< Job 19 >
1 Därefter tog Job till orda och sade:
Nang magkagayo'y sumagot si Job, at nagsabi,
2 Huru länge skolen I bedröva min själ och krossa mig sönder med edra ord?
Hanggang kailan pahihirapan ninyo ang aking kaluluwa, at babagabagin ako ng mga salita?
3 Tio gånger haven I nu talat smädligt mot mig och kränkt mig utan all försyn.
Ng makasangpung ito ay pinulaan ninyo ako: kayo'y hindi nangapapahiya na nangagpapahirap sa akin.
4 Om så är, att jag verkligen har farit vilse, då är förvillelsen min egen sak.
At kahima't ako'y magkamali, ang aking kamalian ay maiwan sa aking sarili.
5 Men viljen I ändå verkligen förhäva eder mot mig, och påstån I att smäleken har drabbat mig med skäl,
Kung tunay na kayo'y magpapakalaki laban sa akin, at ipakikipagtalo laban sa akin ang kakutyaan ko:
6 så veten fastmer att Gud har gjort mig orätt och att han har omsnärjt mig med sitt nät.
Talastasin ninyo ngayon na inilugmok ako ng Dios, at inikid ako ng kaniyang silo.
7 Se, jag klagar över våld, men får intet svar; jag ropar, men får icke rätt.
Narito, ako'y humihiyaw dahil sa kamalian, nguni't hindi ako dinidinig; ako'y humihiyaw ng tulong, nguni't walang kahatulan.
8 Min väg har han spärrat, så att jag ej kommer fram, och över mina stigar breder han mörker.
Kaniyang pinadiran ang aking daan upang huwag akong makaraan, at naglagay ng kadiliman sa aking mga landas.
9 Min ära har han avklätt mig, och från mitt huvud har han tagit bort kronan.
Hinubaran niya ako ng aking kaluwalhatian, at inalis ang putong sa aking ulo.
10 Från alla sidor bryter han ned mig, så att jag förgås; han rycker upp mitt hopp, såsom vore det ett träd.
Kaniyang inilugmok ako sa bawa't dako, at ako'y nananaw: at ang aking pagasa ay binunot niyang parang punong kahoy.
11 Sin vrede låter han brinna mot mig och aktar mig såsom sina ovänners like.
Kaniya rin namang pinapagalab ang kaniyang pagiinit laban sa akin, at ibinilang niya ako sa kaniya na gaya ng isa sa kaniyang mga kaaway,
12 Hans skaror draga samlade fram och bereda sig väg till anfall mot mig; de lägra sig runt omkring min hydda.
Ang kaniyang mga hukbo ay dumarating na magkakasama, at ipinagpatuloy ang kanilang lakad laban sa akin, at kinubkob ang palibot ng aking tolda.
13 Långt bort ifrån mig har han drivit mina fränder; mina bekanta äro idel främlingar mot mig.
Inilayo niya ang aking mga kapatid sa akin, at ang aking mga kakilala ay pawang nangiba sa akin.
14 Mina närmaste hava dragit sig undan, och mina förtrogna hava förgätit mig.
Ang aking mga kamaganak ay nangagsilayo, at nilimot ako ng aking mga kasamasamang kaibigan.
15 Mitt husfolk och mina tjänstekvinnor akta mig såsom främling; en främmande man har jag blivit i deras ögon.
Silang nagsisitahan sa aking bahay, at ang aking mga lingkod na babae, ay ibinibilang akong manunuluyan; ako'y naging kaiba sa kanilang paningin.
16 Kallar jag på min tjänare, så svarar han icke; ödmjukt måste jag bönfalla hos honom.
Aking tinatawag ang aking lingkod, at hindi ako sinasagot, bagaman sinasamo ko siya ng aking bibig.
17 Min andedräkt är vidrig för min hustru, jag väcker leda hos min moders barn.
Ang aking hininga ay iba sa aking asawa, at ang aking pamanhik sa mga anak ng tunay kong ina.
18 Till och med de små barnen visa mig förakt; så snart jag står upp, tala de ohöviskt emot mig.
Pati ng mga bata ay humahamak sa akin; kung ako'y bumangon, sila'y nangagsasalita ng laban sa akin:
19 Ja, en styggelse är jag för alla dem jag umgicks med; de som voro mig kärast hava vänt sig emot mig.
Lahat ng aking mahal na kaibigan ay nangayayamot sa akin: at ang aking minamahal ay nagsipihit ng laban sa akin,
20 Benen i min kropp tränga ut i hud och hull; knappt tandköttet har jag fått behålla kvar.
Ang aking buto ay dumidikit sa aking balat at sa aking laman, at ako'y nakatanan ng sukat sa balat ng aking mga ngipin.
21 Haven misskund, haven misskund med mig, I mina vänner, då nu Guds hand så har hemsökt mig.
Mahabag kayo sa akin, mahabag kayo sa akin, Oh kayong mga kaibigan ko; sapagka't kinilos ako ng kamay ng Dios,
22 Varför skolen I förfölja mig, I såsom Gud, och aldrig bliva mätta av mitt kött?
Bakit ninyo ako inuusig na gaya ng Dios. At hindi pa kayo nasisiyahan sa akin laman?
23 Ack att mina ord skreves upp, ack att de bleve upptecknade i en bok,
Oh mangasulat nawa ngayon ang aking mga salita! Oh mangalagda nawa sa isang aklat!
24 ja, bleve med ett stift av järn och med bly för evig tid inpräglade i klippan!
Ng isa nawang panulat na bakal at tingga, na mangaukit nawa sa bato magpakailan man!
25 Dock, jag vet att min förlossare lever, och att han till slut skall stå fram över stoftet.
Nguni't talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
26 Och sedan denna min sargade hud är borta, skall jag fri ifrån mitt kött få skåda Gud.
At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma'y makikita ko ang Dios sa aking laman:
27 Ja, honom skall jag få skåda, mig till hjälp, för mina ögon skall jag se honom, ej såsom en främling; därefter trånar jag i mitt innersta.
Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
28 Men när I tänken: »huru skola vi icke ansätta honom!» -- såsom vore skulden att finna hos mig --
Kung inyong sabihin: paanong aming pag-uusigin siya? Dangang ang kadahilanan ay nasusumpungan sa akin;
29 då mån I taga eder till vara för svärdet, ty vreden hör till de synder som straffas med svärd; så mån I då besinna att en dom skall komma.
Mangatakot kayo sa tabak: sapagka't ang kapootan ang nagdadala ng mga parusa ng tabak, upang inyong malaman na may kahatulan.