< 1 Mga Cronica 4 >
1 Ang mga anak ni Juda: si Phares, si Hesron, at si Carmi, at si Hur, at si Sobal.
2 At naging anak ni Reaias na anak ni Sobal si Jahath: at naging anak ni Jahath si Ahumai; at si Laad. Ito ang mga angkan ng mga Sorathita.
3 At ito ang mga anak ng ama ni Etham: si Jezreel, at si Isma, at si Idbas: at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi:
4 At si Penuel na ama ni Gedor, at si Ezer na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ni Ephrata, na ama ni Bethlehem.
5 At si Asur na ama ni Tecoa ay nagasawa ng dalawa: si Helea, at si Naara.
6 At ipinanganak sa kaniya ni Naara si Auzam, at si Hepher, at si Themeni, at si Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara.
7 At ang mga anak ni Helea ay si Sereth, at si Jesohar, at si Ethnan.
8 At naging anak ni Coz si Anob, at si Sobeba, at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Arum.
9 At si Jabes ay bantog kay sa kaniyang mga kapatid: at tinawag ng kaniyang ina ang kaniyang pangalan na Jabes, na sinasabi, Sapagka't ipinanganak kong may kahirapan siya.
10 At si Jabes ay dumalangin sa Dios ng Israel, na nagsasabi, Oh ako nawa'y iyong pagpalain, at palakihin ang aking hangganan, at ang iyong kamay ay suma akin, at ingatan mo ako sa kasamaan, na huwag akong maghirap! At ipinagkaloob ng Dios sa kaniya ang kaniyang hiniling.
11 At naging anak ni Celub na kapatid ni Sua si Machir, na siyang ama ni Esthon.
12 At naging anak ni Esthon si Beth-rapha, at si Phasea, at si Tehinna, na ama ni Ir-naas. Ito ang mga lalake ni Recha.
13 At ang mga anak ni Cenez: si Othniel, at si Seraiah; at ang anak ni Othniel; si Hathath.
14 At naging anak ni Maonathi si Ophra: at naging anak ni Seraiah si Joab, na ama ng Geharasim; sapagka't sila'y mga manggagawa.
15 At ang mga anak ni Caleb na anak ni Jephone; si Iru, si Ela, at si Naham; at ang anak ni Ela; at si Cenez.
16 At ang mga anak ni Jaleleel: si Ziph, at si Zipha, si Tirias, at si Asareel.
17 At ang mga anak ni Ezra: si Jeter, at si Mered, at si Epher, at si Jalon; at ipinanganak niya si Mariam, at si Sammai, at si Isba, na ama ni Esthemoa.
18 At ipinanganak ng kaniyang asawang Judia si Jered, na ama ni Gedor, at si Heber na ama ni Socho, at si Icuthiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.
19 At ang mga anak ng asawa ni Odias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Esthemoa na Maachateo.
20 At ang mga anak ni Simon: si Amnon, at si Rinna, si Benhanan, at si Tilon. At ang mga anak ni Isi: si Zoheth, at si Benzoheth.
21 Ang mga anak ni Sela na anak ni Juda: si Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresa, at ang mga angkan ng sangbahayan ng nagsisigawa ng mainam na kayong lino, sa sangbahayan ni Asbea;
22 At si Jaocim, at ang mga lalake ni Chozeba, at si Joas, at si Saraph, na siyang mga nagpasuko sa Moab, at si Jasubi-lehem. At ang alaalang ito'y matanda na.
23 Ang mga ito'y mga magpapalyok, at mga taga Netaim at Gedera: doo'y nagsisitahan sila na kasama ng hari para sa kaniyang gawain.
24 Ang mga anak ni Simeon: si Nemuel, at si Jamin, si Jarib, si Zera, si Saul:
25 Si Sallum na kaniyang anak, si Mibsam na kaniyang anak, si Misma na kaniyang anak.
26 At ang mga anak ni Misma: si Hamuel na kaniyang anak, si Sachur na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak.
27 At si Simi ay nagkaanak ng labing anim na lalake at anim na anak na babae; nguni't ang kaniyang mga kapatid ay di nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.
28 At sila'y nagsitahan sa Beer-seba, at sa Molada, at sa Hasar-sual;
29 At sa Bala, at sa Esem, at sa Tholad;
30 At sa Bethuel, at sa Horma, at sa Siclag;
31 At sa Beth-marchaboth, at sa Hasa-susim, at sa Beth-birai, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa paghahari ni David.
32 At ang kanilang mga nayon ay Etam, at Ain, Rimmon, at Tochen, at Asan, limang bayan:
33 At ang lahat ng kanilang mga nayon ay nangasa palibot ng mga bayang yaon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong kanilang talaan ng lahi.
34 At si Mesobab, at si Jamlech, at si Josias na anak ni Amasias;
35 At si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraiah, na anak ni Aziel;
36 At si Elioenai, at si Jacoba, at si Jesohaia, at si Asaias, at si Adiel, at si Jesimiel, at si Benaias;
37 At si Ziza, na anak ni Siphi, na anak ni Allon, na anak ni Jedaia, na anak ni Simri, na anak ni Semaias.
38 Ang mga itong nangabanggit sa pangalan ay mga prinsipe sa kanilang mga angkan: at ang mga sangbahayan ng kanilang mga magulang ay lumaking mainam.
39 At sila'y nagsiparoon sa pasukan ng Gador, hanggang sa dakong silanganan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.
40 At sila'y nakasumpong ng mainam na pastulan at mabuti, at ang lupain ay maluwang, at tahimik, at payapa; sapagka't ang nagsisitahan nang una roon ay kay Cham.
41 At ang mga itong nangasusulat sa pangalan ay nagsiparoon sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda, at iniwasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na nangasumpungan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nagsitahan na kahalili nila: sapagka't may pastulan doon sa kanilang mga kawan.
42 At ang iba sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Simeon, na limang daang lalake, ay nagsiparoon sa bundok ng Seir, na ang kanilang mga punong kawal ay si Pelatia, at si Nearias, at si Rephaias, at si Uzziel, na mga anak ni Isi.
43 At kanilang sinaktan ang nalabi sa mga Amalecita na nakatanan, at tumahan doon hanggang sa araw na ito.