< 1 Mga Cronica 5 >

1 At ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel (sapagka't siya ang panganay; nguni't sa paraang kaniyang dinumhan ang higaan ng kaniyang ama, ang kaniyang pagkapanganay ay ibinigay sa mga anak ni Jose na anak ni Israel; at sa talaan ng lahi ay hindi marapat ibilang ayon sa pagkapanganay.
[勒烏本支派]以色列的長子勒烏本的子孫:─他雖是長子,但因他玷污了父親的床榻,他長子的權利已轉給了以色列的兒子若瑟的兩個兒子,不過後者在譜系上並沒有列為長子;
2 Sapagka't si Juda'y nanaig sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniya nanggaling ang pangulo; nguni't ang pagkapanganay ay kay Jose: )
長子的權利雖歸若瑟,但兄弟中猶大最為強盛,因為領袖由他而生。
3 Ang mga anak ni Ruben na panganay ni Israel: si Enoch, at si Phallu, at si Esron, at si Charmi.
以色列的長子勒烏本的兒子:哈諾客、帕路、赫茲龍和加爾米。
4 Ang mga anak ni Joel: si Semaias na kaniyang anak, si Gog na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak,
約厄耳的子孫:約厄耳的兒子舍瑪雅,舍瑪雅的兒子哥格,哥格的兒子史米,
5 Si Micha na kaniyang anak, si Recaia na kaniyang anak, si Baal na kaniyang anak,
史米的兒子米加,米加的兒子勒阿雅,勒阿雅的兒子巴耳,
6 Si Beera na kaniyang anak, na dinalang bihag ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria: siya'y prinsipe ng mga Rubenita.
巴耳的兒子貝厄辣;他為亞述王提革拉特丕肋色爾擄去;他是勒烏本人的族長。
7 At ang kaniyang mga kapatid ayon sa kanilang mga angkan nang bilangin sa talaan ng kanilang mga lahi; ang pinuno'y si Jeiel, at si Zacharias,
他的兄弟們按家族歷代的譜系,為族長的是耶厄耳、則加黎雅、
8 At si Bela, na anak ni Azaz, na anak ni Sema, na anak ni Joel, na tumatahan sa Aroer, hanggang sa Nebo at Baal-meon:
阿匝次的兒子貝拉;阿匝次是舍瑪的兒子,舍瑪是約厄耳的兒子。勒烏本居住在阿洛厄爾,直到乃波和巴耳默紅一帶,
9 At sa dakong silanganan ay tumahan hanggang sa pasukan sa ilang na mula sa ilog Eufrates, sapagka't ang kanilang mga hayop ay dumami sa lupain ng Galaad.
向東延至幼發拉的河岸曠野邊,因為他在基勒阿得地方有大批的牲畜。
10 At sa mga kaarawan ni Saul ay nakipagdigma sila sa mga Hagreo, na nangahulog sa kanilang kamay; at sila'y nagsitahan sa kanilang mga tolda sa buong lupaing silanganan ng Galaad.
在撒烏耳時代,他們同哈革爾人作戰,哈革爾人失敗,勒烏本子孫佔領了基肋阿得東部所有的地域,佔有他們的帳幕。[加得支派]
11 At ang mga anak ni Gad ay nagsitahan sa tapat nila, sa lupain ng Basan hanggang sa Salca:
加得的子孫靠近他們,住在巴商地方直到撒耳加:
12 Si Joel ang pinuno, at si Sepham ang ikalawa, at si Janai, at si Saphat sa Basan:
約厄耳為首,沙凡為副,其次為雅乃和巴商的沙法特。
13 At ang kanilang mga kapatid sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: si Michael, at si Mesullam, at si Seba, at si Jorai, si Jachan, at si Zia, at si Heber, pito.
按家族,他們的兄弟是:米加耳、默叔藍、舍巴、約賴、雅甘、齊雅和厄貝爾七人。
14 Ang mga ito ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri, na anak ni Jaroa, na anak ni Galaad, na anak ni Michael, na anak ni Jesiai, na anak ni Jaddo, na anak ni Buz;
他們都是阿彼海耳的子孫:阿彼海耳是胡黎的兒子,胡黎是雅洛亞的兒子,雅洛亞是基肋阿得的兒子,基肋阿得是米加耳的兒子,米加耳是耶史賽的兒子,耶史賽是雅多的兒子,雅多是步次的兒子。
15 Si Ahi na anak ni Abdiel, na anak ni Guni, na pinuno sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
古尼的孫子,阿貝狄耳的兒子阿希,是他們一家的族長。
16 At sila'y nagsitahan sa Galaad sa Basan, at sa kaniyang mga bayan, at sa lahat ng palibot ng Saron, na kasinglayo ng kanilang mga hangganan.
他們住在基肋阿得、巴商和所屬各村鎮,以及息黎雍直到邊界所有的牧場:
17 Ang lahat ng mga ito'y nangasulat sa pamamagitan ng mga talaan ng lahi sa mga kaarawan ni Jotham na hari sa Juda, at sa mga kaarawan ni Jeroboam na hari sa Israel.
以上所有的加得人,是在猶大王約堂與以色列王雅洛貝罕時代所統計的。
18 Ang mga anak ni Ruben, at ang mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases, na mga matapang na lalake na mga lalaking makadadala ng kalasag at tabak, at makapagpapahilagpos ng busog, at bihasa sa pakikipagdigma, ay apat na pu't apat na libo, at pitong daan at anim na pu na makalalabas sa pakikipagdigma.
勒烏本、加得和默納協半支派的子孫,都是英勇的軍人;能持盾操刀,善射好戰,出征上陣的人,有四萬四千七百六十。
19 At sila'y nakipagdigma sa mga Hagreo, kay Jethur, at kay Naphis, at kay Nodab.
曾同哈革爾人、耶突爾人、納菲士人和諾達布人作過戰。
20 At sila'y tinulungan sa pakikilaban sa kanila, at ang mga Hagreo ay ibinigay sa kanilang kamay, at ang lahat sa nangasa kanila: sapagka't sila'y nagsidalangin sa Dios sa pagbabaka, at kaniyang inayunan sila; sapagka't sila'y naglagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
作戰時蒙天主助佑,哈革爾人和所有聯軍都落在他們手中,因為他們作戰時呼求了天主,依賴了天主,也蒙了垂允。
21 At kanilang dinala ang kanilang mga hayop; sa kanilang mga kamelyo ay limangpung libo, at sa mga tupa ay dalawang daan at limangpung libo, at sa mga asno ay dalawang libo, at sa mga lalake ay isang daang libo.
他們掠奪了敵人的牲畜:駱駝五萬,羊二十五萬,驢二千,人口十萬。
22 Sapagka't maraming nangapatay na nangabuwal, sapagka't ang pagdidigma ay sa Dios. At sila'y nagsitahan na kahalili nila hanggang sa pagkabihag.
因有天主助戰,敵人傷亡慘重。他們居住在那地方,直到充軍的時期。[默納協半支派]
23 At ang mga anak ng kalahating lipi ni Manases ay tumahan sa lupain: sila'y nagsidami mula sa Basan hanggang sa Baal-hermon at sa Senir at sa bundok ng Hermon.
默納協半支派的子孫居住的地方,由巴商直到巴耳赫爾孟、色尼爾和赫爾孟山;他們人數眾多。
24 At ang mga ito ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng kanilang mga magulang: sa makatuwid baga'y si Epher, at si Isi, at si Eliel, at si Azriel, at si Jeremias, at si Odavia, at si Jadiel, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na mga bantog na lalake, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
他們各家的族長如下:厄斐爾、依史、厄里耳、阿次黎耳、耶勒米雅、曷達委雅和雅狄耳:都是英勇的軍人,出名的人物,家族的首領。
25 At sila'y nagsisuway laban sa Dios ng kanilang mga magulang, at yumaong sumamba sa mga dios ng mga bayan ng lupain, na nilipol ng Dios sa harap nila.
但是,他們卻背叛了自己祖先的天主,而事奉了當地人民的神,這些人民原是天主曾在他們前所消滅的。
26 At hinikayat ng Dios ng Israel ang diwa ni Phul na hari sa Asiria, at ang diwa ni Tilgath-pilneser na hari sa Asiria, at dinalang bihag sila, sa makatuwid baga'y ang mga Rubenita, at ang mga Gadita, at ang kalahati ng lipi ni Manases, at dinala hanggang sa Hala, at sa Habor, at sa Hara, at sa ilog ng Gozan, hanggang sa araw na ito.
因此,以色列的天主激起了亞述王普耳,即亞述王提革拉丕肋色爾的心,將勒烏本人、加得人和默納協半支派的人擄走,送到哈拉、哈波爾、哈辣和哥倉河一帶;他們直到今日仍在那裏。[充軍前亞郎的子孫]

< 1 Mga Cronica 5 >