< 1 Mga Cronica 23 >

1 Si David nga ay matanda na at puspos ng mga araw: at ginawa niyang hari si Salomon na kaniyang anak sa Israel.
ודויד זקן ושבע ימים וימלך את שלמה בנו על ישראל
2 At pinisan niya ang lahat na prinsipe ng Israel, pati ang mga saserdote at ng mga Levita.
ויאסף את כל שרי ישראל והכהנים והלוים
3 At ang mga Levita ay binilang mula sa tatlongpung taon na patanda: at ang kanilang bilang, ayon sa kanilang mga ulo, lalake't lalake, ay tatlongpu't walong libo.
ויספרו הלוים מבן שלשים שנה ומעלה ויהי מספרם לגלגלתם לגברים שלשים ושמונה אלף
4 Sa mga ito, dalawangpu't apat na libo ang nagsisitingin ng gawa sa bahay ng Panginoon; at anim na libo ay mga pinuno at mga hukom:
מאלה לנצח על מלאכת בית יהוה עשרים וארבעה אלף ושטרים ושפטים ששת אלפים
5 At apat na libo ay tagatanod-pinto: at apat na libo ay mangaawit sa Panginoon na may mga panugtog na aking ginawa, sabi ni David, upang ipangpuri.
וארבעת אלפים שערים וארבעת אלפים מהללים ליהוה בכלים אשר עשיתי להלל
6 At hinati sila ni David sa mga hanay ayon sa mga anak ni Levi; si Gerson, si Coath, at si Merari.
ויחלקם דויד מחלקות לבני לוי לגרשון קהת ומררי
7 Sa mga Gersonita: si Ladan, at si Simi.
לגרשני לעדן ושמעי
8 Ang mga anak ni Ladan: si Jehiel na pinuno, at si Zetham, at si Joel, tatlo.
בני לעדן הראש יחיאל וזתם ויואל--שלשה
9 Ang mga anak ni Simi: si Selomith, at si Haziel, at si Aran, tatlo. Ang mga ito ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ni Ladan.
בני שמעי שלמות (שלמית) וחזיאל והרן--שלשה אלה ראשי האבות ללעדן
10 At ang mga anak ni Simi: si Jahath, si Zinat, at si Jeus, at si Berias. Ang apat na ito ang mga anak ni Simi.
ובני שמעי--יחת זינא ויעוש ובריעה אלה בני שמעי ארבעה
11 At si Jahath ay siyang pinuno, at si Zinat ang ikalawa: nguni't si Jeus at si Berias ay hindi nagkaroon ng maraming anak; kaya't sila'y naging isang sangbahayan ng mga magulang sa isang bilang.
ויהי יחת הראש וזיזה השני ויעוש ובריעה לא הרבו בנים ויהיו לבית אב לפקדה אחת
12 Ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, si Hebron, at si Uzziel, apat.
בני קהת עמרם יצהר חברון ועזיאל--ארבעה
13 Ang mga anak ni Amram: si Aaron at si Moises: at si Aaron ay nahiwalay, upang kaniyang ariing banal ang mga kabanalbanalang bagay, niya at ng kaniyang mga anak magpakailan man, upang magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, upang mangasiwa sa kaniya, at upang bumasbas sa pamamagitan ng kaniyang pangalan, magpakailan man.
בני עמרם אהרן ומשה ויבדל אהרן להקדישו קדש קדשים הוא ובניו עד עולם--להקטיר לפני יהוה לשרתו ולברך בשמו עד עולם
14 Nguni't tungkol kay Moises na lalake ng Dios, ang kaniyang mga anak ay ibinilang na lipi ni Levi.
ומשה איש האלהים--בניו יקראו על שבט הלוי
15 Ang mga anak ni Moises: si Gerson at si Eliezer.
בני משה גרשום ואליעזר
16 Ang mga anak ni Gerson: si Sebuel na pinuno.
בני גרשום שבואל הראש
17 At ang mga anak ni Eliezer: si Rehabia na pinuno. At si Eliezer ay hindi nagkaroon ng ibang mga anak; nguni't ang mga anak ni Rehabia ay totoong marami.
ויהיו בני אליעזר רחביה הראש ולא היה לאליעזר בנים אחרים ובני רחביה רבו למעלה
18 Ang mga anak ni Ishar: si Selomith na pinuno.
בני יצהר שלמית הראש
19 Ang mga anak ni Hebron: si Jeria ang pinuno, si Amarias ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo, at si Jecaman ang ikaapat.
בני חברון--יריהו הראש אמריה השני יחזיאל השלישי ויקמעם הרביעי
20 Ang mga anak ni Uzziel: si Micha ang pinuno, at si Isia ang ikalawa.
בני עזיאל--מיכה הראש וישיה השני
21 Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. Ang mga anak ni Mahali: si Eleazar at si Cis.
בני מררי מחלי ומושי בני מחלי אלעזר וקיש
22 At si Eleazar ay namatay, at hindi nagkaanak ng lalake, kundi mga babae lamang: at nangagasawa sa kanila ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Cis.
וימת אלעזר ולא היו לו בנים כי אם בנות וישאום בני קיש אחיהם
23 Ang mga anak ni Musi: si Mahali, at si Eder, at si Jerimoth, tatlo.
בני מושי מחלי ועדר וירמות--שלושה
24 Ang mga ito ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang doon sa mga nabilang, sa bilang ng mga pangalan, ayon sa kanilang mga ulo, na nagsigawa ng gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.
אלה בני לוי לבית אבותיהם ראשי האבות לפקודיהם במספר שמות לגלגלתם עשה המלאכה לעבדת בית יהוה--מבן עשרים שנה ומעלה
25 Sapagka't sinabi ni David, Ang Panginoon, ang Dios ng Israel ay nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayan; at siya'y tumatahan sa Jerusalem magpakailan man:
כי אמר דויד הניח יהוה אלהי ישראל לעמו וישכן בירושלם עד לעולם
26 At ang mga Levita naman ay hindi na magkakailangan pang pasanin ang tabernakulo at ang lahat na kasangkapan niyaon sa paglilingkod doon.
וגם ללוים--אין לשאת את המשכן ואת כל כליו לעבדתו
27 Sapagka't ayon sa mga huling salita ni David ay nabilang ang mga anak ni Levi, mula sa dalawangpung taong gulang na patanda.
כי בדברי דויד האחרונים המה מספר בני לוי מבן עשרים שנה ולמעלה
28 Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios;
כי מעמדם ליד בני אהרן לעבדת בית יהוה על החצרות ועל הלשכות ועל טהרת לכל קדש--ומעשה עבדת בית האלהים
29 Gayon din sa tinapay na handog, at sa mainam na harina na pinakahandog na harina, maging sa mga manipis na tinapay na walang lebadura, at doon sa niluto sa kawali, at doon sa pinirito; at sa lahat na sarisaring takalan at panakal;
וללחם המערכת ולסלת למנחה ולרקיקי המצות ולמחבת ולמרבכת ולכל משורה ומדה
30 At upang tumayo tuwing umaga na pasalamat at pumuri sa Panginoon, at gayon din naman sa hapon;
ולעמד בבקר בבקר להדות ולהלל ליהוה וכן לערב
31 At upang maghandog ng lahat na handog sa Panginoon na susunugin sa mga sabbath, sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, sa bilang alinsunod sa utos tungkol sa kanila, na palagi sa harap ng Panginoon:
ולכל העלות עלות ליהוה לשבתות לחדשים ולמעדים--במספר כמשפט עליהם תמיד לפני יהוה
32 At sila ang magsisipagingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, at ng katungkulan sa banal na dako, at ng katungkulan ng mga anak ni Aaron na kanilang mga kapatid, sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon.
ושמרו את משמרת אהל מועד ואת משמרת הקדש ומשמרת בני אהרן אחיהם--לעבדת בית יהוה

< 1 Mga Cronica 23 >