< 1 Mga Cronica 24 >

1 At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.
At ang pagkabahagi ng mga anak ni Aaron ay ito. Ang mga anak ni Aaron; si Nadab at si Abiu, si Eleazar at si Ithamar.
2 Nguni't si Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote.
Nguni't si Nadab at si Abiu ay namatay na una sa kanilang ama, at hindi nangagkaanak: kaya't si Eleazar at si Ithamar ang nagsigawa ng katungkulang pagkasaserdote.
3 At si David na kasama ni Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod.
At si David na kasama ni Sadoc sa mga anak ni Eleazar, at si Ahimelech sa mga anak ni Ithamar, ay siyang bumahagi sa kanila ayon sa kanilang paglilingkod.
4 At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo.
At may higit na mga pinuno na nasumpungan sa mga anak ni Eleazar kay sa mga anak ni Ithamar: at ganito nila binahagi: sa mga anak ni Eleazar ay may labing anim, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang; at sa mga anak ni Ithamar, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, walo.
5 Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar.
Ganito nila binahagi sa pamamagitan ng sapalaran, ng isa't isa sa kanila; sapagka't may mga prinsipe sa santuario, at mga prinsipe ng Dios, sa mga anak ni Eleazar, at gayon din sa mga anak ni Ithamar.
6 At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.
At si Semeias na anak ni Nathanael na kalihim, na sa mga Levita ay isinulat sila sa harapan ng hari, at ng mga prinsipe, at si Sadoc na saserdote, at ni Ahimelech na anak ni Abiathar, at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote, at ng mga Levita: isang sangbahayan ng mga magulang ay kinuha para sa kay Eleazar, at isa'y kinuha para sa kay Ithamar.
7 Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia;
Ang una ngang kapalaran ay lumabas kay Joiarib, ang ikalawa'y kay Jedaia;
8 Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;
Ang ikatlo ay kay Harim, ang ikaapat ay kay Seorim;
9 Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim;
Ang ikalima ay kay Malchias, ang ikaanim ay kay Miamim;
10 Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;
Ang ikapito ay kay Cos, ang ikawalo ay kay Abias;
11 Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania;
Ang ikasiyam ay kay Jesua, ang ikasangpu ay kay Sechania;
12 Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim;
Ang ikalabing isa ay kay Eliasib, ang ikalabing dalawa ay kay Jacim;
13 Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab;
Ang ikalabing tatlo ay kay Uppa, ang ikalabing apat ay kay Isebeab;
14 Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer;
Ang ikalabing lima ay kay Bilga, ang ikalabing anim ay kay Immer;
15 Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses;
Ang ikalabing pito ay kay Hezir, ang ikalabing walo ay kay Aphses;
16 Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel;
Ang ikalabing siyam ay kay Pethaia, ang ikadalawangpu ay kay Hezeciel;
17 Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul;
Ang ikadalawangpu't isa ay kay Jachin, ang ikadalawangpu't dalawa ay kay Hamul;
18 Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia.
Ang ikadalawangpu't tatlo ay kay Delaia, ang ikadalawangpu't apat ay kay Maazia.
19 Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
Ito ang ayos nila sa kanilang paglilingkod, upang pumasok sa bahay ng Panginoon ayon sa alituntunin na ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng kamay ni Aaron na kanilang magulang, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
20 At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.
At sa nalabi sa mga anak ni Levi: sa mga anak ni Amram: si Subael; sa mga anak ni Subael, si Jehedias.
21 Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno.
Kay Rehabia: sa mga anak ni Rehabia, si Isias ang pinuno.
22 Sa mga Isharita, si Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath.
Sa mga Isharita, si Selomoth; sa mga anak ni Selomoth, si Jath.
23 At sa mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.
At sa mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, si Jecaman ang ikaapat.
24 Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni Micha, si Samir.
Ang mga anak ni Uzziel; si Micha; sa mga anak ni Micha, si Samir.
25 Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.
Ang kapatid ni Micha, si Isia; sa mga anak ni Isia, si Zacharias.
26 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.
Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi: ang mga anak ni Jaazia: si Benno.
27 Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.
Ang mga anak ni Merari: kay Jaazia, si Benno, at si Soam, at si Zachur, at si Ibri.
28 Kay Mahali: si Eleazar, na hindi nagkaanak.
Kay Mahali: si Eleazar, na hindi nagkaanak.
29 Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.
Kay Cis: ang mga anak ni Cis, si Jerameel.
30 At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
At ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth. Ang mga ito ang mga anak ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
31 Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.
Ang mga ito nama'y nagsapalaran din na gaya ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Aaron, sa harap ni David na hari, at ni Sadoc, at ni Ahimelech at ng mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga saserdote at ng mga Levita: ang mga sangbahayan ng mga magulang ng pinuno, gaya ng kaniyang batang kapatid.

< 1 Mga Cronica 24 >