< 1 Mga Cronica 25 >
1 Bukod dito'y si David at ang mga punong kawal ng hukbo ay nagsipaghiwalay sa paglilingkod ng ilan sa mga anak ni Asaph, at ni Heman, at ni Jeduthun; na magsisipuri na may mga alpa, at mga salterio, at may mga simbalo: at ang bilang ng nagsigawa ng ayon sa kanilang paglilingkod.
2 Sa mga anak ni Asaph: si Zachur, at si Jose, at si Methanias, at si Asareela, na mga anak ni Asaph; sa ilalim ng kapangyarihan ni Asaph na siyang pumuri ayon sa utos ng hari.
3 Kay Jeduthun: ang mga anak ni Jeduthun; si Gedalias, at si Sesi, at si Jesaias, si Hasabias, at si Mathithias, anim; sa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama na si Jeduthun na may alpa, na siyang pumuri na may pagpapasalamat at pagpapaunlak sa Panginoon.
4 Kay Heman: ang mga anak ni Heman: si Buccia, at si Mathania, si Uzziel, si Sebuel, at si Jerimoth, si Hananias, si Hanani, si Eliatha, si Gidalthi, at si Romamti-ezer, si Josbecasa, si Mallothi, si Othir, si Mahazioth:
5 Lahat ng mga ito'y mga anak ni Haman na tagakita ng hari sa mga salita ng Dios, upang magtaas ng sungay. At ibinigay ng Dios kay Heman ay labing apat na anak na lalake at tatlong anak na babae.
6 Lahat ng mga ito'y nangasa ilalim ng kapangyarihan ng kanilang ama sa pagawit sa bahay ng Panginoon, na may mga simbalo, mga salterio, at mga alpa, sa paglilingkod sa bahay ng Dios; sa ilalim ng kapangyarihan ng hari, sa makatuwid baga'y si Asaph, si Jeduthun, at si Heman.
7 At ang bilang nila, pati ng kanilang mga kapatid na mga tinuruan sa pagawit sa Panginoon, lahat na bihasa ay dalawang daan at walongpu't walo.
8 At sila'y nagsapalaran sa ganang kanilang mga katungkulan, silang lahat na parapara, kung paano ang maliit ay gayon din ang malaki, ang guro na gaya ng mga alagad.
9 Ang una ngang kapalaran ay kay Asaph na nahulog kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kaniyang mga kapatid at mga anak ay labing dalawa:
10 Ang ikatlo ay kay Zachur, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
11 Ang ikaapat ay kay Isri, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
12 Ang ikalima ay kay Nethanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
13 Ang ikaanim ay kay Buccia, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
14 Ang ikapito ay kay Jesarela, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
15 Ang ikawalo ay kay Jesahias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
16 Ang ikasiyam ay kay Mathanias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
17 Ang ikasangpu ay kay Simi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
18 Ang ikalabing isa ay kay Azareel, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.
19 Ang ikalabing dalawa ay kay Hasabias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.
20 Ang ikalabing tatlo ay kay Subael, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
21 Ang ikalabing apat ay kay Mathithias, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
22 Ang ikalabing lima ay kay Jerimoth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
23 Ang ikalabing anim ay kay Hananias sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
24 Ang ikalabing pito ay kay Josbecasa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
25 Ang ikalabing walo ay kay Hanani, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
26 Ang ikalabing siyam ay kay Mallothi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
27 Ang ikadalawangpu ay kay Eliatha, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
28 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Othir, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
29 Ang ikadalawangpu't dalawa'y kay Giddalthi, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
30 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Mahazioth, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa:
31 Ang ikadalawangpu't apat ay kay Romamti-ezer, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga kapatid, labing dalawa.