< 1 Mga Cronica 3 >
1 Ang mga ito nga ang mga anak ni David, na mga ipinanganak sa kaniya sa Hebron: ang panganay ay si Amnon, ni Achinoam na Jezreelita; ang ikalawa'y si Daniel, ni Abigail na Carmelita;
Ngayon ito ang mga anak ni David na ipinanganak sa kaniya sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel; si Daniel, ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel;
2 Ang ikatlo'y si Absalom, na anak ni Maacha na anak na babae ni Talmai na hari sa Gesur; ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Aggith;
si Absalom ang pangatlo, at si Maaca ang kaniyang ina, na anak ni Talmai na hari ng Gesur. Si Adonias ang pang-apat na anak niya kay Haguit;
3 Ang ikalima'y si Sephatias, ni Abithal; ang ikaanim ay si Itream, ni Egla na asawa niya.
si Sefatias ang pang-lima na anak niya kay Abital; si Itream ang pang-anim na anak niya kay Egla na asawa niya.
4 Anim ang ipinanganak sa kaniya sa Hebron; at doo'y naghari siyang pitong taon at anim na buwan: At sa Jerusalem ay naghari siyang tatlong pu't tatlong taon.
Ang anim na ito ay mga anak ni David na ipinanganak sa Hebron, kung saan naghari siya nang pitong taon at anim na buwan. At pagkatapos noon naghari siya nang tatlumpu't tatlong taon sa Jerusalem.
5 At ito ang mga ipinanganak sa kaniya sa Jerusalem: si Simma, at si Sobab, at si Nathan, at si Solomon, apat, ni Beth-sua na anak na babae ni Ammiel:
Ang apat na lalaking ito ay anak niya kay Bathseba na babaeng anak ni Amiel, ipinanganak ang mga ito sa Jerusalem sina: Simea, Sobab, Natan, at si Solomon.
6 At si Ibaar, at si Elisama, at si Eliphelet;
Ang iba pang siyam na anak ni David ay sina Ibaar, Elisama, Elifelet,
7 At si Noga, at si Nepheg, at si Japhia;
Noga, Nefeg, Jafia,
8 At si Elisama, at si Eliada, at si Eliphelet, siyam;
Elisama, Eliada at si Elifelet.
9 Lahat ng ito'y mga anak ni David, bukod pa ang mga anak ng mga babae; at si Thamar ay kanilang kapatid na babae.
Ito ang mga anak ni David, hindi kabilang ang mga anak niya sa kaniyang mga asawang alipin. Si Tamar ay kanilang kapatid na babae.
10 At ang anak ni Solomon ay si Roboam, si Abia na kaniyang anak, si Asa na kaniyang anak, si Josaphat na kaniyang anak;
Ang anak ni Solomon ay si Rehoboam. Ang anak ni Rehoboam ay si Abia. Ang anak ni Abia ay si Asa. Ang anak ni Asa ay si Jehoshafat.
11 Si Joram na kaniyang anak, si Ochozias na kaniyang anak, si Joas na kaniyang anak;
Ang anak ni Jehoshafat ay si Joram. Ang anak ni Joram ay si Ahazias. Ang anak ni Ahazias ay si Joas.
12 Si Amasias na kaniyang anak, si Azarias na kaniyang anak, si Jotham na kaniyang anak;
Ang anak ni Joas ay si Amasias. Ang anak ni Amasias ay si Azarias. Ang anak ni Azarias ay si Jotam.
13 Si Achaz na kaniyang anak, si Ezechias na kaniyang anak, si Manases na kaniyang anak;
Anak ni Jotam si Ahaz. Anak ni Ahaz si Ezequias. Anak ni Ezequias si Manases.
14 Si Amon na kaniyang anak, si Josias na kaniyang anak.
Anak ni Manases si Amon. Anak ni Amon si Josias.
15 At ang mga anak ni Josias: ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa'y si Joacim, ang ikatlo'y si Sedecias, ang ikaapat ay si Sallum.
Ang mga lalaking anak ni Josias: ang kaniyang panganay ay si Johahan, ang pangalawa ay si Jehoiakim, ang pangatlo ay si Sedecias, at ang pang-apat ay si Sallum.
16 At ang mga anak ni Joacim: si Jechonias na kaniyang anak, si Sedecias na kaniyang anak.
Ang anak ni Jehoiakim ay si Jeconias. Ang huling hari ay si Zedekias.
17 At ang mga anak ni Jechonias, na bihag: si Salathiel na kaniyang anak,
Ang mga anak ni Jeconias, na bihag, ay sina Selatiel,
18 At si Mechiram, at si Pedaia at si Seneaser, si Jecamia, si Hosama, at si Nedabia.
Machiram, Pedaya, Senazar, Jacamias, Hosama, at si Nedabias.
19 At ang mga anak, ni Pedaia: si Zorobabel, at si Simi. At ang mga anak ni Zorobabel; si Mesullam, at si Hananias; at si Selomith, na kanilang kapatid na babae:
Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at si Simei. Ang mga anak naman ni Zerubabel ay sina Mesulam at si Hananias; si Selomit naman ang kapatid nilang babae.
20 At si Hasuba, at si Ohel, at si Berechias, at si Hasadia, at si Jusabhesed, lima.
Ang lima pa niyang mga anak ay sina Hasuba, Ohel, Berequias, Hasadias, at si Jusab Hesed.
21 At ang mga anak ni Hananias: si Pelatias, at si Jesaias; ang mga anak ni Rephaias, ang mga anak ni Arnan, ang mga anak ni Obdias, ang mga anak ni Sechanias.
Ang mga anak naman ni Hananias ay sina Pelatias at si Jesaias. Ang kaniyang anak ay si Rephaias, at ang iba pang mga kaapu-apuhan ay sina Arnan, Obadias, at Secanias.
22 At ang mga anak ni Sechanias: si Semaias; at ang mga anak ni Semaias: si Hattus, at si Igheal, at si Barias, at si Nearias, at si Saphat, anim.
Ang anak na lalaki ni Secanias ay si Semaias. At ang mga anak ni Semaias ay sina Hatus, Igeal, Barias, Nearias, at si Safat.
23 At ang mga anak ni Nearias: si Elioenai, at si Ezechias, at si Azricam, tatlo.
Ang tatlong anak na lalaki ni Nearias ay sina Elioenai, Ezequias, at si Azricam.
24 At ang mga anak ni Elioenai: si Odavias, at si Eliasib, at si Pelaias, at si Accub, at si Johanan at si Delaias, at si Anani, pito.
Ang pitong anak na lalaki ni Elioenai ay sina Odabias, Eliasib, Pelaias, Akub, Johanan, Delaias, at si Anani.