< Psaltaren 137 >
1 Vid Babels floder, där sutto vi och gräto, när vi tänkte på Sion.
Kami ay naupo sa tabi ng ilog ng Babilonia at umiyak nang aming naisip ang tungkol sa Sion.
2 I pilträden som där voro hängde vi upp våra harpor.
Sa mga puno ng alamo namin isinabit ang aming mga alpa.
3 Ty de som höllo oss fångna bådo oss där att sjunga, och våra plågare bådo oss vara glada: "Sjungen för oss en av Sions sånger."
Doon ang aming mga manlulupig ay pinakanta kami, at silang mga nangutya sa amin ay inatasan kaming maging masaya, sinasabing, “Awitan niyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”
4 Huru skulle vi kunna sjunga HERRENS sång i främmande land?
Paano kami makakakanta ng isang awitin tungkol kay Yahweh sa isang dayuhang lupain?
5 Nej, om jag förgäter dig, Jerusalem, så förgäte min högra hand sin tjänst.
Jerusalem, kung aking babalewalain ang alaala mo, hayaan mo ang aking kanang kamay na makalimutan ang kaniyang kakayahan.
6 Min tunga låde vid min gom, om jag upphör att tänka på dig, om jag icke låter Jerusalem vara min allra högsta glädje.
Hayaan mo ang aking dila na kumapit sa aking ngalangala kung hindi na kita muling iisipin pa, kung hindi ko gugustuhin na ang Jerusalem ang maging aking pinakadakilang kasiyahan.
7 Tänk, HERRE, på Jerusalems dag, och straffa Edoms barn, dem som ropade: "Riven ned, riven ned det ända till grunden."
Alalahanin mo, Yahweh, kung ano ang ginawa ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem. Sinabi nila, “Wasakin ito, wasakin ito hanggang sa pundasyon nito.”
8 Dotter Babel, du ödeläggelsens stad, säll är den som får vedergälla dig allt vad du har gjort oss.
Anak na babae ng Babilonia, na malapit na ang pagkawasak— nawa ang tao ay pagpalain, kung sinuman ang magbalik ng kabayaran sa kung ano ang iyong ginawa sa amin.
9 Säll är den som får gripa dina späda barn och krossa dem mot klippan.
Nawa ang taong iyon ay pagpalain, sinuman ang kumuha at nagpira-piraso ng inyong maliliit na anak sa bato.