< 1 Juan 5 >

1 Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios: at ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.
Todo aquelle que crê que Jesus é o Christo é nascido de Deus; e todo aquelle que ama ao que o gerou tambem ama ao que d'elle é nascido.
2 Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.
N'isto conhecemos que amamos os filhos de Deus, quando amamos a Deus e guardamos os seus mandamentos.
3 Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.
Porque esta é a caridade de Deus: que guardemos os seus mandamentos; e os seus mandamentos não são pesados.
4 Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.
Porque todo o que é nascido de Deus vence o mundo; e esta é a victoria que vence o mundo, a nossa fé.
5 At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios?
Quem é aquelle que vence o mundo, senão aquelle que crê que Jesus é o Filho de Deus?
6 Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.
Este é aquelle que veiu por agua e sangue, Jesus, o Christo: não só por agua, mas por agua e por sangue. E o Espirito é o que testifica, porque o Espirito é a verdade.
7 At ang Espiritu ang nagpapatotoo, sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.
Porque tres são os que testificam no céu: o Pae, a Palavra, e o Espirito Sancto; e estes tres são um
8 Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.
E tres são os que testificam na terra: o Espirito, e a agua, e o sangue; e estes tres concordam n'um.
9 Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
Se recebemos o testemunho dos homens, o testemunho de Deus é maior; porque é este o testemunho de Deus, que de seu Filho testificou.
10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.
Quem crê no Filho de Deus, em si mesmo tem o testemunho: quem a Deus não crê mentiroso o fez: porquanto não creu no testemunho que Deus de seu Filho deu
11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. (aiōnios g166)
E o testemunho é este: que Deus nos deu a vida eterna; e esta vida está em seu Filho. (aiōnios g166)
12 Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.
Quem tem o Filho tem a vida: quem não tem o Filho de Deus não tem a vida.
13 Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. (aiōnios g166)
Estas coisas vos escrevi, a vós que crêdes no nome do Filho de Deus, para que saibaes que tendes a vida eterna, e para que creiaes no nome do Filho de Deus. (aiōnios g166)
14 At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:
E esta é a confiança que temos para com elle, que, se pedirmos alguma coisa, segundo a sua vontade, elle nos ouve.
15 At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.
E, se sabemos que nos ouve em tudo o que pedimos, sabemos que alcançamos as petições que lhe pedimos.
16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.
Se alguem vir peccar seu irmão peccado que não é para morte, orará, e Deus dará a vida áquelles que não peccarem para morte. Ha peccado para morte, pelo qual não digo que ore
17 Lahat ng kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.
Toda a iniquidade é peccado: e ha peccado que não é para morte.
18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.
Sabemos que todo aquelle que é nascido de Deus não pecca; mas o que de Deus é gerado conserva-se a si mesmo, e o maligno não lhe toca.
19 Nalalaman natin na tayo'y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.
Sabemos que somos de Deus, e que todo o mundo jaz no maligno.
20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (aiōnios g166)
Porém sabemos que já o Filho de Deus é vindo, e nos deu entendimento para conhecermos o que é verdadeiro; e no que é verdadeiro estamos, em seu Filho Jesus Christo. Este é o verdadeiro Deus e a vida eterna. (aiōnios g166)
21 Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.
Filhinhos, guardae-vos dos idolos. Amen.

< 1 Juan 5 >