< 1 Mga Cronica 18 >
1 At pagkatapos nito'y nangyari na sinaktan ni David ang mga Filisteo, at pinasuko sila, at sinakop ang Gath, at ang mga nayon niyaon sa kamay ng mga Filisteo.
此后,大卫攻打非利士人,把他们治服,从他们手下夺取了迦特和属迦特的村庄;
2 At sinaktan niya ang Moab; at ang mga Moabita ay naging alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob.
又攻打摩押,摩押人就归服大卫,给他进贡。
3 At sinaktan ni David sa Hamath si Adarezer na hari sa Soba samantalang kaniyang itinatatag ang kaniyang kapangyarihan sa tabi ng ilog Eufrates.
琐巴王哈大利谢往 幼发拉底河去,要坚定自己的国权,大卫就攻打他,直到哈马,
4 At kumuha si David sa kaniya ng isang libong karo, at pitong libong mangangabayo, at dalawangpung libong naglalakad: at pinilayan ni David ang lahat ng mga kabayo ng mga karo, nguni't nagtira sa mga yaon ng sa isang daang karo.
夺了他的战车一千,马兵七千,步兵二万,将拉战车的马砍断蹄筋,但留下一百辆车的马。
5 At nang ang mga taga Siria sa Damasco ay magsiparoon upang magsisaklolo kay Adarezer na hari sa Soba, sumakit si David sa mga taga Siria ng dalawangpu't dalawang libong lalake.
大马士革的亚兰人来帮助琐巴王哈大利谢,大卫就杀了亚兰人二万二千。
6 Nang magkagayo'y naglagay si David ng mga pulutong sa Siria ng Damasco; at ang mga taga Siria ay naging mga alipin ni David, at nagsipagdala ng mga kaloob. At binigyan ng Panginoon ng pagtatagumpay si David saan man siya naparoon.
于是大卫在大马士革的亚兰地设立防营,亚兰人就归服他,给他进贡。大卫无论往哪里去,耶和华都使他得胜。
7 At kinuha ni David ang mga kalasag na ginto, na nangasa mga lingkod ni Adarezer, at pinagdadala sa Jerusalem.
他夺了哈大利谢臣仆所拿的金盾牌带到耶路撒冷。
8 At mula sa Thibath at mula sa Chun, na mga bayan ni Adarezer; ay kumuha si David ng totoong maraming tanso, na siyang ginawa ni Salomon na dagatdagatan na tanso, at mga haligi, at mga kasangkapang tanso.
大卫又从属哈大利谢的提巴和均二城中夺取了许多的铜。后来所罗门用此制造铜海、铜柱,和一切的铜器。
9 At nang mabalitaan ni Tou na hari sa Hamath na sinaktan ni David ang buong hukbo ni Adarezer na hari sa Soba,
哈马王陀乌听见大卫杀败琐巴王哈大利谢的全军,
10 Kaniyang sinugo si Adoram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at purihin siya, sapagka't siya'y lumaban kay Adarezer at sinaktan niya siya (sapagka't si Adarezer ay may mga pakikipagdigma kay Tou); at siya'y nagdala ng lahat na sarisaring kasangkapang ginto, at pilak, at tanso.
就打发他儿子哈多兰去见大卫王,问他的安,为他祝福,因为他杀败了哈大利谢(原来陀乌与哈大利谢常常争战)。哈多兰带了金银铜的各样器皿来。
11 Ang mga ito naman ay itinalaga ng haring David sa Panginoon, pati ng pilak at ginto na kaniyang kinuha sa lahat na bansa; na mula sa Edom, at mula sa Moab, at mula sa mga anak ni Ammon, at mula sa mga Filisteo, at mula sa Amalec.
大卫王将这些器皿,并从各国夺来的金银,就是从以东、摩押、亚扪、非利士、亚玛力人所夺来的,都分别为圣献给耶和华。
12 Bukod dito'y si Abisai na anak ni Sarvia ay sumakit sa mga Idumeo sa Libis ng Asin, ng labingwalong libo.
洗鲁雅的儿子亚比筛在盐谷击杀了以东一万八千人。
13 At naglagay siya ng mga pulutong sa Edom; at lahat ng mga Idumeo ay naging mga alipin ni David. At binigyan ng pagtatagumpay ng Panginoon si David saan man siya naparoon.
大卫在以东地设立防营,以东人就都归服他。大卫无论往哪里去,耶和华都使他得胜。
14 At si David ay naghari sa buong Israel; at siya'y gumawa ng kahatulan at ng katuwiran sa buong bayan niya.
大卫作以色列众人的王,又向众民秉公行义。
15 At si Joab na anak ni Sarvia ay nasa pamamahala sa hukbo; at si Josaphat na anak ni Ahilud ay kasangguni.
洗鲁雅的儿子约押作元帅;亚希律的儿子约沙法作史官;
16 At si Sadoc na anak ni Achitob, at si Abimelec na anak ni Abiathar, ay mga saserdote; at si Sausa ay kalihim;
亚希突的儿子撒督和亚比亚他的儿子亚希米勒作祭司长;沙威沙作书记;
17 At si Benaias na anak ni Joiada ay nasa pamamahala sa mga Ceretheo at sa mga Peletheo; at ang mga anak ni David ay mga pinuno sa siping ng hari.
耶何耶大的儿子比拿雅统辖基利提人和比利提人。大卫的众子都在王的左右作领袖。