meremfa saa ɔhaw ne abɛbrɛsɛ yi a ɛwɔ hɔ ma no ɛnnɛ yi mmrɛ no. Ɛbɛba ne mmammarima so; mɛsɛe nʼasefoɔ nyinaa.”