< 1 Mga Cronica 16 >
1 At kanilang ipinasok ang kaban ng Dios, at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para roon: at sila'y nagsipaghandog ng mga handog na susunugin, at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Dios.
眾人將上帝的約櫃請進去,安放在大衛所搭的帳幕裏,就在上帝面前獻燔祭和平安祭。
2 At nang si David ay makatapos na maghandog ng handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, ay kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon.
大衛獻完了燔祭和平安祭,就奉耶和華的名給民祝福,
3 At siya'y nagbigay sa bawa't isa sa Israel, sa lalake at gayon din sa babae, sa bawa't isa ng isang tinapay, at ng isang bahaging laman, at isang binilong pasas.
並且分給以色列人,無論男女,每人一個餅,一塊肉,一個葡萄餅。
4 At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel:
大衛派幾個利未人在耶和華的約櫃前事奉,頌揚,稱謝,讚美耶和華-以色列的上帝:
5 Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas;
為首的是亞薩,其次是撒迦利雅、雅薛、示米拉末、耶歇、瑪他提雅、以利押、比拿雅、俄別‧以東、耶利,鼓瑟彈琴;惟有亞薩敲鈸,大發響聲;
6 At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios.
祭司比拿雅和雅哈悉常在上帝的約櫃前吹號。
7 Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid.
那日,大衛初次藉亞薩和他的弟兄以詩歌稱頌耶和華,說:
8 Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan; Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa.
你們要稱謝耶和華,求告他的名, 在萬民中傳揚他的作為!
9 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya; Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.
要向他唱詩、歌頌, 談論他一切奇妙的作為。
10 Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon.
要以他的聖名誇耀; 尋求耶和華的人,心中應當歡喜。
11 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang lakas; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi.
要尋求耶和華與他的能力, 時常尋求他的面。
12 Alalahanin ninyo ang kaniyang kamanghamanghang mga gawa na kaniyang ginawa; Ang kaniyang mga kababalaghan, at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
他僕人以色列的後裔, 他所揀選雅各的子孫哪, 你們要記念他奇妙的作為和他的奇事, 並他口中的判語。
13 Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod, Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili.
14 Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan.
他是耶和華-我們的上帝, 全地都有他的判斷。
15 Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali't saling lahi;
你們要記念他的約,直到永遠; 他所吩咐的話,直到千代,
16 Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, At ang kaniyang sumpa kay Isaac:
就是與亞伯拉罕所立的約, 向以撒所起的誓。
17 At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan, Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan:
他又將這約向雅各定為律例, 向以色列定為永遠的約,
18 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, Ang kapalaran ng inyong mana:
說:我必將迦南地賜給你, 作你產業的分。
19 Noong kayo'y kakaunting tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
當時你們人丁有限,數目稀少, 並且在那地為寄居的;
20 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
他們從這邦游到那邦, 從這國行到那國。
21 Hindi niya tiniis na gawan sila nino man ng kasamaan; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
耶和華不容甚麼人欺負他們, 為他們的緣故責備君王,
22 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis, At huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.
說:不可難為我受膏的人, 也不可惡待我的先知!
23 Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa, Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw.
全地都要向耶和華歌唱! 天天傳揚他的救恩,
24 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.
在列邦中述說他的榮耀, 在萬民中述說他的奇事。
25 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam: Siya rin nama'y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios.
因耶和華為大,當受極大的讚美; 他在萬神之上,當受敬畏。
26 Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan: Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit.
外邦的神都屬虛無, 惟獨耶和華創造諸天。
27 Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan.
有尊榮和威嚴在他面前, 有能力和喜樂在他聖所。
28 Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan.
民中的萬族啊, 你們要將榮耀能力歸給耶和華,都歸給耶和華!
29 Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan.
要將耶和華的名所當得的榮耀歸給他, 拿供物來奉到他面前; 當以聖潔的妝飾敬拜耶和華。
30 Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos.
全地要在他面前顫抖, 世界也堅定不得動搖。
31 Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari.
願天歡喜,願地快樂; 願人在列邦中說: 耶和華作王了!
32 Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon;
願海和其中所充滿的澎湃; 願田和其中所有的都歡樂。
33 Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon, Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa.
那時,林中的樹木都要在耶和華面前歡呼, 因為他來要審判全地。
34 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
應當稱謝耶和華; 因他本為善,他的慈愛永遠長存!
35 At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, At magtagumpay sa iyong kapurihan.
要說:拯救我們的上帝啊,求你救我們, 聚集我們,使我們脫離外邦, 我們好稱讚你的聖名,以讚美你為誇勝。
36 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sinabi ng buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon.
耶和華-以色列的上帝, 從亙古直到永遠,是應當稱頌的! 眾民都說:「阿們!」並且讚美耶和華。
37 Sa gayo'y iniwan niya roon sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, si Asaph at ang kaniyang mga kapatid upang magsipangasiwang palagi sa harap ng kaban, gaya ng kinakailangan ng gawain sa araw-araw:
大衛派亞薩和他的弟兄在約櫃前常常事奉耶和華,一日盡一日的職分;
38 At si Obed-edom pati ng kanilang mga kapatid, ay anim na pu't walo; si Obed-edom din na anak ni Jeduthun at si Asa ay upang maging mga tagatanod-pinto:
又派俄別‧以東和他的弟兄六十八人,與耶杜頓的兒子俄別‧以東,並何薩作守門的;
39 At si Sadoc na saserdote, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon sa mataas na dako na nasa Gabaon,
且派祭司撒督和他弟兄眾祭司在基遍的邱壇、耶和華的帳幕前燔祭壇上,每日早晚,照着耶和華律法書上所吩咐以色列人的,常給耶和華獻燔祭。
40 Upang maghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa Panginoon sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin sa umaga at hapon, ayon sa lahat na nangasusulat sa kautusan ng Panginoon na kaniyang iniutos sa Israel;
41 At kasama nila si Heman at si Jeduthun, at ang nalabi sa mga pinili, na nangasaysay sa pangalan upang pasalamat sa Panginoon, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man;
與他們一同被派的有希幔、耶杜頓,和其餘被選名字錄在冊上的,稱謝耶和華,因他的慈愛永遠長存。
42 At kasama nila si Heman at si Jeduthun na may mga pakakak at mga simbalo sa mangagpapatunog ng malakas, at mga may panugtog sa mga awit sa Dios: at ang mga anak ni Jeduthun upang mangalagay sa pintuang-daan.
希幔、耶杜頓同着他們吹號、敲鈸,大發響聲,並用別的樂器隨着歌頌上帝。耶杜頓的子孫作守門的。
43 At ang buong bayan ay nagsiuwi bawa't tao sa kanikaniyang bahay: at si David ay bumalik upang basbasan ang kaniyang sangbahayan.
於是眾民各歸各家;大衛也回去為家眷祝福。