< Rut 3 >

1 Och Naemi hennes svära sade till henne: Min dotter, jag vill komma dig till ro, så att du skall må väl.
At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng kapahingahan, na ikabubuti mo?
2 Den samme Boas, vår skyldman, när hvilkens pigor du varit hafver, kastar i denna nattene korn på sin loga.
At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan.
3 Så två dig, och smörj dig, och drag din kläder uppå, och gack neder till logan, så att ingen känner dig, tilldess han hafver ätit och druckit.
Maligo ka nga, at magpahid ka ng langis, at magbihis ka at bumaba ka sa giikan: nguni't huwag kang pakilala sa lalake, hanggang siya'y makakain at makainom.
4 När han då lägger sig, så märk till, hvar han lägger sig, och kom och lyft upp kläden vid hans fötter, och lägg dig, så varder han dig väl sägandes, hvad du göra skall.
At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin.
5 Hon sade till henne: Allt det du säger mig, vill jag göra.
At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin.
6 Hon gick neder till logan, och gjorde allt såsom hennes svära henne budit hade.
At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan.
7 Och då Boas hade ätit och druckit, vardt hans hjerta gladt, och kom och lade sig bakom en kornskyl; och hon kom sakta, och lyfte upp kläden vid hans fötter, och lade sig.
At nang si Booz ay makakain at makainom, at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga.
8 Vid midnattstid vardt mannen förfärad, och tog om sig, och si, en qvinna låg vid hans fötter.
At nangyari, sa hating gabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan.
9 Och han sade: Ho äst du? Hon svarade: Jag är Ruth din tjenarinna, sträck ut din vinga öfver dina tjenarinno; ty du äst arfvingen.
At sinabi niya, Sino ka? At siya'y sumagot, Ako'y si Ruth, na iyong lingkod: iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay malapit na kamaganak.
10 Han sade: Välsignad vare du Herranom, min dotter, du hafver sedermer gjort en bättre barmhertighet än tillförene, att du icke hafver gångit efter ynglingar, rika eller fattiga.
At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.
11 Nu, min dotter, frukta dig intet; allt det du säger, vill jag göra dig; förty hela staden af mitt folk vet, att du äst en dygdesam qvinna.
At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait.
12 Det är sant, att jag är arfvingen, men en annar är närmer än jag.
At tunay nga na ako'y kamaganak na malapit; gayon man ay may kamaganak na lalong malapit kay sa akin.
13 Blif i natt; i morgon om han tager dig, är så godt; lyster honom ock icke taga dig, så vill jag taga dig, så visst som Herren lefver. Sof intill morgonen.
Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni't kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan.
14 Och hon sof intill morgonen vid hans fötter; och hon stod upp, förra än någor den andra känna kunde och han sade: Låt icke uppenbart varda, att någon qvinna är kommen till logan;
At siya'y nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan: at siya'y bumangong maaga bago magkakilala ang isa't isa. Sapagka't kaniyang sinabi, Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan.
15 Och sade: Räck hit din mantel, som du hafver uppå, och håll honom fram; och hon höll honom fram, och han mälte sex mått korn, och lade på henne. Och han kom i staden.
At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya'y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya'y pumasok sa bayan.
16 Men hon kom till sina sväro; den sade: Huru går det med dig, min dotter? Och hon sade henne allt det mannen hade gjort henne;
At nang siya'y pumaroon sa kaniyang biyanan, ay sinabi niya, Ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake.
17 Och sade: Dessa sex mått korn gaf han mig; ty han sade: Du skall icke komma med tomma händer till dina sväro.
At sinabi niya, Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin; sapagka't kaniyang sinabi, Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan.
18 Hon sade: Låt oss bida, min dotter, tilldess du får se hvartut det vill; ty mannen vänder icke igen, med mindre han gör der i dag en ända med.
Nang magkagayo'y sinabi niya, Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagka't ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito.

< Rut 3 >