< 1 Mga Cronica 29 >
1 At sinabi ni David na hari sa buong kapisanan, si Salomon na aking anak na siya lamang pinili ng Dios ay bata pa at sariwa, at ang gawain ay malaki; sapagka't ang templo ay hindi ukol sa tao, kundi sa Panginoong Dios.
Moreouer Dauid the King sayde vnto all the Congregation, God hath chosen Salomon mine onely sonne yong and tender, and the worke is great: for this house is not for man, but for the Lord God.
2 Akin ngang ipinaghanda ng aking buong kaya ang bahay ng aking Dios, ng ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at ng pilak na ukol sa mga bagay na pilak, at ng tanso na ukol sa mga bagay na tanso, ng bakal na ukol sa mga bagay na bakal, at ng kahoy na ukol sa mga bagay na kahoy; ng mga batong onix, at mga batong pangkalupkop, ng mga batong panggayak, at may sarisaring kulay, at ng lahat na sarisaring mahalagang bato, at ng mga batong marmol na sagana.
Now I haue prepared with all my power for the house of my God, golde for vessels of golde, and siluer for them of siluer, and brasse for things of brasse, yron for things of yron, and wood for things of wood, and onix stones, and stones to be set, and carbuncle stones and of diuers colours, and all precious stones, and marble stones in aboundance.
3 Bukod din naman dito, sapagka't aking inilagak ang aking loob sa bahay ng aking Dios, na yamang may tinatangkilik ako na aking sariling ginto at pilak, ay aking ibinibigay sa bahay ng aking Dios, bukod sa lahat na aking inihanda na ukol sa banal na bahay;
Moreouer, because I haue delite in the house of my God, I haue of mine owne golde and siluer, which I haue giuen to the house of my God, beside all that I haue prepared for the house of the Sanctuarie,
4 Sa makatuwid baga'y tatlong libong talentong ginto, na ginto sa Ophir, at pitong libong talentong dalisay na pilak upang ibalot sa mga panig ng mga bahay:
Euen three thousand talents of gold of the golde of Ophir, and seuen thousand talents of fined siluer to ouerlay the walles of the houses.
5 Ginto na ukol sa mga bagay na ginto, at pilak na ukol sa mga bagay na pilak at sa lahat na sarisaring gawain na yayariin ng mga kamay ng mga manggagawa. Sino nga ang naghahandog na kusa upang magtalaga sa Panginoon sa araw na ito?
The golde for the things of golde, and the siluer for things of siluer, and for all the worke by the handes of artificers: and who is willing to fill his hand to day vnto the Lord?
6 Nang magkagayo'y naghandog na kusa ang mga prinsipe ng mga sangbahayan ng mga magulang, at ang mga prinsipe ng mga lipi ng Israel, at ang mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, pati ng mga tagapamahala sa gawain ng hari;
So the princes of the families, and the princes of the tribes of Israel, and the captaines of thousands and of hundreths, with the rulers of the Kings worke, offred willingly,
7 At ibinigay nila sa paglilingkod sa bahay ng Dios, ay ginto, na limang libong talento, at sangpung libong dariko, at pilak na sangpung libong talento, at tanso na labing walong libong talento, at bakal na isang daang libong talento.
And they gaue for the seruice of the house of God fiue thousande talents of golde, and ten thousand pieces, and ten thousand talents of siluer, and eighteene thousand talents of brasse, and one hundreth thousand talents of yron.
8 At sila'y nangasumpungang may mga mahalagang bato ay nagsipagbigay sa kayamanan ng bahay ng Panginoon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ni Jehiel na Gersonita.
And they with whom precious stones were found, gaue them to the treasure of ye house of the Lord, by the hand of Iehiel the Gershunnite.
9 Nang magkagayo'y nagalak ang bayan, dahil sa sila'y nangaghandog na kusa, sapagka't sila'y may dalisay na puso na nangaghandog na kusa sa Panginoon: at si David naman na hari ay nagalak ng dakilang pagkagalak.
And the people reioyced when they offred willingly: for they offred willingly vnto ye Lord, with a perfite heart. And Dauid the King also reioyced with great ioy.
10 Kaya't pinuri ni David ang Panginoon sa harap ng buong kapisanan; at sinabi ni David, Purihin ka, Oh Panginoon, na Dios ng Israel na aking ama, magpakailan kailan man.
Therefore Dauid blessed the Lord before all the Congregation, and Dauid sayde, Blessed be thou, O Lord God, of Israel our father, for euer and euer.
11 Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat.
Thine, O Lord, is greatnesse and power, and glory, and victorie and praise: for all that is in heauen and in earth is thine: thine is the kingdome, O Lord, and thou excellest as head ouer all.
12 Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat.
Both riches and honour come of thee, and thou reignest ouer all, and in thine hand is power and strength, and in thine hande it is to make great, and to giue strength vnto all.
13 Kaya't ngayon, aming Dios, kami ay nagpasasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.
Now therefore our God, we thanke thee, and prayse thy glorious Name.
14 Nguni't sino ako, at ano ang aking bayan, na makapaghahandog na ganyang kusa ayon sa ganitong paraan? sapagka't ang lahat na bagay ay nangagmumula sa iyo, at ang iyong sarili ay aming ibinigay sa iyo.
But who am I, and what is my people, that we shoulde be able to offer willingly after this sort? for all things come of thee: and of thine owne hand we haue giuen thee.
15 Sapagka't kami ay mga taga ibang lupa sa harap mo, at mga nakikipamayan, gaya ng lahat naming mga magulang: ang aming mga kaarawan sa lupa ay gaya ng anino, at hindi nagtatagal.
For we are stragers before thee, and soiourners, like all our fathers: our dayes are like ye shadowe vpon the earth, and there is none abiding.
16 Oh Panginoon naming Dios, lahat ng bagay na ito na aming inihanda upang ipagtayo ka ng bahay na ukol sa iyong banal na pangalan ay nangagmumula sa iyong kamay, at iyong sariling lahat.
O Lord our God, all this abundance that we haue prepared to buylde thee an house for thine holy Name, is of thine hand and all is thine.
17 Talastas ko rin, Dios ko na iyong sinusubok ang puso, at nalulugod sa katuwiran. Sa ganang akin, sa katuwiran ng aking puso ay aking inihandog na kusa ang lahat na bagay na ito: at ngayo'y nakita kong may kagalakan ang iyong bayan na nahaharap dito, na naghahandog na kusa sa iyo.
I knowe also, my God, that thou tryest the heart, and hast pleasure in righteousnesse: I haue offred willingly in the vprightnesse of mine heart all these things: now also haue I seene thy people which are found here, to offer vnto thee willingly with ioy.
18 Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel na aming mga magulang, ingatan mo ito magpakailan man sa akala ng mga pagiisip ng puso ng iyong bayan, at ihanda mo ang kanilang puso sa iyo:
O Lord God of Abraham, Izhak and Israel our fathers, keepe this for euer in the purpose, and the thoughts of the heart of thy people, and prepare their hearts vnto thee.
19 At bigyan mo naman si Salomon na aking anak ng sakdal na puso, upang ingatan ang iyong mga utos, ang iyong mga patotoo, at ang iyong mga palatuntunan, at upang gawin ang lahat na bagay na ito, at upang itayo ang templo, na siyang aking ipinaghanda.
And giue vnto Salomon my sonne a perfit heart to keepe thy commandements, thy testimonies, and thy statutes, and to doe all things, and to builde the house which I haue prepared.
20 At sinabi ni David sa buong kapisanan, Ngayo'y purihin ninyo ang Panginoon ninyong Dios. At ang buong kapisanan ay pumuri sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang, at iniyukod ang kanilang mga ulo, at sumamba sa Panginoon, at sa hari.
And Dauid said to all the Congregation, Now blesse the Lord your God. And all the Congregation blessed the Lord God of their fathers, and bowed downe their heads, and worshipped the Lord and the King.
21 At sila'y nagsipaghain ng mga hain sa Panginoon, at nagsipaghandog sa Panginoon ng mga handog na susunugin sa kinabukasan, pagkatapos nang araw na yaon, sa makatuwid baga'y isang libong baka, at isang libong tupang lalake, at isang libong kordero, pati ng mga inuming handog na ukol sa mga yaon, at ng mga hain na sagana ukol sa buong Israel;
And they offred sacrifices vnto the Lord, and on the morowe after that day, they offered burnt offrings vnto the Lord, euen a thousande yong bullocks, a thousand rammes and a thousand sheepe, with their drinke offrings, and sacrifices in abundance for all Israel.
22 At nagkainan at naginuman sa harap ng Panginoon nang araw na yaon na may malaking kasayahan. At kanilang ginawang hari na ikalawa si Salomon na anak ni David, at pinahiran ng langis siya sa Panginoon upang maging pangulo, at si Sadoc upang maging saserdote.
And they did eate and drinke before the Lord the same day with great ioy, and they made Salomon the sonne of Dauid King the seconde time, and anoynted him prince before the Lord, and Zadok for the hie Priest.
23 Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kaniyang ama, at guminhawa; at ang buong Israel ay tumalima sa kaniya.
So Salomon sate on the throne of the Lord, as King in steade of Dauid his father, and prospered: and all Israel obeyed him.
24 At ang lahat na prinsipe at mga matapang na lalake, at ang lahat ding anak ng haring David, ay sumailalim ng kapangyarihan ng haring Salomon.
And all the princes and men of power, and all the sonnes of King Dauid submitted them selues vnder King Salomon.
25 At pinadakilang mainam ng Panginoon si Salomon sa paningin ng buong Israel, at isinakaniya ang gayong karangalang pagkahari na hindi napasa kanino mang hari na nauna sa kaniya sa Israel.
And the Lord magnified Salomon in dignitie, in the sight of all Israel, and gaue him so glorious a kingdome, as no King had before him in Israel.
26 Si David nga na anak ni Isai ay naghari sa buong Israel.
Thus Dauid the sonne of Ishai reigned ouer all Israel.
27 At ang panahon na kaniyang ipinaghari sa Israel ay apat na pung taon; pitong taon na naghari siya sa Hebron, at tatlong pu't tatlong taon na naghari siya sa Jerusalem.
And the space that he reigned ouer Israel, was fourtie yeere: seuen yeere reigned he in Hebron, and three and thirtie yeere reigned he in Ierusalem:
28 At siya'y namatay sa mabuting katandaan, puspus ng mga araw, mga kayamanan, at karangalan: at si Salomon na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
And he dyed in a good age, full of dayes, riches and honour, and Salomon his sonne reigned in his steade.
29 Ang mga gawa nga ni David na hari, na una at huli, narito, nangasusulat sa kasaysayan ni Samuel na tagakita, at sa kasaysayan ni Nathan na propeta, at sa kasaysayan ni Gad na tagakita;
Concerning the actes of Dauid the King first and last, behold, they are written in the booke of Samuel the Seer, and in the booke of Nathan the Prophet, and in the booke of Gad the Seer,
30 Pati ng buo niyang paghahari, at kaniyang kapangyarihan at ang mga panahong dinaanan niya, at ng Israel, at ng lahat ng mga kaharian ng mga lupain.
With all his reigne and his power, and times that went ouer him, and ouer Israel and ouer all the kingdomes of the earth.